Stephanie, The Devil's Slave

By SexyKisser

12.1M 143K 14.9K

She is not an ordinary slave. More

Introduction
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
STDS [38]
STDS [39]
STDS [40]
STDS [41]
STDS [42]
STDS [43]
STDS [44]
STDS [45]
STDS [46]
STDS [47]
STDS [48]
STDS [49]
STDS [50]
Stephanie, The Devil's Slave
STDS [Epilogue]

Chapter 33

183K 2.3K 468
By SexyKisser

Nanigas ang katawan ko. Pinakiramdaman ko ang yakap nya, at iyon parin ang yakap na hinahanap hanap ko.

Napangiti ako, haharap sana ako sa kanya pero pinigilan nya ako. Hinigpitan nyang lalo ang yakap at siniksik nya ang mukha nya sa leeg ko. Good thing na nasa tagong lugar kami, kundi pinagtinginan na kami nito.

"Steph.." I could feel his sadness nang banggitin ang pangalan ko. I remained silent. "I'm so sorry."

"Max, you don't have to say sorry." Singit ko. Wala naman kasi syang kasalanan.

"No, I'm sorry for not understanding you. Alam kong may problema ka bukod pa sa step mom mo. Hindi dapat ako nakipagbreak ng ganun ganun lang.. It's just that.." He sighed first and continue. "Nahihirapan lang ako." Napapikit ako nang sabihin nya yun. I know Max, alam kong nahihirapan ka rin.

"I'm sorry, sasabihin ko din naman sayo eh.." I tried to stop my sobs.

"Shh.. let's not talk about it okay? I want to be with you today, walang kahit na ano muna." He said as he kissed my cheek. Humarap ako sa kanya. He wiped away my tears and kissed me on my eyes.

"Ikaw kasi eh!" Nakapout kong sabi pagharap ko at hinampas sya ng mahina sa balikat, tumawa lang sya at ginulo ang buhok ko.

"Kaibigan ko lang si Mariel, Steph. Ilang ulit ko bang uulitin?" Nakangiting sabi nya na parang tuwang tuwa na nakikita akong nagseselos.

"Tss! Kaibigan! Eh bakit pala sya lang ang kasama mo ngayong birthday mo? How about your guy friends?" Nakasimangot na tanong ko. Nagtatampo lang ako sa kanya ngayon, pero hindi ko na siya pinagdududahan.

"Balak ko naman talagang hanapin ka, hindi pala kita kayang tiisin." He shrugged. "Nagulat na lang ako nang biglang dumating si Mariel, I already told her na ikaw ang kasama ko today." He smiled at me.

Ewan ko ba. May tiwala ako kay Max, pero wala sa Mariel na yun.

Naglakad kami habang magkahawak ang kamay. Madilim dilim na rin since it's already 5:40 pm.

"See? Hindi mo rin naman ako kayang tiisin eh! kunwari ka pang makikipagbreak! Tss!" Sabi ko habang nakangiting nangloloko.

"Really? Eh sino palang hinihintay mo kanina? Hindi ba ako yon? Kasi gusto mo akong makasama?" Tapos tumawa sya. Nakakamiss pakinggan ang tawa nya.

"Baliw! Buti alam mo." Kinurot nya ang pisngi ko at hinalikan ako. Pagkatapos inakbayan nya ako ng mahigpit na lapit na lapit na kami sa isa't isa. I miss this. "Happy birthday! 21 ka na! Ang tanda mo na!" At niyakap ko sya ng mahigpit. Sinuklian nya naman yun ng mas mahigpit na yakap.

"Saan tayo?" Tanong ko.

Ngiti lang ang sinagot nya at pumunta na kami sa sasakyan nya.

Nang makapasok kami sa sasakyan, nagsimula na kaming magkulitan. Hindi namin inintindi ang mga nangyari o ang mga problema. Hindi ko na rin muna inisip, dahil baka mabaliw na ako. Mas gusto kong mag-enjoy muna ngayon at walang isipin na kahit na ano.

Huminto kami sa isang mamahaling restaurant. Pinagbuksan nya ako ng pinto at sabay kaming pumasok sa loob. Nang makapasok kami, may nag-assist saamin kung saan kami pupunta.

"Bakit dito pa Max?" Tanong ko.

Tuwing birthday kasi ni Max, never nya akong dinala sa mamahaling resto. Ang gusto nya kasi, palagi sa isang park, tabing dagat o kahit saan na libre kaming gumalaw, yung simple pero masaya.

Ngumiti lang sya saakin bago hawakan ang kamay ko. "I miss you.." Malambing nyang sabi. "I really do."

