Mr. Maniac meets Ms. Pervert...

By justchin

83.5M 1M 283K

Aragon Series #2 : What will happen if Mr. Maniac John Dale Aragon meets Ms. Pervert Natasha Feddiengfield ? More

Mr. Maniac meets Ms. Pervert
Her reason
Hongkong
Foreplay?
Period
Bowling in Thailand
Phone call
I Love Her
Spicy noodles
Angels
Sapi
Snakes and Ladders
Spotting
I love you
Mahal kita ..
LabletterniChin(A/N)
Still the one
Jelly
Kill me
Luck
Twins
Exercise
America
Let's end this.
Angel of Mine
Daniel
Ella's Time
Jd's Tears
The truth
His Family
Bromance
Angelico and Angelo
2 become 1
Ella's comeback.
New Life
The beginning
Birthday
Confirmation
Picture Perfect
Miyu and Mayu
Family Picture
Dravet Syndrome
Marijuana
Downfall
Begging
Her Angels
Rainbow
Tears
Goodbye Mayu
One last cry
Ending
EPILOGUE (all caps para intense! haha )
Author's kaechosan
Softcopy
Special Chapter

Jd and Ivan

1.3M 16.9K 5.3K
By justchin

Jd's POV

"Babe! Aalis na me!" sigaw ko kay Asha na nasa dining ng bahay namin busy syang nag ku-cooking lesson kasama ni Mom.

Lumabas si Asha sa kusina ng naka apron pa at nagpupunas ng kamay.

"Saan ka pupunta?" tanong nya sakin.

Well it's Sunday and rest day ko, kaya nagtataka sya na naka casual lang ako.

"Uhm .. Jan lang kay Ivan, may pag uusapan kami about sa report bukas." lumapit ako sa kanya at hinalikan sya sa pisngi.

"Totoo ba yan?" di pa naniniwalang tanong nya.

"Oo naman. Tawagan mo pa si Ivan eh." buti na lang di ako si Honesto at ng di lumaki ang ilong ko pag nagsisinungaling.

"Oo na sige na. Umalis ka na."

"Sige Bye." lumabas na ako ng bahay at dumiretso sa nakahanda kong kotse.

Sa site talaga ako pupunta para simulan ng gawin ang dream house namin ni Asha.

"Good Morning Sir!" bati ng foreman sakin.

Ngayon ang bagsak ng mga semento, graba at buhangin na gagamitin nila. Gusto kong maging hands on sa pag gawa ng bahay kaya naman sinisipat ko ang bawat gawain nila. Gumagastos ako ng malaki para sa pamilya ko.

"Sir! Linggong linggo, talagang di mo pa ako pinatawad? Kasama ba to sa sahod ko?" reklamo agad ni Ivan pagkarating nya.

"Eh kung sabihin kong iba ang bayad neto? Aangal ka pa?"tanong ko sa kanya.

"Yan ang gusto ko sa'yo Dale eh! Madali kang kausap!" sabi nya habang tinatapik tapik pa ang braso ko. Sinamaan ko sya ng tingin.

"Umpisahan mo na ang trabaho mo!" utos ko sa kanya.

"At kelan pa ako naging construction worker?! Sa pagkakatanda ko Business Administration ang natapos ko ah?!" apela nya ng ituro ko yung mga binababang hallow blocks.

"Diba sineswelduhan kita?!" tanong ko.

"Oo nga Sir! Pero ang uusapan tutulungan kita buuhin ang pangarap mong bahay hindi ang magtrabaho din."

"Eh ano ba yang pinapagawa ko sa'yo? Diba pagtulong yan?"

"Tss. " parang bakla nya akong inirapan. "Ang hirap talaga kumita ng pera ngayon. Tapos ninanakaw pa!" bulong bulong na sabi nya.

"Kay Napoles ka magreklamo wag sakin!" sagot ko.

"O sige tara Sir! Magreklamo tayo dun! Parehas lang naman tayong nanakawan ah?!"

"Hindi ko na kailangan gawin yun, dahil yung ninakaw ni Napoles barya lang yun sa isang wallet ko." pagmamayabang ko.

"Eh baka naman Sir gusto nyong ipahiram sakin ang wallet na yan!" asar ni Ivan.

