45315454 1351919175

By colourfuldayz

417K 2.5K 2K

- A Set of Numbers with Hidden Meaning Ano kaya ang matutuklasan sa bawat numero na makikita niya? May magand... More

45315454 1351919175
Chapter 0: Our Old Days
Chapter 1: What am I to You?
Chapter 2: Her feelings
Chapter 3: Unexpected Gift
Chapter 4: Suspicious Note
Chapter 5: Labing Otso
Chapter 6: Prince Charming
Chapte 6.5: Prince Charming Surprising Moves
Chapter 7: Trouble
Chapter 7.5: Another Side
Chapter 8: My Life Time Partner
Chapter 9: Crazy Moments
Chapter 9.5: Special Moments or Not?
Chapter 10: Regalong Sorpresa
Chapter 11: Tripleng Bente Lima
Chapter 11.5: Complicated Scene
Chapter 12: Friendship Day
Chapter 13: His Comeback
Chapter 14: Team Love Square
Chapter 14.5: First Day as a Team Love Square
Chapter 15: Bonding with Team Love Square
Chapter 16: Fifteen Steps
Chapter 17: Untold Story
Chapter 18: Old Friend
Chapter 19: School Mysteries
Chapter 20: The Garden of Peace
Chapter 21: His Guardian Angel
Chapter 22: Regalong Kabigla-bigla
Chapter 23: Friday The Thirteenth
Chapter 24: Overtime
Chapter 25: Date? (Part 1)
Chapter 25.5: Date? (Part 2)
Chapter 26: Dalawang Singko
Chapter 27: Re-connect
Chapter 28: His Sister
Chapter 29: His Birthday (Part 1)
Chapter 29.5: His Birthday, Crazy Party, Go Crazy! (Part 2)
Chapter 31: Tuesday's Pace
Chapter 32: Take Tuesday Out
Chapter 33: Deceiving Letters
Chapter 34: Wrecked Twines
Chapter 35: The Knight Vs. The Cold Prince
Chapter 35.5: Her Unique Fairy Tale Story
Chapter 36: Her Birthday
Chapter 37: Some Discovered Secrets
Chapter 38: Tangled Situation
Chapter 39: Dearly Moments
Chapter 40: Unfortunate Events
Chapter 41: New Arc Of Her Story
Chapter 42: Jumbled Life

Chapter 30: Regalong Padala

4.1K 19 27
By colourfuldayz

Chapter 30: Regalong Padala

Thursday ngayon at hindi ko pa rin makalimutan ang nangyari sa akin kahapon. Lalong-lalo na ang moment na ginawa ni Zean sa akin noong birthday niya. Hindi ko alam kung nanaginip lang ako sa nangyari o totoo talaga dahil iba na naman ang kanyang timpla.

Uwian na namin ngayon at pumunta na ako sa cafeteria para bumili ng makakain. Nang nasa loob na ako ay nagsimula na akong pumunta sa food counter para bumili ng pagpuno sa aking tiyan. Ngunit, napatigil ako sa aking pwesto nang may napansin akong pamilyar na mga tao sa isang table na malayo ang pwesto.

Enjoy na enjoy si Zean sa kanyang ginagawa sa kanilang lamesa na kasama ang buong kabarkada niya. Nakita ko siyang naglalaro ng cards na enjoy na enjoy ang pinapakita niyang ekspresyon. Nalaglag ang aking panga dahil malakas siyang mang-asar, isama rin ang malokong ngiti, at pinagpapalo niya ang kanyang mga kaibigan sa likod. Ganyan pala siya kapag nalilibang sa laro ay nawawala ang masungit niyang ugali, at pati rin ang kanyang grumpy face na bihira mangyari ito.

Habang nalilibang ako sa pagtingin sa pwesto nila Zean ay biglang may lumapit sa aking tabi. Noong una ay hindi ko nakilala kung sino ito. Nalaman ko na lang na si Rouie ito nang napalingon ako sa kanya. Umiba kaagad ang aking itsura sa ginawa niyang pag-iingay, at paniniko sa akin.

