A.K.A. Neerdy GIRLFRIEND (COM...

By adrian_blackx

415K 13K 1.3K

"Nerd man ako sa paningin nila, but they don't know me very well." -GLAIZA Maybe I judge her before, but then... More

Chapter 1: The Kiss
Chapter 2: Rescue
Chapter 3: Music Room
Chapter 4: New Prof
Chapter 5: Rooftop
Chapter 6: Tutor Mode
Chapter 7: Kathrina
Chapter 8: DATE?!!
Chapter 9: The Truth and The Hell
Chapter 10: Glaiza Galura
Chapter 11: Heaven and Hell
Chapter 12: Elevator
Chapter 13: Kumot
Chapter 14: Glaiza's New Girlfriend
Chapter 15: Wife material
Author's note
Chapter 17: Over
Chapter 18: Love Guru
Chapter 19: Real
Chapter 20: Forgive and Forget
Chapter 21: Yes
Chapter 22: Tagaytay Adventure (1)
Chapter 23: Tagaytay Adventure (2)
Chapter 24: The Revelation
Chapter 25: Nasa'yo na ang lahat
Chapter 26: The Comeback
Chapter 27: Something New
Chapter 28: R vs. S
Chapter 29: Hurt
Chapter 30: Come back is real
Chapter 31: Birthday Surprise
Chapter 32: Closure
Chapter 33: Grow Old with You
Chapter 34: Where are you?
Chapter 35: Happy Ending
EPILOGUE
Mula Sa Author <\3
Hi guysss

Chapter 16: Hello Past

11.8K 355 19
By adrian_blackx

THIRD'S PERSON POV

It was Sunday morning, masayang gumising si Glaiza sa pagkat walang pasok. Makakapagpahinga siya from school works, makakatulog pa ng mas mahaba, makakapagwork out, at kung ano ano pa.

Mahigit dalawang buwan na din simula ng magpanggap na magkarelasyon sila ni Rhian, habang tumatagal, mas lalong napapalapit si Glaiza sa kanya. Buti naman at paniwalang paniwala sila sa harap ng tao sa paligid nila. Gusto kasi ni Glaiza na kumalat ang balita hanggang sa parents niya lalong lalo na sa lolo niya, dahil baka sakaling hindi ituloy ang fixed marriage na nais nila.

Nagiging sweet ang dalawa kapag maraming tao ang nakapaligid sa kanila, minsan nga, iniisip ni Glaiza kung totoo na ba lahat ng pinapakita nila sa isa't isa. Puno ng pagmamahal, at pag-aaruga. Ngunit kapag silang dalawa lang, daig pa nila ang aso't pusa kung mag bangayan.

Bumangon na si Glaiza sa kanyang higaan at dumiretso agad sa banyo upang maligo., ilan sandali pa lang ay natapos na ito at pumunta na ng kusina para makahanap ng makakain.

Ngunit may napansin siyang tupperware sa lamesa. Agad naman nila itong tinignan at nakita niyang pagkain ang laman nito, at pumukaw din sa kanyang pansin ang note na nakalagay.

"Hoy bruha! Kainin mo to, dahil sigurado akong late ka nanaman gigising"
-R

Napangiti na lang si Glaiza sa kanyang nakita at agad naman niya itong kinain dahil gutom na din talaga siya.

Natapos ng kumain si Glaiza na biglang tumunog ang telepono niya.

*Chief is Calling...

C: Good Morning apo!

G: Good Morning din Chief, anong meron?

C: well namimiss na kita, kaya yayain kitang magdinner mamaya, kasama ang parents mo.

G: sure chief, malakas ka sa akin eh..

Nag stay lang si Glaiza sa condo niya, sapagkat, gusto talaga niyang magpahinga. She just wondering what Rhian is doing. Kaya tinext niya to.

To: Rhian Ramos

Hey! Pangit! Salamat sa breakfast ah! I really enjoyed it! :)

Napangiti naman si Glaiza sa tinext niya. Ilang saglit lang, nagreply na si Rhian

From: Rhian Ramos.

