Accidental Everything

By spaceJAM07

780 13 8

My first story. Geez! Emzo sabaw. Pagpasensyahan niyo na. I'm very much open to criticisms, opinions and sugg... More

Introduction
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9

Chapter 1

104 2 0
By spaceJAM07

Chapter 1

I'm AR, as in "R" pwede ring "A.R." call me whichever way you're comfortable with. AR is short for Aleric Rosanne Banzuelo. AR for those who are close to me, if we're not, call me Aleric and for some they call me Rosanne. A junior-high student from International Christian Academy.

I have the coolest BFFs ever! Candice dela Fuente or simply Candice and Elisha Miguel Martinez, call her este him "Elayzhya" or else die. Yeah, he's gay. We've known each other since grade school, pero nung freshmen year lang namen natuklasan ang iisang dugo na nananalaytay sa aming mga ugat. We call ourselves "The Cliff". Kung bakit, nothing's really important behind that name, nakita lang namen yun somewhere, and poof! The Cliff na ang tawag sa amin.

I'm Aleric Rosanne, member of "The Cliff",

And this is my story...

***

It's a Saturday. Lumabas ako kanina at pumunta ng clubhouse ng village. Nagtext kasi si Clarence e, magkita daw kami.

Nang dumating ako sa clubhouse, mga nagbabasketball lang yung nakita ko. Tumingin ako sa spot where Clarence usually stay pag nandito kami, but he's not there.

Kinuha ko ung phone ko.

Send to: Dodz_Clarence

Dodz, nsan knb? Wla---

Hindi ko pa man din natatapos ung text ko,

"Chill, may binili lang ako.."

I'm sure that's Clarence. Tumalikod ako and found him standing there may dalang softdrinks at.... SIOMAI!

"SIOMAI!!!!" sigaw ko at bigla na lang akong tumakbo papunta sa kanya.

"Sabi na e, ganyan magiging reaction mo." Inabot naman niya sa akin yung siomai."Oh.."

"Para ka talagang bata kahit kailan," ginulo niya ung buhok ko,"Tara dun tayo sa may bench."Hinila naman niya ako papunta sa mga benches.

"Himala 'to ah? May siomai na, may softdrinks pa!" Sinubo ko ung isang siomai, "Yung totoo.. May hihingin kang pabor sa akin noh? Nako, Clarence ha? Kung magpapalakad ka na naman ulit sa akin, ayoko na! Napapahiya lang a---"

Sinubuan niya ako ng isang buong siomai. Hindi ko tuloy natapos yung sasabihin ko.

"Alam mo, ang dami mong assumptions Dodz! Hindi ba pwedeng ilibre kita ng siomai na may softdrinks and that ends there?!"

Oww.. He was serious upon saying that. Na-offend ko ata siya.. I was just joking lang naman nung sinabi ko yung about sa pagpapalakad niya e.

"Dodz?" Inubos ko na yung siomai na nginunguya ko. "Galit ka ba? E syempre, hindi lang ako sanay na kumpleto yung panlilibre mo. May pambara na may panulak pa! But, I'm sorry if I brought up the 'bridge' thingy.. Sorry?" Di ko naman kasi akalaing seseryosohin niya yung biro ko.

Tumawa ng malakas is Clarence, "Nakita mo sana yung itsura mo! Seryoso mo Dodz ah?"Nilamutak naman niya yung mukha ko, "Seems like lumevel-up na yung acting ko noh? I should get into acting class once I get to Hawaii ----"

"Hawaii?"Pinutol ko yung sasabihin niya. Nagulat ako e, Once he gets to Hawaii? What does he mean by that?

"Dodz.."he looks sad. Very sad. "I'm going to Hawaii." Ang bagal niya magsalita. "And I'm staying there... for good."

SHOCKER!!!

That was big news! Magma-migrate sila sa Hawaii? Bakit? Kelan? Paano ako?

