Good To You

By winglessbee

165K 5.9K 692

She's full of angst, who wears baggy clothes and despised high heels and dresses. She's the kind of girl who... More

GOOD TO YOU
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56
CHAPTER 57
CHAPTER 58
CHAPTER 59
CHAPTER 60
CHAPTER 61
CHAPTER 62
CHAPTER 63
CHAPTER 64
CHAPTER 65
EPILOGUE

CHAPTER 44

1.9K 69 7
By winglessbee


Tahimik kami buong byahe. Nakakapanibago. Parang hindi si Cone ang kasama ko pero ayos na to. Baka kasi pag nagsalita siya masapak ko lang siya dahil inis talaga ako sa kanya.

Mahaba ang byahe kaya nakatulog ako. Naalimpungatan lang ako nung maramdaman kong hindi na kami gumagalaw. Pagtingin ko sa labas, traffic pala. Nasa Edsa na kami.

Umayos ako ng upo at nakatingin lang sa bintana ng sasakyan. Sanay naman akong hindi magsalita kahit ilang oras pa ang tumagal. Mas gusto kong nakikinig lang ako minsan. Pero ngayon nabobored talaga ko. Sino bang hindi? Para akong preso wala pang music ng malibang naman. "Tsk" 

Napalakas yata ang ginawa ko kaya biglang bumukas ang radyo. Hindi na ko lumingon, nakatutok lang ang mga mata ko sa daan hanggang sa umandar ito.

"Pam" Tawag ni Cone nung pababa na 'ko ng kotse.

Kunot noo ko siyang nilingon pero hindi ako nagsalita. Huminga siya ng malalim saka niya ginulo ang buhok niya at tumingin sakin. "Im really sorry" sabi niya"

Mas lalong kumunot ang noo ko then I sighed. "Okay" sagot ko.

Sumandal siya sa upuan at pumikit. "I won't bother you anymore if that what makes you not getting mad at me." sabi niya.

Tinitigan ko siya hanggang sa dumilat siya at tumingin din sakin. Unti unting umangat ang magkabilang gilid ng labi niya, ibang iba sa ngising aso niya. "Hindi na 'ko papasok sa loob. Don't worry I'll keep my promise. No more panda anymore." sabi nito saka lumabas sa kotse kaya lumabas na rin ako.

Hindi muna ko pumasok sa loob ng bahay. Sasabihin ko sana na hindi naman niya kailangan na gawin yun, hindi sa ayaw ko na hindi na niya ko guguluhin, pero hindi naman ganun katindi ang galit ko, nangyari na ang nangyari kaya wala na kong magagawa. Ang OA talaga nitong apang to.

"Pasok na" sabi niya saka nagpamulsa at ngumiti. Nakakapanibago talaga yung ngiti niya. Tsk.

Tumalikod na lang ako. Sa lunes ko na lang sasabihin na okay lang pagod din ako sa byahe. I need a break. Kakabukas ko pa lang ng gate narinig ko na naman ang boses niya.

"Bye Pamela"  sabi nito kaya napalingon ako. Kumunot na naman ang noo ko ng pinanood ko siyang sumakay ulit sa kotse niya at pinaandar ito ng mabilis. Napailing na lang ako.

*

"Where are they?" nagtatakang tanong ni Yanna habang hinahanap sila Raven sa loob ng canteen.

"Baka wala pa. Umupo na tayo, mauubusan tayo ng upuan" sabi ko at tuluy tuloy na naupo sa palagi naming inuupuan.

Naiwan ako sa table para magbantay ng gamit habang si Yanna at Ian ang umorder ng pagkain. Nakakapagtaka nga at hindi pa ko kinukulit ni Yanna tungkol sa date kuno. Pero malakas ang kutob kong may alam na siya.

Tahimik lang kaming kumain, hanggang sa matapos kami, hindi dumating yung dalawa.

"It's so strange" sabi ni Yanna ng makarating kami sa classroom.

*

"Nandito ka na naman" sita ko kay Ian pagkababa ko ng hagdan.
Ngumiti siya sakin "I brought you Adobo. Kumain ka na" sabi niya saka ako hinila papunta sa kusina.

Kumunot ang noo ko nang makita kong ayos na ang table pero pang isang tao lang.

