MONTGOMERY 5 : Waiting For Su...

Od SilentInspired

4M 88K 6.8K

Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away... Více

Uno
Simula
▪ 1 ▪
▪ 3 ▪
▪ 4 ▪
▪ 5 ▪
▪ 6 ▪
▪ 7 ▪
▪ 8 ▪
▪ 9 ▪
▪ 10 ▪
▪ 11 ▪
▪ 12 ▪
▪ 13 ▪
▪ 14 ▪
▪ 15 ▪
▪ 16 ▪
▪ 17 ▪
▪ 18 ▪
▪ 19 ▪
▪ 20 ▪
▪ 21 ▪
▪ 22 ▪
▪ 23 ▪
▪ 24 ▪
▪ 25 ▪
▪ 26 ▪
▪ 27 ▪
▪ 28 ▪
▪ 29 ▪
▪ 30 ▪
▪ 31 ▪
▪ 32 ▪
▪ 33 ▪
▪ 34 ▪
▪ 35 ▪
▪ 36 ▪
▪ 37 ▪
▪ 38 ▪
▪ 39 ▪
▪ 40 ▪
▪ 41 ▪
▪ 42 ▪
▪ 43 ▪
▪ 44 ▪
▪ 45 ▪
▪ 46 ▪
▪ 47 ▪
▪ 48 ▪
▪ 49 ▪
▪ 50 ▪
▪ 51 ▪
▪ 52 ▪
▪ 53 ▪
▪ 54 ▪
Wakas
My heart speaks

▪ 2 ▪

99.2K 2.1K 97
Od SilentInspired

Immature

Five years ago...

Mahigpit kong hinawakan ang cellphone ko habang naririnig ang sinasabi ng pinsan ko sa kabilang linya. Para akong mabubulunan dahil sa kanya.

"Oo... Sige, makipagkikita ako. Malapit na ako sa university mo," sagot ko.

"Mag-stay ka na muna sa library. Hindi tayo pwedeng makita ng mga kaibigan ko na magkasama baka sabihin nila kay mama. Doon na lang kita pupuntahan," aniya.

Napakagat ako sa aking labi.

Tumango ako kahit na hindi naman niya ako nakikita. Wala sa sariling napikit ko ang aking mga mata. Nasasaktan ako para sa nanay ko dahil sa gagawin naming pag-uusap ng pinsan ko. Patunay ang aming pag-uusap sa realidad na hindi lahat ng nakaukit sa dugo ay patuloy na nakaukit doon.

"Yeah, promise. I'll go back after an hour," rinig kong wika ng isang tao.

Mabilis kong naimulat ang mga mata ko dahil sa naramdamang kakaiba. Parang pamilyar ang boses na 'yon, base sa reaksyon ng puso ko ay parang narinig ko na 'yon.

Pero saan?

"Cutting? Well... you can say that pero babalik din ako promise. Shut your mouth, Gelo. Of course hindi nila pwedeng malaman! Gusto mo bang patayin ako ni Adrianna! Especially Carl! Just make an excuse. May kailangan lang akong tingnan," sunod-sunod na wika ng lalaki.

Nanliit ang mga mata ko habang palapit ang lalaking 'yon. Mukhang may kausap siya sa cellphone niya.

Habang papalapit siya ay mas lalo kong nakikita ang mukha niya. Natigilan ako at sandaling na-blangko. Parang nakalimutan ko ang pakay ko sa lugar na 'to habang nakatitig sa lalaki na 'yon.

"Yes. Bye. Thank you."

Pinutol niya ang tawag at pinatunog ang kanyang kotse. Nagsulubong ang aking kilay dahil doon. Hindi ko maiwasan ang tingnan ang orasan mula sa cellphone ko.

Hindi pa naman oras ng labasan..

"Excuse me..." singit ko.

Binuksan niya ang pintuan ng kanyang kotse bago ako tiningnan.

Teka lang...

Lunok.

Ang gwapo.

"Why?" aniya sa matigas na Ingles.

Napakagat ako sa aking labi. Itinaas ko ang aking noo at tiningnan ang lalaki nang masinsinan. Kahit na nakasusunog at nakalulusaw ang tingin niya ay pilit kong tinibayan ang tingin ko sa kanya.

Tao siya...

Gwapo lang 'yan, tamad naman mag-aral. Aanhin ko ang gwapo kung walang pangarap!

"Hindi pa oras ng labasan. Bawal pang lumabas. Nakasara pa ang gate para sa mga estudyante ng university na 'to," pagsasalaysay ko.

