Every Step Away

By rmloveitachi

229 10 0

When true love arrives. She's willing to fight for love. But what if, the one she love will not gonna do the... More

Till I Met You 1
Till I Met You 3
Till I Met You Finally:
Can This Be Love 1
Can This Be Love 2
Can This Be Love 3
Changes In My Life
Changes In My Life
Every Step Away: In A Relationship
In a Relationship 2

Till I Met You 2

41 1 0
By rmloveitachi

This Chapter is dedicated to: cristinequintanaKing:-D

"Mahal kung dilag." gulat na napatingin si Claire sa kanyang tagiliran ng may lalaking walang babalang hinawakan ang kanyang kamay. "Labis- labis ang bilis ng tibok ng aking puso nang ika'y aking masilayan. Kung iyong mamarapatin.."napatalon siya sa kinauupuan ng lumuhod ito sa kanyang harapan. Naramdaman niya rin ang pag-init ng mukha ng makitang halos lahat ng tao mapa-customer man o mga crew ay nakatingin na sa kanila. "Hayaan mong ialay ko ang aking puso sa iyo magandang dilag." kinikilabotan din siya sa mga pinagsasabi nitong parang galing pa sa panahon ni Rizal. "Sa buhay na wala ka ay tila isang malaking espasyo ang kulang. Ngunit sa pagdating mo labis na katuwaan ang aking naramdaman." palakpakan at hiyawan ang sumalubong sa kanila ng akayin siyang tumayo ng lalaki at titigan sa mata ilang pulgada lamang ang layo sa kanyang mukha. Sasawayin niya na sana ito para tumigil na pero natigilan siya ng mabistahan ang hitsura ng suot nitong damit. Para itong character sa isa sa mga kwento ni William Shakespeare na si Romeo.

Hindi niya maintindihan ang nararamdaman dahil imbes na magalit sa kahihiyang ginawa nito ay hindi niya maiwasang matawa. Tinakpan niya ang bibig para pigilan ang sariling mapahagalpak ng tawa. Ngunit hindi siya nagtagumpay na supilin iyon. "Kinilig ka?" bakas ang katuwaan sa mukha ng lalaki. "Nagustuhan mo ang pag-arte ko? It's convincing right?" tuwang- tuwa siyang kinabig nito at niyakap.

"Teka. M- mister.. Nagkakamali ka."Mabilis siyang lumayo mula sa pagkakayakap nito.

"My lady. Your my inspiration. Till our next......" pagbigkas nito sa isa sa mga linya sa libro ni Shakespeare. Kung paano ito kabilis na sumulpot ay ganun din ito kabilis na nawala sa harap niya.

"T-teka Mister. Nagkakamali ka ng iniisip." ang pagpoprotesta niya ay nauwi na lang sa hangin dahil nakalayo na ang lalaki.

"I'm sorry for the trouble he caused." hinging paumanhin ng lalaking nakasalamin ng makapal at may bitbit na itim na notebook. Awkwardness are all over his face. He vow down before he bolted out.

Muli namang nagpatuloy sa kani- kanilang ginagawa ang mga taong nakiosyuso sa nangyari kanina. Hindi pa rin siya makahuma ng maramdaman ang pagkalabit ng kaibigan.

"Sino ba iyon?"nagtatakang tanong ni Cath. "Gwapo sana kaso ang weirdo."

"Ang weird niya nga. Hindi naman sa pag-arte niya kaya ako natawa. Dahil iyon sa itsura niyang mukhang Japanesse na Romeo." nagmamaktol niyang sabi at naupo muli habang inuubos ang paboritong kape.

"Pero aminin mo kinilig ka di ba?"

"Anong ibig mong sabihin? Kinilig saan?" kunot- noong tanong niya.

"Doon sa ginawa ng gwapong lalaki."

"Hay naku. Gwapo nga mukha namang may sapak sa ulo."

"Sa tingin mo?" nagtatanong nitong tiningnan si Cath.

"Sa ginawa niya kanina hindi na kailangang itanong iyan." ani Cath.