"Woah?! Talaga? So..."I'm stuttering, mas lalo akong hindi makatingin sa kanya this time. "...So kelan alis mo nyan?" I asked while looking to those who play basketball. Hindi ko siya talaga kayang tignan. Not that I feel guilty pa rin, baka kasi magka-waterworks bigla sa mukha ko ng de-oras.

"Next week."He said. Again, with a sad tone.

"Ne-next week?!"sa langit na ako tumingin. Nararamdaman ko na kasi, malapit nang magka-waterworks..

"Dodz.. Dodz, graduating ka na ah? Ilang buwan na lang yun oh.. Aalis ka pa rin?"Senior-high na siya. And in months time, graduate na siya, so why he's leaving?

"Sinabi ko na din yan kay daddy e."his voice was breaking. "But Ate Clara's taking over the business sa Florida. Maiiwan lang si Mommy sa Hawaii. E alam mo naman kung anong nangyari kay mommy last year diba? She can't be alone there, so I have to move in."

Tita Claret had stroke last year. Kaya nag-migrate na dun sa Hawaii si Ate Clara, para magkaroon ng kasama si Tita. Ayaw kasi nilang i-asa lang yung pag-aalaga ng mommy nila sa mga personal nurse or caregiver. Ate Clara is 6 years older than Clarence. Graduate na siya ng college yung nag-migrate siya sa Hawaii, kaya hindi masyadong ma-problema, unlike in Clarence's situation, in months time gragraduate na siya ng highschool pero di na niya aabutan yun.

"Bakit... Bakit ngayon lang?" I'm still looking at the sky. Teary eyed na talaga ako nun.

Hinila niya ako at hinarap sa kanya, "Dodz, sorry.. Sorry kung hindi ko sinabi agad. Akala ko kasi hindi matutuloy e, since balak na rin sana nila na sila na lang ang uuwi dito. I don't know bakit hindi natuloy. AR, I'm sorry."

Another shocker there! He never calls me AR, unless he's serious o galit.

Hindi ko na alam ang magiging reaction ko. Nararamdaman ko na na nangingilid yung mga luha ko. Sana, sana sabihin na niya ulit yung "Nakita mo sana yung itsura mo, ang seryoso mo ah?"Para alam kong big joke lang itong lahat. Na namiss niya lang ako kasi hindi kami nagkita kahapon dahil may training sila ng basketball.

Please Clarence, sabihin mo na yung punchline mo bago pa ako maniwala sa mga sinasabi mo. Clarence...

"AR, seryoso ako. This is not an issue that we can make fun with."Hinawakan niya yung dalawang kamay ko. "Sa Hawaii na ako titira at next week na ang alis ko.."

I tried to smile and indeed it was a weak one.

"Ano ka ba! Diba mas okay nga yun?"tinapik-tapik ko yung mukha niya while I was trying to sustain that weak smile, "Mas okay nga yun kasi.. kasi anak niya ang mag-aalaga kay Tita Claret. Mas assured yung safety niya and for sure mas mapapabilis yung recovery niya." I'm trying my hardest not to cry. No, not now. Ayokong bigyan siya ng dahilan para magdalawang-isip siya sa pag-alis niya. Tita Claret needs him.. At wala akong balak pigilan yun.

Kinuha niya yung kamay ko mula sa pagtapik ng mukha niya at hinawakan, "Thank you.. Thank you so much AR!" Nangingilid na rin yung mga luha niya nun.

"Loko! Sino kaya madrama sa atin? Sana nakita mo din yung itsura mo... Iiyak ka na oh.." I have to pull that line off. Masyado na kasing mabigat yung usapan e.

"Sira ka talaga! Halika nga dito, payakap nga!"Nagtawanan na kami at hinila niya ako para yakapain. Ang just when we were about to hug...

"Pare! Pare! Si Marasigan, ang sama ng bagsak!" Sigaw nung isang nagbabasketball dun sa clubhouse habang tumatakbo palapit sa amin.

