She's A FeMANine

kweenlheng द्वारा

158K 8.3K 1.4K

She's pretty. She's sexy. She's the girl in evey man's dream. She's my everything. But SHE was the MAN who le... अधिक

001
002
003
004
005
006
007
008
009
010
011
012
013
015
016
017
018
019
020
021
022
023
024
025
026
027
028
029
R G S G
030

014

5.2K 277 33
kweenlheng द्वारा

Alas sais na ng gabi ng bumalik ang mga bata sa loob ng orphange. Oras na para mag-take sila ng half bath dahil ilang minuto na lang ay kakain na sila. Nakasanayan na kasi ng mga bata na by 7 pm ay nasa higaan na sila ang naghahanda para sa pagtulog. Nagvolunteer si Ana na tutulong siya sa pag-aasisst ng mga bata habang si JM naman ay minabuting tulungan ang mga kusinero't kusinera na siyang naghahanda para sa kakainin ng mga bata.

"Alam mo, ang swerte mo kay Ma'am Ana." walang pakundangan na sabi ng kusinera na si Jackie habang binubuksan ang kalan. "Maganda na, mabait pa."

"Huy, Jackie! Masyado ka namang feeling close diyan kay Sir JM," hirit ng kasamahan nitong si Chen.

"Diba sabi ni Mother Lily, make them feel na welcome sila dito sa orphanage? Paano niya mararamdaman na welcome siya dito kung hindi ko kakausapin?" katwiran nito.

"Okay lang, ano ba kayo? Mas gusto ko nga yung dinadaldal ako eh." sabad ni JM upang matigil na sa pagtatalo ang dalawa.

"Boyfriend ka po ni Ma'am Ana?" diretso pa ring tanong ni Jackie kaya napahilamos nalang naman ng mukha si Chen dahil sa hiya.

"H-hindi. Kaibigan niya 'ko," naiilang na tugon ng binata. Tila hindi naman nakumbinsi si Jackie at akmang magtatanong pa nang takpan na ni Chen ang bibig nito.

"Tama na. Naiilang na si Sir JM sayo o," bulong ni Chen sa kaibigan.

"Nagtataka lang naman kasi ako. Siya lang yung kauna-unahang lalaki na isinama ni Ma'am Ana dito. Syempre gusto ko namang maging updated sa lovelife ni Ma'am no. Gusto kong malaman kung may nagpapasaya na ba sa kaniya kasi hindi rin naman biro yung pinagdaanan niya matapos niyang-

"Pwede ba, Jackie? Pinagluluto tayo dito. Wala tayong karapatan na ungkatin kung ano man ang nangyari kay Ma'am Ana noon. Tch! Isusumbong talaga kita kay Mother Lily," nangungunsiming sabi ni Chen habang nakakunot ang noo.

Napabuntong hininga na lamang si JM. Sa totoo lang ay sobrang dami pang mga bagay tungkol kay Ana ang hindi niya nalalaman. Mga bagay na naganap simula nang iwan niya ito ng walang paalam. He wants to know the whole story of what she went through pero parang hindi pa siya handa. Alam din niyang masasaktan lang siya kapag narinig niya ang storya sa likod ng pinagdaanan ng dating kasintahan.

Habang busy si JM sa pagtulong sa kusina, isa-isa namang tinutulungan magbihus ni Ana ang mga bata na katatapos lamang mag half-bath. Ito na ang mga bagay na nakagawian niyang gawin sa tuwing nadadalaw siya sa orphanage.

"Ate Ana, bakit hindi pa ikaw po nag-aasawa?" usisa ng batang kasalukuyan niyang tinutulungan magbihis.

"Ashley, hindi naman minamadali ang pag-aasawa. Saka wala pa kasi sa isip ko 'yan." sagot na lamang ng dalaga sa tanong ng bata.

"Si Kuya JM po. Hindi ka po ba niya nililigawan?" pangungulit pa nito. Pilit na ngumiti si Ana bago marahang kurutin ang ilong ni Ashley.

"Ang dami mo namang tanong, baby." natatawang sambit ni Ana na ngayon ay sinusuklayan na ang buhok ng bata. "Hindi ako nililigawan ng Kuya JM mo."

