Wherever You Are (A Lesbian...

Autorstwa stormlhaine12

109K 2.5K 237

Hello po kamusta kayo?hmm eneweis ngayon palang ako sinipag isulat ang story na ginawa ko . Sa totoo lang me... Więcej

Chapter 1 Unfounded Dream
Chapter 2 Our First Met?
Chapter 3 Wierd Feelings
Chapter 4 First Dance
Chapter 5 She makes me HAPPY ;)
Chapter 6 She's Out Of My League
AUTHOR'S NOTE
Chapter 7 Falling For Her
Chapter 8 I Have To Revealed
Chapter 9 The Revelations
Chapter 10 My Poging Manliligaw ;)
Chpater 11 The Surprices
Chapter 12 YES <3
Chapter 13 It's All About Love
Chapter 14. Nakakaselos kaya !!
Chapter 15 Barkada Bonding
Chapter 16 Bonfire Kantahan
Chapter 17 Happy Monthsary myLabbsss <3
Chapter 18 I Hate That Girl !!!
Chapter 19 Last Day Of Bonding
Chapter 20 Tunay na Pagkatao ...
Chapter 21 Itinagong Lihim
Chapter 22 Ang Trahedya !!!
Chapter 23 Ang Pagbabalik
Author's Note Part 2
Chapter 24 Mga Gunita
Chapter 25 Ang Magbestfriend
Chapter 26 Karibal o Superhero ???
Chapter 27 Bagong Yugto
Chpater 28 Prom Night
Chpater 29 My MVP Bestfriend <3
Chapter 30 The Graduation
Chapter 31 Plan for College
Chapter 32 College Life
Chapter 33 The Brattgirl and The Nerd
Chapter 34 Ang Galit ni Raffy !!!
Chapter 35 Thursday Sickness <3
Chapter 36 Twin Buddy :))
Chapter 37 Nakakatampo Na </3
Chapter 38 Sorry Na Pwede Ba ???
Chapter 39 Give LOVE on Christmas Day <3
Chapter 40 Plan For My Début
Chapter 41 The Day Before Her Birthday <3
Chapter 42 Isaeyahh Lienelle @ 18
Chapter 43 Best in Me <333
Chapter 44 Paano Kung ...???
Chapter 45 Always Be Your's <333
Chapter 46 Fight for LOVE
Chapter 47 Sweet Escape
Chapter 48 Ang Pagkawala ...
Chapter 49 Ang Totoong Nangyari
Author's Note Part 3
Chapter 51 Ang Pag-aalinlangan
Chapter 52 Ang Kasakiman !!!
Chapter 53 Ang Naging Dulot Nito
Chapter 54 Ang Paghihintay
Chapter 55 Ang Pangungulila ;((
Chapter 56 Ang Paglalakbay .....
Chapter 57 Panibagong Buhay ...
Chapter 58 Ang Pagtanggap ;)))
Chapter 59 Ang Pagtupad sa Pangako ;)))
Chapter 60 The Vows
Bonus Chapter Our FOREVER <333

Chapter 50 Goodbye Batanes ...

856 24 1
Autorstwa stormlhaine12

  
 

  hello po ,eto ulet ang another chapter para sa inyo thank you pala sa bago kong follower ..hihi

  pero bago tayo magpatuloy ay may gusto lang ako ishare sa inyo ,pakiplay po yung nasa media ..well wala naman kinalaman yan sa chapter na ito pero grabe yung kilig na naramdaman ko dyan ..hihi

  alam nyo yung hindi ako nagkamali na ang tambalan nila yung napili kong maging cover ng first story ko ,kase iba yung dating ehh ..hmm

  well bihira kase ang loveteam na talagang nagugustuhan ko yung tipong halos kabaliwan ko ,the last time na nakaramdam ako nang ganitong kilig ay sa aldub pa (pero dina ako gaano mahilig sa kanila ngayon hehe)nung nagpunta si Alden kila yaya dub ,kung fan nila kayo siguro naalala nyo??yung unang selfie nila ..haha bsta yun ..dun ako kinilig nang kagaya nito ,.

  kaya habang pinapanuod ko ito talagang napa omg ako.as in haha .hihi so gay ko nanaman ,anyway ang cute kase talaga nilang tingnan ehh ..

  saka yung flow nang story ko ay bumagay din sa personality nilang dalawa ,diko naman talaga inexpect na ganito eh ,kase naumpisahan kuna ito isulat bago ko natuklasan yung loveteam nila so ayun nga mukang maganda naman ang kinalabasan ,and sana nga hanggang ending ay wag kayo bumitiw sa kanila ano man ang mangyari ,..hmm

  ayoko din sana mag assume pero sana ang lovestory nila ay maging history sa mundo nang wattpad ..

anyway thank you ho ulet ;))

ou nga pala ,pov parin ito nang ibang character ah ..nxt chapter nalang yung kila Raffy ;))

sya ituloy na natin ..





