Heartless (Published under Si...

By jonaxx

117M 2.8M 1.5M

Elevators. Airplanes. Palaman ng Sandwich. Yung feeling na papunta ka pa lang at excited ka pa lang sa pupunt... More

Heartless
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Kabanata 56
Kabanata 57
Kabanata 58
Kabanata 59
Kabanata 60
Wakas
Heartless is Published Under Sizzle
Notes
Kabanata 39

Kabanata 52

1.8M 43.2K 21.6K
By jonaxx

Kabanata 52

Tease

Napanood ko ang paghalik ni Liam kay Reina sa noo. I heard they're an item. O baka naman pinapaniwala lang ako ni Rozen nun? Nakita ko kasi ang nagulat na reaksyon ni Reina sa ginawa ni Liam.

"Reina, bakit ka andito? Diba sa susunod na linggo ka pa babalik?" Tanong ni Liam.

Hindi niya alam? Sabagay, ang sabi ni Tita, ayaw daw ni Reina na malaman ng lahat na babalik na siya nang sa ganun ay hindi siya paghandaan ng party. Well, hindi parin maiiwasan iyon. Malalaman at malalaman parin iyan ng buong pamilya niya.

Kung ganun... kung may something si Reina at Liam, bakit di alam ni Liam na babalik si Reina ngayon?

"Wade, classmate kayo noon ni Reina diba? So magkakilala na kayo?" Tanong ni Liam.

Pinalibutan na kasi agad naming lahat si Reina. Well, except for Wade. Nandoon lang siya sa likod namin. Madilim ang titig ni Wade. Para bang nababalot siya ng pagkamuhi. Tumindig ang balahibo ko. Nakita ko sa ekspresyon ni Reina ang pagkakaasiwa dahil sa matinding titig ni Wade.

"Kilalang kilala." Ngumisi si Wade.

Kinagat ko ang labi ko. Kilalang kilala nga. Kumunot ang noo ni Liam at pinagmasdang mabuti si Reina. Nagkatinginan naman kami ni Noah at nagtanguan na lang.

Marami pa silang pinag usapan. Ang hindi ko lang matanggal sa utak ko ay ang pagiging tuliro ni Reina at ang weird na paninitig ni Wade sa kanya. Sexual harrassment na ata ang ginagawa ni Wade, tumitindig na ang balahibo ko sa kakatitig niya kay Reina kaya nang nagkataon ako ay hinila ko na siya papunta doon kina Megan.

"Kung hindi ka lang masyadong primitive, sana nalaman mo na nung papasikat pa lang sila. Visit din ng youtube pag may time at gumawa rin ng Facebook pag may time? Measuring tape lang yata ang laging kaharap mo sa France!" Umirap ako.

Nag rereklamo kasi siya kung bakit hindi ko sinabing sikat si Wade. Kasalanan ko ba iyon? Siya itong nag refuse na malaman ang totoo. Totoong pinagkait ko sa kanyang ang katotohanan, pero kung gusto niya talagang malaman kung ano na ang nangyayari, gagawa siya ng paraan, hindi yung aasa lang siya sa akin.

"K-Kailan lang sila sumikat?"

"Obviously, matagal ng sikat ang Going South kaso nag retire ang vocalist dahil inatupag yung pamilya niya 3 years ago at nabigla na lang akong bokalista na nila si Wade. Mas lalo silang sumikat. You know? I've been to their concert? Mga dalawang ulit siguro. Laging hysterical ang mga fans! May nahihimatay. At siguro tignan mo rin yung internet, baka makita mo kung gaano ka sikat yung apat na yan at lalo na si Wade."

"Nasalubong ko ang billboard niya papunta dito. It's obvious na sikat siya."

Wala akong ginawa kundi ang tumili na lang kasama sina Megan.

"Iyan si Zac, yung may hawak ng gitara, tapos yung isang inaayos ang gitara ay si Austin, Tapos yung drummer nila, bago rin yan, si Adam, tapos siyempre yung vocalist si Wade." Sabi ko nang nakitang nakatunganga si Reina, halatang out of place sa mga kaganapan.

Syempre, windang na windang siya nang nakita niyang sikat na pala ang lalaking iniwan niya apat na taon na ang nakalipas. Nakakalungkot mang isipin na hindi sila nagkatuluyan. Wait, it's too early to say that. I'm sure, may plano iyang si Wade.