"Bakit naman po hindi? Eh maganda ka kaya, tapos ang bait bait mo pa po tapos sexy tapos matalino tapos matulungin tapos-

"Thank you for all of those compliments pero hindi kasi sapat yung katangian lang na taglay ng isang tao. Even if you're both perfect kung hindi niyo naman gusto ang isa't-isa, wala paring dahilan para magsama kayong dalawa. Hindi nadidiktahan ng pisikal na anyo ang nararamdaman," pagpapaliwanag ng dalaga.

"Ha?" nalilitong tanong ng bata.

"Masiyado ka pang bata para maintindihan yung mga sinasabi ko. Tama na kakatanong about sa lovelife ni Ate Ana ha? Wag kang mag-aalala, sasabihin ko naman sa inyo kung meron ng nagpapasaya sa 'kin," napangiti naman si Ashley bago halikan si Ana sa pisngi nito.

"Kailangan po sabihin niyo samin agad ha? Para pag pinaiyak ka niya, marami kaming magagalit sa kaniya. Hindi namin siya bati," tila nananakot pang sabi ng bata na lalong ikinatuwa ni Ana.

"Sige na. Maglagay ka na ng baby powder para lalo kang bumango, tapos bababa na tayo kasi handa na yung dinner niyo."

Mabilis naman na sumunod si Ashley sa utos ng dalaga. Nagtungo ito sa drawer at kinuha ang pulbo. Habang pinagmamasdan ang bata ay napaisip din si Ana. Apat na taon na nga naman ang nakakalipas at hanggang ngayon ay hindi parin niya magawang magmahal ng buo. She knows na mahalaga sa kaniya ang asawa na si Ferdie ngunit alam niyang may kulang at hindi niya alam kung ano iyon.

















Ana

As I made sure na tapos ng maghalf-bath at mag-ayos ang mga bata, I accompanied them pababa to take their dinner. They used to eat and sleep early dahil hindi naman sila pinapayagang magpuyat ng mga madre. They have no gadgets na pag-uubusan ng oras kalalaro. They used to play outside, yung mga larong hilig talaga ng mga bata noon. One of the things that I adore with this orphanage, sobra silang hands on sa mga bata rito.

"Nanay!" a little voice called. Lumingon ako and I saw Pipoy na nasa taas pa ng hagdan. Hindi ko napigilang mapangiti nang marinig ang endearment na 'yon from him. Bumalik ako sa taas and I carried him para hindi na siya mahirapan pang bumaba.

"Bakit naiwan ka doon?"

"Nihanap ko pa 'yung slippers ko po," sagot niya while shaking his feet. "Nitago nanaman siguro po nila Isko!"

"Naku, bad yung nagbibintang nalang ng basta. Kung wala naman tayong proof na itinago nila Isko yung slippers mo, hindi natin pwedeng sabihin na siya nga ang nagtago." pangarap ko while I was heading to the kitchen.

Nang makapasok kami sa kusina, I searched for two vacant chairs na pwede naming upuan ni Pipoy but there's only one chair left so I decided na ako nalang ang umupo doon at kandungin nalang si Pipoy. Huli na nang mapagtanto ko na 'yung vacant chair is beside JM. Sadya ba 'to?

"Hiniram kasi nila Jackie yung isang upuan kaya nagkulang. Ano, kakandungin ko nalang si Pipoy para di ka mahirapan." sabi niya while rubbing Pipoy's hand and showing cute facial expressions to him. Seriously?

"No, it's okay. Ako nalang ang magkakandong kay Pipoy," I said as I showed a forced smile.

"Upo nalang ako kay Tatay po," Pipoy looked at me and gave me a sweet smile. Ooookaaaaay?

"Ayaw mo sa 'kin?" I pouted. Humagikgik lang si Pipoy bago magpababa at lumipat sa lap ni JM. Fine!

















Author

Hindi napigilan ni JM ang mapangiti nang makita ang paghaba ng nguso ni Ana. He just realized na hanggang ngayon pala ay selosa parin ang dalaga kahit sa mga maliliit na bagay. Isa sa mga dahilan kung bakit minahal niya ang dating kasintahan ay dahil sa effortless na cuteness nito.

