The Four Bad Boys And Me (Pub...

By blue_maiden

325M 6.7M 3.3M

[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang... More

Prologue
Chapter 1: First Kiss
Chapter 2: Assuming?
Chapter 3: Detention
Chapter 4: Facebook
Chapter 5: Trouble
Chapter 6: Manwhore
Chapter 7: Guilty
Chapter 8: Curious
Chapter 9: Bad day
Chapter 10: Dougie King
Chapter 11: Mystery Guy
Chapter 12: Prince Charming
Chapter 13: Friends?
Chapter 14: Mall
Chapter 15: Spy
Chapter 16: Why me?
Chapter 17: Yes or No?
Chapter 18: Make Over
Chapter 19: Gandang di inakala
Chapter 20: Music is Love
Chapter 21: Kupal
Chapter 22: Fiancé
Chapter 23: Party
Chapter 24: Confession
Chapter 25: Protective Kuya
Chapter 26: Enemy tayo!
Chapter 27: Date?
Chapter 28: Ice cream
Chapter 29: Sorry
Chapter 30: Preparation
Chapter 31: Pre pageant
Chapter 32: Im your Nurse
Chapter 33: Doraemon
Chapter 34: Birthday Gift.
Chapter 35: You're OUT
Chapter 36: One team
Chapter 37: Permission
Chapter 38: The eldest member
39: Queen Bee
40: Turning tables
41: Fridate
42: Double date
43: In between
44: Slow Motion
45: Ms. Campus
46: Celebration
47: Jeydon's Revelation
48: Her Answer
49: Candice Realization
50: Marky's plan
51: In love?
52: Aso't Pusa
53: New arrival
54: Lil Brother
55: Broken hearted Troy
56: Bet
57: Engagement
58: Officially yours
59: Meet the Father
60: Someone is jealous
61: Phoenix
62: Just a kiss goodnight.
63: Misunderstanding
64: Lover's Quarrel
65: It's a DATE.
66: Troy's Birthday
67: Worried boyfriend
68: I got your back
69: Join forces
70: Meet Red Dragon
71: Red Dragon's Revenge
72: You'll be fine
73: Christmas Gift
74: Forgiveness
75: Family
76: Family Issues
77: Prom Night
78: Sealed with a kiss.
79: Championship game
80: Past vs Present
81: Closing time
82: The Fighter (Charles's Special Chap)
83: The player (Marky's special chap)
85: The Bad Boy King (Last chap)
Bonus Chap: Love or Hate?
Epilogue
SPECIAL CHAPTER
Author's Note
FAQ (Frequently Ask Questions)
♫ Playlist ♫
The Four Bad Boys and Me Book!
TFBBAM BOX SET

84: The Womanizer (Troy's special chap)

2.3M 57.3K 19.3K
By blue_maiden

TROY

"Kuya! Sige na kasi, o. Please naman."

Hindi ko siya pinansin. Ang kulit-kulit niya talaga. Saan ba siya nagmana ng kakulitan? Hindi naman pwedeng sa 'kin kasi hindi ako makulit na tao. Hindi talaga. Ganyan 'yan, e!

"Tammy, ano ba? E, ayaw nga sa 'yo ni Jayshin, 'di ba? Anong magagawa ko, ha?"

Sinamaan niya ako ng tingin. Magmamaldita na naman siya, bratinella queen talaga.

"Gusto ako ni Jayshin! Nagsisinungaling ka, Kuya!"

Sige, ipaglaban mo 'yan, Tammy. "Oo, gusto ka niya. Gustung-gusto ka niyang mawala sa paningin niya."

Bigla naman siyang umiyak na parang bata pero okay na 'yon para ma-realize niyang ayaw sa kanya ni Jayshin.

"Ang sama mo! Ganyan ka, e! Parang hindi mo ako kapatid, Kuya." Umiyak na talaga siya. "Oo na, hindi na niya ako gusto. Ang pangit-pangit ko kasi, e. Sige, huwag mo na akong ilakad kay Jayshin. Huhuhu." Lakas mangonsensya.