   Ernes POV

 

   "grabe napakaganda naman pala talaga nang lovestory nyo ehh ..akalain nyo yun halos daigin nyo sila Romeo and Juliette ..at talaga namang nakatadhana talaga kayo para sa isa't isa ,kase biruin nyo ha sa dami nang mga pinagdaanan nyo pero eto kayo nananatiling matatag at magkasama may paghangang wika ni Angela ..

   Well tama nga naman talaga sya ,dahil ako man ay humahanga din sa lovestory nila Mayo at Shiela..ohh mas tamang Raffy at Lienelle ,dahil iyon pala ang mga tunay nilang pangalan ..Naikwento narin kase nila samin kung paano sila nagsimula bilang matalik na magkaibigan hanggang sa nagkadebelopan na nga silang dalawa kalaunan .hayy ..

   Habang nagkukwento sila kanina ay sobrang kinikilig ako ,hindi naman ako ganoon karomantikong tao pero kahit naman sino siguro ay maiinspire sa kwento nila..Talaga kaseng ramdam mo yung pagmamahal habang nagkukwento sila ,yun bang ramdam mong walang kulang basta kasama nila ang bawat isa..hihi

   Dahil din sa kwento nila ay doon nako naniniwala sa tunay na kapamgyarihan nang pag-ibig ,dahil kaya nitong hamakin ang lahat,at kung kayo talaga ang nakatadhana kahit ano pa ang mangyari or magkahiwalay man kayo ay muli kayong magtatagpo ,makalimot man kayo nang pansamantala ay hindi yun hadlang dahil ang puso ay hindi kailanman nagkakamali lalo na kung totoo ang tibok nito ..

   Iyan ang nangyari kila Raf at Lin ,naaksidente sila ,naglahiwalay ,nawalan nang ala ala ,pero nang magkita sila ay muling nakilala nang mga puso nila ang bawat isa ,hindi ang galing parang magic ..Sabagay sabi nga sa isang kasabihan .. "The greatest magic is the power of love" kaya naman naniniwala nako dyan dahil napatunayan na nila ..

   Saka napansin korin kase na unang kita palang nila ay parang may kakaiba na sa kanila ,yan kase ang napupuna ko noon ,parang may kakaibang kislap sa kanilang mga mata..kaya ngayon naunawaan kuna ,yun pala ang ibig sabihin nun kase dati na pala silang nagmamahalan ..hmm

   "ganoon kase namin talaga kamahal ang isa't isa ..nakahanda kaming lumaban nang sabay ..ou tumakas kami sa problema kaya kami napadpad dito ,pero masyado kase kaming naipit sa sitwasyon ehh paliwanag ni Raffy ..

   " pero teka lang ha ..diba sabi nyo ay nagkaroon nang alitan ang mga parents nyo ??tingin nyo okay na kaya sila ??i mean nagkaayos na kaya sila ??pagtatanong ni Myla ..

   "hindi korin alam ,pero sana ay maayos na ang lahat..sana rin ay matanggap na kami ni dad ,sagot naman ni Lienelle ..

  " kung ano man ang mangari sana ay manatili kayong maging matatag ,alam ko naman kaya nyo yan eh ,..ngayon paba kayo bibitiw ??saad ko naman ..

  "ou naman ..walang iwanan saming dalawa ,dahil mahal na mahal ko yung prinsesa ko sagot naman ni Raffy habang nakatitig sa mga mata ni Lienelle ..

   " my ghaadddd kinikilig naman ako sa inyong dalawa sobra nayan ,nilalanggam na tayo dito ohh wika ni Myla sabay kunwaring nagpapatay nang langgam ..

  "palibhasa kase wala kang lovelife kaya inggit kalang ..pang aasar ni Biboy ..

  " naku !!! nagsalita ang may shota ..hoy mister Baboy atlease ako hindi bitter na kagaya mo bawi naman nang isa ,at ayun na nga nagpalitan na sila nang asaran ,..para nanamang mga aso at pusa ..haha

   Nandito nga pala kami ngayon sa gilid nang dalampasigan ,sinusulit kase namin ang pagkakataon ,dahil ngayon na ang huling araw nila Mayo/Raffy dito sa Batanes ..kaya naman sobrang mamimiss ko sila ,.Nasanay narin kass ako na palagi kong kasama si Mayo eh ..ay Raffy pala hayyy iba talaga kapag nasanay ka sa isang bagay na permanente lang pala ..