He tried na sandukan ng kanin at ulam ang plato ni Ana but she insisted. Instead na makipagtalo ay ang sariling plato na lamang niya ang sinandukan niya. Salitan niyang sinusubuan ang sarili at si Pipoy na nakakandong sa kaniya. Bunso sa limang magkakapatid si JM kaya ni minsan ay hindi niya nasubukan ang mapalapit sa mga bata. Hindi niya hilig ang humawak, kumausap oh makipaglaro sa mga bata na siya namang kabaliktaran ni Ana. Noon pa lamang ay malapit na ang loob nito sa mga paslit.

"Tatay, aalis na agad ikaw po pagkatapos namin kumain?" tanong ni Pipoy sabay lingon kay JM.

"Bakit, ayaw mo bang umuwi ako?"

"Dito nalang ikaw po?" pagpapacute nang bata na siya namang ikinangisi ng binata.

"Hindi pwedeng mag-stay sila Ate Ana at Kuya JM niyo dahil paniguradong may trabaho sila kinabukasan." pagsingit ni Mother Lily na siyang busy sa pag aassist sa mga batang tapos ng kumain.

"Ay, iiwan niyo narin ako?" ang kaninang masiglang tono ng boses ni Pipoy ay naging malungkot at malamlam.

"Babalik din naman kami e, hindi ko nga lang alam kung kailan ako makakabalik kasi may trabaho si Kuya JM. Pero susubukan kong dumalaw ng madalas para sayo ha?" pagpapagaan ng binata sa loob ni Pipoy. Mabilis naman na tumango ang bata kaya't hinalikan na lamang siya ni JM sa ulo.

Ang ikinilos na iyon ng binata ay hindi nakalagpas sa paningin ni Ana. Hindi niya alam kung bakit but her heart jumped a bit nang makita kung paano iapproach ni JM ang bata.

"Ganito nalang. I'll give my number to Mother Lily para kung gusto mo 'kong tawagan, matatawagan mo 'ko. Okay po ba 'yon?" dagdag ng binata na mabilis namang tinanguan ni Pipoy.



















Oras na ng pagtulog nang mga bata. Kasalukuyang nakahiga si Ana sa tabi ng batang si Pipoy bilang iyon naman ang hiling ng bata. Nakasanayan na kasi nila na sa tuwing dumadalaw doon ang Ate Ana nila ay nagkukwento ito ng kung anu-ano. Nang masiguro na nakapwesto na ang lahat sa kani-kaniyang higaan, sinimulan na ng dalaga ang kwento. Tungkol ito sa lovestory ng isang prinsesa at isang prinsipe. Wala siyang hawak na libro. Kung ano lang ang maisip niya ay 'yon ang sasabihin niya.

Ikinwento niya kung paano nagkakilala ang Prinsesa na pinangalanan niyang si Kanessa at ang prinsipeng si Valejo. Idinitalye rin niya kung paano nabuo ang pag-iibigan ng dalawa at kung gaano sila kasaya sa piling ng isa't-isa. Ngunit hindi inaasahang pangyayari ang naganap. Inilathala niya kung paano naghiwalay ang magkasintahan dahil lang sa kinailangan ni Valejo na mangibang-bayan upang tulungan ang ina na may malubhang karamdaman.

"Ayaw ni Kanessa na mahiwalay kay Valejo kaya ginawa niya ang lahat lahat. She asked him to stay at dahil mahal ni Valejo si Kanessa, at hindi niya kayang makita na umiiyak ang prinsesa niya, he lied. Sinabi niyang hindi na siya aalis and that he would stay beside her kahit anong mangyari. Ang saya saya ni Kanessa noong mga panahon na 'yon dahil iniisip niyang hindi na sila magkakahiwalay pa ng prinsipe niya. Pero kinabukasan, halos gumuho ang mundo ni Kanessa nang malaman niya na wala na si Valejo. Umalis siya ng walang paalam," saglit na huminto si Ana sa pagkukwento at nagbuntong hininga. "Nagsinungaling siya na hindi na siya aalis dahil ayaw niyang makita na malungkot at umiiyak si Kanessa,"

"Pero diba bad po yung mag-lie?" tanong ng bata na si Ashley.

"Lagot siya po kay Papa God!" segunda naman ni Belle.