Yeah whatever. Btw, di mo ko mauutusan ngayon, nasa Batangas ako. :p

Biglang kumunot ang noo ni Glaiza. Hindi niya alam kung anong ginagawa niya dun.

To: Rhian Ramos

Bakit ka anjan?..

From: Rhian Ramos

Bakit ba? Sige na, busy ako.

Hindi na kaagad nakatiis si Glaiza at agad naman niya itong tinawagan.

G: bat ka nasa Batangas?
Inis na tanong ni Glaiza.

R: Kasi...

Hindi na natapos ni Rhian ang sasabihin, sapagkat may biglang tumawag sa kanya.

"Rhian, come on!"

"Yes I'm coming" sigaw ni Rhian. Medyo nainis na si Glaiza, dahil sa narinig niya. Sino ba yung lalaking yun..

R: sige na Glai, I have to go bye.

Magsasalita pa sana si Glaiza, pero binabaan na niya ito ng telepono..

"Hell this life!!!" inis na sigaw ni Glaiza, buti na lang talaga mag isa lang siya. Hindi niya alam kung bakit siya naiinis.

Selos maybe. Sabi naman ng konsensya niya.

"I CAN'T BE JEALOUS!" Inis na sumbat ni Glaiza. Sa sobrang inis niya. Natulog na lang siya.
.
.
.
.
.

Its almost 6PM, Glaiza decided to get ready, dahil sa family dinner nila.

She just wearing a simple floral dress.

And after that, pumunta na siya sa restaurant, isa sa mga restaurant ng mga Galura.

Pagkapasok na pagkapasok plng niya, napansin naman niya na andun na ang parents at ang lolo niya.

"Mom, Dad. Chief, andito na pla kayo. Sorry I'm late"

"Its ok iha. Sige na maupo ka na" sabi ng lolo niya.

"So anong meron?" Glaiza ask.

Napatingin naman ang tatlo sa isa't isa at ngumiti ng nakakaloko, but Glaiza had no idea, what is going on.

"Glaiza, when you're 10 years old. Do you remember your playmate?"

"Who? Chief, wala na akong masadong maalala about jan. Its been 12 years? I think"

"Yeah, it was long ago. But I think Ms. P, naalala mo pa?"

"Si miss piggy?! Ofcourse, I remember her! Hahaha"

"So naalala mo pa na niyaya mo siyang magpakasal?" Biglang napalunok si Glaiza, dahil sa sinabi ng lolo niya.

"Chief, matagal na yun, tsaka bata pa ako, at katuwaan lang. And besides she's crying that time"

"So you're still remember huh?" sumbat naman ng tatay ni Glaiza.

"Ofcourse, naalala ko pa yun. Actually everything about her, naalala ko pa. But dad that was decades ago. Ni hindi ko nga alam if she still remembers me. Tsaka bakit siya ang topic natin?" tanong ni Glaiza.

"Becausee.. She is your fiance!" her lolo said

"WHAT? LO NAMAN!" Sigaw ni Glaiza, at lahat ng tao ay napatingin sa kanila, but the Galura doesn't care, they own the restaurant anyway.

"Anak can you pleasee calm down?" Her mom said.

"Mom, how can I calm down?"

"Anak this is for your own good. Don't worry makikita mo na din siya, anytime this month"

"Mom, dad, chief, I have a girlfriend" pag aamin ni Glaiza,

"Yes, we do know apo, hindi ka naman namin pinipigilan anout jan. Enjoy, while you can"

"Unbelievable! Chief mahal ko yung girlfriend ko" teka mahal ba talaga niya? When she said it, parang feel niya na she mean it.

"Glaiza, please. Makinig ka sa amin, this is for you" sumbat ng daddy niya.

"Tama na, kumain na nga lang tayo" wala ng nagawa si Glaiza, at kumain na lang siya.

GLAIZA'S POV

I can't believe it! Ikakasal ako dun sa baboy na yun. Damn!

