Look at this Richest Man (Boo...

By JasonBartolome

244K 7.4K 1.2K

Book 3 of LATRM. More

Book 3
1. #Changes
2. #ThePast
3. #FamilyPlanning
4. #Exlover
5. #YvanLandiza
6. #WaitingForYou
7. #TruthHurts
9. #LastAnniversary
10. #BirthdayParty
11. #SeeHimAgain
12. #WhatHappened
13. #Secrets
14. #UnlimitedChances
15. #LetsTalk
16. #TryAgain
17. #FindingRebound
18. #OneMoreTime
19. #WeddingPlan
20. #NextStep
21. #MovingOn
22. #SecretRevealed
23. #Confrontation
24. #Forgiveness
25. #LoveWaits
26. #BabySitter
27. #JanusGeronillo
28. #BantaySalakay
29. #GettingFacts
30. #FATHERsLOVE
31. #JanusBirthday
32. #Please
33. #HisRight
34. #BEINGaFather
35. #TheirPlans
36. #Eskapo
37. #NewLife
38. #ForJanus
39. #Surname
40. #FontanaResort
41. #YMK
42. #LOST
43. #GoingHome
44. #Decisions
45. #LetHerGo
46. #ChooseOne
47. #WeddingDay
48. #TakeHimBack
49. #OurHome
50. #LastChapter
Bonus Chapter

8. #Lexi&Alexa

4.6K 139 13
By JasonBartolome

Chapter 8

YVAN's POV.

"Ang dami naman nitong inorder mo, patatabain mo ba ako?" Reklamo ni Lexi nang pumunta kami sa isang restaurant para kumain.

"Sinabi ko bang ikaw ang kumain lahat? Nagugutom ako," sagot ko.

Nag-pout naman sya. "Ang sungit naman nito."

Nagsimula naman na kaming kumain. "Teka nga, hindi mo pa sinasabi sa akin kung bakit bigla ka nalang bumalik dito sa Pilipinas. Tapos na ba yung medication mo?"

"Tapos na."

"M-Magaling ka na?"

Ngumiti sya sa akin. "Hindi pa. Pero kahit paano okey naman na daw ako."

"Edi sana tinapos mo na sana hanggang sa gumaling ka na."

"Anong magagawa ko? Heto nga ang payo sa akin ng doktor ko. Mas makabubuting bumalik na muna ako dito kasi naninibago daw ako sa klima nila doon sa Australia."

"Bakit wala kang pasabi? Edi sana nasundo kita sa airport."

Ngumiti sya sa akin. "Gusto kitang i-surprise eh."

"Ang dami mong alam."

"Bakit ba napakasuplado mo? Hayyss.. na-miss pa naman kita."

Napangiti naman ako sa kanya. "Saka nga pala, kailan mo balak magpakita sa inyo? Tawag ng tawag sa akin mama mo, nakikibalita kung napano ka na."

"W-Wala na akong balak bumalik doon," malungkot nyang sabi.

"Tsk. Eh anong plano mo?"

"Kapag medyo nakapag-ipon ako, kukunin ko na si mama sa probinsya tapos dito na kami titira. Ano pa't babalik ako doon? Eh ang alam ng lahat doon sa amin, patay na ako."

"Ewan ko ba naman kasi sayo kung anong pumasok sa isip mo para ipabalita sa lahat na patay ka na. Ang dami mong kalakohan eh."

"Uy, wag ka nang magalit. Nagawa ko lang naman yun para kalimutan ang lahat sa nakaraan ko eh."

"Alam mo na na pwede kang makasuhan dyan sa ginagawa mo?"

"B-Bakit? Wala naman akong pinagkakautangan ah."

"Meron...ako."

Napakagat sya sa labi dahil sa hiya. "Ahehe.. oo nga pala, magkano na ba ang utang ko sayo? 350,000 pesos na ba?"

Tumingin ako sa kanya. "More than that."

"I-Ikaw naman kasi eh, sabi ko naman kasi sayo, dito nalang ako sa Pilipinas magpagamot eh. Ikaw lang naman ang nagtulak sa akin na magpagamot sa Australia. Ayan tuloy, lumubo na ng ganun kalaki ang utang ko sayo."

Tumingin ako ng seryoso sa kanya. "Sinisingil ba kita?"

"Kahit pa, syempre gusto ko pa rin na bayaran yun. Kahit pa barya nalang sayo ang ganun kalaking pera. Wag kang mag-alala, maghahanap ako ng trabaho bukas."