"Opo. Masama po ang magsinungaling pero ginawa lang naman 'yon ni Valejo dahil ayaw niyang makita na nasasaktan yung minamahal niya," pagsagot ni Ana. "Hindi alam ni Kanessa kung saan niya hahanapin si Valejo. Araw araw paggising niya, nililibot niya ang lugar nila dahil nagbabaka-sakali siya na makikita pa niya ulit si Valejo pero bigo siyang mahanap ang prinsipe. Hanggang isang araw, sa gitna nang paghahanap ni Kanessa kay Valejo, tatlong masasamang lalaki ang humawak sa kaniya. Pilit siyang isinakay sa isang puting sasakyan. Pinilit niyang kumawala sa mga lalaki ngunit malalakas ang pwersa nila kaya hindi nakayanan ni Kanessa na tumakas. Isang puting panyo ang ipinatong ng lalaki sa mukha ng prinsesa dahilan upang makatulog ito. At doon, hindi na nalaman ni Kanessa kung anong nangyari at ginawa sa kaniya ng mga bad boys."

"Kawawa naman si Kanessa!" malungkot na sigaw ng batang si Graciana na kanina lang ay tatahi-tahimik.

"Kasalanan ni Valejo lahat ng 'yon. Hindi dapat niya iniwan si Kanessa. Wag lang magpapakita sa 'kin yang prinsipe na 'yan!" galit naman na sabad ni Digoy habang umaakto na tila ba nagkakasa ng baril.

"Alam niyo, ganun talaga ang buhay. Kahit mahal mo ang isang tao, may mga pagkakataon na kailangan natin silang iwan para sa mas importanteng bagay pero hindi dapat mawala ang paliwanag. Kailangan mong ipaintindi sa taong iniwanan mo kung bakit mo ginawa iyon." pagpapaliwanag ni Ana sa mga bata. "Masyado pa kayong bata para maintindihan kung anong mga sinasabi ko,"

"Eh ano na po nangyari kay Kanessa?" inaantok na tanong ni Pipoy na ngayon ay nakayakap na sa bewang ni Ana at tila ba tinutulungan ang sarili na mahimbing.

"Saka ko na itutuloy ang kwento tungkol kay Kanessa at Valejo. Ngayon, kailangan niyo ng matulog. Goodnight na," sambit ni Ana habanv hinahagod ang likod ni Pipoy.

"Maaga pa naman Ate Ana. Ituloy mo na ang kwento mo, please po!" nagmamakaawang sabi ni Ashley na tumagilid upang makaharap ang dalaga.

"Gabi na po. Pagagalitan kayo nila Mother, sige kayo. Kailangan niyo ng mag-sleep. Don't worry, babalik ako sa susunod na araw para ituloy ang kwento ko."

"Promise po?"

"Promise po!"

Dahil sa naging sagot ni Ana ay umayos na ng higa ang mga bata at ipinikit na ang mga mata. Maging si Pipoy ay pumikit na at mas lalo pang hinigpitan ang pagkakayakap sa bewang ng dalaga na hindi naman umalma. Ana smiled sadly at dahan-dahang iniyuko ang ulo upang mahalikan ang ulo ng bata. Umakyat ang kamay niya sa ulo ng bata upang suklayin ang humahaba ng buhok nito.

Lingid sa kaalaman ng lahat, kanina pa nakatayo si JM sa labas ng kwarto ng mga bata at matamang pinakikinggan ang kwento ni Ana. Kahit alam niyang galing lamang iyon sa malikot na utak ng dalaga, hindi niya maiwasan ang kabahan. Tila mayroong kakaiba sa kwento nito na hindi naman niya ma-figure out kung ano.













Nang masiguro na mahimbing ng natutulog ang mga bata, dinahan-dahan ni Ana na tanggalin ang pagkakayakap ni Pipoy sa bewang niya. Bahagyang gumalaw ang bata ngunit hindi naman ito nagising kaya itinuloy na ng dalaga ang pagbaba sa kama. Bago tuluyang lisanin ang kwarto ay hinalikan niya ng madiin ang ulo ni Pipoy na ilang buwan din niyang hindi nagagawa.

Pagkababa ay nadatnan niyang tahimik lang na naghihintay si JM sa kaniya. Nang makita siya nito ay isang impit na ngiti lamang ang ipinakita nito na sinuklian din naman niya ng ngiti. Sakto naman ang paglabas ni Mother Lily mula sa kusina dahil binabalak na din naman ni Ana na umuwi na dahil maaga pa ang pasok nito kinabukasan.