"Pambihira! Oo na, ilalakad na kita." Napakamot na lang ako ng ulo ko. Pasalamat siya, kahit maldita siya, mahal ko pa rin siya. "Ngayon lang 'to, ah."

"Yehey! I love you, kuya kong cute and handsome!" Kanina lang naiiyak-iyak siya tapos pumayag lang ako, akala mo, tumama siya sa lotto. Maldita na nga, malakas pa 'yong topak.

Pinuntahan ko si Jayshin sa kwarto nila ni Jeydon. Alam ko namang hindi papayag si Jayshin, e. Kaso si Tammy, ang kulit. Pambihira talaga! Obsessed na yata masyado 'yong kapatid ko kay Jayshin.

"Jayshin?"

"O, hyong! Bakit?"

Paano ko ba ilalakad si Tammy sa kanya? Dapat pala nag-isip muna ako ng plano.

"May problema ba?"

"Ah, ano kasi, e..."

"Hyong, kung about 'yan kay Tammy, naku, huwag mo nang ituloy. Alam mo ba, kanina pa niya ako hinahabol-habol. Nagtago na nga ako kanina kay Charles Hyong pero nahanap pa rin niya ako. Can you tell her to stop, Hyong? She's irritating."

Napakamot na lang ako ng ulo ko. Susubukan ko pa lang ilakad si Tammy sa kanya, epic fail na ako. "Ah, hehe. Oo, hindi 'to about kay Tammy."

"Good, so what do you want from me?"

"Ah, wala naman. Hahanapin ko lang sana sina Jeydon at Candice."

"They're on a date. You know what, Hyong, lahat sila, may date. Si Jeydon Hyong at si Candice Noona nasa date. Si Marky naman, nakita ko kanina kasama si Ginny. Si Charles Hyong at Serina Noona, ayun, naghahalikan sa may tabing-dagat. Tayo na lang yata ang napag-iwanan dito." Bakit naman ako nasama?

"Anong napag-iwanan? May date din ako, si Tiffany."

"Weh? Kung magde-date talaga kayo, nasaan siya?"

"Nasa kwarto, masakit daw 'yong ulo niya kaya hindi kami makapag-date. Maybe later." Kumusta na kaya si boo? Mapuntahan nga mamaya, baka gising na siya.

"Gano'n? So napag-iwanan na talaga ako."

"Ang choosy kasi, hindi naman pangit si Tammy. Nandiyan lang naman siya," bulong ko.

"Anong sabi mo, Hyong?" Mana talaga siya kay Jeydon kung makatingin, nakakatakot. Ang hirap nilang galitin. Nasa pamilya na yata nila 'yan. Lahat sila, nakakatakot kapag nagalit.

"Sabi ko, ang pogi mo." Pero mas pogi pa rin ako, wahaha!

"Alam na natin 'yan, Hyong," tapos tumawa siya. Napaka-vain niya, manang-mana sa kuya niya. "Wait my phone is ringing."

Kinuha niya 'yong phone niya. Sino naman kaya 'yong tumatawag sa kanya? May girlfriend na kaya siya?

"Yoboseyo, Jaycee Noona! Uuwi na rin kami bukas. All right, I'll update you, alam mo namang hindi ko kayang suwayin 'yong utos mo. Haha! Sige, bye."

Nag-replay sa utak ko 'yong sinabi niya. "Hindi ko kayang suwayin 'yong utos mo."

Biglang umilaw 'yong light bulb sa ulo ko. Wahaha! Alam ko na. Si Jaycee ang susi sa problema ko. Kaso hindi na kami in good terms ni Jaycee. Huwag na lang kaya?

"I'll go now, Hyong. Maghahanap ako ng chicks dito para hindi na ako lonely."

"Jayshin, kahit kaunti ba, hindi ka nagandahan kay Tammy?"