"Tuuuueeessday!" sigaw ni Rouie habang tinutuloy ang ginagawa niya sa akin. Ako naman ay biglang nataranta sa aking kinatatayuan dahil isang eskandalo ang kanyang kinikilos. Isama rin na iba ang takbo ng kanyang utak.

"Shhhhh!" pananaway ko, at nag-quiet sign ako sa harapan niya para hindi na magkagulo rito. Ayokong mabisto sa aking ginagawa dahil isang pang-aasar na naman ang makukuha ko.

"Ano ang ginagawa mo diyan?" naiintrigang tanong niya habang sinusundot na naman ako sa tagiliran.

"Wala," diretsuhan sagot ko. Tinabig ko ang kanyang kamay para tumigil ang kanyang ginagawa, at napatingin ulit ako sa table nila Zean para pagmasdan ang aking seatmate.

Dahil nakakamatay ang tinatawag na curiosity ay napatingin kaagad si Rouie sa direksyon ng aking pinagmamasdan. Nang nakita niya ito ay bigla siyang tumili, at sinimulan niya akong hampasin sa isa kong balikat. Hindi ko maintindihan kung bakit siya ganyan kung umasta ngayon, para lang siyang fangirl na nakita ang kanyang idolo. Ang alam ko ay hindi siya supporter ng grupo ni Zean, at kaaway niya si Uriel. Mukhang isang kakaiba ang iniisip ng aking kaibigan.

"Si Zed ba ang tinitignan mo kaya ang seryoso mo sa pagtitig kanina? Kilig! Ayyyiiieeee! Tuesday, baka matunaw ang Papa mo kapag pinagpatuloy mo pa!" kinikilig na sabi ni Rouie sa akin. Sumama na lang ang aking tingin sa kanyang nakakalokang salita.

"Rouie!" sigaw ko at hindi ko sigurado kung namumula na ang aking mukha dahil sa kahihiyan. Ang kasama ko naman ay humahagikgik sa aming sitwasyon.

"Zed! Zed! Si Tuesday, may masamang tangka sa'yo! Pinagnanasahan ka na!" malakas na hiyaw ni Rouie kay Zean na parang nakalunok ng microphone. Ako naman ay nagpa-panic na sa aming pwesto dahil sa kalokohan ng eskandalosang babaita na kasama ko.

Napatingin bigla si Zean at pati na ang kanyang buong kabarkada sa aming direksyon. Kasalanan ito ng magaling kong kaibigan na sobrang lakas ng boses. Hindi na ako mapakali sa aking lugar dahil isang gulo ang ginagawa ni Rouie. Napaisip din ako na sirang-sira na ang imahe ko kay Zean. Baka kasi isipin pa niya, sobrang patay na patay ako sa kanya kaya ganoon ang sigaw ni Rouie. Gusto kong magtago sa isang kabinet para hindi mahanap ang sirang pagkatao ko.

Hinablot ko ang isang braso ni Rouie, at sinimulan ko siyang hilahin para makaalis na kami sa aming nilulugaran. Lumabas na kami sa cafeteria, at nakalimutan ko nang bumili ng pakain. Dahil sa inakto ng aking kasama ay posible may delikado na mangyari sa amin. Isang intriga at gulo lang ang mapapala namin doon kaya mas maganda na umalis na kami. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa kokote ni Rouie na gawin niya 'yun. Sobrang lakas na ng tama niya.

Habang hinihila ko ang aking kaibigan, at naglalakad pa rin kami ay hindi ko namalayan na napunta kami sa school gate sanhi sa sobrang seryoso kong makatakas sa nangyari kanina. Tumigil na kami sa may labasan at binibitawan ko na si Rouie. Inikutan ako ng mata ng aking kaibigan dahil sa ginawa ko sa kanya.

"Bakit mo ko hinihila na parang trolley bag?" pananaray ni Rouie habang nakahawak sa kanyang baywang.

