CHAPTER 32: WATCH ME FALL
GLAZY POV:
Hospital.
Ilang medical tests ang isinagawa sa akin and still nandito pa rin ako sa lobby ng hospital.
Pinapauwi na nga ako ng Doctor pero pinilit ko na hintayin ngayong gabi imbis na bumalik pa ako bukas.
“Mrs. Clemente kayo nap o.” inalalayan ng nurse yung isang buntis.
Ang laki na ng tiyan niya. Siguro malapit na siyang manganak.
“Thank you nurse. Ako na.” Biglang sulpot naman ng lalaki. Siya na ngayon ang umaalalay sa buntis.
“Saan ka ba galing?!”
“Ibinili kita ng mangga. Wag ka ng magalit honey.”
Ang sweet naman.
How I wish ganoon din si Kelvin pag nabuntis ako.
“Glazy Jean Vergara?”
I look at the nurse na tumawag sa akin.
“Sumunod po kayo sa akin.” Nakangiting sabi niya.
Pinapasok niya ako sa isang pinto na may name plate ng doctor na tumingin sa akin.
Dr. Yllanes.
Ewan ko ba pero bakit kakaiba ang aura niya?
Yung atmosphere sa office niya masyadong nakakatensyon.
“Maupo ka hija.” He said.
Lalo tuloy akong kinabahan.
Hindi dahil sa parang terror ag mukha ng Doctor na ito. Oo may edad na siya pero sobrang seryoso kasi ng hitsura e.
Basta yun nay un!
Umupo ako sa single chair na nasa harapan ng table niya.
“Nasaan ang guardian mo?” Tanong niya habang inaayos ang salamin sa mata.
“Wala po. Ako lang po mag-isa ang nagpunta dito sa Hospital.”
“Ganun ba. O sige bumalik ka na lang bukas kapag kasama mo na ang mga magulang mo.”
“Po?! Nako Doc, hindi po ba pwedeng sabihin niyo na ngayon? Promise po tatatagan ko ang loob ko. Kakayanin ko po kahit gaano kabigat ang resulta.” I said convincingly.
Shocks ano ba talagang sakit ko?!
Then narinig kong bumulong siya sa sarili niya.
“Palaki talaga ng palaki ang bilang ng teenage pregnancy ng bansa.”
Eh?
“Doc, hindi na po ako teenager!”
“Kahit na, bata ka pa. Hay nako kayo talagang mga kabataan masyadong mapupusok.”
Manermon ba?
“Doc, ibig niyo po bang sabihin—“
“Oo, you are four weeks pregnant.”
Seriously.. napaiyak ako.
“Oh tapos iiyakan niyo ako ng ganyan! Eh kayo naman ang may kasalanan kung bakit may nabuong bata.”
“Hindi po masaya lang po ako.” I managed to say between tears.
“Ikaw lang ata ang nakita kong masaya sa pagiging dalagang ina—“
“May asawa na po ako, doc.” I wiped my tears.
Nagulat ata siya. Hindi kase agad nakapagsalita.
Tapos tumayo sya at kinuha ang kamay ko for shake hands.
“Congratiolations magkakababy na kayo! Always remember that every baby is a precious gift from God.”
“Thank you po Doc.”
After that kung ano ano pang paalala ang sinabi sa akin ni Dr. Yllanes. Inischedule pa niya ang susunod kong check up.
Haay! Ang sarap ng feelilng para akong lumulutang sa ulap.
Hindi ko akalain na may mabubuhay na bata sa tiyan ko.
Hindi kaya masikipan siya?
Waah! Kailangan lagi akong kumain.
Sabi nga sa fourth wish ni Kelvin ‘Don’t skip meals.’.
Ano kayang magiging reaction niya kapag nalaman nya na magkakababy na kami?
Hihihi! Mukhang babalik na ang lahat sa dati.
Siguradong magtatatalon sa tuwa ang Grandpa ni Kelvin. Nah wag naman sana siyang tumalon baka rayumahin pa siya!
Tapos si Mon Vira naman magiging lola na. Parang hindi bagay kase hindi siya mukhang lola. Ang bata bata pa din niyang tingnan. Pati na din ang Daddy ni Kelvin!
Speaking of Daddy ni Kelvin..
Papalapit na siya sa akin ngayon.
Teka anong ginagawa niya dito?
Aisht doctor nga pala siya!
I smiled widely.
Sinalubong niya din ako ng ngiti.
Grabe kamukha niya ang monster kong asawa!
“What are you doing here hija?” Tanong niya pagkalapit sa akin.
Hindi ko maiwasang mapangiti ng abot tenga. Kase naman e sasabihin ko ba agad sa kanya ang good news?
Hindi ba dapat si Kelvin ang unang makaalam?
“Are you with someone?” dugtong niya.
Umiling na lang ako.
“Kase po nagpacheck up ako.”
Namilog ang mga mata niya.
“You’re sick?”
“Nako hindi po! Healthy ako. I mean kami po.”
I nite my lower lips.
Nagets na kaya niya?
“Hm?”
Nako mukhang hindi nga nagets.
Sige na nga sasabihin ko na.
“Dad buntis po ako.”
“Oh! That’s such a good newsa Glazy! Everyone will be happy to hear that. Especially my son. Alam nab a niya? Itinawag mo na ba sa mansion?”
Nakakatuwa naman excited na excited sya. Ano pa kaya ang magiging reaction ni Kelvin?
"Hindi pa po. Kayo pa lang ho ang nakakaalam."
"Siguro it's better kung ngayon mo na sabihin kay Kelvin. He will be inspired at gaganahan sya sa meeting nya ngayon with Mr. Thompson."
