Samantala isang nilalang ang nagmamasid lang sa lahat ng nangyayaring kaguluhan...
"magkikita kita rin tayo...sa tamang panahon"
Sa kaharian ni thymós
Thymós: naiinip na ako! Efialtis!
Efialtis: ipinatawag nyo po ako panginoong thymós?
Thymós: bisitahin mo ang ating mga kaibigan..
Efialtis: masusunod panginoon..
Paikot ikot lang kami dito sa loob ng subdivision..
Carlo: nasaan na ba tayo? ilang araw na tayo dito sa subdivision na toh pero di pa natin natatagpuan ang hinirang..
Kulas: di ako sigurado pero parang sementeryo toh..di ba museleo yan..
Carlo: oo nga noh..woi! uwi na tayo..takot ako sa mumu..
Kulas: ano ka ba Carlo! ang laki laki mo na naniniwala ka pa rin sa multo! Panakot lang yun ng mga matatanda sa mga batang makukulit..
Ulley: paano ba tayo napunta sa lugar na toh?
Kulas: di ko rin alam..napaliko lang ako dun sa dulong kanto tapos nandito na tayo..e di ba kanina parke pa yun..weird..
Bigla na lang kaming nakarinig ng kaluskos
Uuuuhhhhhhh....uuuuhhhhhhh...
Carlo: huh? Ano yun? Bakit may umuungol? Saka bakit ambaho!!! Amoy bulok na karne!! Ano ba tong sementeryong toh tapunan ng botcha!! sakit sa ilong ahh..
Mula sa likod ni Carlo isang zombie ang nakahanda nang sakmalin sya..
Kulas: Carlo sa likod mo!!!
Napalingon si Carlo sa likuran nya at laking gulat nya nang makita nya yung zombie..
rrwwaaaaahhhh!!!!
Carlo: nyay!! Mamaw!! Lumayo ka!! ambaho ng hininga mo!!!
Tumakbo kami palayo sa zombie pero sa aming dadaanan nagkalat ang napakadaming zombie..
Kulas: naloko na! na-corner nila tayo!
Uuhhhhhh!!! rrwwaaaaaaahhhh!!!!
"hahahahahaha!! Muka kayong mga dagang nasukol ng mga pusa!!
Napalingon kami sa pinanggalingan ng boses...
Isang lalaking nakasuot ng mahabang itim na damit, na may mga nakapalamuting mga bungo sa kanyang kasuotan..may hawak din syang mahabang tungkod na may bungo ding nakasabit sa dulo
Ulley: sino ka?!
Efialtis ang aking pangalan..ang ibig sabihin ay bangungot...dahil ako ang magiging bangungot nyo!! Wahahaha
Sila ay aking mga alaga..isang utos ko lang lahat sila ay tatalima..ibigay nyo na sa akin ang kwintas at isasalba ko ang inyong buhay..
Carlo: nakita mo tong leeg ko? ang ingles nito ay neck..doblehin mo..iyon ang sagot ko sayo..neknek mo!!!
Efialtis: tingnan natin kung hanggang saan kayo tatagal..sugurin ang mga tampalasan na yan at ibigay sa akin ang kwintas!!!
.
"uuhhhhh....rrwwwwwaaaahhhhh!!!
Sinugod kami ng napakaraming mga zombies..nakakatakot ang mga itsura nila at mukang gutom na gutom..
"nyyaaaaarrrrhhhhhh!!!
Tumakbo kaming tatlo palayo sa mga zombies
Ulley: kailangang Maghiwa-hiwalay tayo..
Tumango kami ni Carlo at nagpahabol sa mga zombies..
Carlo: yiiii! Mame!! may mamaw!!!
Kulas: napakaduwag mo naman Carlo..may paneknek neknek ka pang nalalaman karipas ka naman ng takbo..
Carlo: ikaw na matapang!! Paano kung wakwakin dibdib natin nyan tapos dukutin puso natin saka kainin yung atay at balunbalunan natin..
Kulas: hahahaha! Ikaw na duwag! Horror movies pa more! walang magagawa ang pagtakbo kailangan natin silang harapin..
Carlo: I'll try.. Pero..
Kulas: wala nang pero pero! Attack!!
Gamit ang aming sandata..pinagsasaksak namin ang mga zombies na sumusugod samin..bagsak sila!! pero parang walang epekto..tatayo lang sila ulit at susugurin kami..