"Hindi pwede. Savings yun ng mga anak ko."

"Wow Sir! Nasa tyan pa lang may saving ng bilyon! Paano pa kaya pag lumabas na yon?"

"Eh ganoon talaga! Mayaman kami eh!" natatawa na lang na sagot ko.

"Kadamutan mo kamo!" duro nya sakin gamit yung pala. "Parang nung college di ka nangongopya sakin ah? Tandaan mo! Ako ang gumawa ng thesis mo!" gagong Ivan to, ibalik daw ba yung nakaraan.

"Oh tapos? Saksak ko sa baga mo yang pala eh! Parang thesis lang! Baka nakakalimutan mo ako ang tumulong sa'yo para makapag OJT ka sa Aragon!" kami na ang mag boss na nag bibilangan ng ginagawa.

"Dapat lang! Muntikan na kong madrop ng terror nating prof nun dahil nahuli kang nangongopya sakin! Ako tuloy ang naputukan!"

Naalala ko nung nagkokopayahan kami at nahuli ng prof namin, pinagtake kami ulit ng exam, at dahil hindi ako nagreview ay bumagsak ako tapos si Ivan ay pasado. Pero ang loko loko namang Prof namin pinagpalit ang exam papers namin. Lesson daw yun kay Ivan na wag ng magpakopya.

"Nilibre naman kita ng lunch nun." kahit paano nakonsensya pa din ako sa nangyari noon til now, best buddy kami ni Ivan pero magkaiba ng pamumuhay, scholar sya ng school na madalas kong ibully at later on naging best companion ko na din.

"Sir next week end pass muna ko, anniversary namin ni Kulengleng kaya magde date muna kami." napatingin ako sa kanya.

Alam ko naman na kahit na ilang babae ang tingnan nya sa maghapon, isang babae pa rin ang pipiliin nya; ang asawa nyang si Andrea.

"Mag de-date kayo? Saan?" tanong ko.

"Baka dalhin ko sya sa Tagaytay, makabawi man lang sa mga pagkukulang ko."

"Oo sige. Balak ko nga din ipasyal si Asha; baka ma stress na naman yun eh."

"Maghanap ka ng sarili mong pupuntahan ah? Wag kang gaya gaya!" banta nya sa akin.

"Ang laki laki ng Tagaytay, feeling mo? Magkikita tayo dun?"

"Mabuti na yun. Ayokong may distorbo."

"Edi dun ka sa Mars! Walang distorbo dun!"

"Try nyo muna! Tapos susunod kami!" ayaw patalo talaga ni Ivan.

"Ah Sir, anjan na po si Engineer Francisco." lapit ng isang trabahador at turo nito sa isang maton na tipong kargador lang.

"Goodmorning Sir Aragon! Antonio Francisco po." pakikipagkamay nya sakin.

"Sir dyahe yan ah? Baka ginogoyo ka lang nyan? Baka isang bagyong Yolanda lang buwag na ang bahay mo." bulong ni Ivan.

"Gago. Kung Yolanda ang dadating siguradong buwag talaga yun. Super typhoon kaya yun!" minsan.talaga ang tanga nitong si Ivan eh.

"Check his background." utos ko kay Ivan. Tapos nagclear throat ako. "I'm John Dale Aragon the CEO of Aragon Corporation. Can you estimate kung gaano katagal bago matapos ang bahay namin?" tanong ko.

"Sir, nung nakita ko yung drafts ni Architect Marquez, masasabi kong tatagal ito ng four to five months." napatango tango na lang ako.

"Gusto ko sana before manganak ang asawa ko ay matapos na ito. She's almost five months pregnant."

"Kaya yan Sir! Basta tuloy tuloy lang ang bagsak ng materyales at kung maganda ang panahon." confident na sagot nya.

"So then, i expect na matatapos ito very soon. Thank you Engineer Francisco." pakikipagkamay ko sa kanya.

"Tondo na lang Sir! Di na kayo naiiba sakin dahil naging classmate ko sa Engineering Class si Karla Aragon." napangiti naman ako dun sa sinabi nya. So magkakilala pala sila ni Karla.

Pumunta ako ng van at nakita ko si Ivan na naglalaro ng candy crush sa laptop nya.

"Anong research yang ginagawa mo?" sandal ko sa pinto ng van.

