{COMPLETED} [MFM Book2] Mirro...

By IHeartYongSeo09

49K 993 355

Man in Front of the Mirror{MFM} Book 2. Read the prologue for the plot of this story. Thank You~^^ More

{MMH} Prologue
{MMH} *Ch. 1
{MMH} *Ch. 2
{MMH} *Ch. 3
{MMH} *Ch. 4
{MMH} *Ch. 5
{MMH} *Ch. 6
{MMH} *Ch. 7
{MMH} *Ch. 8
{MMH} *Ch. 9
{MMH} *Ch. 10
{MMH} *Ch. 11 - His Wedding, Sweetness And... New Girl?
{MMH} *Ch. 12 - Rush Wedding Preparation And Phone Talk.
{MMH} *Ch. 13 - Lunch Date? New Friend? And Announcement?
{MMH} *Ch. 14 - Trouble, Unexpected company and...... New Guy?
{MMH} *Ch. 15 - Jealousy here, there and everywhere. ;)
{MMH} *Ch. 16 - Deep Conversation and Indirect Confession?
{MMH} *Ch. 17 - Bonding, 1st Serious Convo and 'See you tomorrow'?
{MMH} *Ch. 18 - 'Yes She Is' + Worst Nightmare? ;)
{MMH} *Ch. 19 - Advance Honeymoon & I'll Be Your Girl. ;)
{MMH} *Ch. 20 - The Chosen One & 'Tomorrow is---' what?
{MMH} *Ch. 21
{MMH} *Ch. 22
{MMH} *Ch. 23.1
{MMH} *Ch. 23.2
{MMH} *Ch. 24
{MMH} *Ch. 25
{MMH} *Ch. 26
{MMH} *Ch. 27
{MMH} *Ch. 28
{MMH} *Ch. 29
{MMH} *Ch. 31 - Jealousy, Hatred And Feeling Betrayed.
{MMH} *Ch. 32 - Behind The Pain: Determination
{MMH} *Ch. 33 - Everything is Getting Complicated.
{MMH} *Ch. 34 - Is There Really A Happy Ending?
{MMH} *Ch. 35 - The Untold Story.
{MMH} *Ch. 36 - His Point Of View (From the start till the present.)
{MMH} *Ch. 37 - Signs.
{MMH} *Ch. 38 - Actions.
{MMH} *Ch. 39.1 - Happy... Ending?
{MMH} *Ch. 39.2 - Happy... Ending?
{EPILOGUE: Together Forever, To Eternity & Infinity.}
*IHeartYongSeo09's Not So Long Note. XD*

{MMH} *Ch. 30

702 17 2
By IHeartYongSeo09

{MMH} *Ch. 30

~GAB’s POV~

Magkakalahating oras na kami dito. Nang sundan ko sya kanina at nalaman ko ang direksyon ng pupuntahan namin, nagkaroon na ko agad ng idea kung saan talaga kame maguusap.

Itong lugar na to. Mukhang eto talaga ang tamang lugar pag maguusap kame ng masinsinan ng isang to. Napa-smirk ako sa naisip ko. Anak ng. Kung nagsasalita lang tong lugar na to baka nabunyag na nya ang mga sikreto namin ni Marc. Tsk.

Simula nung dumating kame dito hindi pa nya binubuksan ang topic na dahilan kung bakit kame nandito ngayon. Pinabayaan ko lang sya. Gaya ng sabi ko, hindi ako ang dapat mauna. Kundi sya. Dahil sya ang may sasabihin at hindi ako.

Dito namin noon pinag-usapan si Clenery. Kung ano talaga si Clenery sa kanya at nakuha nyang ipagpalit ang kwintas na binigay sa kanya ng mama nya para kay Clenery. Dito din sa lugar na to ako sumuko kay Clenery. At dito rin naganap ang pagpapaubaya ko. Dito ko binigay ang blessing ko para sa kanilang dalawa ni Marc. At higit sa lahat, dito ako nanumpa na walang makakapagpahiwalay sa kanilang dalawa kundi ako lang.