Carlo: die zombies! Die!!
Kulas: die? Oo nga noh patay na tong mga toh kaya di na sila tatablan ng mga sandata namin..
Carlo: useless naman ginagawa natin pinapagod lang natin sarili natin..ilan na yung nakalaban natin..wa epek mga sandata natin..babagsak nga..tatayo naman ulit, na parang wala lang..lagain na lang kaya natin yang mga yan at gawing bulalo..
Kulas: oo nga e..napapagod na rin ako..parang wala naman tayong napatay..ganun pa din bilang nila..tingin ko di sila katakam takam pag naluto..eeww..
Carlo: bumalik na lang tayo kay ulley..malamang iyon marami nang napatumba yun..
Kulas: sige..kaysa ubusin natin enerhiya natin kaka paslang sa mga undead na toh na di naman na dedead
Hinanap namin ni Carlo ang kinaroroonan ni ulley..hawi lang kami ng hawi sa mga zombie na humaharang sa aming daanan..
Sila naman ay hablot ng hablot sa amin at handang dumamba pero agad kaming nakakalayo..hindi pwedeng madouble team kami ng mga toh baka maubos kami ni carlo
Natagpuan namin ang pwesto ni ulley..patuloy syang dinudumog ng mga zombies..
Kulas: ulley ayos ka lang ba?
Ulley: bakit kayo bumalik dito?!
Carlo: para tulungan ka..di nauubos kalaban namin.. Imbes na subtracted..multiplied pa sila..
Ulley: oo nga e..ilan na napatumba ko..inikutan ko na sila at lumikha ng ipo ipo pero..tatangayin lang sila tapos babangon..susugod ulit..gayundin sa mga sinusuntok ko.. Magkakabali Bali ang katawan nila pero babangon kahit luray luray na ang katawan..paulit ulit lang ang ganoong senaryo..
Kulas: parang may nakalaban na ako na ganito sa online game...yung sa battle of realms..may mga ganito din..zombies din pero may kumokontrol sa kanila..necromancer yung tawag..
Carlo: paano mo natalo? Pinatay mo yung necromancer?
Kulas: ganun nga ang kailangan nating gawin kailangan nating matalo yung kumocontrol sa kanila..
Ulley: ang alam kong gumagamit ng ganyang kapangyarihan sa aming mundo ay yung may mga lahing bruha..o mangkukulam..
Carlo: bruha? Hmmm..yun pala ang tawag sa lahi ng bumubuhay sa mga patay.. kaya pala nung nagpapedicure si mommy sabi nya dun sa manikurista.."ang galing mo pati patay kong kuko nabuhay mong bruha ka"
Kulas: hahahaha! Iba naman yung sinasabi mo Carlo..pasaway ka..kakainin na tayo ng zombies ikaw puro kalokohan pa rin..
Ulley: kailangan nating harapin si Efialtis..sya ang kumocontrol sa lahat ng ito..tara!
Tumakbo kaming tatlo at hinanap ang kinaroroonan ni Efialtis..maraming nakaharang na zombies sa aming dadaanan..kaya ubod lakas na sinuntok ni ulley ang lupa at lumikha ito ng paggalaw ng lupa..dahilan upang mabiyak ang lupa at mahulog ang mga zombies sa mga puwang sa lupa..
Ulley: bilisan nyo!! Saglit lang nakakabawi na sila at nakakatayo na agad!
Carlo: nasan ba kasi si bangungot..hoy bangungot lumabas ka!! harapin mo kami!!
Efialtis: mukang naisahan nyo ang aking mga alaga..hahaha..
Kulas: lumaban ka ng patas! Nagtatago ka sa mga puppet mo!!
Efialtis: nakakasigurado ba kayo sa inyong hinihiling? Ako lalaban sa inyo? Maari naman ngunit hindi naman yata patas na tatlo kayo at mag isa lang ako..syempre para patas tatlo laban sa tatlo..
" soddom! gomor! dinggin ang aking tinig..mula sa inyong himlayan kayo ay gumising!"
Hmmm..anong klaseng mga alagad kaya si soddom at gomor...abangan ^_^.....
Please don't forget to vote and mas masaya sana kung may comment ^_^
Have a great day everyone