"Wag kang magulo! Level 359 nako!"

"Pakealam ko?! Anong nangyari sa pinapaasikaso ko sayo?!"

"Clear Sir! Wag kayong mag alala, isa si Antonio Francisco sa pinakabatang highest paid Engineer ng kumpanya nila. Hindi nga lang halata." sabi nya at tuloy pa din sa paglalaro.

"De ok. Tumabi ka jan uuwi nako." kinuha ko yung gamit ko at naglakad papuntang kotse ko.

"Sir sama ko! Kakain muna ko!" 

"Ginawa mo pang restaurant ang bahay namin?" hinayaan ko syang pumasok sa kotse. Eversince naman ng college pa kami ay kilala na sya ng family ko kaya at home sa amin yan.

"Hi Asha!" bati nya agad kay Asha na sumalubong sa amin sa main door.

"Hello Ivan! Kamusta?"

"Eto pogi pa din! Kainis nga eh! " binatukan ko nga napaka feeling kasi. Natawa naman si Asha doon at lumapit sakin. Pero pinagmasdan nya muna ako.

"Teka bakit puro buhangin yang sapatos nyo?" tanong nya sa amin.

Nagkatinginan kami ni Ivan. Hindi nya dapat malaman na galing kami sa site ng tinatayong bahay namin.

"Galing kami ng beach. You know mainit." pumapaypay pang sabi ni Ivan.

"Nang nakasapatos?" alanganing tanong nya.

"Ahh .. Oo. Trip namin." sobra ng di kapani paniwala ni Ivan kaya nilapitan ko na si Asha.

"Tara na Babe. Baliw lang yan." inakay ko sya papuntang kwarto. Agad naman akong naghubad ng damit para makapag shower. Naka boxer lang ako ng pumasok sa cr. Paglabas ko ay nakaupo na si Asha sa gilid ng kama at nakahanda na yung mga damit ko.  Nagbihis lang ako at inaya na syang kumain sa baba.

Pagkababa namin ay masayang kumakain si Ivan. Habang nandoon si Mommy.

"Ivan kamusta na pala ang asawa mo't mga anak?" pangangamusta ni Mommy. Habang si Asha naman ay pinaghahain ako ng pagkain.

"Ok naman Tita. Ayon baliw padin ang asawa ko at makukulit pa din ang mga anak ko."

"Eh magtataka ka pa ba? Syempre nagmana sa'yo." sabi ko.

"Alam kong mana sakin, ang gwapo ko kaya!"

"Pakipatay nga yang lecheng aircon sa katawan mo Ivan! Ang hangin!" inis na sabi ko. Nagtawanan lang naman sila.

"Ilan ba ang anak mo?" tanong ni Asha.

"Tatlo Ma'am." pagkatapos ay tumingin sya sa relo nya at tumayo na.

"Sige Tita, Asha una na ako. Magsisimba pa kasi kami ngayong hapon eh. Bro una na ko. Text ka lang pag may kailangan ka." nag fist to fist muna kami bago sya umalis.

"Ang cute nyo pala ni Ivan pag di kayo nag aaway eh." nangunot ang noo ko sa sinabi ni Asha.

"You should see them nung college pa lang sila." gatong pa ni Mom.

"Really. Dapat di mo na inaaway si Ivan. After all sya naman ang bestfriend mo eh." sagot nya.

"Ganoon lang talaga kami. We don't take it seriously,  yung mga lokohan namin."

"Sabagay ang cute!" naiiling na lang ako habang kumakain.

"Sya nga pala Babe. We're going out of town next weekend ok?"

"Saan naman?" excited na tanong nya.

"Basta. Secret muna!" ngayon pa lang ay natutuwa na kong makita si Asha na excited.

Weekend.

After one day walking and taking a picture simula ng dumating kami dito ay dumiretso kami sa isang sikat at mamahaling restaurant sa Tagaytay. Nagpareserve ako ng table for two. Papasok kami ng main door ng may maksabay din kaming couple.

"Ay sorry Miss!" agad na sorry ni Asha.

"Sorry din. Sige mauna ka na." agad na sabi ng babae.

"Hindi sige mauna ka na." sabi ni Asha.

"No. Mauna ka na." balik ng babae.