Naramdaman ko na huminga sya ng malalim at tumayo ng maayos. Kanina pa kame nakatayo dito at nakatingin lang sa view sa labas. Nag-usap kame ng kung anu-ano pero hindi pa rin napupunta sa dapat na paguusapan naming dalawa.

“Stephen.” Tinawag nya ko kaya napatingin ako sa kanya. Parehas nakapamulsa ang mga kamay naming dalawa. Medyo malamig eh. Sh*t kasi. Ang lakas pala ng aircon dito. -__-

“Do you still remember what I told you that day when we came back here in the Philippines?”

Ahh. Yun ba? Yung araw na pinagulo na naman nya ang utak ko dahil sa mga bilin nya na hindi ko naman maintindihan kung bakit lumabas yon mula sa mga bibig nya.

“Oo. Tanda ko pa.” nakita ko na ngumiti sya ng kaunti. Pero may kakaiba sa mga ngiti nyang yon. Sa tagal kong kakilala si Marc kabisado ko na siguro ang ilan sa mga galaw nya. Pero hindi lahat.

“Ano yung sinabi ko sayo?” tanong nya.

Tumingin akong muli sa harapan at saka sya sinagot, “Sinabi mo na wag kong ibuhos kay Jheszy lahat at wag kong tuluyang bitawan si Clenery. Sinabi mo rin na tuparin ko sana ang pangako ko na bantayan si Clenery kahit kayo ng dalawa.”

Tumango sya at ngumiti, “That’s right.”

“Pero Marc,” naramdaman ko na tumingin sya saken, “Hindi mo ba naisip na torture tong pinapagawa mo saken?” sabay tingin sa kanya.

Ngumiti sya saken, “I know. But I also know that you are strong enough and you can handle that.”

Napangisi ako sa sinabi nya. Loko pala to eh. Ilang beses na ba kong umiyak dahil sa asawa nya? Tss.

“Ano ba talagang problema mo, Marc? Sabihin mo na saken.” Seryoso kong sabi sa kanya pero iniwas nya ang tingin nya sakin.

“Malaki ang problema ko.” seryoso nyang sagot.

“At hindi ko alam kung kakayanin nya ang lahat. Kaya gusto ko na lagi kang nandyan sa tabi nya, Stephen. Alam kong unfair yun sayo at kay Jheszy. Pero wala na kong alam pang ibang paraan para hindi sya bumigay.” Dagdag pa nya.

“Bakit naman nya hindi kakayanin, Marc? Siguro naman maiintindihan ni Clenery kung ano man yang problema mo. At pano bang malaki? Takte naman Marc! Wag ka na ngang paligoy ligoy pa! Diretsahin mo na ko!”

Medyo tumaas na ang boses ko sa kanya. Ayoko kase ng ganito. Bigla akong kinabahan sa mga sasabihin nya. Sh*t. Sana lang mali ang conclusion ko. Sana iba ang problema nya sa naiisip ko.

Ngumiti na naman sya at tumingin saken. Sa mga mata ko. T@ngina. Walang ganyanan Marc. Iba ang kaba na nararamdaman ko ngayon. Sh*t.

“May malaking dahilan ang pag-iwan ko sa kanya noon Stephen. Alam kong alam mo yun. Kaya sinuportahan mo pa rin kaming dalawa. I want to thank you for doing that. And for being with her nung mga panahon na wala ako sa tabi nya. Nung mga panahon na sinaktan ko sya at pinaiyak. To be honest, I was there always. Pinagmamasdan ko lang kayo sa malayo because I can’t be with her that time. Seeing her cry because of me makes me wanna hug and kiss her. It hurts me a lot. To tell you the truth, maraming beses na kong umiyak nang dahil sa kanya. But I realized na may mga bagay talaga na hindi mo agad makukuha sa maling panahon at maling oras.”

Pinakinggan ko lang sya. Nilabanan ko ang mga mata nya na nakatingin sa mga mata ko ng seryoso. Badtrip naman. Baket ako natatakot kay Marc ngayon?