Parang hindi siya makapaniwala sa tanong ko. "Sorry, Hyong, she's not my type, so don't push it." Umalis siya agad. Loko talaga 'yon.

Hinanda ko na agad 'yong sarili ko habang pabalik ako kay Tammy. Magwawala na naman 'yon. Ang kulit niya kasi, e, sabi nang ayaw talaga sa kanya ni Jayshin. Kaso bakit parang ramdam kong may something din naman si Jayshin kay Tammy, love kaya 'yon o hate? Siguro hate. Wahaha!

"So hindi siya pumayag, am I right?" Aba, hindi siya nagwala tsaka bakit gano'n? Parang naawa ako kay Tammy. Parang pasan niya 'yong mundo. Kawawa naman ang little sister ko. Truth hurts talaga, e.

"Kuya, please set me and Jayshin on a date, kapag hindi nag-work out, lulubayan ko na siya."

Wow, ha? Marunong din pala siyang sumuko. Parang gusto ko na tuloy gawin 'yong naiisip ko. Gusto ko na kasi siyang tumigil sa paghahabol niya kay Jayshin, nagmumukha siyang tanga, e. Napakarami naman kasing lalaki riyan, doon pa siya nagkagusto sa ayaw sa kanya.

"Please? Hindi na rin kita kukulitin palagi tapos magiging mabait na ako kay Ate Tiffany."

Okay, sige. Gagawin ko na talaga. Aba, magiging mabait na raw siya kay boo. Nagselos kasi siya dati kay Tiffany dahil sinabihan ni Jayshin si boo na ang sexy niya. Simula noon, nagmaldita na siya kay Tiffany.

"Oo na, ako nang bahala ro'n."

Niyakap niya ako. "Thanks, Kuya! I love you."

Ginulo-gulo ko 'yong buhok niya. Maldita lang talaga siya pero mabait pa rin naman siya tsaka sweet kapag walang topak. "I love you too, little sis."

Pumunta muna ako sa kwarto ko, I needed to talk to Jaycee. Hindi siya sinusuway ni Jayshin kaya paniguradong kapag siya 'yong nagsabi, susunod 'yong kapatid niya. Kinabahan akong kausapin ulit siya pero ayos na rin para maging okay na kaming dalawa.

Tinawagan ko siya, sinagot naman niya kaagad 'yong tawag ko.

"Hello?"

"Jaycee, ako 'to, si Troy."

Nagulat siguro siya na tumawag ako kasi ang tagal bago siya nagsalita ulit.

"Ikaw pala, Troy. Kumusta? Bakit napatawag ka?"

"Ayos lang ako, ikaw? Napatawag lang ako para humingi sana ng maliit na favor." Sana pumayag siya.

"Anong favor naman 'yon?"

"Can you make Jayshin agree to the date I will set up for him and Tammy? Alam ko namang hindi ka niya mahihindian, e."

"Kailan ka pa naging Mr. Kupido? Haha!" Nang-asar pa, wala pa rin siyang pinagbago. "Sige, I'll make sure na papayag si Jayshin." Ayos, solved na 'yong problema ko.

"Salamat, Jaycee."

"Wala 'yon, para sa 'yo."

Bigla kaming natahimik. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Medyo nakakailang na, hindi na talaga katulad ng dati. Ie-end ko na sana 'yong call pero nagsalita ulit siya.

"Masaya ako na nagkausap ulit tayo. Akala ko kasi, kinalimutan mo na ako."

May kakaiba akong naramdaman. Halatang may lungkot sa boses niya.

"Jaycee, mahalaga ka pa rin sa 'kin."

Bigla ulit kaming natahimik na dalawa. Ewan ko kung bakit ko 'yon nasabi. Totoo naman kasing mahalaga pa rin siya sa 'kin. Siya 'yong kauna-unahang babaeng minahal ko at hindi na 'yon magbabago. Kahit si Tiffany na 'yong mahal ko, hindi naman ibig sabihin no'n na kakalimutan at babalewalain ko na siya. Pero mahalaga na lang siya sa 'kin bilang isang kaibigan.

