A.K.A. Neerdy GIRLFRIEND (COM...

By adrian_blackx

415K 13K 1.3K

"Nerd man ako sa paningin nila, but they don't know me very well." -GLAIZA Maybe I judge her before, but then... More

Chapter 1: The Kiss
Chapter 2: Rescue
Chapter 3: Music Room
Chapter 4: New Prof
Chapter 5: Rooftop
Chapter 6: Tutor Mode
Chapter 8: DATE?!!
Chapter 9: The Truth and The Hell
Chapter 10: Glaiza Galura
Chapter 11: Heaven and Hell
Chapter 12: Elevator
Chapter 13: Kumot
Chapter 14: Glaiza's New Girlfriend
Chapter 15: Wife material
Chapter 16: Hello Past
Author's note
Chapter 17: Over
Chapter 18: Love Guru
Chapter 19: Real
Chapter 20: Forgive and Forget
Chapter 21: Yes
Chapter 22: Tagaytay Adventure (1)
Chapter 23: Tagaytay Adventure (2)
Chapter 24: The Revelation
Chapter 25: Nasa'yo na ang lahat
Chapter 26: The Comeback
Chapter 27: Something New
Chapter 28: R vs. S
Chapter 29: Hurt
Chapter 30: Come back is real
Chapter 31: Birthday Surprise
Chapter 32: Closure
Chapter 33: Grow Old with You
Chapter 34: Where are you?
Chapter 35: Happy Ending
EPILOGUE
Mula Sa Author <\3
Hi guysss

Chapter 7: Kathrina

11.4K 373 25
By adrian_blackx

THIRD PERSON's POV

Maagang nagising si Glaiza, dahil excited itong makita si Rhian, ewan ba niya, siya agad ang unang pumasok sa isip niya pagkagising niya.

Naalala nanaman niya yung mainit at masarap na halikan nila ni Rhian, hindi niya tuloy maiwasan na hindi mapangiti.

"Rhian, ano bang ginagawa mo sa akin?" Sabi nito sa kanyang sarili. Malapit na siyang mabaliw sa kakaisip.

Natapos ng mag ayos si Glaiza para sa school. Syempre nerdy looks pa din siya..

-

Samantala si Rhian naman ay nagulat sa lakas ng alarm clock niya. Hindi ito agad bumangon sapagkat tinatamad pa ito at iniisip nanaman yung halik ni Glaiza sa kanya kagabi. Hanggang sa panaginip niya ay dala niya ito.

Hindi na namalayan ni Rhian na sa tagal ng kakaisip niya kay Glaiza ay late nanaman siya. Kaya agad agad na siyang naligo at nag ayos.

-

Hinihintay na ni Glaiza si Rhian, kaso wala pa siya, naisip niya na baka mag aabsent yun o kaya late nanaman. Naglakad lakad muna siya na bigla siyang tinulak ng isang lalaki.

"Hoy nerd!" Alam ni Glaiza kung kaninong boses yun, at kay Jason yun, boyfriend ni Rhian.

Tumayo na lang siya at hindi niya pinansin kaso inulit nanaman niya at agad itong natumba. At sa pagkakataon na yun, pikon na si Glaiza, pikon na pikon.

"Ano bang problema mo ah? Naglalakad ako ng tahimik dito." Pagsusungit ni Glaiza.

" Wala kang pakielam, baka nakakalimutan mong campus king ako dito. Wala kang laban sa akin nerd. Kahit mayaman ka, you can't do anything"sumbat ni Jason sa kanya.

"Maliban na lang kung Galura ka, kaso hindi eh. Hamak ka lang na walang kwenta dito!"Sobra na talang inis si Glaiza, sisipain na sana niya ito, buti na lang dumating yung dean,

"Mr. Chuachoy and Ms. De Castro sa office ko now!" Sigaw ng dean sa kanila. Nagpasalamat naman si Glaiza, dahil hindi natuloy yung pagsipa sana niya kay Jason. At pasalamat siya at mabait ito, dahil kung tutuusin, kaya niya itong patalsikin sa school whenever she wants.

[dean's office]

"Pwede niyo bang iexplain sa akin yung nakita ko kanina? Mr. Chuachoy and Ms. De Castro" ni isa sa kanila ay ayaw magsalita.. Tahimik pa din sila. Pero dahil mainitin ang ulo ng dean.

"ANO BA? MAGSASALITA KAYO O IPAPATAWAG KO MGA PARENTS NIYO?!" Hindi na nagdalawang isip si Glaiza na magsalita, dahil baka biglang pumunta ang parents niya at malaman na binubully siya, dahil sa nerd looks niya.

"Ma'am, misunderstanding lang po yung nangyari kanina. Sorry po di na po mauulit" sumbat ni Glaiza, si Jason naman tahimik lang.

