Accidental Everything

By spaceJAM07

780 13 8

My first story. Geez! Emzo sabaw. Pagpasensyahan niyo na. I'm very much open to criticisms, opinions and sugg... More

Introduction
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9

Chapter 4

79 2 0
By spaceJAM07

Chapter 4

Last 3 days.

Yan ang iniisip ko simula pa kaninang umaga.

Geometry na namin ngayon. Groupings kami para i-solve yung Math problem sa board. Hindi ko ka-group sila Candice and Elisha. Tumulong lang ako sa pag-solve, ayoko kasing ako pa yung mag-sagot sa board. Pinipilit naman ako ng mga ka-group ko na ako na lang daw mag-solve sa harapan, e ayoko talaga, kaya di nila ako napilit.

After Geometry, nilapitan ako nila Candice and Elisha. Kinukulit nila ako, kung ayos lang daw ba ako, may sakit, o may malalim lang na iniisip.

May malalim lang siguro akong iniisip. Oh well, hindi lang 'siguro', mayroon talaga. Gusto ko ng mag-lunch para makausap ko na si Clarence. Ngayon lang ako nagmadali pag oras ng acads.

***

Sa wakas lunch na!

Di pa man din kami nakakalabas ng room, nilabas ko na yung cellphone ko para itext si Clarence. Patago lang ako magtext nun, bawal kasi ang cellphone sa school.

Send to: Dodz_Clarence

Dodz, rooftop tau ah?ü

For the last 3 days, gusto ko mag-lunch kami sa rooftop, ang official tambayan naming dalawa.

Momsy prepared Sisig for my lunch. I asked her to cook for it, though it's not my favorite, but it's Clarence's.

Di na ako dumaan sa canteen, umaakyat na ako agad sa rooftop. And to my surprise, nandun na si Dodz. Wow! Aga ah?

"Very unusual Dodz ah?" yan ang binungad ko sa kanya pagkabukas ko ng pintuan ng rooftop.

"Di ako maaga, late ka lang!" parang ang sungit niya ngayon ah. "Kanina ka pa kaya nagtext diba? Tara kain na tayo!" umupo na siya dun sa gilid ng mga fences.

Well, I guess di naman siya galit, gutom lang talaga.

May baon din pala siya nun, nung pagkakita ko, Sinigang na Baboy! That's my favorite! My ever favorite ulam!

"Oh.." inabot niya sa akin yung ulam niya, "Alam kong favorite mo yan, basta tirhan mo lang ako."

"Thank you! Dahil dyan, may reward ka."Nilabas ko naman yung baunan ko at inabot sa kanya.

"Yung totoo, nagpapaluto ba tayo ng baon para sa isa't-isa? Pakisabi kay Tita San, thank you."

"Makakarating. Tara, kain na tayo. Kanina ka pa gutom diba?"sinubuan ko naman siya ng isang buong kutsara ng Sisig.

Tama nga siya, nagbabaon kami para sa isa't-isa, how cool is that?

We spent lunch time together. Medyo nahirapan nga kaming bumaba nun sa rooftop kasi may guard dun sa pintuan, so we waited for about 5 minutes hanggang sa makaalis si Manong Guard. Mahirap na, baka mahuli kami at ma-guidance ng wala sa oras.

Pagbaba namen sa gym, nakapila na yung mga students. Hinatid naman ako ni Dodz sa pila ng mga 3rd year. Nakita naman ako nila Candice, di naman na sila nagtanong kung saan ako galing dahil nagpaalam naman ako na hindi ako makakasabay sa lunch.

"Alam mo, buti na lang kilala ko kayong dalawa."Sabi ni Candice sa akin sabay abot ng papers.

"Ano?" tinignan ko naman yung inabot niya.

"Kasi kung hindi, alam mo na kung ano ang iisipin ko." Okay, I think I get it. "Yan yung script naten sa English, you'll be playing Lia, the lead role." Tinuro naman niya yung hawak kong papel.