"Paanong hindi ko gagawin sa'yo 'yun? Mahuhuli ako na tinitignan ko si Dakilang Zean at pati na rin ang mga kasama niya. Baka isipin tuloy sa akin ay isa akong dying hard stalker. Nandoon kasi ako, o iniisip na tinutunaw ko siya sa aking mga titig." pangangatwiran ko. Nakita kong ngumisi si Rouie at sinimulan niyang tusok-tusukin ang aking tagiliran.

"Sus, pakipot ka pa! Alam ko naman na gusto mo siya kaya tinitignan mo nang maigi ang iyong beloved seatmate na halos malusaw na parang icecream." pang-aasar niya sa akin habang pinagpatuloy ang ginagawa sa akin, at dinamay pati ang aking braso.

"Adik!" sigaw ko, at pinalo ko ang kanyang kamay para tumigil sa kanyang ginagawa.

Asaran, chikahan, at harutan ang ginagawa namin sa aming pwesto pero may pumigil sa aming kinikilos. May batang lalaki na 8 years old ang lumapit sa amin para kausapin kami. Hindi ko lang alam ang dahilan kung bakit pumunta siya sa amin.

"Ate na may ribbon sa ulo, may nagpapamigay po sa iyo 'to." sabi ng bata, at inabot niya ang kulay ube na kahon sa akin. Sumalubong ang dalawa kong kilay sa nangyaring eksena na hindi ko alam kung ano meron.

"Ah, thank you! Bata, kanino galing ito?" pagtatakang tanong ko, at kinuha ko na 'yung kahon na hawak ng esudyante.

"Ate, hindi ko po siya kilala. Basta, sabi po niya na ibigay ko raw po sa'yo." paliwanag ng bata sa akin na nanenerbyos ang kanyang itsura.

Si Mysterious Person kaya ang tinutukoy niya? Siya lang naman ang nagbibigay ng kakaibang regalo sa akin. Kapag nalaman ko kung ano ang itsura niya ay posibleng malaman ko na kung sino siya. Sana lang na sabihin ng bata kung ano ang kanyang anyo. Sigurado na isa rin siyang high school student at dito rin nag-aaral.

"Pero, alam mo ba ang itsura ang taong nag-abot sa'yo? Natatandaan mo ba?" diretsuhan tanong ni Rouie sa bata. Mukhang gusto rin makilala ng aking kaibigan ang tunay na pagkatao ni Mysterious Person.

"Mga Ate, hindi ko po pwedeng sabihin sa inyo baka suntukin at sipain po ako. Mukha siyang monster, at tinakot niya po ako na huwag magsalita tungkol sa kanya." kinakabahan na wika ng bata habang nanginginig ang mga tuhod. Isang big deal na tao pala si Mysterious Person, dahil sobrang natakot ang bata sa kanya.

"Sige, maraming salamat sa inabot mo sa'kin." ngiting tugon ko sa bata.

"Wala 'yun po, ginawa ko lang 'yung utos po. Mga Ate, kailangan ko na pong umalis, bye-bye!" pagpapaalam ng bata habang kumakaway. Ngumiti siya sa amin, at umalis na siya sa kanyang pwesto para pumunta sa ibang destinasyon.

Nang nawala na ang bata sa harapan namin ay bigla kaming napatingin sa hawak kong kahon, at nag-usap kami tungkol sa taong nagpadala nito. Patay na patay na rin kami sa kuryosidad kung sino si Mysterious Person, dahil nagtatago pa rin ito sa dilim. Wala talaga kaming lusot sa kanya para makikilala kung sino talaga siya; playing safe ang kanyang ginagawa.

"Sa tingin mo Tuesday, sino naiisip mo sa sinabi ng bata?" pagtatakang tanong niya sa akin at nilagay ni Rouie ang index finger niya sa kanyang labi na parang nag-iisip.

"Si Jy?" hindi siguradong sagot ko sa kanya, at kumunot ang aking noo. Siya kasi ang taong pumapasok sa isipan ko kapag sapakan at away ang usapan. May pagka-bully kasi ang ugali ni Jy na kinakatakutan ng lahat sa school.