It was 12 or 13 years ago when the last time I saw her.

Flashback....

I was playing in our backyard, when I saw a fat, little girl, alone and crying.

"Hey! What's wrong?" I ask the little kid.

"Lagi kasi akong inaasar ng mga kalaro ko, dahil ang taba ko daw, ang pangit ko daw" she's still crying, ako naman nakaupo lang sa tabi niya,

"Tapos sabi pa nila, wala daw magkakagusto sa akin, tatanda daw akong dalaga"

"That is not true! Maganda ka naman ah! Medyo alam mo na, but it doesn't matter, maganda ka ok?" I said to her.

"Really?!" The little girl amazed.

"Oo kaya. Ganito na lang, pagmatanda na tayo, I'll marry you!" I told the little girl, nagulat man ako sa sinabi ko, but who cares, hindi na din niya to maalala, we're just kids..

"Sure ka ba diyan?" I just nod to her answer. After that naglaro na kami. Masaya naman siyang kasama, makulit, jolly, nakakatuwa.

"Oo nga pala, what is your name?" The little girl ask. Oo nga pla, she doesn't know my name..

"Glaiza"

"What? Iza?"

"GLAI...ZA" pagcocorrect ko.

"Ahh, Iza" ok,wala na akong nagawa.

"Eh ikaw anong name mo?" I ask her.

"Ahh ehhh." Medyo nahihiya siya.

"Ah, ganito na lang, I'll just called you Ms.Piggy, diba ang cute"

Medyo nainis siya, but then tumwa na lang din siya.

Everyday kaming naglalaro, but one day, umalis na siya papuntang London, hindi man lang nagpaalam and after that, hindi na ulit kami nagkita.

End of flashback.

Minsan ang sarap din balikan, she was my first heartbreak, pero bata pa ako nun. Pero ngayon ayoko na siyang makita, gosh, ano na lang sasabihin ng mga nakakailala sa akin? I am a rocker chic magnet, papatol sa isang matabang babae?! The hell is that!

Pero hindi pa din maalis sa akin na mainis at mabwisit. Idagdag mo pa ang hindi pagrereply ni Rhian sa akin. Kaasar tong babaeng to, text ako ng text sa kanya but she doesn't reply! Sino ba yung lalaking tumawag sa kanya? Dahil ba sa kanya kaya siya busy? Lagot sa akin to bukas..
.
.
.
.
.

Maaga akong nagising, dahil MONDAY namanan at kailangan kong kausapin ang GIRLFRIEND kong hindi nagparamdam buong gabi, dahil busy ata sa lalaki niya. Tsk!

Pero teka nga Glaiza, kung makareact ka, parang girlfriend ka talaga ah. Diba nagpapanggap lang kayo? Bwisit na konsesya to, imbis na kampihan ako, pinapagulo lang ang sitwasyon.

Sa sobrang inis ko sa sarili ko dahil sa inaasal ko. Pupunta na ako sa school, baka andun na siya.

Ilan sandali lang nasa GGU na ako, I badly need to see Rhian. Pagpasok ko palang I saw a familiar face.

Shet what is she doing here?

"Hi swettie." Arci is here.

"Hey! Uhmm. What are you doing here?" I ask her. Ano bang problema nito, hindi na nga ako nagpaparamdam sa kanya simula nung naging "KAMI" ni Rhian.

"I just want to see you. Besides, its been a while right? Masama ba yun" kahit kailan talaga to, medyo malandi.

"OO MASAMA, DAHIL YANG NILALANDI MO, GIRLFRIEND KO! KAYA UMALIS KA NA, KUNG HINDI SASABUNUTAN KITA!" Wooo! Grabe pala tong si Rhian kung magalit.

Agad naman lumapit sa akin si Rhian, at siniksik ang katawan niya sa akin.

"Kaya ikaw, umalis ka na." Rhian said.

"Well, she's the boss, sorry Arci. Bye" tinalikuran na lang namin ni Rhian si Arci at pumunta kami sa office ko.