“Kaya ko sinabi ang mga salitang yun sayo ay para makapaghanda ka na bago pa man dumating ang oras na yun.” Napapikit sya at sa muling pagdilat ng mga mata nya ay nakakita na ko ng lungkot sa mga yun. Bakit? Ano bang nangyayari?

“Stephen, I’m leaving.

Nabigla ako sa sinabi nya. Leaving? Anong ibig nyang sabihin dun?

“B-bakit? San ka pupunta?” kinakabahan kong tanong.

“Somewhere.” Yan lang ang sinagot nya sakin.

Napabuga ako ng hangin at tiningnan ko syang muli, “Somewhere? Pwede mo naman sabihin kung saan diba?! San ka ba talaga pupunta, Marc?! At bakit iiwan mo sya? Bakit hindi mo sya isama?! Asawa mo na sya ngayon baka nakakalimutan mo. Kung ano ang sayo yun din ang sa kanya! Mag-isip ka nga!”

Ngumiti na naman sya, “I want to but I can’t.”

“You can’t? Why?” anong pumipigil sayo na isama sya Marc?

Iniwas nya ang tingin sakin at tumingin sa harapan, “She can’t be with me when that time comes. Sa malayong lugar ako pupunta Stephen. At hindi pa yun ang tamang oras para pumunta sya don kasama ko.”

“She can’t be with you again. Palagi nalang bang ganyan Marc?! Pasasayahin mo sya tapos sasaktan mo rin? Ano bang nangyayari sayo?! Akala ko ba mahal mo sya pero bakit ganito? Bakit hindi mo nalang sya pasayahin palagi. Bakit kailangan mo pa syang saktan?”

“I do Stephen. I love her so much that’s why I’m doing this. I need to protect her and lessen her pain. You know how much I love her. I’m willing to sacrifice everything just for her…. Even my life.

‘Even my life’

Paulit ulit na umeecho sa utak ko yan pero hindi ko naman alam ang dahilan.

“What do you mean?”

“I want you to be there kapag nawala na ako sa tabi nya. Alam kong hindi nya kakayanin Stephen. Saksi ka nung mga panahon na iniwan ko sya. 1st heartbreak can change you. 2nd heartbreak can make you cold as ice and 3rd heartbreak---I don’t know. But one thing’s for sure, she will never forgive me after that.”

“Eh di wag mo syang iwan. Ganun lang kadali yon Marc.”

“Yeah. Madaling sabihin Stephen, pero mahirap gawin. It is always depends on the situation. I want to be with her forever. I want to stay by her side every hour, every minute and even every second. Pero kapag ginawa ko sa kanya yun ngayon mas masasanay sya sa presence ko. I don’t want her to suffer more. Kaya kailangan ko tong gawin.” Tumingin sya sakin, “I won’t live that long so I want you to be my replacement.

Sa sinabing yun ni Marc ay parang nanghina ang buo kong katawan. Kung ganun, tama ang hinala ko? Tama ang naiisip ko.

Iniwas ko ang tingin ko sa kanya at tumawa, “That’s bullsh*t Marc.” pinilit kong pakalmahin ang sarili ko pero mukhang ayaw makisama ng mga mata ko.

“Stephen, I want you to listen to me.” tinalikuran ko sya dahil ayokong makita nya ang pagtulo ng mga pesteng luha na to sa mga mata ko, “Stephen. I know mahirap tong pinapagawa ko sayo. But please. Always look after her. Stay by her side when I---I--“ Alam kong hindi na nya matuloy ang sasabihin nya dahil bumigay na din ang mga mata nya.

Bakit naman ngayon pa? Bakit kung kelan masaya na sila?

“Sabihin mo sa kanya to Marc.”

“No! I can’t do that! I don’t want to see her crying. Please Stephen, no. Don’t tell it to her. Please. I’m begging you. Don’t.”

Hinarap ko sya at tama ako. Umiiyak si Marc ngayon. Ang dating walang emosyon nyang mukha ay napalitan ng lungkot at sakit. Ibang klase ka talagang maglaro tadhana. Wala kang patawad.