"Maraming marami salamat po, Mother. Thank you for allowing us na makalaro at makasama ang mga bata," pasasalamat ni Ana. Tumayo naman na si JM at lumapit sa dalawa.

"Walang anuman. Araw araw ka ngang hinahanap ng mga bata, magrereklamo pa ba ako kung gusto mo silang makalaro? You always make them happy and thank you for that," sinserong sabi ng madre bago ibaling ang tingin kay JM. "Salamat din sayo. Ngayon ko lang nakita na ganoon kasaya si Pipoy. Thank you,"

"Ako nga po ang dapat na magpasalamat. Nabigyan po ako ng panibagong pamilya. Pinapangako ko po, dadalaw ulit ako dito." nakangiting tugon ng binata.

"Oh pano po, mother? Tutuloy na po kami." magalang na paalam ni Ana. Niyakap naman siya ng madre bago ihatid sa labas.

"Mag-iingat ha?" paalala ng madre habang kumakaway sa papalayong sila Ana at JM.
















"Paano ka?" tanong ni Ana habang nakatitig sa nagmamanehong si JM. Kumunot naman ang noo ng binata dahil hindi niya naintindihan ang sinabi ng dalaga. "I mean, idiretso mo na 'tong sasakyan sa bahay mo tapos ako nalang ang magmamaneho pauwi."

"Out of the way yung bahay ko. Ihahatid kita sa inyo. Magcocommute nalang ako," nakangiting tugon ng binata.

"Gabi na. Hindi na safe magcommute,"

"Oo gabi na. Hindi narin safe kung hahayaan pa kitang magmaneho. Mas komportable akong matutulog mamaya kapag alam kong safe ka,"

"Pero-

"Ana, wala ng pero. Magcocommute nalang ako." hindi papaawat na pagpipigil ni JM sa dapat ay magsasalita na si Ana. Hindi na sumagot pa ulit ang dalaga at nanahimik na lamang sa isang tabi. "Bago kita ihatid, pwede last favor?"

"Ano 'yon?"

"Thirty minutes lang. Gusto ko lang sulitin 'tong time na 'to kasi baka hindi mo na 'ko pagbigyan sa susunod," may bahid ng kalungkutan na sabi ni JM.

Hindi alam ni Ana kung ano ang isasagot kaya't itinuon na lamang niya ang paningin sa bintana ng sasakyan. Ayaw niyang sumagot ng basta basta dahil iniiwasan niyang magbigay ng false hope sa binata.

Ilang minuto pa ang nakalipas ay ihininto ni JM ang sasakyan sa tapat ng isang malawak na playground. Playground ito tuwing umaga ngunit pagsapit ng gabi ay nagmimistulan itong parke dahil sa mga puno na kumikinang dahil sa mga light bulbs na nakakabit. Isama pa ang small fountains na nakapalibot sa lugar. Hindi ganoon karamihan ang mga tao na nakatambay roon kaya madaling nakahanap ng pwesto ang dalawa. Naupo silang pareho sa swing na halos limang dangkal lang ang layo sa isa't isa.

"Alam mo, ito yung kauna-unahang lugar na napuntahan ko simula nung napadpad ako dito sa Maynila." pagsisimula ni JM. Inilibot ni Ana ang paningin sa kabuuan ng lugar and she must say na nakakapagpagaan nga naman ito ng loob. "Wala naman kasi talaga akong plano noon. Biglaan lang. Kinailangan ko kasi talagang lumuwas."

"Kung may problema ka noong mga panahon na 'yon, handa naman akong makinig. Hindi yung basta basta ka nalang nawawala," halos pabulong nalang na sagot ni Ana.

"Kahit kailan hindi ko tinangka na idamay ka sa pinagdaraanan ko. Mas mainam na 'yung ako lang ang nahihirapan kesa sabihin ko pa sa 'yo. Ayoko kasing makita na pati ikaw naghahanap ng solusyon sa kung paano ko ba maaayos yung problema ko." sinserong sagot ni JM. "Hindi ko sinadya. Kung pwede ko lang sabihin sayo agad, ginawa ko na noon pa. Pero natatakot kasi ako. Natatakot ako sa pwedeng maging reaksyon mo. Natatakot ako na baka... na baka mawala lahat. Natatakot akong mawala ka sakin,"

"Bakit? Sa ginawa mo ba tingin mo hindi ako nawala sa 'yo?" lakas loob na tanong ni Ana na sinulyapan ang binata. "Everything that we had? Lahat 'yun nawala simula nung umalis ka,"

"Dahil I had to. Kung hindi ako umalis, hindi ko masosolusyunan yung problema ko. Kung hindi ako umalis, pareho tayong mabubuhay sa kasinungalingan. Kung hindi ako umalis, baka hanggang ngayon niloloko ko yung sarili ko." dire-diretsong sabi ng binata habang direktang nakatingin sa mga mata ni Ana.