"BITAWAN MO NGA AKO!" Ay galit si Rhian.

"Bakit? Anong nagawa ko?" I ask her.

"Wow! Sige painosente ka pa! Ano bang ginagawa ng tilapia na yun dito?" Tilapia? Who? Si Arci? Grabe naman makalait to. Lahat naman ng nagiging babae ko magaganda, may taste kaya ako.

"Tilapia? What are you talking about?"

"BAHALA KA JAN. AALIS NA AKO!" sabay talikod sa akin at dinabog ang buong office ko.

Sakit na ng ulo ah. Dapat nga ako yung magalit, dahil may kasama siyang ibang lalaki at hindi man lang nagparamdam sa akin. How could her! Ghadd! Iba na talaga kapag may topak kang girlfriend.

#GIRLFRIENDGOALS na ba? Putek..

RHIAN'S POV

I woke early in the morning, because pupunta kami sa Batangas with my family. And my sister requested na sunduin ko siya. So I decided na magluto na rin ng breakfast for Glaiza, tutal, Glaiza and Nadine are in the safe roof, but different unit..

After kong magluto naligo na ako, dahil kailangan before 7 in the morning, andun na ako..

Nakarating na ako sa condominium, at agad kong hiningi ang ang susi sa unit ni Glaiza, hindi naman nagreklamo ang mga tao dun, dahil alam naman nila na girlfriend ako ni Glaiza.

Ilan sandali plang, nasa harap na ako ng unit ni Glaiza, and to my surprise, tulog pa nga ang mokong. So I left a note and the food, after that, dumiretso na ako sa unit ni Nadine, just to pick her up.

"So are we ready?" I ask Nadine.

"Yes! So tara na, baka hindi tayo makabot dun before lunch," agad na kaming umalis sa unit niya.
.
.
.
.
.

After 3 hours na byahe, finally nakarating na kami sa bahay namin sa Batangas, I really missed in here.

I saw Mom and Dad, with my cousin Ryan.

"Hi mom, hi Dad! I miss you guys!" sabay yakap sa family ko.

"We miss you too baby! Andito pla yung pinsan mo"

"Yes Mom, I saw him. Hey dude!"

"Hi Dude! So asan ang hug ko?" At dahil demanding ang pinsan kong to, niyakap ko na lang siya.

Nasa may pool area kami, dahil dito gaganapin ang lunch namin. Then suddenly my phone, beeps up. And it was Glaiza.

From: Glaiza Galura

Hey! Pangit! Salamat sa breakfast ah! I really enjoyed it! :)

Marunong palang magpasalamat to.

To: Glaiza Galura

Yeah whatever. Btw, di mo ko mauutusan ngayon, nasa Batangas ako. :p

Wala pang ilan sandali nag reply na siya agad

From: Glaiza Galura

Bakit ka anjan?..

To: Glaiza Galura

Bakit ba? Sige na, busy ako.

Wala pang ilang minuto, bigla siyang tumawag, so I excuse myself

G: bat ka nasa Batangas?

Halata sa boses niya na medyo naiinis siya, haizt.

R: Kasi...

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko, dahil bigla akong tinawag ni Ryan.

"Rhian, come on!" Sigaw ni Ryan sa akin

"Yes I'm coming" I told to Ryan..

R: sige na Glai, I have to go bye.

Binaba ko na agad ang telepono ko, dahil baka mag ayaw pa kami.

Nakangiti akong bumalik sa table namin.

"Mukhang may masaya ah. Is that Jason?" Biglang nawala ang ngiti sa labi ko, dahil sa narinig ko.

"Mom, me and Jason just broke up, 2 months ago"

"Wooo! Why?" Ryan ask.

"Basta, huwag na nating pag usapan, this is family bonding at ayokong masira yun." Hindi na sila nagsalita, pero itong si Nadine, mukhang may naisip na kalokohan.