"Gusto ko ring malaman mong mahalaga ka pa rin sa 'kin, Troy." Pakiramdam ko, umiiyak siya. "Sige na, baka hinahanap ka na ni Tiffany."

"Jaycee, ngayong hiwalay na kayo ni Louis, I hope you'll find the right man for you."

"Thank you, Troy. Alagaan mo si Tiffany, ah. Huwag mong paiiyakin 'yon."

"Oo naman, mahal na mahal ko 'yon, e."

"Sige na, bye." Binaba na agad niya 'yong phone.

Sana maging masaya na rin si Jaycee. I wanted her to be happy. I still cared for her, not as a girlfriend but as a friend.

Pagkatalikod ko, napansin kong bukas 'yong pintuan. Teka, alam ko, sinara ko 'yon, ah. Ang weird naman. Makapunta na nga lang sa kwarto ni boo. Miss na siguro niya 'yong napakagwapo kong mukha. Wahaha!

"Boo?"

Walang tao sa kwarto nila. Nasaan si Tiffany? Masakit ang ulo niya, ah. Saan naman kaya siya nagpunta? Pasaway talaga 'yong si boo.

Lumabas ako ng hotel at pumunta na lang ako sa beach. Lagot siya sa 'kin, lumabas siya nang hindi ako kasama.

"Boo! Nasaan na you? Dito na me."

Tsk, mukhang tama si Jayshin, napag-iwanan na kaming dalawa. 'Yong tatlong ugok, may date. Ako merong ka-date, missing in action naman.

"Tiffany, tama na."

Noong narinig ko 'yong pangalan niya, napalingon agad ako ro'n sa nagsalita.

"Nandito lang ako."

Si Tiffany pero teka, bakit may kasama siyang lalaki? At tangina lang, ah, bakit nakaakbay sa kanya?

Sobrang nag-init 'yong ulo ko. Para na ngang nandilim 'yong paningin ko. Gusto kong pumatay sa galit.

"Kuya! Kuya, huwag!" Bigla na lang sumulpot si Tammy, pinigilan niya akong pumunta kay Tiffany at do'n sa lalaking kasama niya. "Baka anong magawa mo, hayaan mo na muna sila. Tara na nga!"

"Pero—"

"Kilala kita, Kuya, kapag ganyan 'yong aura mo, may hindi magandang nangyayari, e. Alam kong gusto mo nang bugbugin 'yong kasama niyang lalaki pero baka pati si Ate Tiffany masaktan mo dahil sa sobrang galit mo."

May punto si Tammy. Kinalma ko 'yong sarili ko. Umalis na lang muna kami ni Tammy. Kailangan ko munang magpalamig ng ulo. Baka nga pati si Tiffany, masaktan ko. Pucha naman kasi, bakit may kasama siyang lalaki at ang matindi pa ro'n, nakaakbay sa kanya. Niloloko ba ako ni Tiffany?!

Hindi ako mapakali.

"Saan ka pupunta, Kuya?"

"Gusto kong uminom." Hindi ako nagpapigil kay Tammy. Kailangan ko 'yong best friend ko, 'yong alak.

Gabi na rin kaya bukas na 'yong mga bar doon. Nahanap ko 'yong pinakamalaking bar nila. Maraming tao tapos may DJ. Open-air lang iyon kaya magandang tumambay at uminom doon.

Bumili ako ng isang bote ng alak. Magpapakalasing nga ako. Puta naman kasi talaga, e.

Niloko ako ni Tiffany! Kitang-kita naman ng dalawang mata ko, e. Mga taksil sila. Buti na lang talaga, napigilan ako ni Tammy kasi baka napatay ko 'yong lalaking 'yon. Kahit side-view lang nila 'yong nakita ko, ang pangit niya.

