Bestfriend -Slash- Bedmate (P...

By iloves14

18M 146K 13.3K

"Marunong ako mag-seryoso ng babae....... At yun ay pag nasa kama kami." -Bryan Cortez More

Bestfriend -Slash- Bedmate
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
AUTHOR'S NOTE
Chapter 25
Chapter 26
RESTRICTED!!!
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51 (THE WEDDING)
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
.....Ever After? (Epilogue)
Author's Final Message
"NEW STORY" Alert ni Ms. Author. ;D
Update: New Story (Red Room of Pain)

Chapter 46

150K 1.4K 85
By iloves14

~Chapter 46

**

Erika's POV 

5 hours pa lang siguro ang nakakalipas mula nung dumating kami dito sa..Europe.

Ang sakit isipin na sobrang layo na namin sa isa't isa.

Hindi 'ko alam kung okay na ba siya, nagamot na siya, kung kumakain ba siya.. 

Simula nung umalis kami, hanggang ngayon, si Bryan lang yung tumatakbo sa isip 'ko. Hindi ako sanay nang hindi siya kasama.. Para 'kong masisiraan ng bait dito. Wala ako sa wisyo.

Sa isang hotel ako nag-stay kasi ayokong tumira sa bahay namin dito kasama si Daddy. 

Kahit cellphone at laptop 'ko, kinuha niya para mawalan kami ng communication ni Bryan. 

Nararamdaman niyo ba kung gaano kahirap at sakit yung nararamdaman namin ngayon? :|

*knock.*knock.* 

Si Daddy..

May mga nilapag siyang paper bags sa table. 

"Ipinamili ka mommy ni Phil. Gamitin mo daw yan dito." sabi niya.

"Kaya 'ko naman mag-isa. Hindi ka sana nag-abala." sabi 'ko nang wala talagang pakielam.

Tinalikuran 'ko siya at humarap sa bintana..

"Matagal 'ko nang inayos lahat ng papeles at requirements na kakailanganin mo para sa University na papasukan mo dito. 1 week ka na lang papasok, kaibigan 'ko naman yung may-ari ng University na yun. After nun, 1 month ka mag t'training at..." nakakarindi lahat ng sinasabi niya kaya hindi 'ko na siya pinatapos.

Humarap ako sa kaniya nang blanko ang ekspresyon.. "Kaya niyo lang ako pinilit dalin dito para ikulong at pasunurin sa planong ikaw lang ang magiging masaya? Napaka selfish mo." 

Tiningnan niya lang ako at nag-salita na ulit. "After mo mag-training, ikaw na ang magpapatakbo ng kompanya. Magpahinga ka na. May pasok ka pa mamaya." sabi niya at lumabas na ng unit 'ko.

Napaupo na lang ako sa kama at napasapo sa ulo 'ko. Hindi 'ko na naman mapigilang umiyak sa mga pangyayari. Nahihirapan ako. Hindi 'ko alam kung paano at saan magsisimula ng bago. 

Napatingin uli ako sa bintana.. Napatingin ako sa mga bituin. At habang umiiyak, napangiti ako nang may maalala ako..

Flashback... 

"...Hayyy.. Ang ganda ng mga stars oh." sabi 'ko.

"Para sa'kin, wala na lang yang mga yan." sabi ni Bryan..

 

 

"Bakit naman?" kunot noo 'kong sabi.

 

 

"Eh naabot 'ko na kasi yung bituing pinapangarap 'ko noon." sabay hawak sa kamay 'ko. "Tingnan mo, hawak 'ko pa yung kamay niya." 

 

 

 "You are my only star. The brightest star of my darkest nights. The star that gives brightness into my life." 

 

 

"Ikaw lang ang pinangarap 'ko sa mga bituin na yan. At ngayong nasa akin ka na, hindi na uli kita hahayaang masama sa mga bituin na yan at pangarapin ng iba." 

 

 

"Para sa'kin, isa ka sa mga bituin na yan." sabi 'ko kay Bryan..

 

"Bakit? Hindi ba pwedeng ako lang?" sabi niya.

 

 

Napangiti ako. "Kasi ganito yan. Nakikita mo ba yang pinaka maliwanag na bituin? Para sa'kin, sa dinami-dami ng mga bituin na yan, ang pinaka makinang ang pumukaw ng atensyon 'ko. At ikaw yun. Sa dinami'dami ng lalaking dumaan at dadaan sa buhay 'ko, ikaw ang pinaka tumatak dito." itinuro 'ko ang mga mata 'ko. "Dito.." itinuro 'ko naman ang utak 'ko. "AT, DITO.." syempre, itinuro 'ko sa puso 'ko.

 

 

Napangiti naman si Bryan at niyakap ako. 

Napatawa naman siya. "Joke lang. I love you so much baby. Words are not enough to express everything that I have for you. I love you."

End of Flashback... 

Kailangan 'kong maging malakas. Kailangan 'ko uling kayanin at gawin lahat 'to para makabalik na uli ako sa Pilipinas..

Kahit na alam 'ko na sa pag-balik 'ko..

Maaaring, may iba na siya at masaya na siya. </3

Naligo na ako at nag-ayos. Pang-gabi yung klase 'ko. 

Pag-labas 'ko ng unit.. Nakita 'ko si Phil na nakasandal sa pader.

Hindi 'ko na lang siya pinansin at nag-lakad na.

"Erika.." 

Tumingin lang ako sa kaniya. "Ihahatid na kita." sabi niya.

