A.K.A. Neerdy GIRLFRIEND (COM...

Autorstwa adrian_blackx

415K 13K 1.3K

"Nerd man ako sa paningin nila, but they don't know me very well." -GLAIZA Maybe I judge her before, but then... Więcej

Chapter 1: The Kiss
Chapter 2: Rescue
Chapter 3: Music Room
Chapter 4: New Prof
Chapter 5: Rooftop
Chapter 6: Tutor Mode
Chapter 7: Kathrina
Chapter 8: DATE?!!
Chapter 9: The Truth and The Hell
Chapter 10: Glaiza Galura
Chapter 11: Heaven and Hell
Chapter 12: Elevator
Chapter 13: Kumot
Chapter 14: Glaiza's New Girlfriend
Chapter 15: Wife material
Chapter 16: Hello Past
Author's note
Chapter 17: Over
Chapter 18: Love Guru
Chapter 20: Forgive and Forget
Chapter 21: Yes
Chapter 22: Tagaytay Adventure (1)
Chapter 23: Tagaytay Adventure (2)
Chapter 24: The Revelation
Chapter 25: Nasa'yo na ang lahat
Chapter 26: The Comeback
Chapter 27: Something New
Chapter 28: R vs. S
Chapter 29: Hurt
Chapter 30: Come back is real
Chapter 31: Birthday Surprise
Chapter 32: Closure
Chapter 33: Grow Old with You
Chapter 34: Where are you?
Chapter 35: Happy Ending
EPILOGUE
Mula Sa Author <\3
Hi guysss

Chapter 19: Real

11.9K 370 45
Autorstwa adrian_blackx

GLAIZA'S POV

Masaya ako dahil napatawad na ako ni Rhian, at mamaya tatanungin ko kung pwede akong mangligaw sa kanya. Sasabihin ko na din sa kanya na mahal na mahal ko siya, na lahat ng sinabi ko sa kanya ay totoo.

Bago ako pumasok, pinaayos ko yung rooftop para maging romantic naman yung magiging set up namin ni Rhian, syempre kasama yung dalawang kumag na yun. Nung una ayaw pang pumayag ni Kath, dahil uminit nanaman ang ulo niya kay Rhian, pero wala siyang nagawa, nakiusap ako eh. For sure hindi naman ako matitiis ng mga kaibigan ko.

Natapos na yung session ko sa mismong classroom namin, alam ko naman na halos lahat ng nasa loob kilig na kilig sa nangyari. Iba yung charm ko eh. Pamatay. Pagkalabas ko, agad akong pumunta sa rooftop to check everything, and it was perfectly fine, si Rhian at ako na lang ang kulang. This will be her punishment.. A punishment to date me, and say yes to me. Hindi naman sa pinipilit ko siya na payagan niya akong manligaw sa kanya, pero kasi effort yun eh. Bihira pa man din akong mag-effort.

Pumunta na ako agad sa office ko, para makapag-ayos, pero mukhang minamalas nga naman ako.

"Kalat na kalat na yung ginawa mo kanina, ang daming nagvideo! The hell Glaiza, ano bang ginagawa mo, kababalik mo lang ah!." Georgina said.. Diba nakakaasar? Ang ganda ganda ng mood ko, tapos sisirain niya. 

Gustuhin ko man siyang paalisin, pero di ko magawa, dahil hawak siya ni Chief, at wala akong magawa. Kaya pinagtitiisan ko na lang.

"Oh really? Shinare mo na rin ba yung video sa facebook?" Pang-aasar ko sa kanya. 

"The earth Glaiza! Huwag mong paasahin si Rhian!" What?! Nababaliw na ba to? Damn.

"George, di ko siya pinapaasa ok?"

"Pero paano yung sa atin? Glaiza fiance mo ko" 

"Anong paano yung sa atin? George, walang tayo, walang ikaw, walang ako. Kami lang ni Rhian ang meron. Tsaka sino bang nagsabi na pinapaasa ko siya. Mahal ko si Rhian, wala kang magagawa." 

"Do you think masusunod ba yang puso mo sa idinitikta ng lolo mo?" She said.

"Oo, bakit? Besides, Chief can't control mylife. Even my parents! I can run the company without you, without anybody! So will you please, shut up?" Nakakainsulto na tong babaeng to. Basagin ko na kaya mukha niya?

Hindi niya ako sinagot umalis na lang at bumalik sa work niya, at ako naman naiwan sa office ko at hinintay ko matapos ang second class niya dahil mamaya susunduin ko na siya for her DETENTION.
.
.
.
.
.
.

