Marriage For Payment

נכתב על ידי SparkleHime

29.8K 894 172

Pano kung makasal ka ng wala sa oras? Ng dahil lang sa utang na kahit kaluluwa mo'y di mabayaran. Magkakaroon... עוד

Marriage For Payment
Prologue
Chapter 1
Chapter III
Chapter IV
Chapter V
Chapter VI

Chapter II

5.7K 179 50
נכתב על ידי SparkleHime

CHAPTER II
Acceptance



"Class dismiss." Anunsyo ng professor namin at agad na nagsialisan ang mga kaklase ko papunta sa susunod nilang mga klase. Tumayo narin ako't niligpit ang mga gamit ko.

Vacant ko ngayon at dalawang oras pa ang hihintayin ko para sa susunod kong klase kaya tatambay nalang muna ako sa cafeteria. Sakto namang wala masyadong estudyante kaya hindi ako nahirapang maghanap ng pwesto.

Nilabas ko ang maliit na tupperware na may lamang vegetable salad na gawa ko kaninang umaga at kinain ito. Bumili din ako ng pineapple juice para naman hindi nakakahiyang tumambay dito sa cafeteria.

While enjoying my food, a familiar back caught my attention. Why is she here? Akala ko ba may klase itong babaeng 'to?

"Rei!" Tawag ko na agad niya rin namang narinig.

"Lei! Nandito ka lang pala." Wika niya nang makalapit sa'kin. Kita ko namang napansin niya ang pagkain ko at ngiting-ngiti siyang binaling ang tingin sa'kin.

Ugh. Manghihingi siya ng paborito kong salad . . . parang ayaw ko siyang bigyan.

She must've read my expression kaya umupo siya sa katapat kong upuan at pinagdikit ang mga palad. "Please?" She begged but I'm too stubborn to give her some. Madamot na kung madamot, paborito ko eh.

Pero kalaunan ay sumuko rin ako. "Fine. You can have some." I said between my sighs.

"Yes! Shocks, gutom na 'ko!" She exclaimed kaya napailing nalang ako.

"Akala ko ba may klase ka ngayon?" Tanong ko pero tuloy parin siya sa pagnguya ng lettuce. Uminom muna siya ng tubig bago ako sinagot.

"Maaga kaming na-dismiss ni Sir. Binigyan lang kami ng project by partner then umalis na siya." Sabi niya at kumuha na naman sa vegie ko. Napasimangot ako kasi kaunti nalang ang natira. Tss. Gagawa nalang ulit ako mamaya. "Ikaw? Ano na'ng balita sa'yo?" Pagbato niya ng tanong na medyo ikinabigla ko.

Inisip ko kung anong sasabihin ko pero ang naiisip ko lang ay ang nangyari noong nakaraang gabi na nagpainit sa pisngi ko.

"Ohh! Anong klaseng reaksyon 'yan? Did something finally happen between you two?" Excited niyang tanong kaya sinamaan ko siya ng tingin. Alam ko kung anong kahalayan na naman ang pinag-iisip ng babaeng 'to.

Hindi ko rin naman maipagkakailang may nangyari nga pero hindi iyon katulad ng iniisip niya.



I won't leave you. Not again . . .



Ayan na naman! Naaalala ko na naman ang mga sinabi niyang nagpapabilis ng tibok ng puso ko. Maliban sa nagwawala kong puso, ramdam ko rin ang pag-iinit ng pisngi ko kaya napatakip ako agad sa mukha ko.

Ramdam ko parin ang katawan niya. Ang mga yakap niya. His broad shoulders that makes you feel safe. His smell. His breathing. Everything about him that night, I remember it all.

Ngunit ang lahat ng nararamdaman ko ay biglang naglaho nang marinig ko ang nakakarinding tili ng kasama ko. "Oh my gosh! Seryoso? You guys did it? How did it feel? Painful? Masar---- aray ko naman!" Kung ano-ano kasi ang sinasabi, na-headchop ko nga. Pansin ko kasing nakikitsismis na 'yung ibang tao sa pag-uusap namin dahil sa pagtili niya. "Nangyari nga?" Tanong niya ulit and I can literally hear my veins popping out because of anger.

"Sorry to disappoint you, halay girl. Walang nangyaring ganoon at kailan man ay hindi iyon mangyayari sa aming dalawa." I can see the disappointment and boredom painted on her face that is, somehow, annoying.

Rei is the kind of girl who seeks adventure, she gets bored easily. She seeks something new that could satisfy her adventurous personality and I can see that she found adventure in my private life.

"Pero Lei, wag tayong magsasalita ng tapos. Baka dumating ang araw, kainin mo 'yang sinabi mo?" Suot na naman niya ang nakakaloko niyang ngiti.

"Umalis ka na nga! Tulungan mo 'yung partner mo! Slacker!" Pagtaboy ko sa kanya habang tawang-tawa naman siyang naglalakad papalayo.

