MAGETALLIA: The Runaway Mortal

By Ledynimous

3K 119 8

She had a happy and loving family but that ephemeral warmth is shattered one day when she found out her famil... More

SYNOPSIS
PROLOGUE
Chapter 1:The Lost Girl
Chapter 2 : Welcome to Magetallia!
Chapter 4: The Interrogation and The Mage
Chapter 5: The Arrogant Beast

Chapter 3: The Inspection

153 15 0
By Ledynimous

The  Inspection

" Iseiah?!!" napatingin ako sa kanila.

"K-Kai, E-Elyssa?! " Pa-paanong nahanap nila ako?!

" Hawakan siya, 'di siya puwede makatakas!." sigaw ni Elyssa.

Bago pa man nila ako mahawakan tumakbo na  ako kaso bigla akong natalisod, nabalian pa yata ang binti ko nang sinubukan kung tumayo kaso napaupo lang ako. Unti-unti na silang lumalapit sa akin may hawak silang patalim.


"Kai -huwag...pakiusap, patakasin mo 'ko." samo ko sa kanya ng nahawakan na niya ako subalit wala akong nakitang emosyon manlang sa kanya. Parang hindi na siya yung Kai na nakilala ko.

" Papatayin kita Iseiah!! Kasalanan mo ang lahat! Pinatay mo si ina! Inagaw mo sa akin ang lahat?!" Anong sinasabi niya?Hindi ko siya maintindihan. Hindi ko din kayang gawin ung mga paratang niya sa akin, hindi ko kayang pumatay.

Elyssa, bakit kaya mo kong patayin eh, pinsan mo 'ko.

" Elys-sa, pakiusap maawa ka 'wag mo 'kong patayin ,hindi ko alam ang sinasabi mo.." umiiyak akong nagmamakaawa sa kanya.

"Maawa? Asa! Hindi kana sana nabuhay pa sa mundong ito. Kaya tatapusin na kita! Yahh!." Sasaksakin na niya ako.

"Elyssa, 'wag!!!!!"

Pagkasigaw ko no'n, biglang nagbago ang lugar na kinaroroonan ko.Wala na sila Kai at Elyssa. Nasa gubat na ako, madilim ang paligid tanging ang buwan lang ang nagsisilbing tanglaw ko ngayon. May nakita akong batang babae. Nakatingin ito sakin pero tinalikuran din agad ako nito.

"Bata! bata! Sandali hintayin mo 'ko," Hinabol ko siya, nahawakan ko na ang balikat niya at pinaharap siya sakin.

"AAAHHHHHHH!!!! " sigaw ko.Grabe nalang ang kilabot at takot ko nang makita ko ang kanyang mukha. Wala na siyang mukha, blangko ito, walang mata, ilong  at bibig.

" Let's the hunt begin." narinig kong sabi niya sa aking isipan habang hinawakan niya ako ng mahigpit parang ayaw akong pakawalan. Na mas lalong nagpakaba at labis na ikinatakot ko..

" AHHHHHHHHH!!! "

AT NAGISING  na ako mula sa bangungot na yun. Paulit-ulit akong humihinga ng malalim at pawis na pawis. Pero nakampante ako nang mapagtanto na hindi yon totoo. Isa lang 'yung bangungot. Tumambad ang sinag ng araw  sa aking mukha.

Nasaan ba ako?I woke up in an unfamiliar and unusual room. I felt weird. I slowly get up. Pakiramdam ko ang bigat bigat ng katawan ko.

At nasapo niya ang  ulo ng maramdamang sumasakit iyon.

Kakainom mo yan Iseiah. Inom pa, ah. Pang-aasar ng kanyang isipan.

"Argh!I hate hangover!"She groaned. Wala sa sariling ginulo niya ang kanyang buhok. Bwesitt, kasalan ng alak to e! Wala talagang mabuting dulot 'yung mga alak . Kaya wag tularan, say, 'No to alak na tayo,"

Kinuha ko 'yung phone ko sa handbag para tignan ang oras. Pero ganon na lang ang pagtataka ko ng hindi na ito gumagana, ginawa ko ang lahat para gumana ang phone ko pero wa-epek. Watdaa ba't ayaw gumana.

"What the! Hindi nga panaginip ang lahat!." bulong ko sa sarili ko ng maalala ang lahat ng nangyari kahapon.

Basa nga pala ako kahapon at malamang nabasa rin itong phone ko sa handbag. Ibinalik ko na lang sa handbag ko ang phone ko.

Pilit akong tumayo at inayos ko muna ang sarili bago ako nagmamadaling bumaba.
Inabutan ko 'yung lalaking may pulang buhok na may katabing umuusok na kape habang nakaupo sa dining chair. He's wearing a white shirt and black jogging pants

Red hair? Lakas maka- Hanamitchi Sakuragi, ah.. Whahhaha

"H-Hi," Atubiling bati niya sa binata."Mukhang ang lalim ng iniisip mo, ah?"

Nagsalubong ang kilay nito. "Good thing your awake, Mortal." he said wearing his emotionless face and cold voice.

"Hindi nga mortal ang pangalan ko, kulet mo rin, noh?" Umabot siya ng mug at nagtimpla ng kape at kumuha rin ng tinapay na nakahain sa mesa..

Matalim na sinulyapan siya ng binata.Sinadya niyang maupo sa dining chair na may kalayuan sa kinauupuan ng binata. Pakiramdam niya'y nakakapaso ang presensya nito..

" What's your name mortal?"

Habang kumakain napatingin siya  sa binata,pinag-aralan niya ang kabuuan nito.