"Hindi na kailangan, magpahinga ka nalang sa bahay. O di naman kaya'y tumulong ka paminsan-minsan sa shop."

"Eh paano kita mababayaran?"

"Tsk. Bakit ba ang kulit mo?! Hindi na nga sabi kita sisingilin di ba?" Huminga ako ng malalim. "Magpagaling ka lang...sapat nang bayad yun sa lahat ng utang mo sa akin."

Napahinto naman sya at unti-unting napangiti.

XXX

DRED'S POV.

"Okay, wag kang uuwi ng maaga. We're going to mall later afternoon," sabi ko habang kausap ang assistant kong si Fred sa linya ng telepono.

Bumukas ang pinto ng aking opisina. "Sir, ito na po yung mga documents na kailangan nyo."

Napahinto ako nang makita ko ang babaeng pumasok. "Alexa?" Bulong ko.

Kumunot ang noo nya. "Sir Dred?"

Kinusot ko ang aking mata at nakita ko ang aking sekretarya.

"Sir, may problema po ba?"

"W-Wala.. pasensya na."

Nilapag nya ang mga dokumento sa mesa ko at agad na syang lumakad paalis.

Muli namang tumunog ang telepono. [Sir Dred, nasa conference room na po yung mga taga GUELOX.]

Tumayo naman na ako para pumunta sa isang meeting.

Napatingin ako sa aking relo habang hinihintay ang pagdating ng elevator. Muli akong napahinto nang bumukas ang elevator. Nakita ko ulit si Alexa at seryoso itong nakatingin sa akin. Bahagya akong napaatras hanggang sa pumasok na ng elevator ang taong nasa aking likuran.

"Sir, sasakay po kayo?"

Pinagmasdan kong muli ang elevator pero wala akong ibang nakita na nakasakay kundi ang taong kasasakay lang.

"H-Hindi na."

Hanggang sa nagsara na ang elevator. Lumakad ako palayo at tila hinihingal pa. Fuck! What happened to me? Please, Alexa, don't bother me.

XXX

MARY KIEN's POV.

"Bless na kay Tito Mon, dali na," utos ko kay Janus nang pumunta kami dito sa bahay ni Tito Mon.

Lumapit si Janus kay Tito Mon at nagmano rito.

"Ang laki mo na ah. Pumapasok ka na sa eskwela?" Tuwang-tuwa na tanong ni Tito Mon kay Janus.

Umiling lang si Janus marahil nahihiya sya kay Tito Mon dahil bihira nya lang naman itong nakikita.

"Papasok na po syang kindergarten sa susunod na pasukan," sambit ko.

Napatingin sa akin si Tito Mon. "Nasaan pala si Dred? Inantay ko sya nitong nakaraang araw dito sa bahay dahil nasabi nya sa akin noong tumawag sya na dadalhin nya yung ibang dokumento na kailangan kong pirmahan para ma-turn over na sa bago yung dati kong posisyon sa SLX."

"Iyon na nga po ang dahilan kung bakit pumunta kami dito. Dala ko na po Tito Mon yung mga documents para sa pag-turn over ng pwesto nyo." Binigay ko iyon sa kanya at lumakad kami papunta sa office table dito sa kanyang bahay.

"Kamusta naman yung uupo sa pwesto ko?" Tanong nya habang pumipirma.

"Tristan Hernandez po ang pangalan nya."

Napahinto sya at napatingin sa akin. "Akala ko ba si Nelson?"

"Hindi na po binigay ni daddy ang posisyon kay Nelson."

"Sino bang Tristan Hernandez?"

"Bagong pasok lang po sa kumpanya, Tito Mon."

"Bakit ibibigay ang posisyon sa bagong pasok? Mabuti sana kung mapagkakatiwalaan iyon."

"Trusted naman po ang taong yun, Tito Mon. He's a Legarda University graduate, and he was an SLX scholar."

Naningkit ang mata ni Tito Mon. "Iyon ba yung dati nating scholar na nag-top sa board exam?"

"Sya nga po."

Bahagyang natawa si Tito Mon. "Kahit kailan, magaling talagang pumili ng tao ang daddy mo."

Ngumiti naman ako sa kanya.

Habang patuloy na pumipirma si Tito Mon, inayos ko naman ang kwelyo ng damit ni Janus. Ganito talaga si Janus, tumatahimik sa isang tabi kapag nahihiya.

"Baka sa susunod na Linggo, bibisita ako sa opisina," sabi ni Tito Mon.

"Nami-miss ka na po naming lahat doon."