"Si Marasigan?"napatayo agad si Clarence. "Dodz, teka lang ha? Pupuntahan ko lang si Marasigan." Nagpaalam na siya sa akin at tumakbo kasama nung nagbabasketball kanina.

"Marasigan? Sounds familiar..."

******

Now I'm laying here sa kama ko. I turned off the laptop. "C'mon AR... Wake up! This is a bad dream.. Gumising ka nabago ka pa tuluyang bangungutin." Sinampal-sampal ko na yung sarili ko. Baka sakaling panaginip lang 'to. Isang napakasamang panaginip. "Gising Aleric!!"

"Bebe Girl!"nagulat ako, may pumasok bigla sa kwarto ko.

"Kuya naman... Nakakagulat 'to oh... Pwedeng kumatok!"bigla-bigla naman kasing pumapasok 'tong si Kuya oh.

Yeah, I have a brother. It's Kuya Alden. Actually, parehas kami ng initials na AR. Kung ako, Aleric Rosanne, si Kuya naman e Alden Ross. Minsan "AR" ang tawag ko sa kanya, pero Kuya Alden kadalasan. He calls me Bebe Girl. Since when? Well.. Eversince? Haha. Seriously, yun na talaga tawag sa akin ni Kuya noon pa man.

"Sus! E kahit naman magkakakatok ako dyan sa pinto e hindi mo ako mapapansin e." Tumalon naman siya sa kama ko. Now we're side by side, "E ang lalim ng iniisip mo e." at piningot niya ang ilong ko.

"Aray.. Aray.. Aray.. Kuya yung ilong ko.. Ouch naman.. KUYAAAAAA!!!"tinatanggal ko na yung kamay niya, pero lalo pang humihigpit yung hawak niya and worse lalong napipipi yung ilong ko.

"Ayan na 'yang pango mong ilong." Binitawan na rin niya yung ilong ko. Grabe, namumula buong ilong ko! Ito talagang si Kuya oh... Humiga naman ng tuluyan si Kuya sa kama at humarap sa akin.

"Anong problema?"

Problema? So where on earth did he pull off that line?

"Problema? Ikaw Kuya! Ikaw ang problema! Bigla-bigla ka na lang pumapasok ng kwarto!"binato ko siya ng unan pero naiwasan naman niya at nilagay sa pagitan ng mga binti niya.

"Bebe Girl." He's serious now. And that seems to be a warning.

Tumayo na lang ako at nag-pretend na nag-aayos ng gamit.

"Clarence is leaving soon."

At pinagpatong-patong ko yung mga libro sa study table na usually e nakahilera lang dun.

"So alam mo na pala."

Napalingon ako bigla sa sagot niya.

"Alam mo?!"

"Tumawag dito si Clara last Thursday. Ayun, nangamusta at sinabi nga niya yung tungkol sa pag-sunod dun ni Dodz Clarence." Ginaya pa niya yung boses ko sa 'Dodz Clarence' part.

"And you didn't even bother to tell me?"

"Chill! Syempre gusto namen nila Momsy na si Dodz Clarence na yung magsasabi sa'yo nun."Again, ginaya niya yung boses ko sa 'Dodz Clarence' part.

"Wow! I'm the bestfriend and I was the last one to know. REALLY GREAT!" I'm being sarcastic now. Grabe! Alam na nilang lahat, habang ako, ina-absorb palang yung shocking news ni Clarence.

"So?"tinaasan naman ako ng kilay ni Kuya.

"Anong so Kuya? Bestfriend niya ako tapos ngayon ko lang nalaman? Samantalang kayo na---"

"That's not what I meant. So... anong gagawin mo?

"E wala naman akong magagawa e..." at umirap naman ako sa kanya.

"E di iiyak mo na lang yan."

"E ba't naman ako iiyak noh?!"Nagmalaki pa ako. No way! I won't cry over that thing!

"Ba't ganun AR? Why do I have this feeling na parang mas kilala pa kita kaysa sa sarili mo? Halika nga..."bigla siyang tumalikod at tinap yung likod niya.

"Iiyak mo na yan dito."

