The Scorned Lover

By greatfairy

2.8M 70.6K 4.8K

Now a published book under Lifebooks. Available in bookstores nationwide! It takes a second to read the word... More

GOLD REIGN MIJARES
Overview
TSL 1: Jollibee
TSL 2: Viral
TSL 3: Dare
TSL 4: Serenade
TSL 5: Deposit
TSL 6: Date
TSL 7: Chase
TSL 8: Traditional
TSL 9: Surname
TSL 10: Kiss
TSL 11: Tricked
TSL 12: Party
TSL 13: Amiss
TSL 14: Revenge
TSL 15: Coincidence
TSL 17: Vivid
TSL 18: Wrath
TSL 19: Done
TSL 20: No One Else
Ikalawang Yugto
TSL 21: The Truth
TSL 22: Remorse
TSL 23: Mijares
TSL 24: Gaze
TSL 25: Goodbye
TSL 26: Gone
TSL 27: Dream
TSL 28: Boyfriend
TSL 29: Condition
TSL 30: Finale
Epilogue
Special Chapter

TSL 16: Distant

54.9K 1.5K 43
By greatfairy

HINDI ko magawang gumalaw sa aking kinauupuan. I didn't see this coming. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Magkahalung kaba, takot at pagsisisi.

I regret not telling him the truth the whole time and wasting those chances. I regret that I let my fear overcome my whole being. Ngayon natatakot akong harapin ang anumang nangyayari. I should have told him beforehand. I should have confessed everything to him.

Bumuka ang aking bibig ngunit walang lumabas na kahit anong salita. Nakita kong tumayo siya at kinamayan ang isa pang may katandaang lalaki na kausap niya. Marahil ay isa sa mga may ka-appointment niya. How stupid I am to forget, he is a businessman.

Hindi ko alam kung ilang beses ko nang minura ang tadhana sa isip ko. Hindi ko rin alam kung anong gusto niyang laruin. Ayokong paniwalaan na coincidence lang ito. It shouldn't be, right?

"Anak? What's wrong?"

Parang tinatambol ang dibdib ko nang magsimula siyang maglakad papunta sa direksyon ko. Walang emosyon ang kanyang mukha. Yung tipong hindi ko mawari kung galit siya o hindi.

"Anak?"

Ito na ba talaga ang katapusan ng lahat? Mauudlot na ba ang pag-iibigan naming hindi pa naman nasisimulan? Hindi. Hindi ko kaya.

"P-pangga..." Sa wakas ay nakapagsalita ako ngunit hindi ko narinig ang boses ko. Para akong nauupos na kandila habang papalapit siya. Diretso lamang ang kanyang tingin kaya lalong bumibilis ang pagtahip ng aking dibdib.

Pikit mata akong tumayo nang ilang dangkal na lamang ang kanyang layo.

"P-pangga--" Napanganga na lamang ako nang hindi niya ako pinansin at dumiretso lang siya sa exit door.

"Gold?"

"Anak?"

"Mommy? Daddy? Pasensya na po. May hahabulin lang ako."

"Gold!"

Mabilis ko siyang hinabol. Wala na akong pakialam kung magagalit sa'kin si Daddy. Kailangan kong magpaliwanag kay Bryce. He needs to know na wala akong masamang intensyon sa kanya.

"Pangga!" Pinagtitinginan ako ng mga taong nadadaanan ko. Maybe they are wondering what's happening.

"Pangga! Wait!"

Naabutan ko siya sa parking lot na akma nang papasok sa kanyang sasakyan.

"Pangga! Let me explain, please?" Agad ko siyang niyakap sa likod para hindi makawala. He need to listen to my explanation.

"Get your hands off me." Parang kinurot ang aking dibdib nang marinig ko ang kanyang boses.

"Pangga, hear me out! Please?" I begged. Hindi ko kayang mawala siya. Mahal na mahal ko siya.

"I didn't ask you anything to explain. Now, get off!" I shook my head and tightened my grip. It's now or never. Kung hahayaang ko siyang umalis baka tuluyang siyang mawala.

"Pangga, huwag ka munang magalit. Pakinggan mo naman muna ako. H-hindi ko sinasadyang magsinungaling."

"N-natakot lang ako. Sasabihin ko naman talaga sa'yo ang totoo. Naghahanap lang ako ng tiyempo." Nagsimulang bumalong ang luha sa aking mga mata. Naiisip ko palang na galit na galit siya sa'kin ay para akong namamatay.

"Do you really think I will believe in you after you lied, huh?"

"P-Pangga..."

"Gold Reign Cervantes, nice name." Tumawa siya nang mapakla at buong lakas akong kinalas sa kanyang katawang saka hinarap.

"I thought you're different. Funny, I thought wrong. So that explains why I am always being sabotaged."

"H-hindi ko naman sinasadya, Pangga. Maniwala ka. Please?"

"So all those times, hindi mo sinasadya, huh? I really don't get your point, Gold!"

Gold.

He called me Gold. And it's freaking painful!

"N-natakot kasi ako baka---"

"Baka ano? Baka ano Gold? Don't ever try to give me lame excuses when you mean to lie all these times."

"What are you really up to? Some sort of spy? Well, I'm sorry for discovering it this soon. Anyway, you did a great job. Congrats! Napaniwala mo 'ko. Napaniwala mo ako sa kasinungalingan mong kasing bulok ng pagkatao mo."

He entered his car after saying all those words, leaving me in tears. Nanghihinang napaluhod ako sa sahig.