“Kelan mo pa nalaman?”

“The day after our wedding.”

Tumango tango ako, “Matagal na pala. Anong balak mong gawin ngayon?”

“Nothing. Medyo didistansya lang ako sa kanya.”

“Ano sa tingin mo ang mararamdaman  nya kapag ginawa mo yun?”

“Alam ko masasaktan ko sya---“

“Ano ngayon sa tingin mo ang kaibahan ng pagsasabi sa kanya ng totoo at sa pagtatago ng sikreto mo? Wala naman diba? Dahil masasaktan at masasaktan mo sya Marc. Hindi yun maiiwasan.”

Napapikit sya, “I know. I know. Ayoko lang syang mabigla. Mas maganda yung, yung maramdaman nyang lumalayo ako para hindi sya mas maattach saken.”

Napahilamos ako ng mukha ko, “Kung yan talaga ang gusto mo. Hindi na kita pipilitin pa. Basta gagawin ko lang ang sinabi mo. Yun lang, Marc. Kung mali man ang desisyon mo, Atleast pinayuhan na kita. Sana lang hindi mo pagsisihan yan.”

Tumango sya at tiningnan ako. Hinawakan nya ko sa balikat, “Thank you. I owe you a lot, Stephen. Thank you so much.”

Tinanguan ko din sya, “Para san pa at naging kaibigan mo ko simula pagkabata?”

Ngumiti sya at niyakap ako. Niyakap ko din naman sya. Pero may biglang sumagi sa isip ko kaya napahiwalay ako sa yakap.

“Sandali pala, bakit ka aalis? Anong dahilan?”

Muli syang ngumiti, “It’s hard to explain but this is their fault.”

“Their fault? Who are they?”

Tumingin sya sa harap namin at nagsalita. Dahilan para mag-init ang dugo ko,

“It’s Elycar and Madisson’s fault.”

***

~CLENERY’s POV~

“KUYA MAK!!!!” Tawag ko kay kuya sabay takbo at yakap sa kanya.

Namiss ko sya. T.T Umalis kasi sya at ngayon lang sya nakabalik. Galing syang London para magbakasyon kila tita. Tanggap na nila si Kuya Mak. Syempre wala naman siguro talagang magulang na kayang tiisin ang anak nila. :D

“You’re late, Ery.” Sabi nya sakin habang niyakap din ako. Namiss ko ang pagtawag nya sakin ng Ery. T.T

“Sorry Kuya Mak! Kakabasa ko lang kasi ng text mo sakin. Hehe.” Sabi ko sabay alis sa pagkakayakap.

“Pero namiss kita kuya! Ni hindi ka man lang tumawag sakin! Ang daya! Umalis ka kasi kaagad after nung kasal namin ni Marc.” >.<

Pinat nya ang ulo ko at ngumiti, “Yan ang namiss ko sayo. Yung kakulitan mo. Pasensya na at hindi ako nakatawag. Medyo naging busy lang. Alam mo naman ako na namamahala ng company namin sa London. Pinasa ko muna ngayon kay Papa dahil sinabi ko na uuwi nga ako dito para sayo. At yung kasal nyo, para san pa at magtatagal ako? Pinalagpas ko lang talaga ang kasal nyo. Alam ko namang kayo pa rin hanggang huli. Tss. He’s our captain after all. Hindi madaling sumuko. Pinaiyak ka man nya pero bumawi naman sya. Ganun talaga ang pagkakakilala ko kay Marc. Hahaha.”

Napangiti ako sa sinabi ni Kuya Mak at kumapit ako sa braso nya, “You’re right kuya. I love him.”

“Kitang kita naman.” Nag-umpisa na kaming maglakad ni kuya. Sabi ko kasi sa kanya dito nalang kami sa park magkita if ever na uuwi sya kaya ayun sinunod nya naman ako. May mga restaurant dito sa paligid ng park. Tinayo talaga sila para may makainan ang mga taong tumatambay at nagpupunta dito. Hehe.