Nagpantig yung tenga ko. Ako? Lia? Lead role?

"No way Candice! There's no way!"

"There's a yes way!"sumingit naman sa usapan si Elisha.

"You got no choice AR, I'll be the director, si Shang make-up artist and propsman..."

"It's propsgirl Candice."

"Whatever! As I was saying, si Shang na nga yung 'propsgirl'"nag-quote pa siya using both hands, "That leaves you and Patrick to be the lead roles." Nagsimula na kaming paakyatin.

"Hold it there Candice! Ka-group din naman naten si Cheska ah?"

Napaharap naman bigla sa akin si Candice, nasa unahan ko kasi siya sa pila.

"AR! Narinig mo na bang magsalita yung si Cheska?"

"Nope."Oo nga, classmate ko siya ngayong 3rd year, pero di ko pa siya nakakausap.

"Pwes, wag mo ng balaking kausapin, kasi di lang kayo magkakaintindihan!" tumalikod na ulit sken si Candice.

"Huh?"

"Girl!!!! Boses ipis!!!!"Oops, napalakas ata yung boses ni Candice, dahil napatingin yung ibang students sa amin.

"That's mean!" grabe naman kasi. Ano ba yung boses ipis? Tama bang i-compare yung boses ng tao sa ipis? May boses ba yung ipis at the first place?

"Nope, that's the truth!" sumingit ulit sa usapan si Elisha.

After that, dumirecho na ng paglakad sila Elisha at Candice.

Wala akong talent sa acting. REALLY! Di ko nga kayang mag-modulate ng boses e, kung ano ba yung boses pag masaya, pag malungkot, nagulat o galit. How much more yung facial expression?! Help me Lord!

Pero ang bumabagabag talaga sa isip ko...

May boses ba talaga yung ipis?!?!

***

After lunch, we had World History, which is one of my favorite subject, then Chemistry and now, we're having MAPEH, PE actually. Pag Wednesday and Friday kasi, practical kami. I mean, nasa gym kami. And the rest of the week, homeroom lang.

So today, we'll have our Volleyball lesson.

I can play volleyball. Pero di naman magaling. I know all the basics. Well, I really can't just spike.

Nag-warm up yung class, then tinuruan kami ng ni Sir Ed ng mga basics. Which I find easy, since alam ko na nga yung mga yun.

Kasabay namen sa gym yung klase nila Clarence, PE din, basketball naman sila. So, tig-half court lang kami.

Inisa-isa kami sa pag-serve, yung iba sumablay, dahil di talaga sila marunong. Yung iba, nag-iinarte lang.

Pinag-receive din kami. Ganun ulit, may mga sumablay.

After the one-on-one, pinaglaro na kami ng game. Naglagay ng net si Sir Ed kahit half court lang kami. Si Candice ka-team ko, si Elisha, opponent team. Elisha is a monster when it comes to volleyball. Parang stereotyping lang, kasi diba, pag nasa orange area ka, magaling ka sa ganitong sports.

During the game, nagkakatuwaan lang kami nila Candice, but it's different on Elisha's side. Masyado niyang kinakarir yung game. Di pa official game yun ah? Pero hanep sa pag dig, toss and spike si Shang!

Nung may nag-set sa kanya, lalong ginanahan si Shang, and he spiked! A great spike actually! Alam kong malakas yun kasi matunog yung bola. No one dared to receive the ball. Kaya ang ending, napunta sa kabilang court yung bola. Sa court ng mga 4th year.

And to our surprise, may natamaan!

Tumakbo kaming lahat sa kabilang side ng court. Pero kinuha ko muna yung bola kasi baka masyado pang mapalayo.

Napatingin ako kay Elisha, nagsisintas pa ng sapatos. Di ko na siya hinintay at dumirecho na ako dun sa side ng seniors.