Nandito na ako sa labas ng room at hinihintay ko si Rhian, ilang sandali pa lang, lumabas na siya, at mukhang walang balak lumapit sa akin.

"Where do you think you're going Ms.Howell?" I ask her,. Halata sa kanya na nagulat siya sa pagsulpot ko.

"Kahit saan, maaisawan ko lang yang PAUSO MONG DETENTION! TSE" kababati lang namin pikon agad. Haizt.

"Oh no you won't, sasama ka sa akin sa ayaw o sa gusto mo" 

"Hindi, bahala ka jan" sabi nga nila, kung di mo makuha sa santong dasalan, edi sa santong paspasan. Agad kong binuhat si Rhian, para wala na siyang magawa at para wala na siyang kawala.

"Glaiza! Let me go!" Sigaw niya sa akin, at halos ng estudyante pinagtitingian na kami.

"Hindi na kita bibitawan ngayon Rhian, tandaan mo yan" wala na siyang nagawa at nagpahubat na lang sa akin, bahala na kahit gaano kalayo yung rooftop, bubuhatin ko tong babaeng to, at hindi ko hahayaang mahulog.

"Ang bigat mo ah! Hahaha" pagbibiro ko, masado kasi siyang seryoso.

"Sino ba kasing nagsabi na buhatin mo ko? Duh? Feeling mo naman kasi ikaw si superman!"

"Hindi nga, pero I will be your woman!" Sabi ko sa kanya.

"Whatever!" 

Sawakas, nasa rooftop na kami at agad ko siyang binaba.

"So dito ang detention room mo?" She ask.

"Oo, cool diba? Halika na, pasok na tayo" 

Nauna siyang pumasok sa rooftop, at tama nga ang inaasahan ko, nagulat nga siya.

"OH MY GOSH! GLAIZA!" She said.

"Picnic at the rooftop! Do you like it?" I ask.

"I love it! Thank you Glaiza" sabay yakap sa akin.

"Anything for you my love, ano halika na?" She just nod to answer.

Enjoy na enjoy naman tong si Rhian sa pagkain, grabe ah.

"Pasensya ka na ah, ito lang yung nakayanang set up nung dalawang kumag, I sent them all the information, pati dapat yung kalalabasan, pero well! Hahaha." I said, habang tumitingin pa din sa kanya, grabe ang cute niya oh.

"You mean, Chynna and Kathrina? Haha. Kung Chynna, maniniwala pa akong tumulong dito, pero kay Kath? Malabo" she said.

"Well nung una, she doesn't want to help, but you know, kung anong sinabi ko, yun ang masusunod"

"Teka nga, bakit ba tayo nandito?" She ask. Ito na, ito ang pinakahihintay ko. Medyo kinakabahan ako, pero andito na to eh. Kung mareject, mareject. Kung masaktan, edi masaktan. 

Tumabi ako sa kanya, para mas damang dama ko ang bawat linyang sasabihin ko, at makita niya din na totoo ang mga sasabihin ko. Pero parang kinakabahan pa din ako eh. But this is it!

"Rhi. Its been awhile, na naging set up natin tong relationship thingy natin. Dahil dun, medyo gumaan na din ang loob ko sayo. Aaminin ko, nasaktan ako dati sa ginawa niyo, pero hindi ako kinain ng galit na yun para MAHALIN KA. I know medyo hindi pa tayo ganun magkakilala,. Pero yung saya na binibigay mo sa akin? Yun ulit ang bumuhay ng patay kong puso. Akala ko dati magiging bato na ang puso ko eh, akala ko dati maglalaro lang ako or what, pero nung nakilala kita, everything change. Rhian, I want this to be real. I want us to be real. Kahit alam ng ibang tao na girlfriend kita, I want to ask you something. Pwede ba kitang ligawan Rhian?" 

Wala ng bawian to,. Medyo kinakabahan ako sa pwede niyang isagot, pero this is it. Bahala na. Ang importante lang sa akin ngayon, me and her, at wala ng iba. 

RHIAN'S POV

"Pwede ba kitang ligawan Rhian?" 

"Pwede ba kitang ligawan Rhian?" 

"Pwede ba kitang ligawan Rhian?" 

Oh my gosh, ito na ba yun? Kinikilig ako!!! Whaaaa! Pero dapat Maria Clara muna.

"Bakit gusto mo kong ligawan?" I ask her. Tignan ko kung ano ang isasagot niya.