"Posible nga na siya 'yun, fit na fit sa sinabi ng bata. Pero, hindi ba si Zed 'yan? Masungit at nakakatakot din ang mukha niya." paliwanag ni Rouie at sumalubong naman ang dalawa kong kilay.

"Rouie, hindi naman nanununtok, at naninipa ng bata dahil alam ni Zean na walang laban 'yun. Ang pwede sa kanya ay nakakatakot ang itsura. Parang laging may away ang naka-drawing ng kanyang mukha." depensang tugon ko.

May punto naman si Rouie na pwede rin si Beloved Seatmate ito, dahil magaling siyang nagbabato ng matatalas na salita sa paligid. Pero, ang alam ko ay may awa si Seatmate sa bata kaya posible hindi siya ito. Sabagay, may pag-asa rin na nagbago na ang kanyang ugali na pwede siyang pumatol ng kahit sino basta hindi niya trip ito.

"Si Kyu kaya? Baka may inutos lang siyang iba, o pinapalito lang tayo para hindi natin malaman kung sino siya." hulang sagot ng kaibigan ko.

Pasado rin maging kandidato si Kyu sa pagiging sender ng mga regalo. Una palang ay hindi ko talaga masyado kilala ang taong ito dahil ngayon lang kami naging magkaklase. Kahit mabait siya ay hindi ko pa rin alam ang tunay na pagkatao niya, bukod na isa siyang richkid.

"Ewan ko, nakakalito na kung sino ang nagbigay nito. Baka naman, wala na sa choices at ibang tao na pala 'yun." malamig na sabi ko, at nagkibit-balikat na lang ako.

"Alis na nga tayo, at humanap din ng makakainan dahil nagugutom na ako." pag-aya ni Rouie na may kasamang action sign na let's go.

"Sige, pagkatapos kumain ay tignan natin kung ano ang laman nito." wika ko habang pinaglalaruan ang kahon.

"Okay, excited na ako sa magical sa box na hawak mo!" tuwang sabi ni Rouie at pumalakpak sa kanyang kinatatayuan.

Umalis na kami sa aming nilulugaran, at lumabas na ng school. Napag-isipan naming kumain sa isang convenience store na katapat lang ng aming paaralan. Bumili kaagad kami ng hotdog sandwich, junk foods, at inumin. Sa may dulong parte ng tindahan kami umupo ng aking kasama.

Pagkatapos naming ubusin ang ibang pagkain ay kaagad naming kinuha ang kahon, at binuksan ito. Nang natanggal na ang takip ay may nakita kaming iba't ibang klase ng tsokolate sa loob. Meron din iba't ibang kulay ng lollipop ang sinama. Ang galing magpadala ng pampa-good vibes si Mysterious Person, dahil puro masasarap na matamis ang binigay sa akin. Napansin ko na may papel ang nakalagay sa kahon. Kinuha ko kaagad ito, at sinimulang basahin namin para malaman kung ano ang nakasulat.

Ito ang nakalagay sa first note:

------------------------------

Just Eat Sweets to Make the Wicked Spirits Go Away. Positive Vibes Is Always The Best Things In Our Existence.

-------------------------------

Napangiti ako sa aking pwesto dahil sa nabasa namin. Ang tamis, at ang caring ng sinulat niya. Pinapakita ni Mysterious Person na gusto niya akong i-comfort, at ipalabas na kaya kong iwasan ang negatibo sa paligid. Pinapalo-palo na ako ni Rouie sa likod dahil sa kanyang nalaman. Idagdag mo rin na kinikilig siya kay Mysterious Person na todo-effort ang ginagawa nito. Nagkwento pa ng aking kasama na nangangarap siya na may lalaking gagawa sa kanya ng ganoon.

Nang natapos basahin ang first note ay binasa na namin ang pangalawang papel. Napakunot na lang kami ng mga noo ni Rouie at nagiging spiral na ang aming mga mata. Hindi namin kasi maintindihan kung ano ang nakasulat sa papel na nakita. Puro random letters ito, at ang alam namin ay hindi anagram ang sinulat niya.