Nakita ko yung natamaan ni Elisha, nakaluhod siya, hawak yung batok niya. Sa ulo pa ata siya napuruhan ni Shang. Nako, patay kang bading ka.

"And you'll just stand there at di ka man lang magso-sorry?"

Yan yung narinig kong sinabi ng natamaan ni Shang. Yari ka talaga dito Shang, mukhang mainit ang ulo.

"Ano?!! Di ka talaga magso-sorry?"

Nilalaro ko pa yung bola nun nang napansin kong napatingin sa akin yung mga tao.

Tinignan ko naman sila. Yung what's-your-problem look ba.

"Grabe!!!" tumayo na yung natamaan ng bola at humarap sa akin.

"You wouldn't bother to say sorry?"

***

OMG!!!

Yung Marasigan na naman? Siya yung natamaan ni Elisha? Nako, total turn-off na talaga 'tong si Bading dito sa lalaking 'to. Wala na! Wala na siyang pag-----

"Ano na?"lumapit siya sa akin.

"A-anong ano na?" I feel weird. Nabubulol na ako dito kasi masyado na siyang malapit.

"Tinamaan mo ko ng bola Miss! Ang sakit kaya! Tas tatayo ka lang dyan ng parang walang nangyari?"halos dinuro-duro niya ako.

"Hi-hindi a-"

"You shouldn't spike the ball that hard! Alam mo namang di lang kayo ang naglalaro dito sa court! Buti nga lalaki yung natamaan mo, paano kung classmate naming babae at sa ulo mo din natamaan? Ha? Magsalita ka nga!"

"..."di ko mahagilap yung dila ko. Aleric, magsalita ka. Pagtanggol mo sarili mo. Wala kang kinalaman dito!

"Ano ba Miss!" hinawakan na ako nung Marasigan sa balikat.

"Marasigan, tumigil ka na!" napatingin ang lahat sa teacher nila. Well, not me, na-stuck yung mata ko sa kanya. Nakita kong asar na asar na siya.

Nakita ko na si Clarence sa peripheral vision ko, pero di ko parin maalis yung tingin ko sa nasa harapan ko. Hinawakan na ni Dodz yung braso ni Marasigan. Mahinahon naman niya akong binitawan.

Ooh. That was close!

"Sorry, but that was me. Hindi si AR yung nag-spike ng bola na nakatama sa'yo." Dumating naman si Elisha at pumunta sa gilid ko, magkakatabi na kami nila Clarence. "I'm sorry."

Halata namang nagulat yung Marasigan nang marinig yung pag-amin ni Elisha. Napatingin siya sa akin. Feeling ko ayaw niyang maniwala sa sinabi ni Shang. Iniisip niya siguro na pinagtatakpan lang ako.

"Buy that! It's the truth."It was Candice. Lumapit na rin siya sa akin.

"And I think hindi lang si Elisha ang dapat mag-sorry dito, pati na rin ikaw Mr. Marasigan. Na-harass mo yung inosente kong kaibigan." Inakbayan naman ako ni Candice,

Having Clarence, Elisha and Candice by my side, I feel secured.

"What now Mr. Marasigan?"tumaas naman ata yung kilay ni Candice.

"Fine, I'm sorry!"nag-walk out na yung Marasigan.

Humarap naman sa akin sila Candice and gave me a smirk.

Niyakap naman na ako ni Clarence.

"Okay guys, enough about the scene. Let's go up. Time na rin naman. Sir Gonzaga, pasensya na po sa nangyari."kinuha naman ni Sir Ed yung bola ng volleyball na nahulog ko ulit nung hinawakan ako ni Marasigan.

"Okay ka lang Ms. Banzuelo?"hinawakan naman ako ni Sir Ed sa balikat.

"Ahm, opo. Thank you Sir!"

"Alright, that's good. Tara, akyat na tayo."Tinap naman ako ni Sir sa balikat. "Sir Gonzaga, mauna na kami. Let's go guys."

Continue Reading