Really annoying.

Wala na din naman akong gagawin dito sa cafeteria dahil inubos na ni Rei yung baon ko at naubos ko na rin ang itong juice kaya napagpasyahan kong magtungo sa susunod kong klase.

May isang oras pa akong hihintayin pero ayos lang. May katabi naman 'yung room ko na study corner. Doon nalang ako maghihintay.

Habang binabagtas ko ang hallway, pumasok na naman sa isip ko ang nangyari noong nakaraang gabi. At dahil sa nilamon na ako ng pag-iisip ko, di ko nakita ang nakatayo sa harapan ko't nabangga ko siya.

"Pasensya na!" Agaran kong paghingi ng paumanhin. Lutang kasi eh. Nakakahiya na nabangga ako dahil sa iniisip ko 'yung nangyari.

"Leilani?" Tiningala ko agad kung sino ang tumawag sa'kin. Natulala ako nang makilala ko siya. "Okay ka lang? Lutang ka na naman bang naglalakad?" Kahit tatawa-tawa siyang kinakausap ako, hindi parin ako makaimik. Pakiramdam ko, lahat ng dugo ko sa katawan ay nagsiakyatan papunta sa mukha ko kaya nag-iinit ang pisngi ko.

"Hoy Kurt! Tinakot mo na naman si Leilani, nabato na sa kinatatayuan niya o! Maiihi na 'yan sa susunod." Rinig na rinig ko man ang pang-aasar nila kay Kurt, di parin ito maproseso ng utak ko. Pagdating talaga sa lalakeng gusto mo, nabablangko ka.

Kurt Arquiza. Hindi man siya ganun ka-gwapo sa tingin ng iba, para sa'kin, wala nang mas aangat sa kanyang ibang lalake. Noon pa man ay may gusto na ako kay Kurt. Mabait siya at madaling makagaanan ng loob kaya hindi rin siya kahirap magustuhan.

Naging magkaklase kami noong mga first years pa lang kami at siya ang una kong naging kaibigan maliban doon sa tatlong bruha na simula pagkabata ay kasama ko na.

Si Kurt ang kauna-unahang lalakeng nagustuhan ko simula noong tumuntong ako ng college. Naging magkaklase kami noon sa halos lahat ng subjects namin at palage rin kaming magkatabi kaya naging close din kami noong first year pa kami until he became an officer sa department namin. He became busy at noong tumuntong na kami ng second year, nahalal siya bilang officer ng Student Council kaya mas naging madalang ang pagkikita naming dalawa.

Akala ko talaga ay nakalimutan na niya ako dahil ngayon third year na kami, ni isang subject, hindi ko siya kaklase.

"Umakyat na yata kaluluwa ni Leilani, pre. Di na naririnig boses natin eh. Halikan mo kaya?"

"Baliw! Bumalik na nga kayo sa room, puro kayo kalokohan." Nabalik ako sa reyalidad nang tinaboy na niya ang mga kaibigan niya pabalik sa klase. Napapailing na lamang siya sa mga kantiyaw ng mga ito sa kanya. "Para silang mga bata." Wika niya.

"Ah pasensya na talaga Kurt kung nabangga kita tapos 'di pa kita sinagot agad, nakakahiya naman. Ang tanga ko kasi." Napakamot nalang ako sa batok. Ano ba 'yan. Ngayon nga lang kami nagkausap ulit, natulala pa ako sa harap niya. Nakakahiya ka talaga Leilani!

"Haha. Hindi ka parin talaga nagbabago, Lani. Kumusta na? Ang tagal na rin noong huli nating pag-uusap. Gumanda ka." Ramdam ko na naman ang pamumula ng mukha ko.

"Ikaw rin, hindi pa nagbabago, bolero ka parin." Natatawa kong sabi sabay hampas sa kanya ng marahan. Tama, act normal. Huwag kang pahalata na may gusto ka sa kanya Lei!

"See! You haven't changed a bit! Ang bilis mo paring maniwala!" Pang-aasar niya na ikinabusangot ng mukha ko. Tawa parin siya ng tawa na parang nag-eenjoy pa siya lalo sa naging reaksyon ko.

"Mapang-asar ka parin talaga!" Bulyaw ko at taas noong pinagkrus ang dalawa kong braso.

"Joke lang. Ito naman, hindi na mabiro. Siyempre gumanda ka," pagbawi niya at sinilip ang mukha ko. Napangiti naman ako kaya ngumiti rin siya. "Pero konti lang." Bumunghalit na naman siya ng tawa. Imbis na maasar, natawa na rin ako.

Dahil sa naging pag-uusap namin, hindi halata na nawalan kami ng komunikasyon sa isa't-isa dahil sa pag-aasaran namin. Parang napunan agad namin 'yung mga buwan na hindi kami nag-uusap sa isang simpleng asaran lamang. Ang saya. Hindi ko talaga maitago ang kasiyahan ko ngayong nagkita't nag-usap kami ulit.

