Heartless (Published under Si...

By jonaxx

117M 2.8M 1.5M

Elevators. Airplanes. Palaman ng Sandwich. Yung feeling na papunta ka pa lang at excited ka pa lang sa pupunt... More

Heartless
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Kabanata 56
Kabanata 58
Kabanata 59
Kabanata 60
Wakas
Heartless is Published Under Sizzle
Notes
Kabanata 39

Kabanata 57

1.8M 40.5K 16.8K
By jonaxx

Kabanata 57

Bahala si Rozen

Sa sobrang inis ko, umo-o ako sa anyaya ni Noah. Ni hindi ko na nitext si Rozen dahil wala akong pakealam kung anong isipin niya. Tuwing naiisip ko na kaya niya akong bitinin ng ganito, mas lalo lang akong nagagalit.

Ngiting ngiti ako nang pumasok sa sasakyan ni Noah. Ni head to foot niya ako at nakita kong kumunot ang kanyang noo sa soot ko.

"Mababastos ka nyan. Tsss." Aniya.

"It's okay. Mag babar naman tayo." Pinagkibit balikat ko ang pag angal niya.

Naka dress ako, as usual. Iyon nga lang ay kumakapit ito sa buong katawan ko. Hindi tulad ng dress na madalas kong sinusoot.

Nakanot ang noo ni Noah habang nag di-drive siya.

"Asan ba si Rozen?" Tanong niya.

"Ewan ko." Agad kong sagot.

Nilingon niya ako, "Nag away kayo?"

"Di naman."

"Panu kung makita ka niyang ganyan ang soot mo? Kung ako ang boyfriend mo, hindi kita palalabasin ng bahay ng ganyan."

Nilingon ko siya, "Eh, wala naman si Rozen, Noah."

"Still."

Natahimik kaming dalawa. Hindi ko alam pero kahit ganun ang sinabi niya ay masaya parin ang disposition ko. Siguro ay masaya ako sa part na aalis ako dahil naiinis ako kay Rozen. Sasama ako kay Noah dahil naiinis ako kay Rozen. Naiinis ako kasi hindi siya magpapakita sa akin kahit sabik na ako sa kanya.

"We're here!" Suminghap si Noah.

Nakita kong nasa labas kami ng Tribe Lounge ngayon. Agad akong lumabas sa sasakyan niya. Nakita ko rin sina Liam kasama si Reina na mukhang tuliro sa isang tabi.

"Reina! I missed you." Nilapitan ko ang bestfriend ko.

Naging busy siya sa kanyang pag dedesign. Naging busy din siya sa pagtatrabaho kay Wade. Halos wala na akong update sa kanya dahil naging busy na rin ako sa trabaho. Niyakap ko siya. Hindi maalis sa utak ko ang pagiging tuliro niya. What is her problem? Okay na naman sila ni Wade noong sinundo namin sila ni Rozen, a?

Ako dapat ang matuliro dito.

Sinuyod ko ang buong bar. Pakiramdam ko nandito si Rozen, pero wala naman akong nakitang ni anino niya.

Sumakit ang mata ko sa neon lights ng Tribe Lounge. Nahihilo na ako sa lights kaya naisipan kong umupo sa isang sofa. Sumunod din naman si Reina at Liam.

"This is going to be a good night." Sabay ngisi ni Liam kay Reina.

Yeah, right! Since nandito na rin naman ako, siguro ay mas mabuting mag enjoy na lang. Pumikit ako at dinama ang music ng buong bar.

Panay ang lingon-lingon ni Reina sa buong bar nang dumilat ako. Para bang naghahanap siya ng butas para makawala doon. Weird.

"Coreen, sayaw tayo."

Hindi pa ako nakakapayag o nakakatanggi ay hinigit na ako ni Noah papunta sa dancefloor. Paboritong kanta ko ang tumutugtog, iyon nga lang ay mas minadali ng DJ ang tempo kaya naging mas maganda ito sa pandinig. HIndi ko na rin napigilan ang sarili ko sa pagsasayaw.

Dumami ang tao. Ang dami pang humihigit kay Noah para bumati pero kahit paano ay bumabalik parin siya sa akin para isayaw ako. Tumingala ako at tinitigan ang iba't-ibang nag sasayaw na neon lights sa taas at sa bawat gilid ng dancefloor. Nakakahilo talaga.

"Noah, upo lang ako. Medyo nahihilo lang."

