Heartless (Published under Si...

By jonaxx

117M 2.8M 1.5M

Elevators. Airplanes. Palaman ng Sandwich. Yung feeling na papunta ka pa lang at excited ka pa lang sa pupunt... More

Heartless
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Kabanata 57
Kabanata 58
Kabanata 59
Kabanata 60
Wakas
Heartless is Published Under Sizzle
Notes
Kabanata 39

Kabanata 56

1.9M 39.1K 8.5K
By jonaxx

Kabanata 56

Why Not?

Ilang linggo na ang nakalipas nang nangyari iyon. Masaya ako. Hindi ko nga maaalala kung kelan ako naging ganito ka saya. Ang gaan ng pakiramdam ko. Parang walang problema lalo na pagnakikita ko ang ngisi ni Rozen na nakaabang sakin pagkatapos ng trabaho.

Well, oo, tinatarayan ko siya tuwing nasasaksihan ko ang nakakapanindig balahibong ngisi niya.

"Anong gagawin natin ngayon?" Lagi niya iyong tanong na parang may ibang meaning.

Pero hindi naman talaga kami puro na lang paghohotel ang inaatupag. Syempre, nag di-date din kami. Ipinakita niya pa nga sa akin ang blue print ng bahay niyang binili, di umano. Kaya lang, tuwing niyayaya niya na akong pumunta roon, hindi na ako pumapayag. It's too early to plan our future. Oo at nasa tamang edad na siya, He's 25 after all. Pero ako, kakagraduate ko pa lang at wala pa akong napapatunayan sa sarili ko.

Busy din si Rozen sa negosyo. Lumalago kasi ito at halos mag branch out na sa kompanya ng mommy at daddy niya. 25 and filthy rich ang mokong. Maari nating sabihin na dahil iyon sa impluwensya ng kanyang mga magulang, pero he worked hard for it. Nagsimula ito dahil sa mga magulang niya pero lumago ito dahil sa kanya.

*KRIIIING-KRIIIIING*

Napatalon ako sabay tingin sa cellphone ko. Unfortunately, may ginagawang pag di-diskarga si Rozen sa barko barkong mga produkto para sa kompanya ng kangyang mommy at daddy na hawak ni Dashiel. Umalis ang kapatid niya kasama yung wife nito papuntang Maldives kaya siya ang naatasang humawak nito.

Kumunot ang noo ko nang nakitang si Noah ang tumatawag.

"Hello?"

"Coreen." Mukhang masaya ang tono ng boses niya ngayon.

"Hi, Noah!" Bati ko.

"You free today?" Tanong niya.

"Uh, yeah." Bumangon ako.

"Can I fetch you?"

Hindi ako sumagot agad pero dinagdagan niya iyon.

"Right now." Humalakhak siya. "Nasa labas ako ng bahay niyo."

Diretso ang takbo ko sa bintana. Naaninag ko siyang nakapark sa labas.

"A-Alright!" Sabay baba ko sa cellphone.

Tinawag ko agad ang katulong namin para papasukin si Noah. Ako naman ay abala sa pagbibihis. Damn it! Anong sasabihin ko kay Rozen? At bakit nandito si Noah? Nagmadali ako sa pagbibihis dahil masyado akong nabigla sa ginawa niya.

Pababa ako ng hagdan nang nitext ko si Rozen.

Me:

I'm going out today with Noah. Mukhang may importanteng bagay siyang sasabihin. Idunno.

Mas mabuting maging honest at baka mag alburuto na naman ang isang iyon. Lumiwanag naman ang mukha ni Noah nang nakita niya akong bumababa na papunta sa kanya.

"Hey! What's up?" Tanong ko.

Ngumisi siya, "Isasama kita sa Moon."

"Uhmmm, bakit? Anong meron?"

Kumunot ang noo niya. Maybe that question was a bit harsh.

"Natanggap kayo?" Pasigaw kong sinabi para makabawi sa medyo harsh kong tanong.

Ngumuso siya, "Hindi pa... Pero gusto talaga kitang isama doon. We're recording today!" Aniya sabay yakap sa akin.

Nanlaki ang mga mata ko.

"You are what? Recording? That means tanggap na kayo?"

"Hindi pa... Pero this is a step. Parang test drive pa lang ito." Aniya.

Kaya hindi na ako nagdalawang isip pa na sumama sa kanya. Nakangisi siya buong byahe. It reminds me of his brother noong sinagot ko siya. Laking ngisi at walang ginawa kundi ang ikatuwa ang lahat ng bagay. Noah is really passionate about this.

Pumasok kami ng Moon Records. Naaninaw ko agad ang mga kabanda niyang hinihintay siya.

"Pwede mo kaming tignan habang nag rerecord kami ng isang kanta. Though may salamin sa pagitan natin." Itinuro ni Noah ang isang room kung saan may mga pamilyar na babae sa loob.

Napawi ang ngisi niya.