Ngumisi ito.

Anak ng shark!

Pwedeng Superman ng buhay ko—hindi! Never! Tandaan, hindi porket gwapo ay pwede nang pumasa bilang Superman! Sa ginagawa pa lang niya ay hindi na siya pasado!

He is no superhero!

"So?" sarkastiko niyang tanong.

"Bawal lumabas means bumalik ka sa loob at mag-aral nang mabuti!" pigil inis kong wika.

Nanatili siyang nakahawak sa pintuan ng kanyang kotse. Bahagya siyang humarap sa akin at pinakatitigan din ako. He looked at me using his hot blazing eyes.

Kita ko ang kanyang pagpipigil na matawa kaya mabilis na nawala ang paghanga sa aking puso. Napalitan 'yon ng inis at kagustuhan na sapakin ang lalaking nasa harapan ko.

"Don't worry, Miss Concerned Citizen. I can manage my way out without a sweat. I'm Uno Montgomery and that's enough to be an explanation," mayabang niyang wika.

Montgomery? Largest land owner here?

Ang impakto talaga ng lalaking 'to!

Ganito ba talaga pag mayaman?

"Hindi ka ba nanghihinayang sa binabayad ng mga magulang mo sa eskwelahang 'to para sayangin mo nang ganyan? Oo nga at halatang mayaman ka pero sigurado akong kahit isang barya riyan sa wallet mo ay wala kang karapatan. Bakit? Kasi hindi naman talaga sa'yo ang mga 'yan. Galing lang 'yan sa bulsa ng mga magulang mo kung saan pinagtrabahuan nila. Tapos ikaw? Ganyan ka?"

Napabuga ako ng hangin at napaayos ng salamin.

Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa at ako naman ang napangisi ngayon. Kita kong nabura na ang ngisi sa kanyang labi at napalitan na 'yon ng inis at pagtitimpi para sa akin.

Did I hit a button?

"Nakaaawa ang mga magulang mo..." panimula ko.

"And why?" he said with gritted teeth.

"Kasi anak ka nila."

Uh.

Medyo harsh ba? Nabura ko yata ang natitirang pasensya niya sa akin. Medyo hindi ko na namannapigilan ang bibig ko at tuloy-tuloy na naman ako sa pagsasalita.

"You know what?"

Huminga siya nang malalim at masamang tingin ang binigay sa akin.

"I didn't study here to get lectured by you! Why don't you mind your own business and let me be. Wala akong panahon makipag-usap sa kagaya mo na mahilig mangialam ng buhay ng iba. Wala kang pakialam kung gusto kong mag-cutting araw-araw, oras-oras o kahit minu-minuto. Go away, miss. Kung gusto mong magpapansin sa akin, well napansin na kita kaya umalis ka na sa paningin ko bago pa ako makagawa ng bagay na hindi mo magugustuhan," inis na inis niyang wika.

Napaawang ang aking labi. Ako, may gusto sa kanya? Nasisiraan na talaga ng utak ang impaktong 'to! Nanaginip pa yata! Hindi dahil gwapo siya lahat ay magkakagusto sa kanya! May mga babae pa ringtinitingnan din ang ugali.

Panginoon, patawarin niyo ako sa gagawin ko. Alam kong pangarap kong maging nurse kung saan mag-aalaga at magpapagaling ako ng mga may sakit pero ito ako at mananakit.

Tumalikod siya sa akin at humawak sa gilid ng pintuan ng kotse niya.

Aalis ka pa rin? Tingnan natin kung makapagmaneho ka pa.

"Ako, may gusto sa'yo? Managinip ka!"

Bago pa siya makapasok sa loob ng kotse niya ay nilagpasan ko siya at tinulak ang pintuan ng kanyang kotse. Narinig ko ang malakas niyang pagdaing dahil sa naipit niyang kamay.

Napakagat ako sa aking labi para mapigilan ang pagtawa. Mabilis kong tinibayan ang mga binti ko at humarurot paalis at palayo sa kanya. Tuloy-tuloy akong pumasok sa loob ng university at tumuloy sa library na sinasabi ng pinsan ko.

"Mukhang hindi ka pa rin nagbabago," puna ko.

Napatingin ako sa mga babaeng nurse na nasa likod niya na parang maiihi habang pinagmamasdan siya.

"Marami ka pa ring free time," dagdag ko.

Humakbang siya palapit sa akin kaya wala akong nagawa kung hindi higitin ang aking hininga para makaya ang presensyang taglay niya. Masyado itong malakas.