"Parang ang layo naman ng hitsura noon sa taong may saltik. Basta ako malakas ang pakiramdam kung magkikita kayo ulit ng lalaking iyon.Kapag nangyari iyon isa lang ang ibig sabihin..."

"Siya ang ka-red string ko." balewalang pagpapatuloy niya sa sinasabi ni Angelie. "O siya hindi pa ba kayo aalis? Tapos na ang breaktime niyo."

"Ay oo nga pala. Tara Cath." nagmamadaling tumayo na ang dalawa.

Natatawang hinalikan niya sa pisngi ang dalawa bilang pamamaalam bago ang mga ito umalis para pumasok.

Binuksan niya naman ang kanyang laptop at mabilis na nagtype. Hindi siya nagbibiro sa mga kaibigan ng sabihin niya kaninang makakagawa siya ng istorya mula sa waiter. Dahil ngayon pa lamang ay marami ng mga nagsulpotang ideya sa kanyang utak. Mabilis niyang isinulat ang lahat.

Nasa kalagitnaan na siya ng matigilan dahil lumabas bigla sa kanyang balintanaw ang hitsura ng lalaking mukhang Hapon.

"In fairness mukha nga siyang gwapo. Hindi ko lang masyadong natingnan ang mukha niya dahil sa klase ng kanyang suot ako mas napatingin." mahinang pagkausap niya sa sarili. "Di bale mas marami pa naman akong mahahanap na lalaking peg na pwede kung gawing bida. pagkonsula niya sa sarili dahil nakaramdam siya ng panghihinayang na hindi ito natingnan nang maayos. Makalipas ang ilang oras ay kontentong pinasadahan niya ng tingin ang nagawa. Nagpasya na siyang tumayo at umalis ng coffee shop. Bago makalabas ay mabilis siyang pinagbuksan ng pinto ng babaeng isa sa mga tauhan ng shop at nakangiting nagpaalam.

"LOLO PING nandito na po ako." malakas niyang pagtawag sa kanyang lolo. Si Crispin Montecillo ang pitong- put dalawang taong gulang na lolo niya na nagaruga at patuloy na nagmahal sa kanya. Ito ang pinakamahalagang tao sa buhay niya.

"Oh, apo nandiyan ka na pala." sa gulang nito ay maliksi pa itong kumilos at malakas na labis niyang ipinagpapasalamat sa araw- araw. "Siya nga pala nag- order si Mrs. Almarin ng longganissa. Kailangan niya na daw mamayang hapon."

Bukod sa binibigay na pera ng kanyang ina ay mayroon ding isang maliit na pagawaan ng longganisa ang kanyang lolo na pinagkukuhanan nila ng ikabubuhay. "Sige po ako ng bahala 'dun."

Matapos makapananghalian ay lumakad na siya para ihatid ang longganisa. At dumiretso sa pagawaan. "Aba Claire, kami na ang bahala dito."

"Hayaan niyo na po ako Mang Abner. Wala naman po akong gagawin ngayon. Mukhang ang dami po ngayong order na longganissa." kinuha niya ang plastic gloves at tumulong sa pagbabalot ng mga longganissa.

"Oo. May nagbukas kasing bagong carenderia doon sa kabilang baranggay. Nakuha ng lolo mo na tayo na lang ang magsupply sa kanila ng longganissa."

"Talaga po. Wala pa ring kupas si lolo sa paghanap ng customer." masiglang nagpatuloy siya sa paggawa ng longganissa kasama ang ilan pa sa kanilang mga tauhan.

Hindi maipinta ang mukha ni Claire. Kanina niya pa paulit- ulit na binabasa ang bawat salitang nakasulat sa kanyang ipapasang manuscript. Sa katunayan ay handa niya na iyong ipasa. Pero sa kung anong dahilan ay may pakiramdam siyang parang may mali doon. Muli niyang binuklat sa pinakaunahan ang binabasa. "Baby ano ba ang problema mo? Bakit mo pinapasakit ang brain cells ko?" mahinang pagkausap niya sa manuscript. Alam niyang nagmumukha na siyang tanga sa kanyang kinauupuan sa isang sulok na iyon ng CCM/ Coffee, Cakes & Me. Pero sa ngayon ay wala siyang pakialam lalo't hindi niya mahanap kung ano ang mali sa kanyang manuscript. She sip on her coffee.