Nakita ko ang pag aalala sa kanyang mukha pero tumango din ito. Ngumisi ako at nag peace sign sa kanya. Pagkabalik ko naman sa sofa ay nakita kong wala na roon si Reina. Asan naman kaya iyong bestfriend ko? Nakahanap kaya ng butas?

Naisipan kong pumunta ng CR. Habang papalapit na ako ay nakita ko ang 117 missed calls galing kay Rozen. ONE HUNDRED SEVENTEEN? REALLY?

Ni text ko agad siya:

What? I thought no YOU for today, huh?

Ngumisi ako at binuksan ang pintuan sa CR. Tahimik doon at walang tao except sa isang cubicle. Oo, sinilip ko ang paa nung nasa cubicle at alam kong si Reina iyon.

"Wha- You mean Coreen?" Pabulong niya itong sinabi.

Mukha atang may kausap sa cellphone kaya naisipan kong mambulabog. Ako pa ata ang pinag uusapan!

"REINA!" Sigaw ko sabay kalabog sa pintuan ng CR niya.

Napangisi ako sa ginawa ko.

"Leche, Coreen! You're scaring the shiz out of me! Ano? May ibang cubicle naman diyan." Sigaw niya.

Tumawa ako. "I'm just checking if you're there, Reina... Anyway, bakit wala yung isang kapatid mo sa party ng kapatid niya?"

"What? You mean, Rozen?"

Pagkabanggit ni Reina ng pangalan ni Rozen ay tumaas agad ang Blood pressure ko. Humalukipkip ako at tinaas ko ang isang kilay ko. Gusto ko agad magtaray nang narinig ko ang pangalan niya. One hundred seventeen missed calls, huh?

"Actually," Lumabas si Reina sa cubicle, "Hinahanap ka niya. Sabi niya, meet daw kayo sa labas. Sasama na ako."

"WHAT?" Medyo nalusaw ang inis ko.

Tinignan ko agad ang cellphone kong may isang maiksing text niya.

Rozen:

Nasa labas ako ng Tribe Lounge. I'm fetching you.

"Coreen, I need to go to Wade's condo. Kababalik niya galing mall tour tonight. Nangako ako sa kanyang magkikita kami. Pero ngayong we're both trapped here, I need your help... At si Rozen ang makakatulong sakin. Kayong dalawa."

Nag isip akong mabuti. Now, I get why she's acting strange. Mukhang napasubo siya sa party na ito. Wait a minute... anong gagawin niya sa condo ni Wade? Napangisi ako sa utak ko. Alam na. HEP! Una sa lahat, tutulungan ko ang bestfriend ko. Wala akong pakealam kay Rozen!

"Naalala ko yung sinabi mo sakin pagkarating ko galing France, Coreen. Anong nangyari dun?" Aniya.

WHAT? WHAT ABOUT THAT? Na inlove ako kay Rozen? Iyon!? Syempre naaalala ko iyon at hanggang ngayon in love parin ako sa kanya. It's just that your brother is giving me a hard time.

Nagkibit balikat na lang ako, "Noah's my friend, Reina. And you're my bestfriend kaya ikaw ang mas tutulungan ko. Besides, hindi niya naman talaga ako kailangan dito. It's not a matter of life and death. So let's go..." Hinawakan ko ang kamay niya at sinamahan sa pag papaalam kay Noah.

Hinarap namin si Noah. Nasa sofa na siya ngayon at pinapalibutan na ng iilang mga kaibigan namin. I just hope Megan's not around tonight.

"Hey, uh, Noah. Pwedeng ano, uwi na kami ni Reina. Mejo masakit kasi tiyan ko eh. Nasira yata sa kinain ko kanina." Utas ko sabay hawak sa tiyan.

Ni head to foot ako ni Noah,

"Isasama ko na si Reina. May plano kasi kaming sleep over tonight. Foot spa... Alam mo na. Tapos hindi namin tinuloy kasi may party. Pero ngayong sumasakit na ang tiyan ko."

"Okay, sige, ihahatid ko na kayo-" Ani Noah.

"N-No, no, no thank you. Pero tumawag na kasi ako kay Dad." Sabi ko.

Dad. I mean Rozen.

"Siya na susundo samin ni Reina." Sabi ko.

"You sure?"

Tumango na lang ako.

Kahit na halos pigilan ni Liam si Reina ay nagawan ko parin siya ng excuse. Palabas na kami ng tuliro ulit si Reina. Ako naman ay dirediretso lang ang lakad papunta sa highway.