"So sino kausap mo?" And I know that smile, she knows that Glaiza is my girlfriend, pretend girlfriend to exact.

"Its none of you business" I told her. Ayoko munang pag usapan, baka atakihin ang nanay ko. Buti na lang hindi na nagsalita ang babaeng to.

Naging masaya naman ang lunch namin, nagkwento ako about sa nangyayari sa akin sa school, except sa amin ni Glaiza.

Mga 9 pm na, at text ng text si Glaiza.

From: Glaiza Galura

Hoy pangit!

From: Glaiza Galura

Pssstt! Pangit!

From: Glaiza Galura

Reply ka naman!

Hindi ako makareply sa kanya, kasi nagddrive ako, itong magaling kong kapatid, nag paiwan. Gustuhin ko man din mag paiwan, pero may klase pa ako.

Maraming text si Glaiza, pero hindi ko pinapansin, bahala siya.
.
.
.
.
.

Maaga akong nagising, dahil for sure umuusok na ang ilong ni Glaiza sa galit, hindi ko siya nireplyan eh. HAHAHA..

Pagkadating na pagkadating ko pa lang, itong Galurang to, may kalandian. Yan diyan ka magaling.

"Hey! Uhmm. What are you doing here?" Tanong ni Glaiza dun sa babaeng maharot.

"I just want to see you. Besides, its been a while right? Masama ba yun" the girl told her. Ito naman si Glaiza, mukhang tuwang tuwa.

"OO MASAMA, DAHIL YANG NILALANDI MO, GIRLFRIEND KO! KAYA UMALIS KA NA, KUNG HINDI SASABUNUTAN KITA!" Nagulat si Glaiza at yung babaeng kalandian niya. The hell i care, she is mins, she's my property, kahit ako lang ang nakakaalam.

Agad naman akong lumapit kay Glaiza, at isiniksik ang katawan ko sa kanya, para malaman ng babaeng to, na Glaiza is my girlfriend

"Kaya ikaw, umalis ka na." I told to that girl, the nerve, nakakainit ng umaga.

"Well, she's the boss, sorry Arci. Bye" tinalikuran na lang namin ni Glaiza si Arci. Arci pala pangalan ng tilapia na yun. Pumunta na kami sa office ni Glaiza.

"BITAWAN MO NGA AKO!" Sabi ko, talagang pasigaw, wala akong paki kung marinig man ako ng sekretarya niya.

"Bakit? Anong nagawa ko?" She ask. Wow! Anong nagawa niya, nakipaglandian lang naman siya.

"Wow! Sige painosente ka pa! Ano bang ginagawa ng tilapia na yun dito?" I just ask her, well malamang, gusto niyang makipaglandian kay Glaiza,

"Tilapia? What are you talking about?"

"BAHALA KA JAN. AALIS NA AKO!" Hindi ko na siya hinintay na sumagot, at agad akong lumabas ng office niya.

"WHAT?!" tanong ko sa sekretarya niya, dahil nakatingin to sa akin.

"Nothing ma'am, sorry" hindi ko na lang siya pinansin at umalis na lang.

Nasa loob na ako ng classroom, at ilang sandali plang dumating na si Ms. Smith.

"Good Morning Class, you may sit down" nagsimula na ang klase, pero itong si Glaiza, wala pa din. Siguro nakipaglandian na yun, bumalik siguro yung tilapia na yun.

Nagfocus na lang ako sa lesson na tinuturo nito. Pero biglang huminto si Ms.Smith, dahil may biglang pumasok sa classroom at may hawak na gitara, and that person is no other than my Girlfriend, si Glaiza.