"Iniwan mo 'ko dahil ayaw mong lokohin ang sarili mo? So what do you mean? You didn't really love me? All that we had, lahat ng 'yon pagpapanggap lang para sa 'yo?"

"That's not what I meant."

Sa kabila nang pagiging intense ng usapan nilang dalawa, they still managed to stay calm. Kung noong unang beses na nagkita sila after ng apat na taon na pagkakahiwalay ay hindi napigilan ni Ana ang magpakawala ng sakit na nararamdaman, ngayon ay napigilan niya ang sarili dahil naisip niya na baka kailangan niyang maging mahinahon upang makuha ang sagot na inaasam.

"I loved you. Sa mahigit isang taon na nagkasama tayo, ni minsan ba ipinaramdam ko sayong hindi kita mahal?"

Hindi inaasahan ni Ana ang mga katagang iyon na magmumula kay JM. Hindi na niya kinaya pang tumitig sa mga mata ng binata dahil bukod sa nakikitang guilt ay nakikita rin niya ang sakit na pinagdaanan nito.

"Kung may niloko ako, sarili ko yun hindi ikaw. Lahat ng ipinakita at ipinaramdam ko sayo noon, totoo 'yun." dagdag pa ng binata.

"Hindi kita maintindihan," nalilitong sambit ni Ana na pinili na lamang paglaruan ang mga daliri upang mawaglit ang nakita niyang sakit sa mg mata ng dating nobyo.

"Maaaring hindi mo 'ko naiintindihan sa ngayon, pero ipinapangako kong ipaiintindi ko sayo lahat when the right time comes."

Muling nabalot ng katahimikan ang dalawa. Kapwa nila nililibang ang sarili sa paglilibot ng paningin. They realized na crowded pala sila ng mga lovers sa lugar na iyon. Kung titignan kasi ay nagiging romantic ang set up ng lugar na iyon dahil sa lights and fountains. Isama pa ang tahimik at maaliwalas na atmosphere ng lugar.

"Tapos na 'yung thirty minutes na hinihingi ko. Tara na? Ihahatid na kita sa inyo." JM stood up at inalalayan ang dalaga na tumayo. "Thank you sa pagpayag na sumama sakin today,"

"No problem," pilit ngiting tugon ni Ana. Kahit limitado ang sagot ay nagpapasalamat narin ang binata dahil atleast, kinikibo na siya ng dating kasintahan.

Naglalakad na ang dalawa papunta sa pwesto kung saan nila ipinarada ang sasakyan when a car stopped right infront of them. Nagulat na lamang si JM nang bigla siyang hilahin ni Ana palapit at yumakap ito sa kaniya ng sobrang higpit na tila ba batang takot na takot.













A/N: As what I promised. Pagkatapos na pagkatapos ng contest, mag a-update ako. Ito naaaaaaaaa! Sorry for making you wait that long. Naging busy lang talaga. Patawarin niyo na 'ko 😂😂

पढ़ना जारी रखें

आपको ये भी पसंदे आएँगी

1.3K 62 23
One school. Two groups. Eight students. With different personalities. Attitudes. And hidden feelings. But got to live in ONE HOUSE. This is BINI fanf...
2M 45.9K 53
Iiwan nya talaga ako? Nainis talaga sya sakin gusto ko naman makipag date eh. Baka lang may Quiz talaga. "Hubby? Hubby whaaaaa... ayoko na sayo!!!" ...
204K 4.2K 53
"Here, Under the Stars... What if our paths crossed again?" Four years after her heart got broken, successful music producer and CEO, Magui Feola, we...
23.7K 166 25
When the Sexy surgeon Wandee Ronnakiat becomes involved with boxer Yeo Yak and their relationship develops from friends with benefits to something mo...