    Mula rin kase nang dumating samin si Raf ay talaga naman napakasaya ko ..dahil parang muli akong nagkaroon nang kapatid ,..Naging magkasundo rin kase talaga kami sa napakaraming mga bagay eh ,tapos palagi pa kaming magkasama tinutulungan nya din ako kapag may mga sorpresa ako kay Angela ..Kaya pala ang dami nyang alam na sorpresa kase ganoon pala sya kay Lienelle noon naikwento nya kase yung mga ginagawa nya dati ,mula sa surprice nya nung bago daw magbirthday si Lienelle hanggang noong nagpropose sya at nang monthsary sila ..grabe nga ehh napakamaeffort na tao pala nya ..hihi

   Pero nakakalungkot dahil bukas ay aalis na sila ,kaya kailangam kuna ulet masanay na nag iisa ma ulet ako ,kailangan kong tanggapin ang katotohanan na wala nakong pwedeng iturin na kapatid na makakasundo ko sa lahat nang bagay..sobrang magkaparehas kase kami ni Mayo ,..ayy Raffy nga pala .haha ..

   Sa limang buwan kase na magkasama kami ay talaga namang palagi kaming nagkakasundo,parehas kase kami nang ugali ,kaya sobrang mamimiss ko sya ehh ..Ayoko sana silang umalis pero may sarili silang mga buhay na dapat balikan at may mga pamilya silang naghihintay sa kanila ...

   Nakakalungkot lang talaga dahil tapos na ang mga oras nang pamamalagi nya dito samin ,sa totoo lang medyo nahiya nga ako kay Raffy ehh ,hinayaan ko kase syang mangisda ,magtinda sa palengke ,mag igib at magsibak nang kahoy ..samantalang napakayaman nya pala ,sabagay halata rin naman kase sa kutis nya ehh ..Pero sa kabilang banda ay humahanga ako sakanya ,dahil kailanman ay hindi sya nagreklamo ,..natuto syang makibagau samin ,pinag aralan nyang  gawin ang lahat nang gawaing bahay ..

   Nakakahiya lang din dahil sa taas nang estado nya sa buhay ay nakaranas sya nang hirap nang mapunta sya samin,pero nakikita ko naman na mabuting tao talaga sya ..at hindi sya yung mapagmataas ,napansin ko kase iyon nang minsang may makasalubong kaming mga batang lansangan ,ibinigay nya kase yung pagkain nya sa mga bata,kahit na alam kong nagugutom din sya nang mga panahong iyon,ang katwiran nya ay kaya nya pa naman daw magtiis pero ang mga bata kawawa kaliliit pa naman nila ..

   Napakabait nya talaga ,kaya siguro ganoon sya kamahal ni Lienelle,at kahit narin nalaman nya na galing sya sa kilalang pamilya ay walang nagbago sakanya ,mapagkumbaba parin sya ..Sya parin ang Mayo na naging kaibigan namin ,hindi sya naging mapagmataas ..Panay pa nga ang pasasalamat nya samin dahil daw kinupkop namin sya ..hayyy mamimiss ko talaga sya ,para tuloy akong malalayo sa kapatid ko ..












   Angela's POV

  Bukas na ang balik nila Raffy sa maynila ..kaya naman napagpasyahan naming nagbanding muna dito sa gilid nang dalampasigan ,kasama ang barkada ,at masaya nga kaming nagkwentuhan dito ,.Isinalaysay nila Raffy at Lienelle ang kanilang lovestory at talaga namang kinilig ako nang bongga sa kanilang dalawa ..akalain nyo yun ,magkababata pala sila at naging kalaro din nila si Anton noon ,tapos mga bata palang pala sila Raf at Anton ay pinag aagawan na nila si Lin ,hayy nakakatuwa naman ..haha ang liit talaga nang mundo ..

   Habang sinasalaysay nga nila ang kanilang kwento ay talaga namang nakatutok kaming lahat at sigurado akong kinilig din ang mga kasama ko,para naman kasenf yung mga story na naabasa ko sa pocketbook ,grabe talagang ramdam ko kung gaano talaga nila kamahal ang bawa isa at kung hanggang saan nila kayang lumaban kahit pa dumating pa punto pa mismong magulang nila ang tumutol nagawa nilang sumuway mapatunayan lang na nagmamahalan talaga sila ,para sakin matapang sila ,hindi ko masasabing tama ang sumuway sa magulang pero ganun naman tayo kapag nagmahal diba ,kahit mali kahit hindi pwede ipipilit natin dahil doon tayo sasaya ..kaya bilib talaga ako sa kanilang dalawa ..

  Ang nakakakilig pa ay hindi hinayaan nang tadhana na tuluyan silang magkalayo ..bagkusay ay pinagtagpo pa sila nito kahit pa parehas silang walang maalala ,..Grabe pwede pala talagang mangyari ang ganoon ..yung may makikilala kang tao ,mapapalapit sayo mamahalin mo tapos bigla mo nalang malalaman na parti pala talaga sya nang pagkatao mo..yung mahal na mahal mo pala talaga sya dati pa .