Retiree na kasi si Tito Mon, nagtrabaho sya sa aming korporasyon ng mahigit 30 years bilang Finance Manager kaya medyo mahirap para kay daddy na ibigay ang posisyon nya sa kung sino-sino nalang.

"Sir, nandyan na po si Mister Landiza," sambit nang tauhan ni Tito Mon.

"Patuluyin mo na dito."

Natigilan ako nang makita ko ang taong bagong dating at ganun din sya.

Bumalik lang kami sa aming ulirat nang magsalita si Tito Mon. "Yvan, anong balita?"

"M-Mister Gomez, ngayon sana namin pickup-in yung mga sasakyan," sagot ni Yvan.

"Mommy, sya yung pumunta sa bahay," sambit ni Janus.

Napatingin si Yvan kay Janus at nginitian nya ito.

"Oww. By the way, Kien, that's Mister Yvan Landiza. Sya yung naikekwento ko sayo noong nakaraan na magrerehabilitate ng mga vintage cars ko," sambit ni Tito Mon tapos tumingin sya kay Yvan. "She's Mary Kien, the daughter of my former boss."

Napatingin sa akin si Yvan. "Umm..."

Huminga ako ng malalim. "Nice to meet you," lakas loob kong sabi at nilahad ko ang aking isang kamay sa kanyang harapan. Agad rin nya itong inabot.

"Mary Kien, if you have problems with your cars, just go to his shop. Proven yan," pagmamalaki ni Tito Mon kay Yvan.

Ngumiti ako kay Tito Mon. "S-Sige po."

Bahagyang tumawa si Yvan. "Magkakilala na po kaming dalawa. She's an exgirlfriend of mine," diretsong sabi ni Yvan.

Sobra akong nagulat sa ginawa nyang pag-amin at maging si Tito Mon ay halatang nagulat.

Tumingin sa akin si Yvan. "Right, Miss Zamora?"

Pinilit kong ngumiti kay Tito Mon. "We met when we were in college. Too short time relationship."

Muling tumawa si Yvan. "Short time? Mister Gomez, we had in a relationship for two years. Nagtanan pa nga kami noon eh."

"So, you we're the guy na bumangga kay Mister Zamora noon?"

Nag-smirk si Yvan. "Definitely. And that's the main reason why we broke up."

Tila hinihingal ako dahil sa aking mga naririnig. "Umm.. Tito Mon, kailangan na rin po naming umalis ni Janus. Babalikan ko nalang po bukas yung mga dokumento na pinirmahan nyo."

"O-Okay.. mag-ingat kayo."

"Halika na, Janus." Hinawakan ko ang kamay ng anak ko at agad na kaming umalis.

"Mommy, friend po ni Tito Mon si Mister Yvan?" Tanong ni Janus habang naglalakad kami paalis.

Hindi naman ako sumagot sa sobrang pagmamadali na makaalis kami sa bahay ni Tito Mon.

Pagdating sa sasakyan, doon lang ako nakahinga ng maluwag. Pero hindi ko pa rin magawang maka-recover sa mga salitang binitiwan nya kay Tito Mon. Sa pananalita nya, para bang siniraan nya ako! Para bang ang laking pagkakamali ang nagawa ko sa kanya. Anong karapatan nya?! Sya ang nang-iwan sa akin noon! Sya ang unang sumuko at hindi ako!

XXX

DRED's POV.

"Sir, bakit dito ka sa department store bibili? Ayaw mo doon sa mga boutique sa green belt?" Tanong ng assistant kong si France.

Bahagya akong tumawa. "Halos lahat ng damit doon, nakita na ni Kien."

"Para kay Maam Kien ba ang bibilhin natin?"

"Yes. You know well her style. I guess you could help me to find dress that she may like."

"Pero malayo pa ang birthday ni Maam Kien, di ba?"

"Tomorrow is our anniversary. Our last anniversary of being boyfriend and girlfriend."

Nanlaki ang mata ni France sa kanyang narinig. "Makikipagbreak ka na sir kay maam Kien?"

"Stupid! We're getting married next year, we're going to the next level of our relationship."

"Ahh.. yun pala yun."

Nagbuntong hininga ako at agad na lumakad. "You know what, sometimes I wonder why I hired you as my assistant."

"Ahehe.. syempre, magaling ako sir eh. Tama ako di ba?"

Napatingin ako sa kanya.

"M-Mali ba sir?"

Napailing nalang ako at agad syang tinalikuran.

"Sir, itong pulang dress? Ayaw mo ba nito? Di ba mahilig si Maam Kien sa red?" Sambit nya habang hawak ang sinasabi nyang damit.