"Two things Rhian. Two things. First, I want us TO BE REAL, hindi yung nagprepretend tayo, you don't deserve that. You deserve to be happy, yung magiging kampante ka sa pag gising mo, may taong naghihintay at nagmamahal sayo. Yung may mag-aalaga sayo kapag may sakit ka. Tapos yung walang ibang hahawak ng kamay mo maliban sa akin at family mo,. Yung pprotektahan ka sa lahat ng bagay na pwedeng makasakit sayo. Lahat gagawin ko mapasaya ka lang. Secondly, simple lang, dahil mahal kita" 

So she wants us to be real? Pero hindi na niya kailangan mangligaw, kahit ngayon mismo sasagutin ko na to eh!

"Talaga?" 

"Yes, its real. So pinapayagan mo na ako?" She ask.

"Yes, Glaiza, pinapayagan kita" bigla naman akong niyakap ni Glaiza ng napakahigpit. Grabe siya ah, hindi halata na namiss niya ako. Paano ba naman kasi, ilang araw din wala tong babaeng to.

"I am the most happiest person right now! Thank you Rhian, hindi ka magsisisi! Pero sana huwag mong kong pahirapan ah?" aba demanding ang loko. Tsk.

"Ano ka? Sinuswerte? Pahihirapan muna kita nuh! Hahaha! Yung tipong magsisibak ka ng kahoy, mag iigib ka. Yung mga ganun. Hahaha" yung mukha niya, ang cute lang, gulat na gulat.

"Papatayin mo ba ako? Di bale, patay na patay naman na ako sayo" sabay kindat sa akin. Wow, pinagpawisan ako dun,. Natameme ako ah. Galing bumanat ng loko.

"Ewan ko sayo! Alam mo! Halika na, may klase pa tayo within 20 minutes!" I said.

"Huwag na tayong pumasok, ako na bahala sa quiz mo!" Aba aba! Mayabang, alam kong matalino to, pero nagbago na ako nuh, hindi na ako aasa sa kanya, mag aaral na ako.

"Hoy, Ms.Galura, umayos ka, papasok ka sa ayaw o sa gusto mo!"

"I own this school anyway, I can do whatever I want!" Ahh ganun ah.

"Ok. Sige basted ka na" sabay tingin sa kanya.

"Ito naman, di mabiro, halika na nga, baka malate pa tayo. Bilis!" Tignan mo, ang bilis magbago ng isip. Haha. Napatawa na lang ako sa reaksiyon niya.

Bumaba na kami ni Glaiza sa rooftop, at hawak hawak niya ang kamay ko, wala siyang pakielam sa mga taong nakakasalubong namin. Feel ko tuloy ang super special ko. Ang swerte ko naman, may Glaiza Galura sa tabi ko.

"Rhian!" 

Shet naman! Bakit ngayon pa! Baka magalit nanaman tong kumag ko. Biglang lumapit si Rafael sa amin., at ito naman si Glaiza, ang sama ng tingin, kung nakakamatay lang ang tingin, malamang, nakalibing na to ngayon

"Hey, I want to say thank you, sa pagsama mo sa akin kanina na mag breakfast. Next time ulit ah?" He said.

"Wala ng next time! Dahil starting today, she will be always be with me! Tsaka sino ka ba?" Sabat ni Glaiza.

"I'm Rafael, I'm just new here,. Apat na araw na nga ako sa university na to actually! And who are you? Kung makasalita ka, parang pagmamay-ari mo si Rhian!" Oh no! Raf, hindi mo dapat sinabi yun!

"You don't know me?" She ask.

"Magtatanong ba ako kung hindi?" Rafael said. Ang init ng tensyon sa kanilang dalawa, halatang ayaw magpatalo.

"I am Glaiza Galura, owner of this university, and GIRLFRIEND NI RHIAN!" Sabi ni Glaiza, halata sa kanya na sobra na siyang naiinis, pero pinipigilan niya lang magalit.

"So ikaw pala! Hahaha! Remember this Ms.Galura, asawa nga, naaagaw, GIRLFRIEND pa kaya! Bye Rhian, see you!" Umalis na lang agad si Rafael,. 

"Who is he?!" Ito na galit na siya at ang sama ng tingin niya sa akin.

"He's new, kahapon pa ako kinukulit niyan, pero don't mind him. Halika na nga!" 

Buong klase tahimik lang si Glaiza, halata pa din na iniisip niya yung nangyari kanina, halata pa din sa kanya na sobra siyang naiinis.

Ito naman kasing Rafael na to, napaka assuming, hindi ko naman siya type! Nakakainis na talaga!..

GLAIZA'S POV

Hindi talaga maalis sa isipan ko yung sinabi ng lalaking yun. Patalsikin ko kaya yun dito. I can do that anyway..