And so I did. Lumapit ako kay Kuya at umiyak sa likod niya. After a minute or so, humarap na siya at niyakap na niya ako. Hanggang dibdib lang ako ni Kuya. Ang laking lalaki kasi e. Hindi na kami nagsasalita pareho. Magkayakap lang kami.

And with that, I felt secured.

"Oh, tama na. Masyado ka ng madrama e. Fix yourself and we'll have dinner in a bit. Okay?"he wiped my tears, "I love you Bebe Girl!" and he kissed me on the forehead.

"Thanks Kuya! It was a comforting one!"kumalas na ako sa pagkakayakap. "I love you so!"

"Sige, sunod ka na sa baba ha?"He headed to the door and went out, but before he close, "Oww. Samahan mo pala ako sa mall tomorrow okay? May bibilhin kasi ako e. You can't say no. You owe me one. Look.." tinaas niya yung shirt niya, "Binasa mo yung shirt ko oh.." Nakita ko nga, basang-basa yung top niya, lalo na sa chest part.

"Well, what you said."Then I winked.

He smiled back at tuluyan ng sinara yung pintuan.

******

That's my Kuya. Aside from having the coolest BFFs in the world, I was blessed to have kuya as my, well, Kuya. :)

Siguro nga tama siya, na mas kilala niya ako more than I know myself. We are really close. Sa totoo nga niyan, mas spoiled pa nga ako dyan kaysa kela Mommy e. He's always been My Savior, My Buddy, My Shock-absorber, My Comforter, and My Bestfriend. A brother that everybody's wishing for is Alden.

Yeah, I got a lot of bestfriends, but he's my number 1! And with that, he knows everything! No holds barred pag kami ang magkausap, minsan nga kahit hindi ko pa man din sabihin, alam na niya.

Gaya na lang kanina. Wala naman akong balak na umiyak e, but when he offered his back, tears automatically fell. Among all my bestfriends, sa kanya lang talaga ako umiiyak. For every hug he gives, it makes me believe that everything will fall back to their respective places.

Grabe! Masyado akong naapektuhan sa binalita ni Clarence. Halos mabasa o na yung buong shirt ni Kuya!

To start off, Clarence and I are not a couple. Well, we're more of best friends. We've known each other since I was 7 and since he was 8.Now I'm 15 and he's sweet 16. Graduating na siya, ako junior -high palang.

Sa school, kung hindi 'The Cliff' ang kasama ko, it's Clarence. And we're usually hanging out sa rooftop ng school. Kami lang palagi doon. No intruders. Naka-lock kasi palagi yun, e kami may nilulusutan kaya nakakatambay pa rin doon.

People usually think that we're together. But we're not! FOR THE RECORD, WE ARE NOT A COUPLE! Siguro namimis-interpret lang nila ung closeness namen. Kulang na lang maging magkadugtong yung mga intestines namen e, halos di kasi kami mapaghiwalay.

But sadly, everything has to come to an end. He's leaving for Hawaii and will be staying there for good. And me? I'm staying here.. sa Pinas.

***

Sunday has passed, nothing so memorable happened.

Umattend lang kami ng mass ng buong pamilya and after that, Kuya and I headed to a mall, gaya

ng napag-usapan namen kahapon.

May binili nga siya. A monthsary gift for his 14-month long girlfriend na si Ate Mildred. Talagang pinilit niya akong sumama para daw may tumulong sa kanyang mamili, you know, para daw may girl's taste yung gift.

Photo book yung nabili namin. Mahilig kasing magpicture yang dalawa. Well, Ate Mils has the passion for photography talaga. Si Kuya? Ayun, nakiki-passion na lang din. Hahah! The first 3 pages were filled already. Yung una, yung picture nila nung first anniversary nila. Then yung first Christmas nila together. And yung last was a photo na naka-couple slippers and watch sila. On the last page of the photobook is his message for Ate Mils. I didn't bother to read it na. You know, I love the word PRIVACY.

Continue Reading