015

4.8K 206 10
                                    

Naglalakad na ang dalawa papunta sa pwesto kung saan nila ipinarada ang sasakyan when a car stopped right infront of them. Nagulat na lamang si JM nang bigla siyang hilahin ni Ana palapit at yumakap ito sa kaniya ng sobrang higpit na tila ba batang takot na takot.

Nagulat man ay sinuklian na lang din ni JM nang isang mapang-angkin na yakap ang dalaga habang tinititigan ang sasakyan na huminto sa harap nila. Maya-maya'y lumabas mula sa sasakyan ang isang lalaki at pumunta sa kabilang side upang pagbuksan ng pintuan ang babae. Wala namang napansin na kakaiba si JM sa mga taong lumabas sa sasakyan kaya't laking pagtataka niya kung bakit ganoon na lamang ang naging reaksyon ni Ana.

"Hey! Hey! You're safe," malambing na bulong ng binata habang hinahagod ang likod ng dalaga. "Ana, you're safe. Wag ka ng matakot,"

"Are they gone?" pabulong at bakas ang takot na tanong ni Ana.

"Wala na," JM answered habang tinatanaw 'yung babae at lalaki na naglalakad palayo. "Do you know them?"

Nang bumalik sa ulirat ay mabilis na kumawala si Ana mula sa pagkakayakap kay JM. Walang lingon-lingon siyang naglakad papunta sa kung saan nakapark ang sasayan niya. Wala namang ibang nagawa ang binata kundi ang sumunod sa dating kasintahan na ngayon ay mas lalo niyang hindi maintindihan. Inunahan niya ito sa paglalakad upang mapagbuksan ng pintuan. Hindi naman na umalma pa ang dalaga at dali-daling sumakat sa sasakyan.

"Yung babae't lalaki kanina, do you know them?" pag-uulit na tanong ni JM habang iniistart ang engines ng sasakyan. Napabuntong hininga lang naman ang dalaga bago ibaling ang tingin sa bintana. "You look so scared kanina,"

"Wala." plain na sagot nito.

Kahit anong gusto ni JM na tanungin pa ang dalaga patungkol sa naging reaksyon nito ay pinigilan na lamang niya ang sarili dahil baka hindi lang komportable si Ana na pag-usapan pa ang tungkol doon. Besides, ayaw niyang lubus-lubusin ang ang dalaga dahil alam niyang pinagbibigyan lang naman siya nito ngayon.

While they were on their way to Ana's home, tahimik lang ang dalaga na nakamasid sa labas ng bintana. Si JM naman ay piniling hayaan na lamang ang pananahimik nito at wag na lamang umimik.














Ihininto ng binata ang sasakyan sa tapat ng bahay ng nanay ni Ana. Bago bumaba ay iniabot niya dito ang Stitch Stufftoy dahil nagbabaka-sakali siyang this time ay tanggapin na ito ng dalaga. Hindi naman siya nagkamali dahil agad na itong tinanggap ni Ana. She smiled sincerely and nodded a bit. Sa gesture na iyon ng dalaga ay hindi na napigilan ni JM ang mapangiti ng mas malawak. Pakiramdam niya kasi, unti-unti ng bumubuti ang lahat.

"You sure, uuwi ka pa? It's kinda late narin o. Uhm, I think mom wouldn't mind naman if you stay until tommorow. Free naman 'yung guest room," sinserong paanyaya ni Ana. Nagtataka man sa biglang pag-iba ng mood ng dalaga; from scared to serious to sweet, hindi na umalma pa si JM at nakisakay nalang.

"Hindi na. Medyo maaga din kasi trabaho ko bukas so baka mahassle pa if I'd stay here. Marami namang dumadaan na taxi so wala rin magiging problema," pagtanggi ng binata habang unti-unting binubuksan ang pintuan sa driver's seat. "Kaya mo na bang i-park or-

"I can handle. Thank you for driving me home," pasasalamat ng dalaga.

Napangiti si JM bago tuluyang mag-step  out of the car. Muli niyang sinulyapan si Ana na ngayon ay lumilipat na sa driver's seat upang maipark na ang sasakyan. Bumusina narin ito upang ipabukas ang gate.

"Take care, okay? Text me if you get home."

Literal na napanganga at nanlaki ang mga mata ni JM nang marinig iyon mula sa dalaga. He wasn't expecting that she would say those words lalo na't hindi pa naman sila fully okay. Habang pinagmamasdan ang sasakyan na papasok sa loob ng gate ay wala sa sarili niyang ikinaway ang kamay kahit hindi naman siya sigurado kung nakikita pa ba ni Ana ang ginagawa niya oh hindi.

She's A FeMANineWhere stories live. Discover now