"Tiffany naman, sana man lang sa gwapo mo ako pinagpalit."

Buwiset talaga. Ang sakit palang maloko. Iyon na ba ang ganti sa 'kin ng Diyos dahil sa mga babaeng hindi ko sineryoso noon? Dahil sa pagiging womanizer ko?

Tawag nila sa 'kin dati, womanizer. Sobrang hilig ko kasi sa mga babae. Kahit kami na noon ni Jaycee, may kasama pa akong babae, magpapalit na ako agad. Hindi pa rin kasi ako gano'n ka-loyal kay Jaycee kasi kahit mahal na mahal ko siya noon, hindi ako sigurado sa relasyon namin. Kaya nga palagi akong tambay sa bars namin kasi maraming chicks do'n. Hindi ako nakikipagrelasyon, hookups lang. Sex lang naman ang habol ko sa kanila, e. I knew I was such a jerk. Ginagawa ko lang naman 'yon sa mga babaeng gano'n din 'yong habol sa 'kin. But still at the end of the day, si Jaycee pa rin naman ang naiisip ko at siya pa rin 'yong mahal ko.

"Excuse me? Oh, my gosh! Troy, is that you? I missed you." Hinalikan niya agad ako.

Siya si Rica Loraine, ka-playtime ko dati. Maganda siya tsaka sobrang sexy, cover pa nga siya ng isang men's magazine. Siya na siguro 'yong pinakamatagal na naka-playtime ko.

Matagal-tagal na rin akong hindi tumingin sa mga babae. 'Yong mga mata ko, si Tiffany lang ang nakikita. Wala akong pakialam kahit sobrang ganda at sobrang sexy no'ng mga babaeng lumalapit sa 'kin.

Dati, sa sobrang pagka-womanizer ko, kapag nalasing kami ng kung sinong babaeng kasama ko sa bar ko, pareho kaming nauuwi sa one-night stand. Ganyan 'yong buhay ko noon, kung hindi si Jaycee, bisyo at babae 'yong pinagkakaabalahan ko.

Nagbago lang lahat no'ng dumating sa buhay ko si Tiffany, do'n na talaga ko tumino. Lahat, nagbago. Lahat, gumanda.

"Malungkot ka ba? Cheer up. You're too handsome to be sad."

Taena, bakit kapag ngumingiti siya, parang kamukha niya si Tiffany? Dahil ba 'yon sa alak? Pero hindi pa ako lasing.

Ano ba, Troy? Kalimutan mo muna siya. Nandito ka para mag-enjoy. Isa pa, mukhang enjoy naman siya kasama 'yong lalaki niya, e. I should enjoy myself too. Miss ko na 'yong dating ako.

"Do you want me to cheer you up?" She seductively smiled at me. I used to get that kind of smile often. Mga babaeng ang gusto lang ay playtime. "You and I won't be lonely tonight." Nilagay niya 'yong kamay niya sa leeg ko. She slowly leaned closer to me. We were about to kiss pero...

"I love you, boo."

Biglang nag-flash 'yong mukha ni Tiffany pati 'yong boses niya. Amp! Mali 'tong ginagawa ko. Kahit nagtaksil siya sa 'kin hindi pa rin ako dapat magtaksil sa kanya. Gano'n ko siya kamahal na kahit lokohin niya ako, hindi ko pa rin siya kayang lokohin.

Nilayo ko si Rica sa 'kin.

"What's wrong, Troy?"

"I can't Rica. I can't do this to my girlfriend."

Natawa siya sa sinabi ko. "Girlfriend or playtime? Ano bang nagyayari sa 'yo, Troy?"

"Nagbago na ako Rica, and she's not just for playtime."

Nag-smirk siya sa 'kin. "Really? Seryoso ka talaga sa kanya? What if I do this?" Lumapit ulit siya sa 'kin. This time, nahalikan na talaga niya ako. I didn't kiss her back. Kahit ano pang pag-flirt ang gawin nila sa 'kin, si Tiffany at si Tiffany pa rin 'yong naiisip ko.