"Parang ikaw, hindi ka pa rin nagbago. Your words are still the same. Very sharp," balik niya sa akin.

"I'm sorry but I changed. Hindi tulad noon na marami akong oras para makipag-usap sa kagaya mo, ngayon ay wala na. I don't even know why I'm talking to you."

Saksi ang aking mga mata kung paano gumalaw at nagtagis ang kanyang bagang sa inis.

"You think? I'll still let you belittle me? You've said words that are below the belt but still I remained a gentleman. Now? Not anymore. You need to learn your lesson and that is... you should not mess with an Uno Montgomery."

Uno Montgomery...

The name that haunted me years ago.

Years ago...

"Kung hindi ka pa rin nakamo-move on sa incident na 'yon, pasensya ka na pero wala akong oras para makipagtalo pa sa'yo. Bahala ka nang mag-enjoy sa buhay mo. Magpaka-immature ka na at lahat-lahat pero wala na akong pakialam," saad ko.

Pinagtiim ko ang aking mga labi at tinalukuran siya.

"Why are you here, anyway?" aniya.

Tumigil ako sa aking balak na lumakad palayo.

"Sa tingin ko ay wala akong utang sa'yo para sagutin 'yan."

Nanatili akong nakatalikod sa kanya. Naikuyom ko ang aking mga palad. Pakiramdam ko, nawawalan ako ng hangin sa bawat minutong lumilipas na nararamdaman ko ang presensya niya.

"Hindi mo sasagutin? You want me to do a background check? Let's see kung may maitago ka pa," puno ng yabang niyang wika.

Marahas ko siyang nilingon.

"Nandito ako dahil sa nanay ko. Naka-admit siya rito at comatose na siya for two months. Masaya ka na ba? Ano pang gusto mong malaman?"

Galit na galit ako.

Pakiramdam ko may nakahawak sa leeg ko. Nakaiinis! Dahil lang sa kaya niya ay ginagawa niya. He knows he can play so he's pushing everything because he knows he can.

"What?" he breathed.

Natahimik siya.

Nanatiling tagos sa kaluluwa ang tingin niya sa akin.

"Pusta ko ay iniisip mo na ang igaganti mo sa walang kwentang nangyari limang taon na ang nakararaan. Ano? Anong naiisip mo? Paaalisin mo ang nanay ko rito? Sisipain mo kami palabas ng hospital na 'to? Kaya mo di ba? Kasi ikaw si Uno Montgomery. Well guess what? Kung alam ko lang na makikita kita ulit dito ay ginawa ko na ang lahat ng paraan para hindi mag-krus ang landas natin. You don't need to try dahil kahit wala kang gawin ay naghihirap na ang buhay ko."

Huminga ako nang malalim. Parang nawalan ako ng hangin sa usapan namin. Hirap na nga akong huminga dahil sa titig niya ay lalo pa akong nahihirapan dahil sa klase ng usapan na meron kami.

"Five years ago?" wala sa sariling wika niya.

Sandali akong natigilan at nagsalubong ang aking mga kilay.

"Oo, limang taon na ang nakalipas," kahit nakakainis siya ay sinagot ko pa rin.

"Five years ago...." he said.

This time, it's not a question but a statement.

"Oo nga. Ulit-ulit?" pilosopo ko.

"This is amazing..." aniya.

"Ano? Amazing? Amazing pa ang nangyayari? Akala ko immature ka lang, tuso ka rin pala."

Naisara ko ang bibig ko nang humakbang siya palapit sa akin. Kusang humakbang paatras ang paa ko dahil doon. Buti na lang at parang nahihiyang tumingin ang mga tao sa amin kaya tuloy-tuloy lang silang lumalakad nang deretso.

Siguro ay dahil sa taong kausap ko...

"I never thought that I will be glad to see that little bad mouth of yours," aniya.

"Oh di—ano?!" Namilog ang mga mata ko nang maintindihan ko ang sinabi niya.

Maniac pa yata ang lalaking 'to.

"Come to think of it... Five years ago, I told my mind to take a revenge on you. Isipin mo, isang Uno Montgomery napagsabihan ng isang babaeng hindi niya naman kilala. Your words are so strong, Miss Concerned Citizen. Tinapakan mo ang pagkatao ko. Just because of what? Cutting class? Damn. I can't accept it. I don't know why but... I can't forget it. Until now, I can still hear your voice, saying the exact same things five years ago. I still want my revenge... not until—"

"Bakla!"