Di ko nais na magkalayo tayo
Nagseselos ka at nilayuan mo ako
Buhay nga naman, tunay bang ganyan
Bumalik ka naman

Habang kinakatanta niya, nakatingin lang siya sa akin halos lahat ng nasa classroom ay kinikilig, maliban na lamang kay Ms.Smith, ang sama ng tingin sa akin

Kahit na ano pa ang iyong gusto
Okey lang basta't magkabati tayo
Minamahal kita, hihintayin kita
Sorry na, pwede ba

Todo naman pacute ni Glaiza sa akin. Lahat ng words feel na feel. Ang ganda talaga ng boses niya

Buhay ko'y nasa 'yo
Matitiis mo ba ako, oh baby
Huwag sanang magtampo
Sorry, pwede ba

Sabay about sa akin ng flowers, lahat naman sila nagsitilian.

"MK, sorry na oh!" Glaiza told me, at ang mga tsismosang kaklase ko. Nakikisali din.

"Rhian sorry na daw"

"Peace na daw kayo oh"

Sabat ng mga kaklase ko, at ako naman nakatingin lang sa mga mata niya. Nakakaakit.

"Ano? Sorry na pleaseee." Sabay puppy face, hindi ba ako makakahindi dito? Ang cute oh..

"Oo na. Sige na bati tayo" hiyawan naman yung mga tao.

"Guys! Ok na kami! Salamat sa suporta"

"Excuse me. Glaiza, sino ang nagsabing mang istorbo ka sa klase ko?" Tanong ni Ms.Smith.

"Ako. May angal ka? Baka nakakalimutan mo, I own this university at pwede kong gawin lahat ng gusto ko!" Ayun nainis na si Glaiza.

"Sorry po ma'am"

"Sa su-"

"Glai.. Tama na yan. Sige na Ms.Smith, ok na. Magturo ka na ulit, pasensya na sa istorbo" hindi na tumutol si Glaiza, at umupo na din siya sa tabi ko at hinawakan ang kamay ko. Shet kinikilig ako..

Tahimik na lang kami ni Glaiza habang nakikinig. After ng ilang minutes, natapos na din.

"Galing mo kanina ah. Paniwalang paniwala sila" Sabi ko kay Glaiza.

"Totoo kaya yun! Halika na nga, gutom na ako."

It is real? Dalandan? It is real? Shet! Kinikilig ako! Sana nga totoo na lang tong relationship thingy namin.

"BEFORE I FORGET! SINO YUNG LALAKING KASAMA MO KAHAPON SA BATANGAS?!" Wow! Kanina ang sweet niya, tapos ngayon ang sungit sungit niya. Problema ba nito.

"That was Ryan"

"BOYFRIEND MO?!" Boyfriend ko? Paano ako magkakaboyfriend eh, may girlfriend ako. Hello Glaiza, ok ka lang?

"Anong boyfriend ang sinasabi mo? PINSAN KO YUN TANGA!" Bigla naman nagbago yung timpla ng mukha niya.

"Bakit hindi mo sinabi sa akin kaagad, nagselos tuloy ako" did i heard it right? Nagselos?

"Ano nagseselos ka?" I ask her.

"Ah.. Ah.. Ano ka ba? A-ako?! Magseselos? Hi-hindi nuh! Asa ka pa! Tskaa bakit hindi ka nagrereply sa mga text ko" masungit nanaman.

"I was driving! Ano bang problema mo? Kanina ang sweet sweet mo, tapos ngayon magsusungit ka?!" Minsan talaga nakakaasar na tong babaeng to.

"Wala. Kumain na nga lang tayo" tahimik lang ako habang kumakain, nakakaasar kasi tomg si Glaiza. Akala mo kung sino! Hmft!

GLAIZA'S POV

I don't know what I am doing pero habang kinakantahan ko si Rhian, feel na feel ko. After 2 years, may kinantahan ulit akong espesyal na tao.

Andito kami ngayon ni Rhian sa cafeteria, kumakain, tahimik. Hindi ko alam, pero oo nagselos ako! Nagseselos ako. Do I like her already? Haizt! This woman, really pain in the heart, nasasaktan ako kapag wala siya sa tabi ko.
.
.
.
.
I had a long day, ang dami kong ginawa. Paalis na sana ako ng biglang tumawag si Chief.