Napaiwas ako ng tingin. Damang dama ko talaga na nagkukulang ako sa kanya. I promise Max, malalaman mo rin. Ayoko namang i-open ngayon dahil ayong masira ang araw nya.

"Seryoso Max? Paano kung hindi ako sumama ngayon? Edi nasayang ang pinaghandaan mo?" Tanong ko while we're eating.

"Edi si Mariel nalang ang isasama ko." He laughed. Pero hindi ako natawa. Bakit kailangan nya pang isama si Mariel dito eh alam naman nyang naiinis ako sa babaeng 'yun?

Hindi ako nagsalita at sumimangot habang pinipilit na nguyain ang kinakain ko.

"Hey, I'm just joking." Natatawang sabi nya. Natatawa sya? Ha!

"Joking? Alam mo naman na ayaw ko sa kanya diba? Bakit kailangan mo pa syang isingit sa usapan natin? Tinatanong naman kita ng maayos ah." I can't hide my jealous voice. Hindi dapat ako nagagalit sa kanya pero gumawa naman sya ng ika-iinis ko.

"I really love seeing you jealous." Ngumiti sya na parang nagtagumpay.

"I'm not jealous Max!" Pagtanggol ko sa sarili ko kahit na sa totoo lang, nagngingitngit ako sa loob sa tuwing maalala si Mariel.

"Okay." Ngumisi lang sya hanggang sa matapos kami kumain maganda ang mood nya. Dumating na ang dessert at napalitan ng mas malumanay na tugtog ang violin. Napakasarap sa pandinig. Sweet and romantic.

I just look outside to see the beautiful clouds. How beautiful this place is lalo na't madilim na. The sky is perfect today.

Nagulat ako ng tumayo si Max at pumunta sa likod ko. Tatayo din sana ako kaso pinigilan nya ako.

"Stephanie, I love you.." He said at naramdaman kong hinawi nya ang buhok ko papunta sa kaliwang banda ng leeg ko at naramdaman kong may dumamping malamig na bagay sa leeg ko. A necklace. "'Yung mga batong nakalagay dyan? Yan ang pagmamahal ko sayo. Hindi mabibilang."

Naramdaman kong naginit ang pisngi ko. Namumula na nga siguro ako. I can't explain the feeling I'm having right now! Tinignan ko ang pendant at sobrang ganda nya! Halos punuin ng bato ang bilog na pendant. Ang ganda nito.

"Max.. Isn't this too much? Ikaw ang may birthday at hindi ako." I said. Tumawa lang sya at hinalikan ang noo ko at bumalik sa inuupuan nya sa harapan ko.

"What? What is 'too much' sa taong nagmamahal?" Nakangising sabi nya.

"Eww! Ang baduy mo!" Nagtawanan kami. I wish this day won't end..

Nagkwentuhan kami ni Max at naglakad sa labas. We ate icecream together at may nakasalubong pa kaming bata. Wait-- he's familiar!

"Teka," Huminto ako at tinignan yung bata! He's the same kid I saw last day! "Diba ikaw yun?" Tumingin saakin ang bata at parang naalala nya din ako.

Ngitian ako ng bata at ewan ko ba kung bakit hindi mapakali si Max sa tabi ko dahil pinipilit nya akong hilahin palayo.

Nalipat naman ang tingin ng bata kay Max. "Kuya! Bati na po kayo ni ate ganda?" Agad naman akong napatingin kay Max. Namula sya at nag-iwas ng tingin sa akin at ngitian yung bata.

"Oo eh, salamat sayo. Be a good boy ah." Sabi lang ni Max habang pina-pat ang ulo ng bata na mukha namang ina-adore si max.

"Opo! Kagaya nyo po!" Ngumiti lang yung bata at kinuha na sya ng mommy nya. Ngitian lang kami ng mommy nya pagkatapos umalis na sila. Nakakamiss tuloy si Justine liit.

Umupo kami sa isang bench katabi ang isang maliit na poste.

"So ikaw pala ang nagbigay ng panyo saakin? Ganun mo ako kamahal?" Nakangising sabi ko kay Max. Haha! I can't stop from grinning. nakakatuwa at the same time nakakatawa.

"Nagsalita ang umiyak ng nakaupo sa duyan. Steph, kulang na lang music at pwede na i-upload sa youtube yung scene na nakita ko. HAHAHA!" Tumawa sya ng malakas. Nawala naman ang ngiti ko at napalitan ng pagkaasar. Kailangan talaga ipaalala pa yun?

"Eh sino ba kasing nakipaghiwalay? Nasaktan ako eh!" Tapos kunwaring napahawak ako sa bandang puso ko.