"Sit. I prepared it, ako din ang nagluto. Im not sure if it's good though" sabi nito at naupo sa tabi ko.

Kumunot ang noo ko at tiningnan siya. "Hindi ka kakain?"  tanong ko.

Nasanay na kasi akong mag-alok ng pagkain kahit sakin binigay. Kasalanan to ni Papa. Palagi kasing pinapaalala sakin na matuto akong magappreciate ng effort. Akala ko okay na yung thank you. Tsk. Dami pang arte.

"Do you want me to join you?" tanong ni Ian.

Tumaas ang mga kilay ko pero napatango na din ako kaya naman ngiting ngiti na tumayo si Ian at kumuha ng sarili niyang plato at kubyertos pati baso.

"How was it?" hopeful na tanong niya pagkasubo ko ng isang kutsara.

Napakunot ang noo ko. Parang may kalasa.

"Pamela?"

"Masarap" sagot ko.

Lumaki ang ngiti niya "Really?"

Tumango ako "Ikaw ba talagang nagluto nito?" nagdududang tanong ko.

Mabilis siyang tumango "Yes, ofcourse I am. But I admit I got a little help from Trystan" sagot nito.

"Trystan?" ulit ko. "Si Cone?"

Tumango ulit siya.

Kaya pala kalasa ng luto niya. Tsk. Pero kelan pa sila naging close?

"Is this your favorite aside from Caldereta?"

"Oo"

Ngumisi si Ian "He really knew you so well. He suggested this one. Balak ko sana chicken pastel pero sabi niya hindi ka daw nakain ng kahit ano na may gata or milk sa ulam"

"Sinabi niya yun?" nagtatakang tanong ko. Tumango na naman si Ian bilang sagot.

Paano niya nalaman yun? Hindi na ko nagtanong pero hindi mawala ang pagkakunot ng noo ko.

Tahimik akong kumain habang kwento lang ng kwento si Ian kung paano siya tinulungan ni Cone sa pagluluto. "He just gave me the recipe saying it's his secret recipe and I owe him a lot" sabi nito.

Pagkatapos ng gabing yun, palagi nang tumutulong si Ian sa pagluluto kapag dumadalaw siya, minsan naabutan ko silang magkausap ni Papa. Hindi na lang ako nagtatanong o nagrereklamo, nasasanay na din ako sa presence ni Ian kahit papaano. Tolerable naman siya wag niya nga lang babanggitin sakin ang tungkol sa halik at sisipain ko agad siya palabas ng gate.

"Trystan!" sigaw sa may bandang labas ng classroom namin.

Naalerto naman si Yanna na parang asong tumaas ang tenga nang marinig na tinawag siya ng amo niya. Tumayo agad ito at nagpaalam sa prof na magccr lang saka lumabas. Sinundan ko siya ng tingin sa bintana at nakita kong nilapitan niya sina Ashley at Cone sa corridor na nag-uusap.

Kumunot ang noo ko. Tinupad ni Cone ang sinabi niyang hindi na siya manggugulo dahil simula nun, hindi na siya nagpakita. Masyado niyang sineryoso yun kaya medyo tahimik na ang buhay ko but not totally serious dahil may isa pang asungot. Si Ian. Si Raven naman ay parang package na kasama ni Cone kaya missing in action na din siya, ewan ko lang kung pati kay Yanna.

Binalik ko na ang tingin ko sa prof namin na naglelecture. Ilang sandali lang, bumalik na si Yanna na hindi maipinta ang mukha. "Tsk!" padabog pa tong naupo.

"Problema mo?" tanong ko.

"Let's go to the mall later, isama natin si Ian" sabi nito na hindi pinansin ang tanong ko. "C'mon Pam!" napalakas na sabi nito kaya napatingin samin ang prof namin.

"Miss Lee, answer number two" sabi ng prof habang masama ang tingin samin. Hindi lang ako sigurado kung masama talaga ang tingin niya o ganun na lang talaga kasi simula nung unang araw na nakita ko si Ms. Marquez ganyan na yun itsura niya parang walang ibang alam na ekspresyon. Parang palaging masama ang gising.

"Jeez. Anong sagot Pam?" nagpapanic na tanong ni Yanna.

"Malay ko, hindi pa niya tinuturo yan"

"OMG! She's impossible" mariing bulong niya.