Ito ang nakasulat sa second note:

------------------

TUESDAY,

HIDIGUWOTHAGAG

KIDIGANG

MIDIGAGOTHAGBAIDDAGBAURUGGO

NIDIGG

UGIDIGALOTHAGI

JIDIGUST

STIDIGAY

WHIDIGO

YIDIGOU

ARIDIGE

FROM,

SECRET OUT OF NOWHERE

-----------

Napatulala na lang kami sa papel na parang naiintindihan namin ito. Sa totoo lang ay wala akong nabasa ni isang salita sa kanyang sinulat. Hindi katulad sa huling note na pinadala niya ay may ideya kung ano 'yun. Si Rouie ay napahawak sa kanyang ulo, at pumait ang kanyang itsura na parang kumain ng hindi masarap na pagkain.

"Hindi ko inaasahan na sobrang hirap ang ginawa niya. Kakaibang nilalang talaga ang taong ito, may naisip na naman ng kakaibang mensahe." pagmamaktol ni Rouie sa akin habang hinihimas-himas niya ang kanyang noo.

"Akala ko rin na madali ang ibibigay niya na katulad dati. Nagkamali pala ako ng hinala, hindi ko rin alam na may tinatago pa siyang mahirap na tanong sa kanyang bulsa." pangangatwiran ko at nagbuntong-hininga ako sa harapan ni Rouie.

"Tuesday, mukhang gusto ka talaga niyang paikutin sa kanyang ginagawa para hindi mahuli kung sino siya. Saka, gusto ka niyang paisipin sa mga mensahe na binibigay, kaya ganu'n ang itsura nu'n. Importanteng mensahe siguro 'yan, dahil kakaiba ang pagkasulat niya." paliwanag ni Rouie sa akin at, napaisip na lang ako sa kanyang sinabi.

Matagal ko na rin iniisip ang sinabi ni Rouie na posibleng mahalaga ang sinulat ni Mysterious Person. Sobrang matiyaga kasi ang pagkagawa ng bawat note na binibigay niya. Ayaw rin niyang magpabisto kung sino siya dahil hindi niya nilalagay ang kanyang pangalan sa sulat. Na-curious ako lalo kung sino talaga siya, ang dami niyang kalokohan na nilalabas.

"Rouie, 'yun nga siguro ang dahilan kung bakit ganyan ang pauso ni Mysterious Person. Mas maganda na lang na pumunta tayo sa susunod na papel para makakita ng posibleng clue tungkol sa kanya." pagpapaliwanag ko sa aking kaibigan.

"Okay Tuesday, tignan natin ang next note baka makakuha tayo ng ideya kung sino siya. Isama mo sa dahilan na masasayang ang oras natin kung tititigan nang maghapon ang kakaibang letter na ginawa niya." pagdadahilan ni Rouie at tinapik niya ang isa kong balikat.

Sinimulan na naming tignan ang huling note na binigay ni Mysterious Person. Lumaki ang mga mata namin na mahulog ang mga ito sa lamesa. Hindi kasi isang ordinaryong problema ang kanyang binigay; isang nakakadugo sa ilong at utak ang nakita namin.

Ito ang mga nakalagay sa note na ito:

------------------------------------------

Solve the ff.