Naagaw na ng Going South ang buong atensyon ko. Promise, pagka may concert sila sasama na talaga ako. Sobrang galing nila lalo na nang kinanta ni Wade ang isang bagong single nila. Napapa head bang ako at nanonoot sa bawat pores ko ang mga lyrics.

"Coreen, alis muna ako. Yung bagahe ko nasa labas, dadalhin ko lang sa bahay-" Biglaang sinabi ni Reina pagkatapos ng performance ng Going South.

"Huh? Ba't di ka na lang sumama-" Hindi pa ako natatapos ay nakaalis na siya.

Nagmamadali siya kaya wala akong magawa.

Biglang nahagip ng paningin ko si Noah at Megan na nag uusap. Nakita kong hinahawakan ni Megan ang braso ni Noah kahit na panay ang hawi nito sa kamay niya. Nilapitan ko agad.

"Ano ba, Megan!" Sigaw ni Noah.

"Noah, can we talk, please." Utas ni Megan sabay hawak ulit sa braso ni Noah.

"Ano bang pag uusapan natin? Wala akong gustong sabihin sayo!" Sambit ni Noah.

"Noah..." Utas niya hanggang sa nairita si Noah at tumayo sa gilid ko.

"Ano ba?" Sigaw niya.

Nasa likod ko na siya ngayon.

"May gagawin kami ni Coreen. Will you please stop stalking me! Naiinis ako sayo!" Mariing sinabi ni Noah.

Nakita kong unti-unting pumungay ang mga mata ni Megan.

Noong una ay nakaawang pa ang bibig nito, ilang sandali ang nakalipas ay tinikom niya na ito bago yumuko at umalis.

Napabuntong-hininga ako, "Okay lang ba yun?" Bulong ko.

"I don't care about her." Nag iwas ng tingin si Noah sa akin.

Hindi ko siya tinantanan ng titig. Nanliit ang mga mata ko. Hindi ko kayang hindi magduda. Sa sinabi ni Megan kanina, parang alam kong may kung ano talagang namamagitan sa dalawa.

"Nabasted ka ba niya?" Tanong ko.

"Huh? No!" Hindi parin makatingin si Noah.

"Talag-"

"Coreen, mamaya may party sa bahay. Pumunta ka ah?" Biglaan niyang anyaya sa akin.

"Ha? Bakit?"

"Yung 'surprise' party ni Reina na gustong mangyari nina mommy at daddy. Remember?" Aniya.

Tumango ako. "Sumabay ka na saming dalawa."

"Sa inyo ni Reina?"

"Oo." Ngumisi siya.

Hindi ko siya sinagot. Kinuha ko ang cellphone sa bag ko at nakita ko na may labing apat na missed calls si Rozen Elizalde. Pinaulanan niya na rin ako ng death threats. Isang mensahe pa lang, alam na alam ko na kung ano ang pinaghuhugutan niya.

Rozen:

Bakit ka nagpapahalik sa iba?

Hindi ko na binasa ang iba lalo na nang nabasa ko ang isa pang message.

Rozen:

I'm outside Moon Records. Smoking to death. I want you here. Now.

Napalunok ako. Nagkatinginan kami ni Noah. Itinaas niya ang kanyang kilay saka tinignan na rin ang cellphone na hawak ko. Binaba ko ito ng paunti-unti bago ngumisi.

"It's Rozen?" Tanong niya.

"Uh-huh." Sabi ko. "And... uhm... kakausapin ko lang muna si Reina." Sabay turo ko sa pintuan.

"Alright." Tumango si Noah kaya dumiretso na ako sa pinto.

Ilang beses pa akong nagpabalik-balik sa second floor bago ko siya natagpuan sa pintuan ng Moon Records. She looks stressed. Para bang sinakluban siya ng langit at lupa. Kakarating niya nga lang dito sa Pilipinas ay stressed na siya.

Nang naaninag niya ako ay agad niya akong niyakap.

"I missed you, Coreen. Surprise!" Sabi niya.

Tumawa ako, "Crazy girl, it's not a surprise! Alam naming lahat na dadating ka. Wala lang may guts na sunduin ka sa airport lalo na pag magtatanong ka na kung anong ginagawa ni Wade sa billboard na iyon."

Umiling siya, "Nakakainis kayo! Ba't di niyo sinabi sakin?"

Hinarap ko siya.

"Will that change a thing, huh, Reina? Pag sinabi ko ba sayong sikat siya ay may mangyayari din sayo?"

"Kahit na, Coreen! You're my bestfriend!" Ramdam ko ang pait sa kanyang mga salita.

"I'm sorry." Kinagat ko ang labi ko.