"What now?"

"Rica—"

"Troy? Bakit kayo nag-kiss?"

Sabay kaming napalingon ni Rica. Si Tiffany, namamaga 'yong mga mata niya. Umiyak ba siya? Nasaan na 'yong lalaking kasama niya?

"Sorry, baka nakakaistorbo ako." Tumakbo siya palayo.

Shit, anong ginawa ko?

"Ano pang ginagawa mo riyan, Troy? Habulin mo na siya!" Tinulak ako ni Rica paalis.

Tama, I should talk to her. Taena talaga.

Buti na lang mabagal siyang maglakad kaya nahabol ko siya. Hinawakan ko agad 'yong braso niya tsaka ko siya hinarap sa 'kin. Umiiyak siya, fuck talaga. Ano ba kasing ginawa ko? Pero teka nga lang, bakit pala siya umiiyak? E, 'di ba, masaya naman siyang kasama 'yong lalaki niya!

"Huwag ka nang umiyak. Akala ko ba, masaya ka kasama 'yong lalaki mong 'yon sa beach?"

Hindi siya makapaniwala sa sinabi ko. Pinahid niya 'yong mga luha niya.

"O, nasaan na ba siya?"

"Sinong lalaki ko? Ano bang pinagsasabi mo, Troy?" nag-deny pa siya.

"Kitang-kita ng dalawang mata ko. Nakaakbay pa nga siya sa 'yo, e."

Bigla siyang tumawa. Anong nakakatawa sa sinabi ko? Naiinis na nga ako roon, e. Kapag nakita ko talaga 'yong lalaking 'yon—

"Tiffany!" speak of the devil.

Tinago naman ni Tiffany 'yong lalaki sa likod niya. See! Grabe, harap-harapan niya akong pinagtataksilan!

"Siya na ba si Troy?"

"Oo, ako! Ako 'yong gwapong boyfriend niya! Ikaw ba 'yong kabit niya?!"

Sabay silang tumawa.

Ano ba kasi talagang nakakatawa? May hindi ba ako alam dito? 'Yong totoo? Nagmukha na akong tanga roon, ah.

"Ako, kabit ni Tiffany?!" sabi ni mokong.

Teka lang pala... 'yong hampas ng kamay niya, kapag tumatawa siya... Bakla siya?!

"Lakas pala ng tama ng boyfriend mo, sis, e! Pagselosan daw ba 'yong kagandahan ko? Gosh! Kalurkey, ha?"

Pucha! Naloko ako ro'n, ah. Taena naman, mukha naman kasi siyang straight, e.

"Nanlalaki ako, ha?! Nakakatawa. Kaya ba nakikipag-flirt ka ro'n sa babaeng 'yon kanina? Kasi nagselos ka sa 'min ni Dhessa?"

E, sino bang hindi magseselos do'n? Malay ko ba naman kasing bakla pala siya. Kung lalaki lang talaga siyang may balak kay Tiffany, baka nasuntok ko pa siya. Buti na lang pala talaga, napigilan ako ni Tammy kanina kung hindi, lalo akong napahiya.

"Best friend ko lang siya at isa pa, hindi kami talo, okay?"

"Oo, nagselos ako! Masama bang magselos? E, mahal na mahal kita, e." Nilayo ko siya ro'n sa bakla niyang best friend. Best friend niya, e, hindi naman namin siya palaging nakikita. "At isa pa, hindi ako nakikipag-flirt. Siya 'yong lumapit sa 'kin. Hindi kita kayang lokohin."

"Ows, kaya pala sabi ni Tiffany kanina, kausap mo raw 'yong ex mo tapos sabi mo, mahalaga pa rin siya sa 'yo. Hindi ba 'yon panloloko?"

Siniko agad siya ni Tiffany. So kaya pala bukas 'yong pintuan kanina kasi nando'n siya.