"Sino ba kasing umiiwas at nagiging cold?" Nakangiti pero seryoso nyang sabi. nagbibiro sya pero half meant yun ng sabihin nya.

"Max, sorry talaga." Lumungkot na naman ako. "I'm--"

Naramdaman ko ang mabilis nyang pagyakap saakin. Nabaon ang mukha ko sa dibdib nya. "Tsk. Why are you being so sensitive? Biro ko lang yun. Wag na nga lang natin pagusapan, ayokong masira ang araw natin. Isa pa, please.. wag ka namang umiyak.." I felt his big body touching me gently.

Tahimik lang kami. Bakit kasi sobrang nagiging sensitive ako sa lahat ng sasabihin nya. As if may kasalanan ako-- ganon nga ata kapag guilty ka.

"Steph," He whispered huskily in my ears. Take note! Malapit pa. Nangaakit sya!

"B-bakit?" Kinakabahang tanong ko.

"Anong regalo mo sakin?" Tanong nya habang lumalapit ang mukha nya saakin, sa mukha ko.

"H-huh? W-wala?" I stammered.

"Pwede ba 'yun? Dapat meron." Ngumiti sya saakin. Isang makahulugang ngiti.

"Ano?" Naramdaman kong hindi na ako humihinga.

He tucked my hair at the back of my ear. He used to do this, pero bakit naiilang parin ako? "Can I take you home tonight?"

Nagulat ako sa sinabi nya. I mean, hindi lang 'yun ang ibig nyang sabihin diba? He wanted something to happen and I'm not stupid para hindi malaman yun! He wants me to give my virginity to him.. when I'm already.. my body is..

"Max! W-wag mo nga akong b-binibiro ng ganyan!" I can feel my heart beat now!

"Hindi ako nagbibiro Steph." He said seriously. "I want you tonight. Just you and me."

Tumalikod ako bigla sa kanya dahil nahihirapan na naman ako. Naiiyak ako kasi naman, paano kung hindi naman sya nagbibiro? Paano kung gusto nya na nga? Paano kung talaga hinihingi na nya? Paano ko ibibigay? Paano?

Pinigilan kong tumulo ang luha ko at huminga ng sunod sunod na malalalim.

I heard him sigh. Naramdaman ko na namang yumakap sya saakin, his hot soft lips landed on my cheek.

"Just kidding." I heard him chuckled.

"Max naman eh! Why are you doing this?"

"You know I can wait." Sumandal sya sa inuupuan namin at seryosong tumingin sa taas. "I can, Steph."

Yumuko lang ako. "I know."

Hindi natapos ang date namin ni Max ng malungkot kami. Nagkwentuhan pa kami at naggala gala at bumili ng kung ano-ano hanggang sa mag 10:50 pm na. Gabing gabi na ako, lagot ako kay Kris nito.

"Sige, bababa na ako." Nakangiti kong sabi sa kanya. Naandito kami ngayon. Hindi nya pwedeng ipasok sa loob dahil ang alam nya, hindi ako pwedeng mag boyfriend. Oo, naandito nga kami sa lugar kung saan nakatira si Tessa, my beloved step mother.

"Magingat ka." He said looking straight to my eyes. God! Nakakatunaw ang titig nya! Lumapit sya saakin and he kissed me passionately. I responded pero hindi rin kami nagtagal dahil pinutol ko rin, I don't feel like kissing him. Maybe kasi pagod ako.

Nang maglayo ang labi namin, I look at his eyes that were heavy with desires. Hunger to taste me more and desire to take me with him. He pouted. "How I wish I can take you with me tonight."

Nginitian ko na lang din sya. "Happy birthday ulit Max. Mahal na mahal kita.. alam mo naman yun, diba?"

"Oo." Hinalikan nya ako sa noo. "At mahal kita higit pa sa pagmamahal mo sakin." And he looked at me sadly as if he's telling me na he can give everything to me because his love is greater than mine? I don't know. Yun ang nakikita ko.

Natawa na lang ako sa sinabi nya. Baliw din eh! "Sige, kita-kita na lang sa school!" Sabi ko at lumabas na ng sasakyan. Ngumiti sya saakin bago ako tumalikod at naglakad.

Hindi muna umalis ang sasakyan nya. I think hinihintay nya na makapasok na ako. Nagtago lang ako sa gilid at hinintay na umalis ang sasakyan nya. Nakabukas ang window nya kaya kita ko parin sya. Nakatingin sya sa labas na parang gusto pa akong sundan ng tingin kahit wala na ako.

I texted him that I'm home. After that, he started the engine. Tumingin ulit sya sa labas bago tumingin ng diretso at pinaandar ang sasakyan. I glance one more time at him again.