Para silang tanga na nagtuturuan.

"Mauna na tayo Babe." hawak ko kay Asha.

"Kulengleng tara mauna na tayo." pag akay din ni Ivan kay Andrea.

Oo tama kayo ng dinig. Sa laki ng Tagaytay at nagkita pa din kami ni Ivan.

"Ivan/ Dale?!" gulat na sabi ng dalawang babae. At nagkatinginan pa.

"Ikaw ang asawa ni Dale/Ivan?" ulit nilang dalawa.

Kami naman ni Ivan ay kulang na lang magsuntukan, alam kasi naming sira ang plano namin nito. Tsss.

"Babe/Kulengleng tara na." sabay din naming sabi ni Ivan.

"I think we should be together in one table." suggest ni Andrea.

"Yeah that's right!" agree din ni Asha.

Wala na! Sira na talaga ang plano ko for our dinner date! Panira talaga tong Ivan na to!

Silang dalawa na ang nag ayos ng reservation namin. Nagsalo nga kami sa isang lamesa at sila ay masayang nag usap.

"So ilang buwan na ang tummy mo Asha?"

"Going five months na."

"But it looks like too big for five months ha!"

"Oh yes. Because it's twins."

"Really?! Wow congrats!"

Masaya silang nag usap habang kami ni Ivan ay bored na bored na. Alam nyo yun OP? Out of Place! Nakakainis! Dapat isa itong romantic at sweet dinner para sa amin ni Babe eh!

"Alam mo bang iisang university lang kami galing nila Ivan at ni Dale. Magkaka batch kami!"

Napairap na lang ako sa kadaldalan ng asawa ni Ivan! Hindi pa din.nagbago sa pagiging chismosa!

"Nabanggit nga nila. But not that much."

"Alam mo bang magbff sila way back college. Si Dale pa nga ang naging tulay namin ni Ivan. Tapos itong si Ivan eh certified bully ni Dale at isa ding nerd, then it turned out na naging mag bestfriend sila at sa kasamaang palad nahawaaan ni Dale si Ivan ng mga kalokohan nya. Kaya ayan tingnan mo! Parang pinagbiyak na bunga!" nakatingin sila samin na para kaming mga alien.

Sila kasi ang magkatabi at kami naman ni Ivan ang magkatabi. Nag crossarms na lang ako at umirap. Anak ng tipaklong! Kami pa ang ginawang topic!

"See? Magkamukha talaga sila!"

Noon ko lang napansin na nagkasabay pala kami ni Ivan ng pagbaling at saktong nag cross arms din.

"Yeah oo nga! Ang cute nila!" eto namang asawa ko nahawaaan na ni Andrea ng pagkabaliw!

"Cr lang ako." tumayo ako.

"Ako din." sunod ni Ivan.

"Ang cute nila!" naiwan namin ang dalawang babae na humahagikgik pa.

Pagpasok sa cr ay naghugas ako ng kamay at winisik iyon sa mukha ni Ivan.

"Sir nakakarami ka na ah!" inis na sabi nya habang nagpupunas ng mukha.

"Anong ako?! Eh kayo itong nagsabotahe ng date namin ni Asha!"

"Hoy! Baka nakakalimutan mong ako ang unang pumili ng Tagaytay! Sabi ko sayo wag kang gumaya!"

"Excuse me. Para sabihin ko sa'yo magkaiba tayo ng taste! At anong ginagawa mo dito sa isang mamamahaling restaurant?" tanong ko.

"Ang sakit mo namang magsalita! Para mo namang sinasabi na di ko afford ang lugar na ito!" madamdamin nyang sagot.

"Tss .. Yung dalawa mukbang nagsasaya dun sa labas samantalang tayo talong talo." sumandal ako sa sink.

"Hay nako!" sumandal din sya.

"Halika samahan mo ko may gagawin tayo!"

"Ok! Pero dagdag ito sa sahod ko ah!"

Hindi ko na sya sinagot at saka tumuloy sa pinaka counter ng restaurant.

Kinausap ko yung pinaka manager at ang banda na kumakanta.

"Sir, nasobrahan ata kayo sa asukal! Baka madiabetic ka nyan!"

"Makisama ka na lang pwede?!"