"Kaya nga maga 'yang mga mata niyan, o, kakaiyak. At 'yong kaninang nakita mong nakaakbay ako sa kanya, dinadamayan ko lang siya."

"Boo naman! Alam mo namang hindi ko na mahal si Jaycee, ikaw na 'yong mahal ko!"

"Hay, naku. Mag-exit na nga ang beauty ko rito! Bye, best! Sige, mag-usap na kayo. Kaloka kayong dalawa, ha?" Kumembot-kembot pa siyang naglakad palayo sa 'min. Buti na lang, umalis na siya.

"Bakit kausap mo si Jaycee kanina?" I smell something here.

"Si Tammy kasi, kinukulit ako na i-set up ko raw siya ng date kasama si Jayshin, e, alam mo naman 'yong kapatid ni Jeydon, ang choosy-choosy. Kaya ayun, humingi lang ako ng tulong kay Jaycee kasi hindi siya kayang tanggihan ni Jayshin."

"E, ano ba 'yong narinig ko, ha? Troy, tell me, do you still love her?" Naririnig ba niya 'yong sarili niya? Hindi ko na mahal si Jaycee.

"I will not lie to you, mahalaga pa rin sa 'kin si Jaycee. Marami kaming napagdaanang dalawa pero wala na akong kung anong nararamdaman para sa kanya." Parang ayaw pa niyang maniwala. "Huwag mo na ring tanungin kung sino 'yong mahal ko kasi parang tinanong mo lang din kung anong pangalan mo."

"Okay, sige. Naniniwala na ako. E, bakit kanina, kasama mo 'yong babaeng 'yon? Kahit siya 'yong lumapit sa 'yo, bakit nag-stay ka pa rin sa tabi niya?" I really do have a jealous girlfriend.

"Kulang pa ba 'yong pagmamahal na binibigay ko para magduda ka sa 'kin?"

"Natatakot lang ako, natatakot ako na baka may magustuhan kang iba."

"Wala akong pakialam sa mga babaeng mapuputi at matatangos diyan. Maganda nga sila pero kahit kailan, hindi nila mapapaganda ang mundo ko na tulad ng pagpapaganda mo sa mundo ko ngayon."

She suddenly smiled at me. 'Yan si Tiffany, sandali lang siya magalit o magtampo. Hinding-hindi niya ako kayang tiisin. "That's the sweetest words I've heard in my life. Thank you, boo. Mahal na mahal kita."

"I love you rin, boo. Sobra-sobra..." Hinawakan ko 'yong mukha niya tapos unti-unti kong inilapit 'yong mukha ko sa kanya para halikan siya.

"Kuya! Si Jayshin, may kasamang babae! Help me!"

Nice one, Tammy. Kahit kailan, good timing ka talaga, e, 'no? 'Yon na 'yon, e. Magki-kiss na sana kami ni boo, e. Perfect moment na sana.

Napangiti na lang kami ni boo kay Tammy. I just kissed her instead in her forehead.

Naisip ko, kahit gaano pa karami ang pagsabay-sabayin mong babae sa buhay mo, sa huli, it's either may matirang isa, o ikaw lang mag-isa. Kaya masayang-masaya ako kasi may natirang isa sa buhay ko at 'yong taong mahal na mahal ko pa. 'Yong babaeng nasasabayan ang kakulitan ko. 'Yong babaeng mahal na mahal ako. 'Yong babaeng palaging nandiyan at iniintindi ako. 'Yong babaeng nagpatino sa 'kin. In short, 'yong babaeng nagngangalang Tiffany Chua.


Continue Reading

You'll Also Like

106M 2.1M 50
Marriage is normally one's happily ever after in the movies, but for Aemie Ferrer-Roswell, it's just the start of a seemingly unending adventure. Can...
63.1M 2.2M 44
Warning: Do not open if you haven't yet read Hell University. This is just a sequel of that book. Thank you!
2.7M 53.1K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...
52.7M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...