Hamak na mas mataas ito sa kanya , maputi, matangos ang ilong nito at may magandang labi na hulma sa kanyang mukha. Malapad ang balikat at maganda ang tikas ng katawan. At  kakaiba ang kulay  ng buhok nito na kulay pula habang ang mga  mata nito ay kulay itim na nakahahalina. In-short, ang gwapo niya.Hiyang hiya naman ang nerd na katulad niya..

"Done checking me out?" He smirked.Uminit ang pisngi niya pero inirapan niya lang ang binata at nag-iwas ng tingin para matakpan ang hiyang nararamdaman.

Bago siya makapagsalita, nakarinig sila ng mga yabag sa labas ng bahay. Kapwa nila naulinigan ang mga yabag. Muli silang napatingin sa pinto ng makarinig sila ng malalakas na pagkatok.

Sumilip ang binata sa peephole. Ilang kalalakihan ang nakita niya sa tapat ng pinto. Naka-pangkawal ang mga ito. Mukhang ang mga guard ng Magetallia nga ang mga iyon.

Tumingin ang binata sa kanya. Humihingi ng saklolo ang mga mata ni Iseiah. Kahit na may nakakubling salamin dito kita parin nito ang mga mata ng dalaga. Her eyes, there's something in her eyes that he has ever seen.

"I-Itago mo ko," she pleaded ."H-Huwag mo silang papasukin.Please,"

Of course, wala siyang intensiyon na magpapasok ng kung sino. Dahil karapatan nya naman 'yon at pamamahay niya 'yon. And he's not about to let someone intrude his privacy.

Pero bakit mo pinatuloy ang babaing ito ? Pang-uusig ng kanyang isipan.

Bakit nga ba? Nang mabangga siya nito kahapon, tumambad sa kaniya ang isang babaing basang- basa, magulo ang mahabang itim na buhok, brown ang mata nito  na natatakpan ng malaki at makapal na salamin at nakasuot ng kahabaang damit.

Gayumpaman, alam niyang sa likod ng salamin na iyon maraming sekreto ang nagkukubli.

Isang napakagandang nerd--oops mali isang napakapangit na nerd, tama tama..pagwawasto ng kanyang isipan.

Nakita niyang tila ba takot na takot ito.Palinga-linga ito na animo may tinatakbuhan.

He knew she was trouble but still tinulungan niya ito. Pilit niyang iginigiit sa isipan na tinulungan niya lang ito dahil gusto niyang malaman kung may alam ito kung paano makalabas sa lagusan. Pero siya ang uri ng tao na hindi agad-agad nagtitiwala.

He even surprised at the quick response of his body. He feel a strange thing inside. Noon lang siya nagkaganoon sa presensya ng babae lalo pa at estranghero.

He looked at her " Back off!." utos niya sa dalaga.

Tumakbo ang dalaga sa malapit na bathroom, takot na takot. Kaagad itong pumasok sa banyo at nagsarado ng pinto. Naiiling nalang ang binata. Inakala siguro nito na protektado na siya kapag nagkulong sa banyo. Kung alam lang nito na pati siya ay nalalagay sa panganib sa oras na pasukin sila ng mga guard.

Gayunpaman, kahit na ang mga guard iyon ng lugar nila, walang dahilan para papasukin niya ang mga ito.

May dahilan.. Pang-aalaska ng kanyang isipan, Ang babaing nasa loob ng bathroom.

When he didn't open up, they again banged on his door."What the hell do you want?!" he shouted.

"Nagsasagawa kami ng security check," anang boses " Sir..." pahabol nito. Hindi iyon nakaligtas sa kanyang pandinig.

" No need for that. I have no problem in here. Now, go away!" pagtataboy nito sa mga ito. " Naaabala niyo ako sa aking agahan."

" May hinahanap kaming babae. May nakapasok bang babae dyan?"

" Babae?" he chuckled. "Ako din, naghahanap ng babae, Kaya huwag na huwag siyang magkakamaling pumasok dito."

" Maaari bang i-search namin ang bahay niyo, Sir?"

" I said, there's no need for that."

"Mapanganib ang babaing 'yon , Sir,"

Mapanganib nga ang babaing 'yon, He agreed to that. He's endangered, his mind hastens to add.

" As I've said, walang babae dito. Why don't you search other houses?" he suggested. "Baka makita niyo doon ang hinahanap niyo. Ngayon kung magpupumilit parin kayo, l'll have to call the management." he warned "This is an intrusion of privacy."

Pansumandaling katahimikan, Pagkatapos naulinigan niya ang paglayo ng mga yabag nito.Muli niyang tiningnan ang peephole.The hallway was clear.

Bakit ba nila pilit na hinahanap ang mortal na 'yon. Ba't ba sila nagsasayang ng oras para sa babaing mortal na 'yon, anong pakay nila?There's only one way to find out.

Tiningnan niya ang banyo, walang kaabog-abog na kinumpas niya ang  isang kamay sa direksyon ng pinto. Biglang bumukas nang malakas ang pinto ng banyo na nagbigay ng malakas na tunog.

"Eeeeee!!! " tili ng dalaga.

Continue Reading

You'll Also Like

18.4K 1K 25
''မွေ့အတိတ်ဘဝဆိုတာကိုယုံလား''
172K 2.2K 30
mikha and aiah found out na mag tita sila!!
126K 5.5K 28
Inspired by Arsenic Blues by 11QueenSupreme11 and Young Gods by phoenix1770, but with my own plot. This is a mix of reactions and story. What happens...
22.7K 1.4K 200
DISCLAIMER: I do not claim ownership over this story. I only MTLed it. Original novel: https://www.jjwxc.net/onebook.php?novelid=5287959 Although Luo...