"Magtataxi na lang tayo. Sorry talaga, Coreen. Sorry..." Aniya.

"Hindi na tayo magtataxi. You're brother's coming in 5... 4... 3..."

Nag high beam agad ang sasakyan ni Rozen sa labas. Napangisi ako. Hindi mo ako matiis, ano? Binuksan niya ang salamin at agad kong naaninag ang galit niyang ekspresyon.

"Let's go to Wade's condo!!! Yiheee!" Sabay tawa ko.

Ni head to foot niya muna ako bago siya nagsalita, "You're not going anywhere, Coreen. Si Reina ang kay Wade."

Ngumuso ako at tumahimik na lang. Dinig na dinig sa boses niya ang galit sa akin. Pumasok agad ako sa front seat. Si Reina ay nasa likuran. Hindi naman siya nag tanong ng tungkol sa amin ni Rozen. Siguro ay may napagtanto siya samin ngayon kaya lang ay mas natutuliro siya sa kanilang dalawa ni Wade.

"Make it fast, Rozen." Ito ang litanya niya kahit halos masuka na ako sa bilis ng patakbo ni Rozen.

Nagkaroon ng traffic kaya mas lalong bumagal ang usad namin. Pero nang nakarating na kami ay mabilis din siyang umalis. Ni hindi ko alam kung narinig niya ang paalam ko.

"Now, why are you wearing that?" Galit niyang tanong sa akin sabay kalabit sa damit ko. "At bakit ka nagsasayaw kay Noah? Unang una sa lahat bakit ka sumama sa kanya?"

"Unang una sa lahat, bakit mo ako pinaparusahan ng ganun? Wala namang nangyari, a? Tsaka friends lang naman kami ni Noah." Umirap ako.

"It's because I don't like it! Coreen, minahal mo si Noah noon.."

"Minahal ko siya noon, Rozen. Noon yun. Past tense. Kung gusto ko siya ngayon, bakit hindi ko siya pinatulan? Bakit ikaw parin?"

Natahimik siya. Hinayaan ko siyang manahimik. Hindi na ako nag abalang magsalita pa. Nabasag lang ang katahimikan namin nang hinampas niya ang kanyang manibela.

"Shit! Hindi ko talaga kayang magtiwala kay Noah!"

"Kapatid mo siya! And for your information, nag gigive way siya sa ating dalawa. Actually, noon pa! Diba? Alam mo yun!"

Tinitigan ako ni Rozen. Panay naman ang irap ko. Nakakahilo itong pag irap ko, a? Nang bumaling ulit ako sa kanya ay nabigla na lang ako ng hinalikan niya ako ng malalim at maiinit na halik.

"Ayoko talaga. Ayoko." Bulong niya habang inaatake ang labi ko.

Napapikit ako. Agad agad ay nag init ang katawan ko. Hindi ko na maintindihan, a? Kanina pa ako nababaliw sa sarili kong mood.

PInadausdos niya ang kamay niya sa baywang ko. Agad akong napaliyad sa sensasyong idinulot nito.

"Shit!" Mura niya nang naramdaman ang dibdib ko salungat sa dibdib niya.

"Which five star hotel, Rozen?" Tanong ko.

"SHIT! Hindi kita maparusahan ng maayos!" Mura niya at pinaandar ulit ang sasakyan.

Tumatawa ako sa galit niyang ekspresyon. Dapat alam mong hindi mo ako kayang parusahan dahil hindi mo ako matitiis, Rozen Gaiser. Nangatog na yung tuhod ko, iniisip ko pa lang na magkakasama ulit kami ni Rozen ngayon ay nababaliw na ako.

Tumigil ang sasakyan niya dahil sa traffic. Tumingin ako sa labas. Nakita kong nasa party district kami. Nandito yung iba't-ibang magagandang clubs. At nasa tapat mismo kami ng Club Tilt. Pinasadahan ko ng tingin ang buong kalsada ng party district at nabigla ako nang nakita kong umiiyak, medyo tulog, at pinapalibutan si Leonore Batungbakal ng tatlong kaduda dudang mga lalaki.

"Si Elle ba yan?" Tanong ko sabay turo.

"You're imagining things." Aniya.

Ilang sandali ang nakalipas ay niliko ni Rozen ang sasakyan.

"O, anong nangyari?" Tanong ko.