Alam ko... Alam kong marami akong nilihim sa kanya. I don't deserve to be called her bestfriend. Pinisil ko ang balikat niya. Bahagya kong nakuha ang atensyon niya sa ginawa ko.

"Reina, may sasabihin ako."

Nagkasalubong ang kilay ng best friend ko, "What? Another surprise!? Imbes ikaw ang masurpresa ay ako ang nasusurpresa niyo?"

Humugot ako ng malalim na hininga, "I'm in love with your brother."

Hindi ko nakita sa mukha niya ang gulat. Hinanap ko iyon pero wala siyang ginawa kundi ang tumunganga sa akin. Parang kinurot ang dibdib ko. Iyon lang naman ang sinabi ko, at kay Reina lang naman, pero naapektuhan ako. Para bang nang inamin ko ito sa kanya ay ipinagsigawan ko iyon sa mundo. And I'm happy. I feel free.

"Yeah. I know. Diba? Hello? Hindi naman siguro ako nagka amnesia?"

Tumawa ako. Lintek! Oo nga pala! Kaya pala wala siyang reaksyon dahil ang alam niya ay mahal ko ang isa pang kapatid niya. Tumawa ako at sinabayan ko ito ng iling.

"No, No... The other brother, Reina." Sabi ko.

"Wha- Who- Dashiel?"

"No!" Natatawa kong sinabi.

"Wha- ROZEN!?" Ayun at napatalon siya.

Perfect O ang kanyang bibig habang hinihintay ang pagtango ko.

"OH MY GOD!" Sigaw niya. "But Noah's in love with you!"

Nasurpresa din ako sa sinabi niya. Paano niya iyon nalaman? Hindi ko alam. At kung kelan niya iyon nalaman? Hindi ko rin alam. Pero tantya ko ay nasa France na siya nang nalaman niya ito. I know Reina, hindi siya magaling magtago ng sekreto.

"Oh my God!" Paulit-ulit niya itong sinabi hanggang sa narinig ko si Noah sa likod.

"Reina... Let's go home." Malamig na utas ni Noah sa kapatid niya.

Hindi parin naalis ang titig ni Reina sa akin.

"Coreen, sumama ka." Sabi ko.

Umiling ako, "I can't. Rozen is waiting for me."

Nilagpasan ko silang dalawa. Lumabas ako ng Moon Records. Iniwan ko ang magkapatid doon para puntahan ang kapatid nilang naninigarilyo na naman ngayon sa labas ng sasakyan niya. Hinagis niya ang sigarilyo nang nakitang papalapit ako. Umubo pa ako para lang ipakita sa kanya na ayaw kong naninigarilyo siya. Ngumuso siya sa akin at pinilit niyang ikunot ang kanyang noo.

"So... tell me, why are you kissing someone else?" Humalukipkip siya.

"Rozen, sorry, kasi-"

"Kasi ano? Kasi para sa akin, walang tamang rason para magpahalik ka sa iba." Umirap siya.

"Anong tawag mo sa paghalik ni Elle sayo?"

"That was different, Coreen! Hindi ako ang nag initiate nun, I know you're not dumb so don't act like you are! At isa pa, wala pa tayo nun kaya wala kang pakealam kung anong gawin nino sakin."

"Hoy, excuse me, wala parin tayo hanggang ngayon." Nakapamaywang akong nagtataray sa kanya.

"Oh? Really? So that's what you want? To be in between again? In between being in a relationship with me and being single, huh?"

"Hindi naman sa ganun..." Sabi ko.

"Then ano?" Suminghap siya.

Nagkatinginan kami.

"Si Noah kasi ano... may pabor sa akin."

Tumango siya pero nanatili ang sarcasm sa kanyang mukha.

"Tapos sabi niya, kailangan ko raw maging pretend-girlfriend niya..."

Napangiwi si Rozen at umambang puputulin ako sa pagsasalita kaya tinaas ko ang boses ko.

"Kaya ayun. Hindi ko matanggihan. Kasi obsessed si Megan sa kanya at para mapaalis si Megan, kailangan akong umarte as-"

"Bullshit! Pati pag halik, kailangan? Ha? Coreen!" Nakita kong nanggalaiti siya sa inis. "Fuck! Ni hindi ako pumapayag na maging pretend-girlfriend ka niya!? What more yung hahalikan ka niya!? Hahawakan ka niya?!"

Napapikit ako sa pagsigaw ni Rozen, "But Noah's my friend and he needs me."