"Hindi na. Kaya 'ko ang sarili 'ko." tumalikod na uli ako.

"Doon din naman ako mag-aaral eh. Ikaw pa lang ang kakilala 'ko. Baka pwedeng..." 

Tumingin ako sa orasan at hindi na siya pinatapos. "Male-late ako.." hindi 'ko na siya hinintay at umalis na.

\

/

\

/

Bryan's POV

(Play and listen to the video.. -->)

"Bryan? Bryan!" rinig 'kong sigaw ni Ate sa labas.

Simula kasi umuwi ako dito sa condo, hindi na ako lumabas.. Kalat-kalat na dito sa kwarto yung mga bote ng alak na ininom 'ko. Hindi 'ko na nga alam kung nakakailan na ako eh? 

Hayaan niyo na 'ko. Ito lang naman yung paraan para makalimot ako sandali eh. Ang sakit sakit.

Wala manlang akong balita kung nasaan na si Erika. Kung ginaganun pa rin siya ni Tito. 

Kahit lalaki ako.. Aaminin 'kong kanina pa rin ako iyak ng iyak. Lalo na't andito ako sa kwarto namin ni Erika. Wala akong ibang magawa kundi ang maalala lahat. 

Flashback...

"D-doon na k-kami titira b-baby.. H-hindi 'ko alam k-kung kelan ako b-babalik.." nagsisimula nang tumulo ang luha niya.

Niyakap 'ko siya ng mahigpit. "Hindi." matigas 'kong sabi. "Hindi ako papayag. Hindi ka sasama sa kanila. Lalayo tayo baby. Hindi ako papayag na maghiwalay tayo. Hindi pwede. Hindi 'ko..k-kaya.." my voice broke down. I started to cry..

Humarap siya sa'kin at pinunasan ang 'ko.

"Gumawa tayo ng paraan. Sasama ako sa'yo.. A-ayokong umalis. A-ayokong iwan kayo lahat dito.." 

End of Flashback..

Napabalikwas ako sa kama at nadampot 'ko na lang yung vases dito at naibato.

"Sabi 'ko lalaban kami parehas! Sabi 'ko ayokong magkahiwalay kami! Sabi niya, mahal niya 'ko! Pero lahat yun nabalewala kasi lahat kayo, wala kayong gustong gawin kundi ang paghiwalayin kami! Gusto niyo na lagi kaming nahihirapan!" nagdudugo na yung mga kamay 'ko sa mga bubog pero wala akong pakielam. Gusto 'ko lang umiyak, gusto 'kong ilabas lahat ng nararamdaman 'ko.

Hanggang sa nakapasok na si Ate Bea..

"Bryan, Bryan.. Calm down.." umiiyak na din si Ate. "Please.. Tahan na. Tumigil ka na. Kayanin mo, dapat mas maging malakas ka." 

Naitapon 'ko yung natitirang vase.. "P-paano ako magiging malakas kung wala na siya?! Ate! Sa kaniya lang naka depende ang buhay 'ko! Nakuha 'kong mag-seryoso sa buhay dahil kay Erika! Siya lang! D-dahil sa kaniya kaya 'ko nakukuhang maging malakas at lumaban noon! Pero ano? Isa ka sa mga dahilan para magkahiwalay kami! P-pare parehas lang kayo..! A-ayaw niyo kaming maging..m-masaya! Pare-parehas lang kayo!" sigaw 'ko habang umiiyak. 

Lumapit sa akin si Ate at niyakap ako.. Napaupo na lang kami habang umiiyak.

"Ate.. Gusto 'ko na uli siyang makita.. H-hindi 'ko kaya na w-wala si Erika.. Siya lang ang buhay 'ko.." 

"Hindi mo pa naiintindihan Bry.. H-hindi pa huli ang lahat. May magagawa ka pa para sa inyo. At alam 'ko, m-may ginagawa din si Erika para magkasama uli kayo.." paliwanag sa akin ni Ate habang hinahaplos yung likod 'ko.

Tumungo ako.. "H-hindi 'ko alam kung.. Kung kakayanin 'ko pa.. K-kailangan 'ko siya.. K-kailangan 'ko siya dito.." 

******************************************************************************************

A/N:

Nag-UD na uli ako kasi magiging busy na naman ako. Pasensya na po talaga kung lagi kayong bitin at naghihintay sa matagal kong update. Nakukuha na lang po talaga ng oras 'ko sa school yung time para sa ibang bagay. (drama XD) Pero as long as nakakakuha naman ako ng libreng oras, nag a-update naman ako. Mahirap din po kasi mag-isip ng kung ano yung iu-UD, lalo na kung minamadali. Negative comments? OKAY LANG. :) 

Matatagalan siguro uli ang UD. I think, sa weekend na uli. Pasensya na po. Pasensya na talaga.

SALAMAT! 

-iloves14

Continue Reading

You'll Also Like

152K 1.2K 38
Dahil sa isang mapait na nakaraan Enna never opened her heart again to anyone. Pero sa pagdating ni Harold sa buhay nya ay nagbago ang lahat . At...
1.8M 125K 45
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
2.5M 34.4K 58
Eight persons in a house. One man. Seven women. Relationship with each other? None. Just TOYS and a master. Sex slaves? Nah. Definitely morethan that...
44.1K 1.3K 25
A girl named Thalia grew up longing for love and acceptance. Until a man came into her life to make her realize that she don't need to be perfect to...