Bakit ang sakit? Bakit napakasakit sa pakiramdam na unti-unti siyang lumalayo sa'kin?

"Anak! What are you doing? Tumayo ka diyan!"

"Mom, he's mad!"

"Trip yata ng kapatid mong magdasal dito. Akala niya altar 'tong parking lot---" Rinig kong bulong ni Ate Nisyel bago tinakpan ni Kuya Skeet ang kanyang bibig.

"Anak, what's going on?" Para akong papel nang binuhat ako Daddy patayo.

Nagpatianod na lamang ako nang inakay ako Daddy papasok ng sasakyan. Nagmistulang blangko ang utak ko. Nanginginig pa rin ang tuhod ko sa kaba. I closed my eyes and wished that this isn't happening.

"Just let it out, anak." Isinubsob ako ni Mommy sa kanyang balikat at hinagod-hagod ang aking likod.

Tahimik lamang ang byahe at tanging paghikbi ko lang ang naririnig sa loob ng sasakyan. Namalayan ko na lamang na nasa mansyon na kami nang bumukas ang pinto sa gilid ko at inalalayan akong lumabas ni Daddy.

The moment I stepped on the doorway, I realized I missed home. I missed the old me.

Bakit kasi sa maling pagkakataon pa kami nagkakilala ni Pangga?

It seems that the destiny conspires with our hearts.

"Anak, you know we're here for you. Huwag mong sarilinin ang problema mo. We don't want to see our princess crying without doing anything," pag-aalo ni Daddy. Napapagitnaan nila akong dalawa ni Mommy dito sa sofa.

I stared at both of them. Right. I used to be their princess. I'm still lucky to have them as my parents.

Nagsimula akong magkuwento. Kung paano ko nakilala si Bryce. Ang lahat ng mga pinaggagawa ko. Ang dahilan kung bakit ako kumuha ng condo unit. Ang pagpunta ko sa kanilang probinsya. Ang tagpo sa aming dalawa ni Donya Divina at ang kawalang hiyaan ni Clinton.

I told them every detail. Mataman lang silang nakikinig. Alam kong may mga mali akong nagawa all the way but they listened, not even interrupting me once.

"Mali naman kasi ang ginawa mo, anak. Maling-mali. Nagsinungaling ka do'n sa tao. Natural masasaktan 'yon." Napayuko na lamang ako. Mom is right. It's my fault.

"So, our princess is in loved? Matanda na nga tayo, mahal. Dalaga na pala ang anak natin. Akala ko nga hindi pa 'to gumagamit ng napkin eh." We laugh in unison hearing that from Dad. Hinampas pa siya ni Mommy sa braso.

"Wala ka talagang kuwentang kausap! Umiiyak na nga ang anak mo bumabanat ka pa ng ganyan!"

"What? I'm just trying to lighten up the mood. Hindi ako sanay na nakikitang umiiyak itong amasona nating prinsesa."

"Dad!"

"Biro lang, anak. Pero amasona ka naman talaga. Hanga ako sa ginawa mo sa Clinton na 'yon. He deserved it. But anyway, mali naman talaga ang ginawa mo. You should have told him before. If he really loves you tatanggapin niya 'yon. Based on your story, it's obvious that he's mad because you lied." I bit my lower lip and sighed deeply.

What am I going to do now? Hindi ko na mabilang kung nakailang buntong hininga ako.

"Hayaan mo munang lumamig ang ulo niya bago mo siya kausapin, anak. If he really loves you, he will hear you out," Mom said with sympathy.

Sa mansyon na ako natulog ng gabing iyon. Tama si Mommy. Saka ko na kakausapin si Pangga 'pag humupa na ang kanyang galit.

The next morning, I left the mansion with a little nervousness. Pagkarating ko sa condominium ay agad akong kumatok sa kanyang unit ngunit hindi bumukas. Sinubukan kong buksan ang pinto gamit ang pass code ngunit ayaw bumukas. He changed it right away?

Pumasok ako ng sarili kong unit at tiningnan siya sa CCTV. Nakita kong papalabas na siya ng kuwarto niya at mukhang papasok na ng opisina kaya agad akong tumakbo palabas at inabangan siya.

"P-Pangga..." Bahagya siyang natigilan nang makita ako.

"Pangga, sorry na. Bati na tayo please?" Ngunit tiningnan niya lamang ako at nilagpasan.

"Pangga..." Hinawakan ko siya sa braso ngunit tiningnan niya ako nang malamig.

"Not now, Reign. Not now." An'ya at tuluyang umalis.

I cried.

I can't help it. He's distant.

-GREATFAIRY

Continue Reading

You'll Also Like

61.1M 943K 65
(Formerly "The Playboy Billionaire's Queen") [WARNING: Please be reminded that this story is NOT YET EDITED. This is the FIRST STORY I've ever writt...
1.7M 49.2K 47
Barkada Babies Series #5 PUBLISHED UNDER PHR ❣ Price: 199php -- Lahat na ata ng klase ng pagmu-move on ay ginawa na ni Michelle. Umakyat sa bundok, n...
4.7M 128K 87
(please read Blame me once first) Story of Ren Martinez Romualdez, ang makulit, madaldal at tinik sa sikmura ni Jett, ang sweet na sweet na honey ni...
Broken Arrow By Cher

General Fiction

3M 114K 23
Si Mia Cara ang pinakaimportanteng kayamanan ni Mariah Rojas. Lahat ay kaya niyang gawin para sa kanyang anak. She is ready to endure pain just to ma...