"Oh sige makakaalis na kayo, warning both of you. Lalo ka na, Mr.chuachoy"

"Yes Ma'am." Agad na din umalis sila Jason and Glaiza.

Pagkalabas nila, biglang nagsalita si Jason.

"Maswerte ka ngayon De Castro, pero after this sem, your life will be in hell" hindi na lang ito pinansin ni Glaiza, at agad naman na itong pumasok sa classroom, at patapos na ang klase niya kay Mrs. Santiago.

Pinaliwanag naman ni Glaiza ang nangyari kaya excuse ito sa pagiging late. Agad umupo si Glaiza sa inuupuan niya, dun sa bandang harap na malapit sa binta, sa tabi ni Rhian.

"Psst!" -rhian

"Bakit?" Tanong ni Glaiza sa katabi.

"Anyare ba? Bat ka na dean?"Hindi niya alam kung sasabihin ba niya o hindi dahil ang dalawa sila ni Jason ang napadean.

"Hayaan mo ba yun, tapos na yun eh. Sige na tumahimik ka na. Anjan na si Ma'am Pangaliban"

Pumasok na si Angelica na may kasamang magada, sexy na babae. Nagulat naman ang mga kalalakihan dahil may bagong maganda nanaman sa school nila pati sa klase, pero si Glaiza, nabwisit sa nakita niya.

"Good morning class, today may bago kayong kaklase, let us welcome, your new classmate,"

Agad pumunta yung babae sa harap at nagpakilala.

"Hi, Im Kathrina Halili. Galing ako ng Europe. Btw Kath na lang for short." Biglang nagulat si Rhian ng marinig yung "Kath" at agad itong tumingin kay Glaiza na ang sama ng tingin kay Kathrina,

Lumapit si Kath sa kinauupuan nila Rhian at Glaiza,

"Hoy! Babae! Ano yang mukha mo? Glaiza tao ka pa ba?"Biglang sumigaw si Kathrina at natawa naman ang mga kaklase nito.

"Pwede ba Kath, shut up for once? Ang ingay mo eh?! Pwede ba yun. Kasi kung hindi tatakpan ko yang bibig mo"sigaw ni Glaiza kay Kathrina, nagulat din ang iba dahil magkakilala pala sila.

"Oo ba, basta labi mo ang tatakpan ng bibig ko"pagseseduce nito kay Glaiza. At hindi naman yun nakaligtas sa pandinig ni Rhian.

"Pwede naman kasi ako Glai, kalimutan mo na yung Solenn na yun, wala kang mapapala dun eh!" Pagtataray ng babae sa kanya.

Hindi na sumagot at umalis na lang si Glaiza..

Si Rhian naman at ang mga kaklase niya ay gulat na gulat sa narinig. Dahil hindi nila akalain na ang nerd na yun ay isa pa lang lesbian.

RHIAN's POV

Lahat kami nagulat sa nangyari kanina, lesbian nga pla talaga si Glaiza, tama nga yung hinala ko, kaya pala masarap humalik eh. What?! Seryoso Rhian, yung halik talaga ang una mong naalala? My gosh..

Buong klase hindi nanaman pumasok si Glaiza at ito namang Kath na to, ang sama ng tingin sa akin, hindi ko alam kung bakit,. Nagseselos kaya to, kasi magkasama kami ni Glaiza? O baka naman naiinis kasi mas maganda at sexy ako sa kanya? Pero nevermind, hayaan ko na lang, wala naman akong mapapala eh.

Sa gitna ng klase namin, biglang pumasok si Ortaleza.

"Good Morning Ms. Smith"sabay ngumiti ito. Agad din siyang nagsalita. At lumapit sa kinaroroonan ni Kath.

"Hoy Kath, sumama ka sa akin, ang laki ng kasalanan mo kay Glaiza ah. Naku talaga, ihahampas ko tong sapatos ko sayo. Halika na! Nasa rooftop siya" sabi ni Chynna sa kanya.

So nasa rooftop pala si Glaiza, pero paano siya nakapasok dun eh, laging nakalock yun, walang ibang nakakapasok dun, kahit ako at si Jason, never nakapunta dun. Ano ba talagang meron sayo De Castro? Gaano ka ba talaga kaimpluwensiya?

Natapos din agad ang klase namin kay Ms. Smith, at pinuntahan ko agad si Jason.

"Hi babe, how's your day?"Tanong ko sa kanya, paano ba naman kasi, ilang araw na kaming hindi nakakasama.

"Ok naman babe, panira lang talaga yung nerd na yun, si Glaiza ba yun?!"halata sa boses niya na bwisit na bwisit siya.

"Bakit, ano bang nangyari? Naku Jason, sinasabi ko sayo, di pa ako tapos sa kanya!" Pero sa totoo niyan parang ayoko ng ituloy yung balak ko,. Parang naawa ako na ewan. Basta. I can't explain.