Pagkatapos ng klase namin, agad kong hinila si Rhian papunta sa office ko., dahil baka makita ko nanaman yung lalaking yun, at dumiskarte pa sa Rhian ko. 

Good thing wala si Georgina dito, kung hindi baka kung ano nanaman sasabihin niya,.

"Ano, san mo gustong magdinner?" I ask Rhian.

"Anywhere. Kahit sa condo mo na lang, ipagluto mo ko" 

"Ok then. Shall we?" I ask her.

"Oh! I change my mind, dun ka na lang sa condo ko magluto" sabay smile sa akin, mukhang may plano to ah. Pero kung ano man yun, bahala na.

"O-okay. Halika na"
.

.
.
.
Nakarating kami sa condo niya, at medyo kinakabahan ako.

"Magluto ka na lang diyan, bahala ka na. Andun yung kitchen. Magsshower lang ako" she said. Agad ko naman siyang sinunod, dahil baka gutom na yun.

I decided to cook Chicken Curry. Medyo namiss ko din to eh

Habang nagluluto ako, biglang lumabas si Rhian, at biglang napatuyo ang lalamunan ko. Nakarobe lang siya. Basa pa ang buhok. Nanadya ba to. Gosh Rhian! Huwag ganyan, baka di ko mapigilan ang sarili ko. Wooo! 

Palapit siya ng palapit sa akin, pero hindi ko na lang pinansin, at nagfocus na lang ako sa paghihiwa..

"Anong niluluto mo?" She ask. Grabe tong babaeng to, nakakaakit. Wooo!

"ahh, uhmm, chi-chicken curry" shet nauutal utal na ako! This is bad.

"Uhm. Rhian, can you please, put some clothes on?" I said, dahil baka talaga di ko mapigilan sarili ko. Kung gagawin man namin yun, dapat yung kami na talaga, yung official.

"Nakabihis naman ako ah" she said., painosente to. She know what I meant, at mukhang nag eenjoy pa siya.

"No. You're just wearing a robe. Hindi yan damit. Isang maling galaw mo lang, pwede ka ng mahubaran" pangsisita ko sa kanya.

"As if naman hindi mo gugustuhin kapag nakahubad na ako. Hahaha! Ok! Magbibihis na" damn this woman, buti na lang at magbibihis na siya ng damit. Dahil kung hindi, baka ako pa mismo ang maghubad sa kanya.

Ilan sadali pa lang lumabas na siya ng nakasimple white shirt and a shorts. Buti na lang..

"Rhi, come on, lets eat!" Pagtawag ko sa kanya, at agad naman siyang lumapit. Ako naman pinaghila ko siya ng upuan. Gentlewoman dapat!

"Thanks" she said.

"Anything for you. Tara kain na tayo" i said to her. Pagkaupo na pagkaupo niya, agad niyang tinikman yung niluto ko.

"Wow ah, masarap naman tong niluto mo. Galing, pwede ka ng mag asawa"  komento niya sa luto ko. Naks naman! Pogi points! 

"Oo ba, basta ikaw maging asawa ko, walang problema!" Sabay kindat sa kanya., halata naman na kinikilig to, kunwari pa eh.

"Ewan ko sayo." Pikon agad. HAHAHA! 

"Oh, after natin kumain, maghugas ka, after niyan, sumunod ka sa kwarto ko" oh my gosh! ANONG GAGAWIN NAMIN SA KWARTO NIYA?!!! Ang bilis naman ng babaeng to..

"A-anong gagawin ko sa kwarto mo?" Kinakabahan ako.

"You'll see!" is she seducing me? If yes, magaling! Nakuha niya ako sa isang tingin.

"Sige na maghugas ka na, dami mong sinasabi eh. I'll wait for you. Bilisan mo, ayokong pinaghihintay ako" 

"O-ok" i said.

Habang nag huhugas ako, nanginginig ang mga kamay ko, ganito ba talaga ang epekto ng isang Rhian Denise Ramos Howell? Tindi! Pero hindi ba pwedeng kapag kami na? Minamadali naman ako ni Rhian eh

Tapos na akong naghugas, ito na. Papasok na ako sa kwarto niya. Kumatok na ako, para malaman ko if pwede na akong pumasok..

"Pasok!" Sigaw niya. Ito na, papasok na ako. Hinga ng malalim, and go.

Pagkapasok ko sa kwarto niya, nakahiga siya, at para bang inaakit ako. Napalunok na lang ako sa nakita ko.

"Rhi..Rhian?" Hindi ko talaga alam ang gagawin ko. Ang init!