"Miss Lee, tutunganga ka lang ba dyan o papalabasin kita?"

Ngumuso si Yanna. "I don't know the answer Ma'am" sagot nito.

Umiling si Ms. Marquez at pinaupo na si Yanna.

"Darn that" bulong ni Yanna.

*

Nandito kami sa mall. Pumayag na ko, pampalubag loob. "Ano bang gagawin natin dito?" tanong ko habang naglalakad kami.

"Kakain, watch movie, shopping!" excited na sabi nito "Libre ni Ian, don't worry" ngiting ngiti pang dagdag nito.

Nilingon ko si Ian at nginitian niya lang ako. Tsk. Pinagkakaisahan ako ng dalawang to. Hindi na lang ako umimik. Ano kayang balak nila? Tsk.

"Popcorn" sabi ni Yanna.

"Ikaw Pamela?" Tanong ni Ian.

"Ganun din. Yung caramel" sagot ko.

Pumasok kami sa sinehan pagkabili ng popcorn at Softdrinks. Hindi ako mahilig sa movie pero napanood ko ang trailer nito. Medyo nadisappoont pa ko dahil masyado akong nagexpect dito dahil maganda ang trailer. Pero ayos lang din naman.

"I fell in love with Harley Quinn" sabi ni Yanna paglabas namin.

Dumaretso kami sa Sbarro para kumain. Si Ian ang nagbayad lahat ng kinain namin pati sa sine. Hindi naman ako nagpapalibre, kaya ko naman magbayad kaso sino bang tatanggi sa libre? Grasya yan!

"Let's go sa bookstore!" sabi ni Yanna.

Tinitigan ko siya. Ngayon lang siya nagyaya sa bookstore. Alam niya kasi na magtatagal ako dun at hindi niya matagalan ang amoy ng mga libro. Lalong kumunot ang noo ko nung lumagpas kami sa National Bookstore at tumigil kami sa tapat ng booksale.

"Nilalagnat ka ba Yanna?" tanong ko.

Inirap niya ko. "Ofcourse not! I wouldn't be here if im sick. Let's get inside" Sabi nito at nauna pang pumasok samin.

Hindi nakaligtas sakin ang pagcringe niya. Ayaw niya nga sa amoy ng bagong libro ano pa kaya sa mga luma?

"Pili ka na" sabi ni Ian at tumingin sakin si Yanna.

Nginisian ko siya. Ano kayang binabalak nito? "Gusto mo ng lumabas?" tanong ko kay Yanna.

Tinaasan niya ko ng kilay "Why would I? Just go grab a book" mataray na sagot niya.

"Kilala mo ko Yanna. Sa oras na humawak ako ng libro, hindi ko na titigilan hanggat hindi ako nakakapili kahit isa" banta ko.

"Go ahead" sagot nito ng hindi nakatingin sakin.

Umiling na lang ako at pumunta sa pinakadulo ng bookshelf. Inisa isa kong basahin yung title ng mga libro hanggang sa baba nang wala akong makitang interesting title lumipat ako sa kabila pero natigilan ako ng makita ko si Cone na nakaupo sa sahig at nagbabasa ng synopsis ng librong hawak niya habang si Ashley naman ay nakaupo rin sa sahig sa tapat niya at pinipicturan siya na parang may pictorial lang.

***★***

**TRIVIA: Did you know that the title of this story came from a kpop song? Good to you by 2NE1. One of my fav song. Share lang. :)

#teamConela
#teamPia

Continue Reading

You'll Also Like

8.8K 422 47
Heaven Eranista, a high school student who experienced a lot of heartbreak from cheaters, wants to take revenge on those who have hurt her-men in gen...
98.8K 8.1K 74
WARNING: SOME THEMES AND SCENES ARE NOT SUITABLE FOR YOUNG AUDIENCE Clark Mendoza likes to play, but he stumbled into a different kind of conflict wi...
561K 28.6K 56
What would you do if you have given the chance to live out in your favorite novel? Misty, a normal high school student was reading her favorite novel...
4.8M 172K 57
Juariz Bachelors #1 [BXB] [MPREG] STATUS: COMPLETED Si Austine Villaluz ay isang fresh graduate sa kursong general education. He loves kids and would...