"May meeting po ngayon si Kelvin?"
"Oo hija. And right now I'm sure kinakabahan ang batang yun. But if he heard about your goodnews then there's no doubt na makukuha nya ang pinagpaguran nyang European deal."
"Hindi po kaya makaistorbo lang ako?"
"No hija. At this moment hindi pa sila nagsisimula. You should go."
"Sige po. Pupuntahan ko po si Kelvin."
INGGRID'S POV:
"Sorry po! Sorry!" Paulit ulit kong sabi kay bruhildang witch.
Tch. Kung tutuusin tama lang na natapunan ko sya ng kape sa palda. Bagay kaya hahaha!
"Grrr! Napakaclumsy! Linisin mo yan!" She roar then hop out of the office.
Secretly I smirked.
But this is the worst part. Nasaan na ba yung nerdy-hero-wanna-be na yun?!I don't want my hands to get cuts! Kaderder kaya yung pieces of broken cup! Eer.
Ok no choice.
I kneel down and carefully with poise inilagay ko yung broken pieces sa tray.
Then out of nowhere may idiot na umapak sa pinupulot ko!
I was about to yell at him when I realized who it was.
Sir Cross.
All I can see is yung hot back nyang palayo ng palayo.
Strange huh.
It looks like nagmamadali sya.
Hindi kaya may date?
Nah never! Ever!
Ako lang dapat ang maging gf nya!
Although I haven't seen him with a woman.
Date pa kaya ugh!
Kailan nya ba mapapansin ang beauty ko?!
GLAZY'S POV:
"Ms. nagstart na ba ang meeting ni Kelvin?" Tanong ko dun sa babaeng nasa front desk.
"Hindi pa po ma'm."
"Ahm sa tingin mo saan ko sya makikita?"
"Try nyo po sa office nya."
"Sige thank you."
Kelvin here I come!
Este here we go! Dalawa na nga pala kami ni baby.
I entered the elevator.
Ewan ko ba kung bakit bawat floor mas lumalakas ang tibok ng puso ko.
Ano bang nangyayari sa akin?
Ng marating ko na ang floor ng office ni Kelvin, I breathe deeply 3 times para kalmahin ang sarili ko.
And I started to walk.
May mga bumati sa akin at sa kasamaang palad, hindi ko magawang sumagot kahit ngiti.
Something's wrong with me.
Wala si red lipstick girl sa pwesto nya. Siguro nagreretouch na naman sa cr.
Mabuti yun ayokong makita ang fesslak nya no.
Nako baka paglihian ko pa! Kawawa naman ang baby ko pagnagkataon.
Derederetso ako sa office ni Kelvin.
I opened the door.
And I froze literally.
Kelvin..
They keep on kissing each other without noticing na nandito ako.
"Kelvin.."
Tyaka nya lang itinulak ang secretary nya.
He looks so shock ng magtama ang mga mata namin.
Is this why he's acting so cold to me?
Dahil ba hindi na nya ako mahal at nakahanap na sya ng papalit sa akin?
Kaya ba di nya ako kinampihan dati?
Ngayon malinaw na ang lahat.
"Glazy--"
Tumakbo ako palayo sa kanilang dalawa.
I heard him calling my name a hundred times pero hindi ako tumigil.
I don't know kung paano ako nakarating sa parking lot. But the moment na nakita ko ang kotse ko, agad akong pumasok sa loob.
It's a miracle na nakarating ako dito kahit na blurred ang paningin ko dahil sa luha.
Kung kaya ko lang magmaneho nagawa ko na. Nasaan na ba ang driver ko?!
I was relieved ng magbukas ang driver's door.
But then my heart suddenly starts beating loud again.
"Welcome to hell little kitty." she said.
Ang kahalikan ni Kelvin kanina.
Ang flirt nyang secretary.
She started the engine.
Lalabas na sana ako kaya lang nakalock ang pinto.
"Don't you dare try to escape! I'll be your driver for tonight. Free of charge!"
Without thinking hinila ko yung buhok nya and she screams.
"Pababain mo 'ko!" I shouted.
"Get your hands off my hair!"
Imbis na bitiwan ko, lumipat pa ako sa unahan.
Still patuloy pa din sya sa pagmamaneho.
"Crazy bitch! Bitiwan mo ko!" She shouted.
"Itigil mo!"
"Do you want us to die?!" Sigaw nya sa mukha ko.
Slowly I calm down.
Then I saw an evil smirk on her face.
"Itigil mo ang kotse!" Madiin kong utos.
"Sino ka? Reyna?!”
"Ugh! Hindi pa ba sapat na inakit mo ang asawa ko huh?!"
"Oh did I seduced him? By the way he's really a damn good kisser."
"Walangya ka!" I slapped her.
"Bitch!" Aba at gaganti ka pa ha!
Mabuti na lang nasalo ko ang kamay nya.
Pipilipitin ko na sana yung braso nya ng may mapansin akong kumikinang sa kamay nya.
My wedding ring!!
"Sinungaling ka talaga! Bakit nasayo ang singsing ko?! Hubarin mo yan!" Pilit kong hinuhubad sa kanya pero isinara nya yung kamay nya para di ko makuha.
"This is mine bitch!"
"Ibalik mo sa akin yan!" Kakagatin ko na sana sya ng makawala sya sa pagkakahawak ko.
Pilit kong hinihila ang kamay nya na mahigpit na nakakapit sa manibela.
"Bitiwan mo ko!"
"Akin yan eh!"
"Bitiw sabi!"
"I said stop!"
Pareho kaming natigilan at napasigaw sa puting liwanag na sumalubong sa amin.
Katapusan ko na ba?