C: Apo, its time, meet us in Quezon. You'll meet her

Shit! Kailangan kong isama si Rhian.

G: ok lo.
Plain na sagot ko. Damn. I don't want to marry that fat woman.

C: sige iha, I'll see you ok? Bye.

Binaba na ni lolo yung phone niya, and after that. Si Rhian naman ang tinawagan ko.

G: Rhian, asan ka?

R: Dito na ako sa condo, nag aayos, uuwi kasi ako ng Batangas

G: nanaman? Eh kagagaling mo lang dun kahapon ah.

R: bakit ba? My mom wants to see me. Tsaka susunduin nila ako. Sige na anjan na sila. Bye.

So ito na yun, I'll meet her. Yung baboy na yun. Ah basta hindi ko siya papakasalan. Over my sexy body.

Agad na akong umuwi sa condo ko, para makaligo. Tutal ipapakilala lang naman sakin yung baboy na yun, bakit pa ako magpapakabongga? Tsk! Mukha ko plng sapat na.

I just wear my black v-neck and a ripped jeans. Sa suot ko pa lang, pamatay na. Bakit kasi magandang pogi ka! Ang dami tuloy babaeng nagkakandarapa sayo Glaiza.

Baliw na ba ako, kinakausap ko sarili ko. Hahahah.

Sumakay na ako sa kotse ko at pupunta na ako ng Quezon, dun sa isa sa mga sikat na restaurant dito.
.
.
.
.
"Chief, ikaw lang? Wala sila mom and dad?" I ask my grandpa.

"Nah! Still busy pa din sila. Tsaka I can handle this naman"

"So asan na sila? Don't tell me, late sila?"

"Actually papunta na sila. Hayaan mo na. Ang importante, they will be here any minute" hindi na lang ako sumabat at nagfocus na lang ako sa phone ko..

Habang tumitingin sa labas, para naman maiready ko yung sarili ko kapag nakita ko na yung matabang yun, may nakita akong lalaki at babaeng mataba,.

So this will be my fiance? Tsk! Napakapangit. Hinintay ko na lang na lumapit sila sa amin, pero hindi. Medyo nakahinga ako ng maluwang, dahil hindi yung pangit na mataba na yun ang mapapangasawa ko. But who cares anyway? Desidido na sila.

"Lo, I'll go to the bathroom muna ah" I excuse myself, dahil gusto kong makahinga muna, kahit sandali.

Nagtagal ako sa cr for almost 5 minutes, at nagfocus lang ako sa phone ko, habang papunta ako sa table namin, ng may napansin akong mag-asawa na kinakausap ang lolo ko. Siguro ito na sila, pero wala akong makitang mataba,.

"Lo, I am here" bigla naman silang napalingon sa akin.

"Buti naman, by the way, meet your fiance apo"

Nagulat ako sa nakita ko. Siya? She will be my wife?

"IKAW?!"

-----

AN:

Guys, ito po muna ang update ko, dahil hindi ako makakaupdate ng 3 or 4 days. Sorry, medyo magiging busy ako eh.. So far, ito ang pinakamahabang chapter na nasulat ko. Hahaha.

Pero sino sa tingin niyo ang fiance ni Glaiza? Hehehe! Abangan.

Continue Reading

You'll Also Like

177K 5.3K 37
kriss is a sweet and caring girlfriend with maica,halos buong buhay nya ata kay maica nya lang inilalaan she give everything for maica's happiness,bi...
405K 9.7K 69
Meghan - Ano nga bang masasabi ko bukod sa naiinis ako sa kagandahan ng babaeng transferee na ito? eh wala na wala na akong maisip bahala na lang kay...
295K 4.8K 31
Falling in love with a boy is normal. Pero paano nga kung habang minamahal at hinihintay mo sya eh na-fall ka sa iba? Sa kapwa babae mo pa? Is it sti...
105K 4.2K 25
IT'S A SHORT STORY ! Red is not your typical type of girl. She's cold and distant but despite of that, everyone around her wanted her to be theirs. W...