I just walked at sumakay ng taxi at umuwi kila Kris. Nakita kong nakabukas pa ang mga ilaw. Gising pa si Kris? At nang mapatingin ako sa terrace sa taas, nakita ko si Kris nakapatong ang dalawang siko sa bakal at nakatingin sa view ng labas sa baba habang may hawak na whiskey glass.

Hindi nya ako nakita since sa ibang part sya nakatingin. Hinihintay nya kaya ako? teka, 11:25 pm na pala. Pumasok ako ng bahay at ng umabot ako sa sala, nakita kong may mga bote ng alak. Mukhang may nag-inuman. Nanggaling siguro dito ang mga kaibigan ni Kris.

Hindi ko na ginalaw o nilinis ang mga nagkalat bukas na lang siguro, pagod na ako. Umakyat ako at pumasok sa kwarto. Maghuhubad na sana ako nang may makita ako. Isang makulay na paper bag, mukha syang regalo dahil sa mga designs.

Nilapitan ko yun at nagulat ako sa nabasa ko sa regalo.

[Happy Birthday Kuya! 22 ka na! Don't worry, you still look like a teenager. HAhA! Buti niregaluhan pa kita! Samanatalang nung Birthday ko, Wala ka man lang regalo! Pinatago ko to kay King-keng ah. mwehehe - Your beautiful lil' Sis, Stephanie Lyn]

Hindi ko alam ang nararamdaman ko. Kaya ba pinapauwi nya ako ng maaga? So that he can celebrate his birthday with me? He wanted to celebrate his birthday with me? Parang ang hirap paniwalaan. Ang isang Kris na kagaya nya? Pero bakit hindi nya sinabi agad na birthday pala nya? Sabagay, kung sinabi man nya, hindi ko naman magagawang iwan si Max..

Pero kahit na, atleast man lang nalaman ko. Edi sana nakauwi ako ng mas maaga. Tinignan ko ang relo ko. 11:30. Meron na lang 30 minutes at matatapos na ang birthday nya, pero ako-- hindi ko pa sya nababati. Pero teka-- Bakit naman nya gugustuhing makasama ako ngayon? Parang imposible?

Lumabas ako ng kwarto at pumunta sa terrace dito sa taas. I saw him looking outside na parang naghihintay.

"Kris.." Napalingon sya ng kaunti pero tumingin ulit sa labas. Our eyes didn't even meet. Lumapit ako sa kanya at tinabihan sya sa pagkakatayo. "Birthday mo pala.." I said awkwardly. Ah.. When it comes to Kris, hindi ko na alam ang sasabihin ko.

"Sobrang hirap bang sundin yung inutos ko sayo? Na umuwi ka ng maaga?" Napayuko na lang ako. "And to make everything worse, anong oras na? Bakit hindi ka na lang umuwi kinabukasan?"

"Hindi ko alam na--" Naputol ang sinasabi ko ng magsalita ulit sya.

"Drop it." Tinalikuran nya ako. "What's the point of explaining now? Siguro kasi mahalaga yung pinuntahan mo ngayon." He said and I can feel that he is.. hurt.

"Kris.." Was all I can say. I can't find the right words to tell him that I am sorry. But why am I feeling sorry anyway? "Sorry, hindi ko alam na birthday mo..."

"It's Okay Steph." Tumingin sya sa relo nya. "30 minutes na lang naman then this day will end." He said and laugh humorlessly. "Wala naman nang pinagkaiba sa mga nauna kong.. what do you call this? 'Birthday'? i don't really celebrate this thing. It's not important anyway." He look at my eyes and i can see the sadness. There are so many emotions that he is trying to hide from me.. "I never celebrate my birthday, I never experienced it." Then he smiled, a sad smile.

As i look into his eyes, I realized that I wanted to make his pain go away and fill them with new memories. I feel like I have always misunderstood him and he is not totally an evil person..

Just by looking at his eyes for merely 10 seconds.. I realize I don't hate him..

In 30 minutes, can i make it?

Continue Reading

You'll Also Like

5K 86 5
I choose to love you in silence, because in silence I feel no rejection "Kung ako lang ang masusunod, ngayon na okay na ako? Ayaw na kitang makita...
2.8M 37.7K 60
Compilation [On going] Language: Filipino DyslexicParanoia's collection of erotic short stories based on real confessions.
117K 5.9K 42
You don't have all the time in the world. Iyon ang totoo. Blessed to have survived her fatal illness and learning more to live with it, Polka tries t...
6.3K 395 38
She always wanted to have a simple life yet ended up marrying a wealthy engineer. She fell in love and her dreams changed. Now, her role is to be the...