"Tapos paano ako? You're not even my girlfriend yet!" Pumiyok ang boses niya.

Parang pinipiga at kinukurot ang puso ko sa sinabi niya. Naamin din niya sa wakas na hindi ko pa siya sinasagot. Dyan siya na iinsecure kay Noah. Dahil hindi ko pa siya sinasagot!

"I am." Sabi ko.

Natahimik siya. Parang kanina lang ay halos lamunin niya ako sa galit niya. Pero dalawang salita ko lang ngayon ay natahimik na siya. Nakita kong napaawang ang bibig niya. Ngumisi ako.

"You... are?" Tanong niya.

Tumawa ako at tumango na lang.

"Really?"

Kaya sobrang saya niya buong byahe papunta sa bahay nila. Wala siyang ginawa kundi ang ngumisi nang ngumisi. Kahit na dinagdagan ko ito ng...

"But you can't tell anyone yet, alright? May usapan pa kami ni Noah."

Parang hindi niya ako naririnig sa sobrang saya niya. Nang dumating kami sa bahay nila at nagkita silang dalawa ni Reina, kahit na halos hambalusin na siya ni Reina ay tatawa tawa lang siya. Pabalik balik pa siyang tumitingin sa akin. Parang baliw!

"Sasamahan ko lang si Reina sa kwarto niya." Sabi ko nang nag walk out si Reina papuntang kwarto niya.

Hinila niya ako at tinapat niya ang bibig niya sa tainga ko. Tumindig agad ang mga balahibo ko sa galaw niya.

"Samahan mo rin ako sa kwarto ko mamaya?" Humalakhak siya.

"Tseh!" Inirapan ko na.

Nakakatuwa siyang tignan lalo na pag good mood. Lahat ang nginingitian niya. Pagkatapos magbihis ni Reina, lumabas na kami at nakita ko pa si Rozen na nakikipag usap kay Noah na nakangiti. Kumukuha silang dalawa ng pagkain. Nawi-weirduhan si Noah dahil sa ginagawang pakikihalubilo ng kuya niya, si Rozen naman ay mukhang sanay sa pakikipag pansinan kay Noah.

"Damn! It's such a happy day, isn't it?" Aniya sa akin.

Umiling ako. I don't know, Rozen. Minsan talaga tuwang tuwa itong isang ito pag nagkanda leche-leche na ang buhay ng mga tao sa paligid niya. Biruin niyo, inimbitahan niya si Wade sa private party ni Reina? Sa bagay, may inimbita din naman sina Warren at Joey na mga babae kaya hindi na ito ganun ka private. Napansin ko rin ang ka sweetang ipinamamalas ni Liam kay Reina. I don't know if it was because they were both from a foreign country kaya medyo naninibago ako sa galaw ng dalawa o talagang may something na.

Sinulyapan ko si Wade na walang ginawa kundi ang tumitig sa kanilang dalawa. Damn! Kung ako si Reina, kanina pa ako nalusaw!

Kamuntikan pang nagkabangayan nang nagsimula ng mag inuman. Si Liam at si Wade ay nagpapasikatan tungkol sa mga nalalaman kay Reina.

"Reina, you're not a teenager anymore. Pwede ka ng mag boyfriend. Mas maganda naman sigurong sa kilalang lalaki ka mapunta. Itong si Liam, matino naman at kilala na namin kaya..." Nagkibit-balikat si Rozen. "Pwede."

Masama ang tingin ko sa kanya. Kasi naman, alam kong pinariringgan niya ang kawawang si Wade. Nakita kong napangiwi si Wade sa sinabi ni Rozen. Kumindat naman si Rozen sa akin.

"Adik." Bulong ko. "Stop teasing Wade, please."

Pumungay ang kanyang mga mata at kinagat niya ang kanyang labi. Tinaas ko naman ang isang kilay ko.

"Shall I tease you, then?" Nakakapanindig balahibo ang ngisi niya.

Continue Reading

You'll Also Like

29.7M 1.2M 43
Crisanta Camila Alcazar is the baby girl of Altagracia. Bunsong anak ng may-ari ng isang malaking azucarera, she was pampered and always prim and pro...
134M 2.9M 80
Ilang beses ba nating tinanong ang sarili natin kung mapapansin ba tayo ng mga taong mahal natin? Ilang beses ka ba magtatanong sa buong buhay mo? At...
4.7M 314K 73
He is trouble incarnate. While she's a studious, well-mannered student, he's a delinquent who gets tangled up in all sorts of problems. They are comp...
616K 22.7K 70
Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.