"Easy lang .. Kinakabahan ka yata tsong eh!" tapik nya sa balikat ko.

Sinamaan ko lang sya ng tingin at saka kinuha yung drum stick na nasa ibabaw ng counter table.

"It's just like the old times, but now it's way too different. Kasi ngayon ikaw naman ang sasamahan at baback -up an ko para kay Asha. Sorry Bro! Graduate na ko jan! Chi-cheer na lang kita dito!"

"Lol! Ikaw mag drums! Ako sa guitar! Matuto kang makisama!"

"Sir ok na ho." senyas ng vocalist ng banda na nasa stage.

Tiningnan ko si Asha na busy sa pakikipagkwentuhan kay Andrea, tumatawa sya at ngumingiti; ang sarap lang nyang pagmasdan.

"This night, we have a two man who'll going to sing for they're woman."

Sumenyas yung vocalist na umakyat na kami kaya kahit kinakabahan ay umakyat ako kasunod si Ivan. This is so Gay I think.

"This is for Natasha Aragon and Andrea Dela Cruz. I hope you like it girls .." sabi ng vocalist.

Sinuot ko yung strap ng gitara at tumingin kay Asha. She's looking at me unbelievable.

It's amazing how you can speak right to my heart
Without saying a word you can light up the dark
Try as I may I could never explain
What I hear when you don't say a thing

Nagtipa ako sa gitara at sabay kinanta ang unang stanza. Halos lahat ng barkada ko at kaibigan ay nasaksihan ko at nakasama ako sa panghaharana nila, from Kuya Biboy, Michael, Art at kay Ivan. Pero hindi ako kinabahan noon, at ngayon ko na realize kung bakit nakakakaba ang kantahan ang babaeng mahal mo.

Dahil pinararating mo na din ang gusto mong sabihin sa kanya.

The smile on your face lets me know that you need me
There's a truth in your eyes sayin' you'll never leave me
The touch of your hand says you'll catch me if ever I fall
You say it best when you say nothing at all

Sinabayan na ni Ivan ng marahang pag drums ang second stanza, ganitong ganito din kami ni Ivan ng hingin nya yung oo ni Andrea.

All day long I can hear people talking out loud
But when you hold me near, you drown out the crowd
Old Mr. Webster could never define
What's being said between your heart and mine

Gusto kong magmura sa sobrang kabang nararamdaman ko. Halata ang kaba ko sa nginig ng boses ko, pasalamat na lang at nakaback up ang vocalist ng banda.

The smile on your face lets me know that you need me
There's a truth in your eyes sayin' you'll never leave me
The touch of your hand says you'll catch me if ever I fall
You say it best when you say nothing at all

That smile, habang nakatingin sya at nakangiti sakin, totoo yung sinasabi ng kanta. Dahil yun yung nararamdaman ko pag ngumingiti sya. Kitang kita ang saya sa mata nya at ang pagmamahal nya sa bawat dampi ng kamay nya sa akin.

The smile on your face lets me know that you need me
There's a truth in your eyes sayin' you'll never leave me
The touch of your hand says you'll catch me if ever I fall
You say it best when you say nothing at all

After the song, nagsipalakpakan ang mga guest, tumayo din sila Asha at Andrea, Asha smile at me.

Ngayon ko nalaman, normal pa lang kiligin ang mga lalaki no?

---

Don't worry tatapusin ko ito hanggang last chapter at mababasa nyo pa din ang ending dito sa Wattpad. Salamat sa mga nagbabasa. Sa friday ulit :)

Continue Reading

You'll Also Like

1.8M 11.5K 11
"So, it's you and me again, huh, Jet?" Akala ni Jet naka-get over na siya kay Zoe. Halos kalahating taon din ang lumipas bago niya itong mulin...
7.7M 199K 47
Rugged Series #4 Kill Legrand has everything. Growing inside a prestigiously rich family, she can have whatever she wants in just a blink of her eye...
1.3M 46.2K 43
(Game Series # 9) Mauro Eugenio dela Rama's life revolved around school and work. At times, he felt like drowning pero hindi siya pwedeng magreklamo...
159K 2.8K 101
🐝 Since 2016 🐝 In the past, it is titled as "Hugot Poems (English and Tagalog)." This is a compilation of Tagalog, and English poems. If you need t...