Hindi niya pa ako sinasagot ay agad na siyang lumabas at dumiretso sa kay Elle na nakahandusay lang sa gutter ng party district. Mukhang lasing at mukhang di niya kilala ang mga lalaking nakaaligid sa kanya.

"ROZEN!" Sigaw ko. "Tawag na lang tayo ng guard!"

Mamaya ma saksak pa siya o mabugbog ng tatlong lalaking iyan. Kahit na malaki ang katawan niya, balewala parin pag may dalang kutsilyo na yung isa.

Hinaplos ng isang lalaki ang hita ni Elle. Gumalaw si Elle pero hindi iyon naging sapat para ibalik siya sa kanyang ulirat. Lumabas na ako at nakita kong nakikipag usap si Rozen sa mga lalaki.

"Rozen-"

Nakita kong nagmadaling umalis ang mga lalaking iyon. Mabuti na lang at hindi pumatol. Lumuhod si Rozen para daluhan si Elle na ganun parin ang posisyon.

"Manong!" Tumawag ako ng guard.

Agad naman itong rumesponde.

"Paki asikaso po. Mukhang may mga kaibigan siya sa loob ng club. Baka may makatulong." Sabi ko sa guard.

Tumango naman siya at tinulungan niya si Rozen sa pagpapatayo kay Elle na hanggang ngayon ay wala paring malay.

"Rozen, hayaan mo na si manong. May mga kakilala naman si Elle sa loob." Sabi ko.

"Teka lang, Coreen. Lasing siya. We need water." Aniya.

"Uhm... May tubig naman siguro sa loob?" Sabi ko.

Sinundan ko silang dalawa papasok sa loob.

"At may sugat siya sa tuhod." Dagdag ni Rozen.

Medyo tumaas na naman ang blood pressure ko sa sinabi ni Rozen.

"Yung bartender ng bar na yan, friend niya. Eh hayaan mo na lang. Mamaya aasa yan kasi ikaw ang nag asikaso."

"Coreen, wala siyang malay. Hindi niya yun malalaman."

Natigil ako sa paglalakad.

"Rozen, I want to go..."

Nilingon niya ako. Napalunok naman ako. Medyo nahihilo na ako. Hindi ko maintindihan.

"Okay. We will. Please wait." Aniya.

"I want to go now!" Pasigaw kong sinabi dahil tinalikuran niya ako para ipasok sa loob ng club si Elle.

"Sege po, sir. Uwi na lang kayo. Ako na bahala dito."

"Hindi, manong." Medyo galit na utas ni Rozen. "Tulungan ko na po kayo. Maghihintay siya dito!"

"Rozeeen!" Galit kong utas.

"YOU WAIT, COREEN!"

Nanlaki ang mga mata ko. Nababanas ako at pinaghihintay niya ako dito. Bakit siya galit sa akin? Gusto ko lang namang umalis!!!

Napalunok ako at nakita ko silang pumasok sa loob ng Club Tilt. Namuo ang luha sa gilid ng aking mga mata. Pakiramdam ko pinipili ni Rozen si Elle. Pakiramdam ko may feelings talaga siya kay Elle. Pakiramdam ko pinagpalit niya ako. Pakiramdam ko silang dalawa sa huli.

Pumihit ako para umalis. Kasabay ng pagtulo ng luha ko ay ang pag baliktad ng sikmura ko. Napayuko ako. Naduduwal ako. SHIT!

Tumakbo ako papuntang highway at pumara ng taxi. Naduduwal parin ako kaya medyo natagalan ako sa pagpasok. Nang medyo bumuti-buti na ang pakiramdam ko ay bumuhos ang luha ko. Nanginginig ang boses ko noong sinabi ko sa driver ang address namin. Uuwi ako. Bahala si Rozen. Galit na galit ako sa kanya ngayon. Sobrang galit!

Continue Reading

You'll Also Like

81 64 5
After Nathalie's break up, she decided to build her own ideal imaginary boyfriend and posted it online. Gusto nitong ipakita sa lahat na mas better a...
120 61 20
A collection of heart felt haikus about life and nature.
388K 7.2K 90
Hindi lahat ng kasiyahan may magandang kahahatungan. Minsan kung sino pa yung sobra mong minahal sya pa tong makakasakit sayo ng sobra sa huli. Start...
64.2M 1.3M 54
If you hate something, would you change it? And if you change it, will you like it? Hindi alam ni Charity kung bakit ayaw na ayaw sa kanya ni Jayden...