"Sorry, dude. Nandyan na naman ang batalyon ni Megan." Ani Warren sabay tapik sa balikat ni Noah.

Nakita kong mariing nagdikit ang labi ni Noah. Hudyat na medyo nairita agad siya. Hindi ko pa nga nakikita ang imahe ni Megan ay ganito na siya kung makareact.

"Pwede bang pumasok si Coreen sa recording room?" Tanong ni Noah kay Liam.

"Wa'g na, Noah. I'm okay there. Okay lang." Sabi ko.

Umamba agad akong papasok doon. Syempre, alam kong hindi. Kung si Megan nga ay anak ng may ari ng moon records ay nag titiyaga sa loob ng room na iyan, ako pa kaya na acting girlfriend lang ni Noah?

"You sure?"

Nakita kong umalis na sina Liam. Pumunta na sila sa kabilang room kung saan sila mag rerecord.

"Yup! I'm okay." Binigyan ko siya ng matamis na ngiti at kinawayan bago pumasok doon.

Umalingawngaw agad ang ingay ng mga babae sa loob ng room na iyon. Nangingibabaw ang tili ni Megan sa kanilang lahat lalo na noong pumasok na si Noah sa kabilang room. May papel pa siyang nilagyan ng "I love you, Noah!". Umiling na lang ako.

"GO NOAH! GO NOAH!" Sigaw niya.

Nandoon lang ako sa gilid at pinagmamasdan ang medyo naiiritang mukha ni Noah. Napatawa ako sa kanyang ekspresyon. Ang sungit talaga! Ilang sandali ang nakalipas ay nai set up na nila ang mga instruments. May DJ ding sumisenyas sa kanila dito sa aming room. May mga equipment siya para mas mapaganda ang pagkakarecord ng kanta nila.

"Girls, please stay quiet." Nahihiya niyang sinabi kay Megan.

"WOOOOOH!" Mapanuyang tili ni Megan.

Tumawa na lang ang ibang babae.

"Masisira ang recording nila pag medyo maingay kayo."

"Ay, sorry po." Sabi ni Megan at pinagdikit niya pa ang palad niya sabay yuko. "Sorry."

Adik din ang babaeng ito, ah? Ilang sandali ay narinig ko na ang gitara ni Noah. Nakita kong pinigilan ni Megan ang kanyang sarili para tumili. Umupo na lang siyang nakasquat sa sahig at tinakpan ang kanyang pulang pulang mukha.

Nagsimula na sa pagkanta si Liam. Tumindig ang balahibo ko sa boses niya. Mas naging malamig ito at mas naging klaro. Bawat bigkas niya ng salita ay nakakakilabot. Bawat dampi naman ng daliri ni Noah sa gitara ay dinig na dinig naming lahat. Nakakapangilabot. They deserve this.

"Coreen, nandito ka pala." Napatayo si Megan nang narealize na nandoon ako.

"Oo." Pabulong kong sinabi.

"Ang galing nila ano?"

Nilingon niya sina Noah. Nakita ko naman sa mga mata niya ang buong paghanga niya sa kanila.

"I really think Noah should do the vocals, though."

Nagulat ako sa sinabi niya.

"Narinig mo na ba siyang kumanta?" Tanong niya.

"Oo." Sabi ko.

"Wow!" Nakita kong biglaang naging malungkot ang kanyang mga mata.

This is really, really weird. Naka-bun ang kanyang buhok at kitang kita ko ang batok niya dito, in short hindi siya nakaharap sa akin. Pero ganunpaman, naramdaman ko ang lungkot niya nang sinabi ko iyon.

"Pero hindi siya kumakanta masyado. Nahihiya yan." Sabi ko.

"Oo." Lumingon siya sa akin. "In fact akala ko nga ako lang ang nakarinig sa kanyang kumanta."

"Hmm. Kelan mo ba siya narinig?"

Malaking ngisi ang ipinakita niya sa akin.

Buong akala ko ay sasagutin niya ang tanong ko, kaya lang ay pinagkibit balikat niya lang iyon. Iniwan niya rin ako doon para mas lalong lumapit sa salamin. Titig na titig siya kay Noah habang ini-strum ni Noah ang gitara niya buong kanta.

Tinignan ko ang cellphone ko at nakita kong wala paring reply si Rozen. He's probably really busy. Kaya ayun ako at inenjoy na lang ang panonood kay Noah at sa buong banda hanggang sa matapos.

"Noah..." Utas ko nang maingay silang sumasakay sa kani kanilang mga sasakyan.

"Hmmm?" Di mapawi ang ngisi ni Noah sa kanyang mukha.

"C-Can I go home?" Tanong ko sa kanya.

"Huh? Bakit? Agad-agad? Pupunta pa sana tayo sa bahay." Aniya.

"May importante lang akong gagawin." I lied.

"Ano? Rozen?"