"Hi. Problem?"

Nilingon niya ang istorbo sa kanyang pagmo-monolugue. "IKAW." muntik niya nang maibuga ang kapeng iniinom ng makilala ito. Ang lalaking mukhang Japannesse na nakasuot ng Romeo costume last week.

"Relax I know I crept you out from last week incidence. I'm sorry, it's just that when I see you I have this feeling that I can get a reaction that I want for my audition piece." Tiningnan niya kung ano ang suot nito. Baka kasi mamaya kung ano naman ang gawin nito atleast ready na siya ngayon. Hindi na siya mabibigla. Nakahinga siya ng maluwag ng makitang maayos naman ang suot nito.

Isa ba itong theater actor? An artist. Kaya pala pareho lang silang may saltik dahil kung siya ay nakalinya sa art of writing ito naman ay isang theater actor, to be exact base on his costume. May audition pala ito kaya ito nakapang-Romeo na damit nung una silang magkita. Napangiti si Claire.

"I'm glad you still remember me." he brightly smile and the hint of playfulness in his eyes is visible.

"Dahil ikaw lang ang tanging gagawa ng ginawa mo last week."

"Talaga?" nakangiti siya nitong tinitigan. "By the way may problema ka ba? Kanina pa kasi kita tinitingnan, ano ba 'yan?" walang babalang kinuha nito sa kamay niya ang hawak na manuscript. Napatitig siya ditong tahimik lang na binabasa ang manuscript niya. Hindi niya na tinangka pang agawin mula dito ang manuscript. Beside she need someone to read her work. And maybe it won't be bad to hear a comment from a stranger. Stranger dahil hindi pa nila alam ang pangalan ng isa't- isa kahit na nga ba naalala siya nito at sia ay ganun din dito.

She waited with anticipation while looking at him.

"Are you into a relationship?" walang kurap nitong tanong.

"Ha?" clueless niyang tanong.

"Ah, don't get me wrong. Gusto ko lang malaman kung paano ko sasabihin sayo ang napansin ko sa manuscript mo."

"Ah, akala ko.."

"Akala mo ano?"

"Wala. Huwag mo na lang 'yun pansinin. Sa tanong mo naman kung may boyfriend ako. Wala."

"Ah okey." tumawa ito. "By the way you look cute in your scarlet cheek." napahawak siya sa pisngi niya sa sinabi nito. Ganun na ba ka obvious ang pagiging sensitive niya pagdating sa usaping puso?

Continue Reading

You'll Also Like

2.8M 43.5K 14
"Stop trying to act like my fiancΓ©e because I don't give a damn about you!" His words echoed through the room breaking my remaining hopes - Alizeh (...
366K 43K 28
"π’šπ’π’– 𝒄𝒐𝒖𝒍𝒅 π’ƒπ’“π’†π’‚π’Œ π’Žπ’š 𝒉𝒆𝒂𝒓𝒕 π’Šπ’ π’•π’˜π’ 𝒃𝒖𝒕 π’˜π’‰π’†π’ π’Šπ’• 𝒉𝒆𝒂𝒍𝒔, π’Šπ’• 𝒃𝒆𝒂𝒕𝒔 𝒇𝒐𝒓 π’šπ’π’–" ...
499K 27.5K 47
𝐁𝐨𝐨𝐀 𝐎𝐧𝐞 𝐨𝐟 𝐈𝐬𝐑πͺ 𝐀𝐒 𝐝𝐚𝐬𝐭𝐚𝐧 advika: "uski nafrat mere pyaar se jeet gayi bhai meri mohabbat uski nafrat ke samne kamzor padh gay...
229K 3.3K 29
Rajveer is not in love with Prachi and wants to take revenge from her . He knows she is a virgin and is very peculiar that nobody touches her. Prachi...