"She hates Red."

"G-Ganun ba? O sige, itong pink nalang?"

"She also hates pink."

"Itong blue?"

Napatingin ako sa kanya.

"Hate nya rin ang blue? O baka itong green, di ba La Salle graduate si Maam?"

Napakamot naman ako sa ulo. "She didn't study in La salle."

"Ganun ba? Tsk. Ikaw na nga lang mamili. Ang dami namang hate ni Maam Kien.. sabagay, medyo maarte sya eh."

Napatingin ako sa kanya ng seryoso.

"Ahehe.. biro lang sir."

Naglakad-lakad pa ako at napahinto ako nang makita ko ang isang white dress.

"White lang pala ang gusto ni maam eh," sabi ni France sabay kamot sa ulo.

Pinagmasdan ko ang naturang damit. Sa palagay ko, babagay ito kay Kien. Napangiti pa ako nang makita ko ang isang wedding gown na naka-display. Sa pagkakataong iyon, hindi ko maiwasang masabik para sa aming kasal.

"Sir, kukunin nyo po itong white dress?" Tanong ng sales lady.

Agad naman akong natigilan. Tumango lang ako sa kanya.

Muli kong binalik ang aking mata sa wedding gown na nasa aking harapan. Biglang naningkit ang mata ko nang matanaw ko ang babaeng pumipili ng damit hindi kalayuan sa amin. Hindi ko ito masyadong maaninag dahil medyo nakatalikod ito sa amin.

"A-Alexa?" Agad akong nagmadali para puntahan sya pero tila naglaho sya na parang bula. Inikot ko ang aking mata sa paligid pero wala akong nakita na kahit isang tao.

Huminga ako ng malalim. Hindi ko maintindihan kung bakit tila paulit-ulit akong namamalikmata mula pa kaning umaga.

"Sir, nandito lang pala kayo. Ito na po yung white dress na napili mo kanina," sabi sa akin ni France habang hawak ang pinamili namin na nakabalot na sa plastic. "Sir, okey ka lang ba?"

Tumingin ako sa kanya ng seryoso. "I saw her."

"Sino, sir?"

"Si Alexa."

"P-Pero sir.. di ba patay na yun?"

"Tsk. She's bothering me mula pa kaninang umaga sa office. I saw her in elevator and in my office, pero biglang mawawala."

"N-Nagmumulto sya sir?" Gulat na tanong ni France.

"I.. I don't know.. tapos ngayon lang, nakita ko na naman sya. Over there, dyan mismo sa kinatatayuan mo."

"Fuck!" Gulat na sabi ni France na agad tumabi sa akin at kumapit sa braso ko. "Sir naman, walang ganyanan."

Napabuntong hininga ako. Hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin ng mga nakikita ko. Pero malakas ang kutob ko, may gusto syang ipahiwatig sa akin.

XXX

YVAN's POV.

"Si Mister Gomez, sya daw ang dating finance manager ng korporasyon nila Kien," sambit ko habang kausap si ate Stephanie.

"Yung mayaman mong kliyente sa shop?" Tanong nya.

"Sya nga."

"O anong nangyari? Hindi ba kayo nag-usap ni Kien?"

"Hindi.. p-para bang iniiwasan nya ako."

Hanggang sa dumating si Lexi na maraming bitbit. "Hi Steph, nandito ka pala," bati nya kay ate at agad nakipagbeso rito.

"May inabot lang ako kay Yvan saglit," nakangiting sagot ni ate.

Sumabat naman na ako. "Bakit ba ngayon ka lang umuwi? Alas-diyes na ng gabi ah."

"May mga pinamili lang ako saglit sa mall."

"Sa susunod magtext ka naman para alam ko kung uuwi ka o hindi."

"Okay.. sige na, magbibihis muna ako." Agad naman na syang lumakad papunta sa kanyang kwarto.

Itutuloy...

-Jason Bartolome

Continue Reading

You'll Also Like

57.4M 1.6M 115
A writer. A weird stranger. A lot of little conversations. An online understanding. Every night. 23:11.
200K 7.3K 31
Dahil lang sa pakikinig ng usapan, naituro siya bilang ama nang dinadala ni Aviah Alvarez na anak ng gobernador. Alam naman niyang kakaiba siya dahil...
11.4M 482K 32
Hanapan ng girlpren si bitter bestfriend na friendzoned since birth? Game!
3.1M 85.8K 60
WARNING: This story is my oldest story! You might encounter some cringe and immature scenes that needs some revisions! ... He bought me, but I didn't...