   Ibig sabihin nun ay sila pala talaga ang nakatadhana..sadyang totoo nga din ang sinasabi nila na maaring makalimot ang isip pero ang puso ay hindi kailanman ,dahil nanatiling kilala nang mga puso nila ang bawat isa ..

   Nakakatuwa nga ej ,kase yung palaging napapanaginipan ni Mayo noon ay walang iba kundi.si Sheila dinpala,imean si Lienelle ang nag iisang babaeng mahal na mahal nya ..hayy sana talaga ay may happy ending nang naghihintay sakanila sa maynila ..

   Sa totoo lang ay malungkot ako na masaya ngayon.,malungkot dahil kailangan na nilang umalis dito sa Batanes ,sobra ko talaga silang mamimiss,yung mga bonding namin ,kwentuhan namim ni Lienelle tungkol sa mga nangyayari samin sa araw araw lahat iyon ay mamimiss ko ..

   Alam.korin naman na dadating talaga ang panahong ito eh ,sa totoo nyan ay alam korin naman talaga kung saan galing si Shiela eh ,na Lienelle nga ang tunay na pangalan ..ang hindi kulang alam ay parehas pala sila nang pinanggalingan ni Raffy..Well nakiusap kase sakin si tatay na ilihim ko ang nalalaman kokaya yun nga ang ginawa ko ,pinalabas naming pinsan ko sya at nang inamim ko naman sakanya yun ay naoatawad nya naman ako agad ..naunawaan nya daw kase ..hayy ang bait nya talaga ..

   Masaya naman ako dahil sa wakas ay nagbalik na ang kanilang mga ala ala na limang buwan ding nawala sakanila ,at higit sa lahat ay masaya ako dahil makakabalik na sila sa kanilang pinagmulan,sana nga lamg talaga ay maging maayos na ang lahat at wala na silang maging problema sa pagbabalik nila sa kanilang pamilya ..

  Kinabukasan ay maaga kaming nagtungo sa airport ngayon na kase ang pag alis nila Raffy at Lienelle,ihahatid sila nila kuya Kiko at tatay sa maynila,kaya naman nakiysap kami na sumama kahit hanggang sa airport lang at oumayag naman sila tatay kaya present ang buing barkada at si Anton naman ang nagdruve nang van papunta dito ..

   "couz,babakik kayo dito ha ..kqpag okay na ang lahat ,wika ko kay Lienelle sabay akap ..nasanay na talaga akong tawagin.syang couz hayy. .

  " ou naman ,promise baalik kami dito sagot naman nya sabay akap din sakin ..

  "teka nga guys bat kayo lang ,group hug naman tayo wika naman ni Emil at mag akapan na nga kaming lahat ..

  " tol wag mong sasaktan si Angela ha ,pag ginawa mo yun lagot ka sakin ..wika ni Raff kay Ernes ..sabay akap ,.

  "ou naman tol,mahal na mahal ko kaya ito ,ikaw din wag mo pababyaan si Lienelle ha ,sagot naman ni Ernes kinilig tuloy ako hihi ..

  " ou naman tol kase mahal na mahal kudin sya ,..at ikaw naman Emil ..wag nang torpe brad ..tingnan moko ,sino bang mag aakala na ang best friend ko noon ay girlfriend kuna ngayon ..kaya moyan tiwala lang wika naman nya kay Emil at ngumiti lang naman yung isa lalo tuloy sya nawalan nang mata si Regine naman ay biglang namula haha ..

  "ou nga pala tol ,antayin kita sa manila ha ..may usapan pa tayo na kailangan mong tuparin wika ni Raf kay Anton at nag akapan din sila ..

   Samantala ,tinawag na ang flight nila kaya naman muli pa kaming nag group hug bago sila tuluyang nagpaalam at nagcheck in kasama sila kuya kiko at tatay ,kami naman ay umuwi narin nang masilayan naming lumipad ma ang sinasakyan nilang eroplano ..

   Hayy sana ay maging mapayapa ang pagbabalik nila nang maynila ..




   A/N

  yown nakaalis na sila ..ano na nga kaya ang mangyayari ??hmmm

  ten chapters to go ...

  keep supporting ho salamat ;)))

  *stormlhaine12

Czytaj Dalej

To Też Polubisz

53.4K 3.3K 61
"What if, one day when you wake up you have a child with your long time crush?" Christian Dale as an Inter-dimentional Traveller!! Came from Are You...
298K 16.2K 29
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
70.8K 2.8K 32
True love is selfless. It is prepared to sacrifice.
7.7M 228K 55
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...