Napalunok ako, "N-Nope. Uhmmm, sa bahay. May pinapagawa si mommy." I looked away. Syempre, natatakot akong mabasa niya sa mukha ko ang pagsisinungaling ko.

"Well, alright. Are you free later?" Tanong niya.

"I'll see."

Tingin ko naman ay pupuntahan na ako ni Rozen mamayang gabi lalo na at nagtext ako sa kanya na magkasama kami ni Noah.

"Hmmm... Hindi ka na ba mayayang lumabas ngayong may boyfriend ka na?" Ngumisi siya.

"Ano ka ba... Okay lang ako. I'm free naman later. As of now. Kung matapos ko yung ginagawa ko." I lied again.

Pakiramdam ko ay tatamaan na ako ng kidlat dahil sa mga pinagsasabi ko. Hindi ko kasi siya kayang tanggihan ng diretso. At hindi ko rin siya kayang pagbigyan ng ganun ka dali dahil alam kong kahit konting time lang ay mag aalburoto ang pinakamamahal kong hanggang ngayon ay hindi pa nagpaparamdam.

"Okay then, ihahatid na kita." Aniya.

"I'm sorry." Sabi ko.

"It's okay. May importante ka namang gagawin."

Kinagat ko na lang ang labi ko. We all know it's a lie, though. Kaya naman nang nakarating na ako sa bahay, mabilis na akong nagbihis para itext ulit si Rozen.

Ako:

I'm home.

Rozen:

Oh yeah?

Nabigla ako sa mabilis niyang reply.

Ako:

Anong ginagawa mo buong umaga at bakit hindi ka makapag text kanina?

Rozen:

Why will I text you? It's his turn, right?

Umiling ako. I knew it. Pero paano ko tatanggihan si Noah nang hindi siya nasasaktan?

"Noah, I'm sorry pero kasi nagseselos si Rozen sayo. Hindi pwede ako pwedeng sumama."

Ako:

Rozen, come on. Binigay ko na lahat sayo. Hanggang ngayon may insecurities ka parin?

Rozen:

You loved him for years. Ako? Ilang buwan pa lang.

Ako:

Excuse me, years na rin kitang mahal. College pa lang ako. Wala ka lang nun.

Rozen:

Kahit na. You loved him for like a decade.

Ako:

Please puntahan mo ako sa bahay. I miss you.

Ngumisi ako dahil medyo natagalan siya sa pagrereply. Panigurado lumambot na naman ang puso nun. Hihi. Pero totoo naman iyong sinabi ko. Miss na miss ko na siya. Parang hindi ako mapakali kasi hindi ko siya nakikita. Ano ba ito?

Nakatulog na lang ako ay hindi parin siya nag reply. Medyo iritado na ako dahil gumagabi na at wala paring Rozen Elizalde sa pintuan ko. BAKIT? EWAN KO BASTA WALA SIYA AT NAIINIS AKO!

Pinag tatapon ko yung mga unan ko kung saan saan sa kwarto sa sobrang inis ko. Bwisit na Rozen! Ewan ko basta bwisit na bwisit ako.

Ako:

Kung ayaw mong pumunta edi sabihin mo na lang ng diretso! Wa'g mong patagalin! Bye!

Mabilis ko iyong na type. Nagulat naman ako dahil mabilis din siyang nagtype.

Rozen:

That's what you get! I said I don't wanna share you! No me for you today.

Mas lalo akong nairita. Halos mapunit ko sa inis ang aking kumot. Bwusit na bwusit ako. Naiiyak ako dahil sa sobrang bwisit.

*KRIIIIING-KRIIIING!*

Nanginginig ang kamay kong sinagot ang cellphone. Si Reina ang tumawag.

"Hello, Coreen?" Narinig ko ang malalim niyang hininga.

"Reina." Medyo nanginginig sa inis ang boses ko.

"You okay?" Bungad niya.

Umubo ako para maayos ang boses na maipadinig sa kanya.

"Yup, why?"

"K-Kasi... si Noah." Napakamot siya sa ulo. "I think he'll invite you sa party. Uhm... Sasama ka ba?" Narinig ko ang pagdadalawang isip sa kanyang boses.

"Why not?" Sabi ko.

Ilang sandali pa siya bago umimik ulit.

"Okay. Sige, Noah will probably call right now. Bye, thanks!" Mabilis niya itong binaba.

True enough, Noah called. Nagyaya siya sa sinasabing party ni Reina. At syempre, pumayag ako. WHY NOT!?

Continue Reading

You'll Also Like

102K 2.6K 52
What will you do if you end up in someone else body?
95.9M 2.3M 64
Maria Georgianne Marfori loved Noah Elizalde more than anything in this world. Ganon din halos lahat ng mga babaeng kilala niya. Yes, he's probably t...
2.8K 873 29
College Romance Series # 1 Venusia Kish Ashton lives with her stepsister and stepmother. She explores life while missing her mother's embrace. When s...