“Eh kuya, may nililigawan ka ba ngayon o may girlfriend ka?” tanong ko.

Napatawa naman sya, “As expected itatanong mo yan. Wala akong girlfriend.”

Napahinto ako at nagpunta sa harapan nya na gulat na gulat, “Ha?! Di nga Kuya Mak! Imposible naman yata yan! Ikaw pa?!”

Tiningnan nya ko ng maayos, “Alam mo hindi ko alam kung dapat ba kong matuwa o mainis sa sinabi mo Ery. But believe it or not, I don’t have a girlfriend right now. Sabi ko naman sayo masyado kong busy sa trabaho ko. Ikaw ba naman maging CEO! Makahanap ka pa kaya ng oras kung lagi mong kadikit ang kumpanya nyo.”

Napatango ako sa sinabi nya, “Sabagay. May point ka naman dyan kuya. But I’m proud of you. You really changed.” Nakangiti kong sabi sa kanya.

Ngumiti din sya, “Kailangan eh. Hindi naman na ko bata para maglaro pa. I know my limitations. And thank you for saying that Mrs. Hardy.”

Feeling ko namula ako sa sinabi ni kuya mak. >///< Bakit hindi pa yata ako sanay na tawagin na ganun? >.<

Narinig ko na tumawa si Kuya Mak at ginulo ang buhok ko, “Wag mong sabihin na hanggang ngayon naiilang at hindi ka pa rin komportable na tawaging ganun, Ery?”

Napa-pout ako, “Hindi naman sa ganun kuya, pero kasi. Naninibago lang siguro ako.”

“Naninibago? Ang tagal na din nung ikasal kayo ah. Hahaha.”

“Tama na nga kuya! Wag mo nga akong asarin! Kakadating mo lang eh!” >.<

Inakbayan nya naman ako, “Oo na. Oo na. Namiss lang naman kita.”

“Kailangan talagang asarin mo ko pag namimiss mo ko?”

“Yup. That’s my way of expressing my feelings Ery.”

“Asuuuus. Wag ka nga kuya mak! Maghanap ka nalang ng girlfriend!”

“Diba sabi ko naman sayo? Yung kagaya mo ang gusto kong maging girlfriend. Kaya maghahanap ako ng kagaya mo.”

“Tsk. Tsk. Tsk. Humanda ka ng tumandang binata kuya.” Parehas kaming napatawa sa sinabi ko.

Kaso biglang napahinto si kuya sa pagtawa nang may makita sya.

“Oh. Diba si Shin yun?” sabay turo sa lalaking papasok ng restaurant. May kasamang---

“At sino yung babaeng kasama nya? May girlfriend ba si Shin, Ery?” saka tumingin sakin si kuya mak.

Tiningnan ko yung likuran nung babae. Parang kilala ko sya. Pero girlfriend ni kuya? Ang alam ko nasa Europe ang girlfriend nya ah.

“Tara kuya. Puntahan natin para magkita na din kayo.” Aya ko kay Kuya Mak sabay hila sa kanya papasok nung restaurant na pinasukan nila nung babae.

Pagkapasok namin ay agad kong hinanap si Kuya Shin. Nakita ko naman sya agad na may hawak na menu. Nakaharap sya sa gawi namin tapos nakatalikod naman yung babaeng kasama nya na may menu din.

Lumapit kami ni Kuya Mak sa kanila at nakangiti akong nagsalita.

“Kuya Shin!” tawag ko kay kuya. Agad nya namang binaba yung menu na hawak nya at tumingin samin ni Kuya Mak. Pansin ko naman na nabigla si Kuya Shin nung makita nya kami. Hindi nya siguro alam na umuwi si Kuya Mak.

“Oh. My lady, nandito pala kayo.” Tumayo sya at niyakap ako, “John. Nakabalik ka na pala.” Bati nya kay Kuya Mak at nag-hug din sila.

“Yeah. Kakadating ko lang.” sabi ni Kuya Mak.