Maroon Apple Red = 9

Green Mango Gold = 20

Yellow Dates Violet = 1

Lavender Strawberry Blue = _?_

---------------------------------------------

Orange Dates Silver = 1

Violet Strawberry Black = 1

White Mango Pink = 29

Magenta Apple Skyblue = _?_

~~~~~~~~~~~~~~~

PS. Matutuwa ako kapag nakuha mo ito! :P

Congratulations!

Eto ang iyong ninth at tenth clue!

Mahirap 'yan bleh! >:P

-----------------------------------------------

Hindi pa rin nagbabago ang nakakainis na asal ni Mysterious Person na gusto ko na siyang hanapin para magpaliwanag. Sweet na sana ang ginawa niya pero nasira dahil sa dalawang note na binigay. Naisahan ako ng taong ito na akala ko na bumabait na sa pagbigay ng mensahe, brutal pa rin pala.

"Rouie! Ang sama ni Mysterious Person sa akin ngayon! Bakit ganyan ang binigay niya sa akin?" paiyak na sabi ko habang sinasabubutan ang aking buhok.

"Sobrang extreme siya para sa'yo, isang sadista yata ang nagbibigay sa'yo! Gusto ka niyang makita na nahihirapan ka!" reklamo ni Rouie sa akin habang tinitignan ang papel.

"Oo nga, eh! Sana makuha natin ito para makuha na ang susunod na clue." walang gana na sabi ko, at huminga ako nang malalim.

"Malalaman natin kapag pinag-isipan natin nang mabuti ang mga ito." pagchi-cheer ni Rouie habang tinatapik ang kaliwang balikat ko.

"Oo nga, sigurado may pattern ang binigay niya." sagot ko, at napanguso sa aming pwesto.

"Posible nga 'yun, try nga nating isipin ang tamang solusyon." mahinahon na sabi ni Rouie, at ininom niya ang juice na nasa lamesa.

"Sige," tugon ko habang pinaglalaruan ang bote na binili ko kanina.

Sinimulan ulit naming tignan ang katangunan na nasa papel. Ang problema ay nablangko ang utak namin kung paano itong i-solve. Mas mahirap pa yata sa Algebra ang pinapagawa niya sa amin, grabe lang. Nagkaroon ng numerong sagot pero ang equation ay puro kulay at prutas ang kanyang nilagay. Mukhang math wizard talaga si Mysterious Person sa sobrang galing gumawa ng tanong.

Nagsimula na rin kaming magsulat sa mga papel na kakakuha lang sa aming mga bag para gumawa ng solusyon. Mga ilang minuto na ang tumakbo ay wala pa rin akong tinama sa problema. Puro random letters at numbers lang ang nakasulat sa aking scratch paper na puro mali ang mga ito.

Si Rouie naman ay seryoso sa kanyang pagso-solve pero hindi ko lang sigurado kung nakuha na niya ang problema. Kailangan ko na lang magtiwala na kaya naming lagpasin ito. Matatalo kami kung isususko na lang namin ang katangunan. Matagal na kami sa aming pwesto pero hindi ko pa nakukuha ang tamang sagot. Tinapik na lang ako ni Rouie, at nagsimula na siyang magsalita.

"Tuesday, may ideya ka ba kung paano itong gawin?" pagtatakang tanong ni Rouie habang nakatitig sa papel ng problema.

"Hindi pa. Pero, iniisip ko na parang sa huling note ang binigay niya. Ang problema ay hindi ko alam kung paanong sisimulan ito." paliwanag ko habang nakahawak sa aking baba.

"Wait, last note? Ayun! Na-gets ko na kung papa'no!" tuwang sabi niya, at napatayo siya bigla sa aming pwesto na nagising ang kanyang sistema.

"Huh? Seryoso?" pagulat na tanong ko, at umupo na siya sa kanyang pwesto.

"Nililito lang tayo ni Mysterious Person para hindi natin makuha ang problema. Ang galing niya talaga magmanipula ng utak na isipin natin na mahirap 'to." panganatwiran niya at ako naman ay pinaglalaruan ang hawak kong ballpen.

"Ano pala ang gagawin natin?" pagtatakang tanong ko, at sinimulan kong tignan ang papel.

"Wait, tignan ko muna kung tama ang aking hinala." pakiusap ni Rouie, at napaisip ako sa nangyari sa amin.