"Glaiza. Simulan mo na" she said. Sisimulan ko na? Ang alin?

Dahil sa pagkataranta ko, aalisin ko na sana ang tshirt ko.

"Whoa! Whoa! Wait! What are you doing?" Huh? Ano daw.

"Diba sabi mo simulan ko na?" I said.

"HAHAHAHAHHAHAHAHAHAHA!" Tumawa lang siya ng tumawa.

"What's so funny?" I ask her.

"Do you think, me and you are gonna you know? Hahahaha" 

"Ba-bakit hi-hindi ba?" I ask.

"HAHAHAHAHHA! HINDI! HAHAHAH! Ano ka sinuswerte? Hoy Galura, kung ano man yang iniisip mo, hindi yan mangyayari. HAHAHA" what??! Damn! Sakit sa puson ah.

"Eh, ano yung sinasabi mong SIMULAN KO NA?"

"SIMULAN MO NG MAGLINIS NG CR! HAHAHAHAHAHAH!"

WHAT? Ako, maglilinis ng CR? Seryoso ba tong babaeng to.

"Teka! May taga linis ka naman ah! Bakit ako tong inuutusan mo?!" Nakakaasar ah!

"Eh kasi bukas ng umaga, andito si Nadine, syempre gusto ko malinis kaagad to. Tutal wala tayong pasok. Kaya sige na simulan mo na yan!" Galing makautos nito ah.

"Paano kung ayoko?" 

"Edi basted ka na. Akala ko ba sabi mo hindi ako magsisisi, simpleng paglilinis lang ng cr, di mo pa magawa. Ok, sige uwi ka na, salamat sa dinner ah, and lock the door when y-"

"Oo na maglilinis na po kamahalan" i said. Lakas talaga ng topak ng babaeng to.

"Susunod ka din pala eh. Hahaha!" Galing niya! Galing niyang tumawa. Wow ah, ngayon ko lang naranasan to. Pero wala akong magagawa. I need to do this..

Hindi naman madumi yung cr nito, pero kailangan ko daw linisin, well, wala akong magagawa kaya nilinisan ko na lang bawat sulok, para wala talagang makitang dumi.

After 30 minutes, TAPOS na din ang paglilinis ko, salamat naman! Makakapagpahinga na ako.

"Rhian, tapos na" i told her.

"Talaga? Check ko nga!" 

Tinignan ng masuri ni Rhian ang bawat sulok, sana naman ok na, pagod na ako eh. Nagbayahe ako from La Union to Manila, tapos diretso ako agad sa University, then nagturo ako ng kung ano ano, tapos pinagluto, pinaghugas ng plato, then now pinaglinis ako ng kubeta. Haizt!

"Ok na!" Hay, buti na lang, thank God! 

Agad naman lumapit si Rhian sa akin at nagulat ako sa ginawa niya. She kiss me, sa lips, pero smack lang. But who cares? Kiss pa din yun. Shet kinilig ako. Minsan lang ako kiligin.

"Thanks Glaiza, sige na umuwi ka na, alam ko pagod ka eh. I love you!" Naks naman! May kasama pang I love you!!! Whaaaaaa!!!

"Anything for you my love. I love you too!" At syempre hindi pwede siya lang ang hahalik, dapat ako din..
.
.
.
.
Nakauwi na ako sa condo ko, at nakangiti pa din ako. Hay Rhian, malapit na. Magiging Girlfriend na kita.

------

AN: 

Ayiiiee! Nag "I LOVE YOU"han na silang dalawa, naks naman! HAHAHAH! 
Kapit lang guys, magiging sila din, huwag kayong mag-alala. Gusto niyo jumbagin ko na lang sila Georgina and Rafael? HAHAHA. joke lang! 

Sa Monday or Tuesday ulit ang next update ko ah. Salamat sa walang sawang pagsuporta. Hehehe! Labyu guys!
Enjoy

Czytaj Dalej

To Też Polubisz

239K 7.9K 56
Allyson Fajardo is a type of girl who is easily be defined as "a perfect girl" for others, she is a total definition of perfection, she has the looks...
111K 3.6K 57
There's one person who are meant for us ... One person that will let us feel how perfectly imperfect we are. When Mikha met Aiah's eyes she knew at t...
284K 13.4K 46
Siya si Aerin Camila, isang baguhang reporter na sa sobrang ambisyosa, gagawin ang lahat para lang makakuha ng scoop tungkol sa buhay ng Presidente n...
177K 5.3K 37
kriss is a sweet and caring girlfriend with maica,halos buong buhay nya ata kay maica nya lang inilalaan she give everything for maica's happiness,bi...