Napaigtad ako sa narinig kong boses. Mabilis akong napalingon doon at nanlaki ang aking mga mata. Kusang tumakbo ang mga paa ko para makalapit kay Raffie. Niyakap ko siya nang mahigpit at mabilis. Pumikit ako at dinama ang yakap ni Raffie.

Naramdaman ko ang mabilis na pag-iinit ng mga mata ko. Nanikip nang husto ang puso ko at napahagulgol na lang. Naramdaman ko ang mahigpit na yakap niya pabalik kaya lalo akong naiyak. Parang lahat ng hinanda ko para sa araw na ito ay nawala. Gusto ko na lang umiyak nang umiyak at magsumbong na hindi ko na kaya.

Wala akong plano.

"Ano ka ba... Wag ka nang umiyak," pagtatahan ni Raffie sa akin.

"Raffie..." hikbi ko.

Naramdaman ko ang paghaplos sa likod ko.

"Wag ka nang umiyak, pati ako naiiyak! Kainis ka!" rinig kong wika ni Kelly.

Ngayon ko lang na-realize na nandito ako sa Pilipinas, walang pera, walang plano at hindi alam kung saan pupunta. I don't even have a family to call.

Simula noong huli naming pag-uusap ng pinsan ko ay pinutol na namin lahat ng koneksyon namin sa isa't isa. Doon ko nalaman na kahit anong dahilan at kahit anong intindi mo sa mga dahilan kung bakit pati pamilya ay nawawala sa buhay ng isang tao ay hindi ko pa rin maiintindihan.

"Hindi ko alam ang gagawin ko..." impit na hikbi ang kumawala sa akin.

"Wag mo na muna isipin 'yan. Kumain ka na ba?" concerned na tanong ni Raffie.

Para akong batang inagawan ng kendi sa ginagawa kong pag-iyak.

"Hindi pa..." saad ko sabay iling.

"Baliw ka talaga! Bakit hindi ka pa kumain! Kailangan mo ng lakas!" sermon ni Kelly sa akin.

"Hindi ako gutom..."

"Akala mo lang 'yon! Pero gutom ka talaga! Ito talaga! Kahit sino magugutom sa kaiiyak. Halika, pakakainin ka namin. Tsaka mo na lang tingnan si nanay Gel tutal ay alagang alaga naman siya sa ICU,"ani Raffie.

"Hindi niya rin magugustuhang makita kang ganyan," dagdag ni Kelly.

Napangiwi ako.

Bumitaw ako kay Raffie at inayos ang sarili ko. Inalis ko ang salamin ko at nagpunas ng mata. Hindi ko mapigilan ang mahiya sa ginawa kong pag-breakdown. Pero sabagay... hindi naman sila iba sa akin para mahiya pa ako.

"Tara..." yaya ni Raffie.

Tumango ako.

"Salamat."

Sinuot ko muli ang salamin ko at sumunod sa kanila. Nauna silang naglakad palabas ng hospital.

"Miss Concerned Citizen."

Binabawi ko na.

Nakahihiya! Umiyak, humagulgol at humikbi-hikbi ako na parang bata habang nakikita niya? Ibang klase! Ibang klase ka talaga, Evie! Ang galing mo sa pagpapahiya sa sarili mo!

"Ano raw?" rinig kong tanong ni Kelly.

Hindi ko sila pinansin at nagpatuloy sa paglalakad pero wala, kusa pa rin akong tumigil sa narinig ko mula sa mayabang na Uno Montgomery na 'yon.

Napalunok ako at pinakiramdaman ko ang bawat mabagal na pintig ng puso ko.

"Come to think of it, the only thing I want right now... the only thing I keep on asking myself and the only thing I want to know at this very moment."

Evie, wag kang makinig. Pasok sa isang tainga, labas sa kabila.

"I want to know... what is the name of the girl who's bugging my life for the whole five years. So, Miss Concerned Citizen, can I ask what your name is?"

Traffic.

Ayaw lumabas sa kabilang tainga.

Pokračovat ve čtení

Mohlo by se ti líbit

4.6K 340 68
Complete. Amethyst series #1: Callix x Sharrine x Deimo x Casiel x Zelo x Nikita
3.5M 50K 15
It all started with one stupid mistake and since then Hope's life has never been the same again. Pahamak kasi ang love letter ng kanyang nakababatang...
7.6M 220K 50
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
11M 227K 57
Si Adrianna Grace Montgomery, isang modernong Maria Clara. A no boyfriend since birth, no first kiss and first love. Having a jaw dropping surname, s...