"Sige," sagot ko sa kanya habang gumagawa ng paper boat na mula sa lamesa ang papel.

Sinimulan na ni Rouie sagutin kung tugma ang kanyang solusyon sa tanong na binato ni Mysterious Person. Nang natapos na niyang gawin ang problema ay nagtaas siya ng dalawang kamay, at napasigaw sa kanyang pwesto na parang nanalo ng isang milyon piso.

"Ano Rouie? Okay na ba ang nakuha mo?" pagtatakang tanong ko, at napahawak si Rouie sa dalawa kong kamay.

"Yes! Yes! Tuesday, nakuha ko siya! Tama nga ang solusyon na ginawa ko! Mabuti na binanggit mo sa akin ang last note na problem kaya nakakuha ako ng ideya!" tuwang-tuwa niyang sigaw, at binitawan na niya ang aking mga kamay. Mabuti si Rouie ay nakuha niya. Samantala ako ay nalalabuan pa rin sa mga tanong. Savior ko talaga siya kapag dating sa ganito.

"Paano mo ginawa? Bali, may bibilangin kang letra para maging numero ito?" intrigang tanong ko habang sumalubong ang dalawa kong kilay. Nakita ko naman ang aking kasama ay pumapalakpak sa aming inuupuan.

"Oo, ganu'n nga 'yun! Bibilangin mo 'yung letra ng bawat salita na related sa color para maging number siya. Except 'yung sa prutas na nakalagay sa problema, hindi dapat bibilangin ang letra n'un." pagpapaliwanag niya sa akin habang kumulubot ang noo ko.

"Bakit?" diretsuhan tanong ko at uminom ako sa aking tubig.

"Ang fruit word na nakalagay ay sila ang nagsisilbi na mathematical operation sa problema." pahayag niya sa akin, at ako naman ay nahihilo sa kanyang sinasabi na parang umiikot sa isang Merry-Go-Round.

"Rouie, hindi ko gets," nalilitong wika ko sa kanya habang nagsusulat ng kung anu-ano sa papel.

"'Yun ang nagsasabi kung mag-add, subtract, divide, at multiply sa problema." paliwanag naman ni Rouie na may kasamang hand gestures.

"Paano mong nalaman kung ano ang gagawin?" nagtatakang tanong ko at pinanggigilan ang ballpen na aking hawak.

"Sa first letter ng salitang 'yun ang nagsasabi kung ano ito. Halimbawa ay 'yung salita na dates. First letter ang salita na 'yun ay letter d kaya ang nangyari ay kailangang i-divide ang dalawang salita na given sa problem." pag-eexplain niya at nagliwanag ang aking ilaw dahil alam ko na kung paano ito.

"Gets ko na, bali 'yung unang letter ay 'yun ang gagawin. Tulad ng apple ay magiging addition. Dahil ang first letter sa salita ay letrang a. Sa strawberry naman ay magiging subtraction. Ang unang letra naman nu'n ay s. Tapos, ang salitang mango ay magiging multiplication. Nagsisimula kasi ang letrang ito sa titik m." pagpapaliwanag ko na ayon sa aking pag-intindi. Nakita ko rin na nag-okay sign siya bilang tama ang aking sagot.

"Tuesday, tama ang pagkaintindi mo. Pero, hindi ko pa tapos sagutin ang problema na binigay niya. Tinetesting ko muna kung tama ang aking solusyon at pinaliwanag ko muna sa'yo ang aking sagot." paliwanag niya at kumuha ng potato chips mula sa table.

"Okay lang 'yun, Rouie. Atleast, alam na natin kung ano ang gagawin sa problema. Tapusin na lang nating sagutin para makuha na ang dalawang clue na kailangan." tuwang sabi ko sa aking kaibigan.

"Sige, Friend. Gusto ko rin matapos ang gory problem na 'yan." mapait na sabi ni Rouie.

"Sinabi mo pa! Kasing hirap ng inaaral natin ngayon sa Math!" pagrereklamo ko, at sumimangot ako sa aming pwesto.

"Game na!" excited na sabi ni Rouie, at tumango ako bilang sagot.

Sinimulan na naming ipagpatuloy ang problema na naiwan namin. Naging ganito ang magiging mangyayari sa sinosolve namin.

---------------------------------------------

Maroon Apple Red = 9

6 + 3 = 9

Green Mango Gold = 20

5 X 4 = 20

Yellow Dates Violet = 1

