Chapter 20: Vacation Part 5: Boat
Zandra's POV
Oh noo!!! 3 days na lang before kami umuwi ng Philippines.
April 30 pala ngayon... end of the month na.
Ayun, this past few days, puro kami pasyal.
shopping
kain
pasyal
shopping
kain
at di mawawala ang mga...
PICTURES!!!!
Pero this day, nireserve talaga namin para sumakay ng gondola sa Venice Canal.
Exciting 'to!!!
Ayan, ako ito, nagbibihis na.
Simple lang naman,
shorts,
belt,
flats
and syempre,
yung shirt namin ni Zandy nituck-in ko!
Lugay lang ako with hairband.
**knock knock
"Zandy, diao lo ba? Gunbe ki lo daw eh (done ka na ba? aalis na daw tayo eh)." tanong ni Zandy.
"Tanne (wait)." sagot ko naman.
Hmm aayusin ko pa hair ko, suklay...
yey! VIOLA!
**open door
"Oh, ok na ba Zandy?" tanong niya sabay smile.
"Yaah! perfect!" sabi ko naman and again, he held my hand. "Ikaw din ang cute and gwapo as always."
"Uhh... yeah..."
Teka. Bat ba 'to lumulungkot? Pinupuri na nga. Hussshhh abno.
Pero in fairness, ang cute ng shirt sa kanya!
Tapos suot nya din yung necklace niya and ako din syempre!
"Yiiii ang cute talaga ng anak ko." bati ni mommy sakin pagkababa namin ni Zandy.
"Aba, ayos pala yang shirt niyo ah." sabi naman ni tita.
"Thanks ma and tita!" pagpapasalamat ko.
"O, ready na yung kotse, ready na kayo?" tanong ni dad pagkapasok ng bahay.
"Ready!"
Habang nasa van,
sa harap si dad and tito,
sa next row si tita and mommy,
sa last, ako and si Zandy.
Ang tahimik ni Zandy. Ano kaya problema nito?
Wag ko na lang siguro pansinin. Baka sumakit lang ulo?
Argh teka nga.
"Hey ano—"di niya natapos yung sasabihin niya kasi bigla kong hinawakan yung noo niya.
Hmm... di naman sya mainit.
"O, di ka naman mainit ah... kanina ka pa tahimik diyan..." sabi ko.
"Okay lang ako, dont worry..." sabi naman niya.
"Okay sige!" sabi ko.
"We're here!"
Woooww ang ganda naman dito!
2 na ng hapon pero di naman masyado mainit dito.
Dito na kami sa Venice Canal.
"Okay so we'll rent 2 boats, sa isang boat, kami ni Pat, Zean and Tel.. para makabond naman tayo. And you two bestfriends sa isa." sabi ni tita.
Yahh! Lagi na lang 'tong si tita ahh, nahahalata ko na 'to.
Lahi kami pinapagsama ni Zandy.
Pero okay lang!
"Sure tita! Mom, yung dslr, akin muna hahaha meron naman po si tito Pat." sabi ko sabay abot ng kamay ko kay mommy.
"Here." sabi niya sabay abot ng camera sakin.
Hinarap ko si Zandy ay inakbayan.
"O, Zandy, tara na?" aya ko.
"Sige." sabi niya.
Bat ba sya tahimik and malungkot?
Hayy..
Okay, Zandra this ride will be your chance to talk to him.
"La vista del tramonto qui nel canale e molto bello (the sunset here in the canal is very beautiful)." sabi ng tour guide.
"Sicuro che sara in sella fino al tramonto (sure, we'll be riding till sunset)." sagot naman ni daddy.
"Sodervi il vostro viaggio (enjoy your ride)." sabi nh tour guide.
"Jey Zandy, did you hear that? We'll be seeing the sunset here." sabi ko sabay smile.
"Well... that would be ex...citing..." sabi niya.
Hayy... di sya mukhang excited.
Ayan sumakay na kami...
Uwaaw!!!
Ang saya naman dito!
picture dito picture doon
pict—
natapat yung cam ko kay Zandy.
**click
Tinignan ko yung picture niya...
ang lungkot nya tignan dito..
para bang may iniisip na malalim.
"Hey, Zandy...really... what's bothering you?" tanong ko. Nag-aalala na talaga ako.
"Zandy, anong type mo sa lalake?" tanong niya habang nakatingin sa malayo sa bandang side niya.
Ano daw? Bat nya tinatanong?
"H-haa? Bakit?" sagot ko.
"Wala naman..."
"Hmm... ako, ang gusto ko lang yung palaging nasa tabi ko.....(tulad mo....)" sagot ko sa niya niya.
"Ahh... kasi ako, simple lang naman gusto ko sa babae..." sabi niya habang nakatingin padin sya sa malayo.
"Ano bang hinahanap mo sa babae?" tanong ko naman.
"Simple lang... yung tanggap ako kung sino ako..." sabi niya sabay tingin sakin "... tulad mo."
O-oh...ano ba 'tong sinasabi nya...nagtatapat na ba 'to? Ayyiiiieee!
"...kaso yung babaeng gusto ko, hindi naman ako tanggap... pero gusto ko pa din sya... si Krissy." pagpapatuloy niya.
Ouch. Lesson: wag maging assuming masyado... masasaktan ka lang.
Tumingin na lang ako sa side ko... baka kasi tumulo yung luha ko.
Ayokonh makita nya kong ganon. Gusto ko, ang makita nya sakin,
STRONG.
hindi fragile.
"Bat mo pala natanong?" tanong ko.
"Mmmm... kasi... you always say... well hmmm"
"Hhmm what?"
"That I'm handsome." sabi niya.
Napatingin naman ako sa kanya... namumula na siya.
"Hahahaha! Of course you are. Ikaw lang ayaw maniwala sakin." sabi ko.
"Kung ganon... bakit di ako magustuhan ni Krissy?" tanong niya.
Dahil BULAG SIYA.
"Di lang niya narirealize... ako kasi lagi kitang nakikita kaya mapapansin ko talagang gwapo ka." sabi ko.
Napahwak siya sa mukha nya... then sa buhok niya.
"Zandy...pwedeng favor?" tanong niya.
"Mmm... sure anything for you."
"Pwede mo ba kong baguhin?" tanong niya ulit.
Haa? Baguhin?
"Ha? In what way?" tanong ko naman na naguguluhan.
"Transform me. I mean make me like other guys. The typical handsome guy." sagot niya.
Ano ba sinasabi niya, okay na sya ah?
"But you're special the way you are now... no nee—"
"Please Zandy?" pagmamakaawa niya.
Ano pa bang magagawa ko... Hay...
"Sure, when we get home, I'll help you." sabi ko.
Tumayo siya ng dahan dahan at tumabi sakin. Again, he hugged me tight. "Thanks so much! I owe you everything!" pagpapasalamat niya tapos kiss sa forehead ko.
I gave him a one weak smile...
with that, we saw the sunset...
Gaya ba ng sunset na ito, mawawala na din yung totoong Zandrick na kilala ko?
Yung uniqueness in him?
Magagawa nyang magbago...
para sa...
babaeng gusto niya.
yung mahal na ata niya.
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
You can follow me on twitter: @stupidly_inlove :)