Malapit na pasukan ibig sabihin ay magiging busy na ulit ako. Study first before anything else... pero dadalaw-dalaw ako dito kahit minsan, salamat sa mga nakausap ko dito!
Alyssa's POV
Now that I have Kean Mendrez ay ayaw ko na siyang pakawalan. Sana magkaroon na lang siya ng amnesia ng makalimutan na niya yung nangyari sa kanya at hindi niya matrauma at para masabi kong ako ang Girlfriend niya.
Ang sama ko ba? Ganito ba talaga ang naidudulot ng pag-ibig? Lahat ay hahamakin mo masunod lang ang iyong gusto? Ayokong gawin ito dahil hindi naman ako masamang tao pero parang may naguudyok sa akin.
Kahit sandali lang sana makakalimot siya para makapiling ko siya kahit sandali. Sana bago siya makaalala ay magkaroon man lang kami ng bonding moment na maaari kong itreasure. Iyon lang naman ang gusto ko.
Kung sakali mang may mahal na siyang iba ay wala naman akong magagawa roon dahil hindi ko naman pwedeng turuan ang puso niyang mahalin ako.
Maya-maya ay nagising na siya. Bigla siyang napatayo sa kanyang kinahihigaan. "Nasaan ako? Sino kayo? Paano ako napunta rito?" Sabi niya na sobrang confused.
Inalalayan ko siya para Humiga. "Huminahon ka lang, huwag kang mag-alala dahil ligtas ka na. Natagpuan kita sa may pampang siguro sumabog yung sinasakyan mo kaya ka napunta rito sa lugar namin." Sabi ko at kinukumutan ko siya.
"Salamat nga pala sa pagliligtas mo sa akin. As soon as possible kailangan ko ng makauwi sa amin marahil nagaalala na sa akin yung mga mahal ko sa buhay. Pati na yung girlfriend ko." Sabi niya.
Sabi ko na nga ba at may mahal na siyang iba kaya wala talaga akong pag-asa sa kanya kahit kailan. Ang sakit sa side ko noong narinig kong sambitin niya iyon kaso wala naman akong magagawa, sino nga ba naman ako sa buhay niya diba?
Pakiplay po yung song sa gilid entitled HELP ME GET OVER BY JONALYN VIRAY, Enjoy reading while listening to the Music, Read with Emotion! Para mas mafeel mo!
---------------------------->
♪♪♪♪♪♪
I know that this wound will bleed again
Now I am here right beside the one I love
I see he's in love with someone else
Now I know I just got to let him go
Because it's over,
Help me get over
♪♪♪♪♪♪
"Saktong-sakto pa yung kantang pinatugtog ni Lola sa radio na patama sa akin. Ito na bang ang theme song ko sa kanya Help me get over? Sabi na nga ba at magdurugo na naman itong puso ko. Oo katabi ko nga siya ngayon kaso panandalian lang dahil may iba na siyang Mahal at wala talaga akong pag-asa para sa kanya. I need to let him go kung ayokong masaktan lalo."
♪♪♪♪♪♪
I don't know what to do
There is no easy way of letting go
But I know there's no sense
In holding on too much to something fading
Help me, help me
Help me get over you
♪♪♪♪♪♪
"Hiniling ko pa nasa makakalimot siya sandali para magkaroon naman kami ng moment kaso hindi natupad dahil masama ang aking motibo. Non-sense lang kung magpapakatanga ako sa kanya dahil ako lang din ang masasaktan kung gagawin ko iyon."
♪♪♪♪♪♪
Now I see, you're so happy with her
Deep inside I just don't know what to feel
Oh, I am sure, you don't need me anymore
So I'll go on, Try my best to just move on
Now that it's over, I got to get over
♪♪♪♪♪♪
"Alam kong hindi kita mapapasaya dahil may iba ng nagpapasaya sayo kaya parang ayoko ng magpakilala sayo dahil mas lalong masasaktan lang ako. Siguro nakalimutan mo na ako dahil wala naman ako sayo eh tsaka matagal na iyon."
♪♪♪♪♪♪
I don't know what to do
There is no easy way of letting go
But I know there's no sense
In holding on too much to something fading
Help me, help me
Help me get over you
♪♪♪♪♪♪
"Wala talagang naidudulot ang pag-ibig na mabuti kung hindi naman mahal ng taong mahal mo kaya parang nagpapakatanga ka lang at niloloko yung sarili mo. Alyssa, gumising ka sa katotohanan!"
♪♪♪♪♪♪
I know I've got to leave it all behind
Somehow I'll try to get you off my mind
So tell me what to do
Help me get over
♪♪♪♪♪♪
"Hindi ko alam kung bakit baliw na baliw ako sayo na para bang may pinakain ka sa akin para magayuma ng ganito. Kailangan ko talagang kalimutan ang lahat tungkol sayo para hindi na ako nasasaktan ng ganito. Ngayon tell me! Paano kita makakalimutan?"
♪♪♪♪♪♪
I don't know what to do
There is no easy way of letting go
But I know there's no sense
In holding on too much to something fading
Help me, help me
Help me get over you
Help me get over you
♪♪♪♪♪♪
Naupo ako sa isang sulok para lumayo muna sa kanya at para mabawasan yung sakit na nararamdaman ko. Tapos hindi ko napansin na umiiyak na pala ako.
"Hey miss, bakit ka umiiyak? Anong reason?" Sabi niya.
Naalala ko tuloy na itong linya rin na ito yung sinabi niya sa akin noong nakita niya ako sa waiting shed. Bakit ba siya ganito? "Ah wala lang may naalala lang ako." Sabi ko.
"Alam mo ba, may naaalala tuloy ako sayo. Kasi dati noong high school pa ako sa dati kong school ay may naencounter akong babaeng umiiyak. Ang reason niya ay hindi daw siya makauwi ng bahay nila dahil wala siyang payong kaya binigay ko sa kanya yung payong ko at panyo. Kamusta na kaya yun?" Sabi niya at umupo sa kanyang kinahihigaan. Kubo lang ang bahay namin dahil probinsya nga diba.
Naaala niya pala ako. Ang akala ko nakalimutan na niya ako kaya medyo sumaya tuloy ako. Gusto kong malaman kung bakit ba siya lumipat ng school. "Eh bakit ka nga ba lumipat ng school? Tsaka paano kapag nagkita ulit kayo ng babaeng iyon ano gagawin mo?" Tanong ko.
"Lumawak na kasi business namin noon kaya lumipat kami ng tirahan na kung saan ay malapit sa Company namin. Sayang nga at hindi ko man lang nakita yung girl bago ako umalis, tinuring ko na rin siyang kaibigan. Siguro, yayakapin ko yung girl dahil namiss ko siya." Sabi niya at ngumiti.
Kaya naman pala siya lumipat ng school ay may reason. Tsaka tinuring na rin pala niya akong kaibigan sayang at hindi man lang siya nakapagpaalam sa akin. Kaya naman tumayo ako sa kinauupuan ko at niyakap ko si Kean ng mahigpit na ikinagulat niya na mas lalong ikinagulat ko ng yakapin niya rin ako.
★★★★★★
Elmo's Note:
Alam na kaya ni Kean na ito yung babae noon? Magiging hadlang kaya si Alyssa sa pag-iibigan nina Kean at Krissa?
KEYSSA BA KAYO O KRIAN? DROP YOUR COMMENT BELOW! AND DON'T FORGET TO VOTE!
Quote
Never assume someone likes you by their sweetness.
Sometimes, you're just an option when they are bored.
*risingservant*