“Ah Kuya Shin. Sino sya?” sabay turo ko sa babae na mukhang pilit tinatakpan ng menu ang mukha nya. Bakit kaya?

“Ah. My Lady, ano kase---“

“Huh? Bakit? Kasama mo ba umuwi si Ate Dianne?” si Ate Dianne ang girlfriend ni Kuya Shin. Half Spanish and half Filipina. Mas fluent sya sa tagalog dahil dito sya lumaki. Nakilala ko sya noon sa Europe nung nagbakasyon ako don.

“No. Naiwan sya sa Europe. May kailangan kasi syang tapusin. So---“

“Eh kung ganun, sino yung kasama mo?”

“Hey, it’s okay. Magpakita ka na sa kanya.” Sabi ni kuya dun sa girl.

Unti unti namang binaba nung girl yung menu nya. Nakaabang kami ni Kuya Mak sa kung sino sya.

Nang tuluyan na nyang maibaba ay nagalangan syang ngumiti sakin. Nagulat naman ako nang malaman ko kung sino sya.

“Hi. Clenery.” bati nya sakin na parang naiilang.

Nagtataka pa din ako pero nagsalita ako,

“H-hello, Jheszy.” Nauutal kong sabi.

Tiningnan ko si Kuya Shin na may mga tanong sa mga mata ko.

Bakit nya kasama si Jheszy?

At bakit parang close silang dalawa?

Tiningnan ko sa mata si Kuya Shin at nagsalita ako,

“Kuya, magkakilala kayong dalawa?”

Paano at kelan?

At ano to? Tataluhin pa ni Kuya si Gab kay Jheszy? :/

~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~

WOOOHOOOO!! NAGAWA KO DIN!! HINDI PALA “KONTI” YUNG PINAKITA KONG USAPAN NUNG DALAWA. NILAHAT KO NA. NYAHAHA. GANUN DIN NAMAN. SAKA PARA MAGKA-CLUE NA KAYO DAHIL MATATAPOS NA ITOOOO. LAST 10 CHAPTERS I GUESS? XDD. PURO REVELATIONS NAAAAAA.

AT NGAYON, ANO ANG IBIG SABIHIN NI MARC SA ‘I’M LEAVING’ SPIEL NYA? AT KAILANGAN MAGIYAKAN SILANG MAGBESTFRIEND TALAGA? NYAHAHA. XDD. ANOTHER HEARTBREAK PARA KAY CLENS? >.< TAPOS NAHULI NYA PA SI KUYA SHIN AT JHESZY! AKALA NILILIGAWAN NI KUYA SHIN SI JHESZY. NYAHAHAHA. XDD. MALAMAN NA KAYA NI CLENS NA KAPATID NILA SI JHESZY AT MATANGGAP KAYA NYA ANG KATOTOHANAN? :D AT SI KUYA MAAAAAAK!! NAGBABALIK NAAAA!! SINONG NAKAMISS SA ATING BLACKSHEEP? NYOHOHO. ANO ANG MAGIGING ROLE NYA? TULUYAN NA BA SYANG NAGBALIK O CAMEO LANG? HAHAHA.

LAHAT AY MANGYAYARI SA LOOB NG SAMPUNG CHAPTERS. GUSTO KO SANA SA DECEMBER 16 MATAPOS NA TO. ISASAKTO KO SANA SA 1ST ANNIVERSARY NG MMH~ AKALAIN NYO UN?! MAGWA-ONE YR NA TO? NYAHAHA. XDD. PERO MUKHANG DI KERIBELS EH~

ANYWAY, THANKS SA MGA NAGFOFOLLOW SAKIN! SUPER LOTS OF <33333

 VOTE COMMENT FOLLOW ME~ THANK YOU~

I♥YongSeo09

Continue Reading

You'll Also Like

225K 4K 87
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...
377K 19.7K 31
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
3.7M 100K 63
[PROFESSOR SERIES I] Khione Amora Avila is a transferee student at Wesbech University who aimed to have a fresh start. She only had one goal in life...
3M 183K 60
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...