"Anyways, are you free this Saturday?" Pag-iiba niya ng usapan kaya napatigil ako sa pagtawa. Nilingon ko siya at nakita ko agad ang matatamis niyang ngiti.

"I'm free, bakit?" Nagtataka kong tanong. Ang kaninang matamis niyang ngiti ay mas tumamis pa lalo. Hindi ko namalayan na nakangiti na rin pala ako. He's smile is contageous!

"Labas tayo! You know, to fill the days we haven't talked to each other." Sa sobrang gulat ko, hindi ako nakapag-react sa proposal niya at wala sa sariling tumango ako. "Okay, kita nalang tayo doon sa park na malapit dito sa school. Sige, balik na 'ko sa room. See you on Saturday." Iyon lang at umalis na agad siya pero hanggang ngayon ay pinoproseso parin ng utak ko ang mga sinabi niya.

Lalabas kami ngayong Sabado. Lalabas kami. . .



A DATE WITH KURT???!!!!



"Waaaaaaaaah!" Hindi ko napigilang mapasigaw sa gulat, sa kilig, sa excitement at lahat-lahat na. I can't believe Kurt ask me out on a date!

A date with Kurt! Ako na talaga ang pinakamasayang tao sa buong mundo!

Anong susuotin ko? Anong pabango gagamitin ko? Kailangan ko na rin magpa-manicure at pedicure.

Oh my gosh! Oh my gosh! I'm going on a date with Kurt Arquiza!

"She looks stupid."

"Shhh. Don't be rude."

Agad na napawi ang mga ngiti ko nang marinig ko ang napakapamilyar na mga boses ng dalawang babae.

I saw Kat rolled her eyes and Asia grinning at me. Talk about timing, ang galing nilang basagin ang kaligayahan ko. First, Rei ate my favorite vegie salad. Now, Kat and Asia ruined my celebration.

"Kanina pa kayo d'yan?" Tanong ko at hinarap sila.

"From when you guys were laughing while teasing or more like provoking each other." Asia said while remembering.

"Ang saya-saya nga ni Lei, nakalimutan na niya na may asa---" hindi na naituloy ni Kat ang sasabihin dahil agad kong tinakpan ang bibig niya.

"Shhhh, Kat! May makarinig sa'yo." Tinignan lang ako ng mga walang emosyon niyang mata kaya inalis ko na ang pagkakatakip ng kamay ko sa bibig niya at nagpakawala ng buntong-hininga.

Alam ko naman 'yun eh. Nakatali na ako at hindi na ako pwedeng lumandi o magmahal ng iba pero masisisi ba nila ako? Napilitan lang naman akong magpakasal eh at si Kurt talaga ang gusto ko noon pa lang.

"Hindi kita pipigilang pumunta sa date niyo ni Kurt sa Sabado but this will be the first and last time, Lei." Napangiti ako sa sinabi ni Kat.

Sa amin talagang apat, si Kat ang matured mag-isip. Siya ang nagbibigay ng mga payo sa amin; siya ang nagsasabi sa amin kung tama o mali ba ang mga ginawa namin; para na namin siyang ate at lahat kami ay nakadepende sa kanya. Kahit na strikto si Kat, binibigyan niya parin kami ng chance kahit na mali ang gagawin naming hakbang katulad nalang ngayon na pumayag ako sa alok ni Kurt.

Alam ko namang friendly date lang 'yung iniisip ni Kurt, ako lang itong nag-iisip ng romantic date at nagiging excited mag-isa.

"Kat doesn't want you to get in trouble, Lei. That's she wants you to take your marriage seriously. Ayaw niya lang na dumating ulit ang araw na malulungkot ka lalo na ngayong unti-unti ka nang nakakabangon sa mula sa lungkot na nadarama mo simula noong naikasal ka." Litanya ni Asia. Tango lang ako ng tango. Alam ko naman 'yun.

Huli na ito, pangako. Mabait naman si Christian. Siguro nga'y oras na para mag-mature ako. Hindi ako dapat nagmumukmok sa gilid at sinasabing napipilitan ako sa kasal. Ngayon ay kailangan ko na itong harapin, kailangan ko nang gampanan ang responsibilidad ko bilang Misis ni Christian Esequel Guadarrama.



***

A/N:

Owkay. Mahaba na kaya 'yan? Hahaha. Pasensya na kung medyo matagal ang mga updates ko. I don't want to make excuses for slow updates, please be patient with me? Thank you.

-Sparkle

המשך קריאה

You'll Also Like

7.5M 209K 46
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
99.7K 2.5K 52
What will you do if you end up in someone else body?
780K 37.9K 24
At age seven, Nina was adopted by a mysterious man she called 'daddy'. Surprisingly, 'daddy' is young billionaire Lion Foresteir, who adopted her at...
371M 8.9M 100
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...