6 / 6 = 1

Lavender Strawberry Blue = _?_

- 4 = _ 4_

--------------------------------------------------

Sa unang problem na binigay niya ay number 4 ang sagot nito. Sinagutan kaagad din namin ang pangalawang tanong para makumpleto ang clue ng pinadala.

Ito na ang next solution.

---------------------------------------------

Orange Dates Silver = 1

6 / 6 = 1

Violet Strawberry Black = 1

6 - 5 = 1

White Mango Pink = 20

5 X 4 = 20

Magenta Apple Skyblue = _?_

7 + 7 = _14_

-------------------------------------------------

Number 14 naman ang nakuha naming sagot sa pangalawang katangunan. Napaisip ako bigla kung related ito sa mysteries, okasyon, at sa lugar na binigay niyang clue. Parang nasa kalagitnaan ako ng dagat na nakasakay sa isang bangka na hindi alam kung saan ako pupunta.Nakakapanibago ng kaunti ang papel na natanggap ko ngayon dahil sa nakuha naming sagot. Ano kaya ito?

"Mukhang hindi related ito sa School Mysteries. Sayang, wala akong mahuhukay na malalim na sikreto. Wala rin tayong nakuha sa clue na binigay kung sino siya," panghihinayang ng aking kasama, at nagbuntong-hininga siya sa aking tabi.

"Hindi talaga, at isang himala na hindi magkatugma ang numero na binigay niyang clue ngayong araw. Napaisip ako kung ano ang tukoy niya sa sagot na nakuha natin. Tama ka rin, wala tayong pag-asa na mabunyag ang pagkatao niya ngayon." malungkot na sabi ko, at napalobo ko ang aking dalawang pisngi.

"Oo nga, 'no? Tuesday, sa tingin mo ba na lugar ba ito?" intrigang tanong niya habang pinagtritripan ang papel na hawak niya ngayon.

"Posible ito, pero wala akong ideya kung anong lugar ang tugma sa clue na binigay niya." tugon ko sa kanya habang nakatingin ako sa papel na maraming numero.

"Ang hirap kasi makahanap ng magkapareho sa numero na ginawa niya ngayon." pagwawala sni Rouie habang pinapalo ng walang laman na bote sa lamesa.

"Oo nga eh, sa bahay na lang isipin ito dahil pareho tayong nawalan ng lakas sa ginawa niya. Baka, makakuha rin ng ideya sa ibang araw kung ano 'yun." paliwanag ko sa aking kasama, at napasubo ako sa chips na nakalapag pa rin.

"Sige, basta, kwentuhan mo ko kapag may natuklasan at nangyari na related sa clue." tuwang sabi ni Rouie, at pinalo niya ako sa likod.

"Oo naman, umuwi na muna tayo para magpahinga ang ating pag-iisip dahil drained na ito, at baka doon lumabas ang ideya." pagpapayo ko kay Rouie na ngumiti siya sa akin.

"Yes, tara umuwi na tayo. Tapos na tayong kumain at kailangan na nating umalis. Mukhang may uupo na sa ating pwesto dahil dumadami na ang tambay rito sa loob ng convenience store." tuwang pag-aya niya at tumango ako sa kanya.

Inayos na namin ang aming mga gamit, at umalis na kami sa tindahan. Mga isang oras ang lumipas ay nakarating na kami sa sariling bahay, at napaisip pa rin ako sa binigay ni Mysterious Person habang nakahiga na ako sa aking kama sa kwarto ko.

Anong meron sa numero 14 at 4?

Lugar?

Date?

Mystery?

Kailan ka ba magpapakilala, Mysterious Person?

Pati nangyari sa akin kanina, ano kaya magiging reaksyon ni Zean sa ginawa ni Rouie?

------------------------------------

Gusto kong humingi ng sorry dahil hindi pa lumalabas si Jy at Kyu rito. Hahaha! Lagot ako sa mga fans nila! XD Tinago ko na sa inyo joke!

Pasensya na rin na madugong chapter ito at pati ako nadamay hahaa!

Sorry rin kung posible may mali sa aking sinulat, maraming typos at magulo.

Thank you sa mga votes, add ng reading list at sa mga comment!

-colourfuldayz :)

Continue Reading

You'll Also Like

108K 4.6K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...