"Nadean kami kanina eh. Pero babe hayaan mo na, malapit naman na matapos tong first sem, magagawa na natin yung gusto natin sa kanya. Hahaha"hindi na ako sumagot at ngumiti na lang sa kanya.

Buong araw kong kasama si Jason, himala nga eh. Wala siyang practice ngayon, super duper ko din siyang namiss,. Habang naglalakad kami sa hallway, nakita namin si Glaiza na sinusundan nila Kath at Chyns. Ano kayang nangyari dun, at mukhang inis na inis.

"Ano ba Glaiza?! Iiwasan mo na lang ba ako? Parang wala tayong pinagsamahan ah!"Sigaw ni kathrina sa kanya.

"Hindi kita iniiwasan, nilalayuan muna kita, dahil baka hindi ako makapagpigil sa ginawa mo kanina" sumbat naman nitong si Glaiza, halos lahat ng students dito pinapanuod yung dalawa. Hindi na sila nahiya,

"Kalimutan mo na kasi yung Solenn na yun, iniwan ka na nga diba? Move on!"

"Kath, pwede ba, huwag na natin siyang pag usapan?!"

"Bakit kasi nasasaktan ka pa din? Kasi mahal mo pa? Mahal mo pa ba ha? Glaiza?!"

Kinakabahan ako sa isasagot ni Glaiza, parang natatakot akong sabihin niyang OO,. Am I jealous or something?

"Paano kung sabihin kong OO?May magagawa ka ba? Kath, tapos na tayo. Di na kita gusto ok?"

Shet ang sakit bakit ganun. Di ko kaya, parang dinurog yung puso ko. Pero bakit ganun. Ayoko ng ganitong feeling. Bago ko pa marinig ang ibang sasabihin, hinila ko na agad si Jason paalis kung saan nag aaway yung mag ex.

I think I like her. Shit!






GLAIZA's POV

Nang makita ko si Kathrina, nabwisit ako, kasi imbis na tatahimik buhay ko dito, eh hindi. Punyeta talaga. Tapos ang lakas ng loob niya para banggitin yung pangalan ni Solenn, at sasabihin niya na wala akong mapapala. Pinaalala niya lang kung gaano ako nasaktan sa sitwasyon. Bigla ko na lang naalala na sobra pala talaga akong nagpakatanga at minahal siya. Bwisit talaga. Then alam na ng kaklase ko, pati na din siguro ng buong campus na to, pati na rin si Rhian na lesbian ako. Tsk.

Sa sobrang inis ko sa kanya dumiretso ako sa rooftop, kung saan tahimik, sariwa ang hangin, yung walang iistorbo sayo. Nanatili ako dito sa rooftop ng ilang oras. Dahil sa ayokong makita si Kath, pati na rin si Rhian, dahil na din sa hiya. Baka kasi ngayon iniisip na niya na nagtake advantage ako sa kanya kagabi dahil sa halik ko, tapos nalaman na niya na lesbian ako. Nakakahiya. Bwisit ka talaga Kath, pasalamat ka kaibigan kita kahit papaano, kahit may naging relasyon tayo noon.

Sa tagal ko dito sa rooftop, biglang may nagbukas ng pintuan at si chyns at kath pala.

"Tsong! Ok ka lang? Ito kasing si Kathrina eh. Epal, sinabihan ko naman siya na huwag ka niyang gambalain"pagsusumbong sa akin ni Chyns.

"Eh mahal ko yung tao eh. Magagawa ko? Tsaka kahit ganyan itsura niyan, siya pa rin yung Glaiza na kilala ko dati"

Sa sobrang inis ko nanaman nagwalk-out ulit ako, nakakainis na kasi eh. Ayoko pa man din ang ganito, nakakairita, sakit sa tenga lalo na tong pagddrama ni Kath. Jusko.

Hanggang sa wallway sinundan pa din ako nung dalawa, talagang nagpahabol ako, wala na akong paki kung nakikita kami ng iba. Natigilan na lang ako ng biglang sumigaw si Kathrina.

"Ano ba Glaiza?! Iiwasan mo na lang ba ako? Parang wala tayong pinagsamahan ah!"Sigaw ni Kathrina sa akin.

"Hindi kita iniiwasan, nilalayuan muna kita, dahil baka hindi ako makapagpigil sa ginawa mo kanina" gusto ko muna kasing magpalamig ng ulo dahil sa kagagahan ng babaeng to

"Kalimutan mo na kasi yung Solenn na yun, iniwan ka na nga diba? Move on!" How can I forget her? Damn this lady

"Kath, pwede ba, huwag na natin siyang pag usapan?!"

"Bakit kasi nasasaktan ka pa din? Kasi mahal mo pa? Mahal mo pa ba ha? Glaiza?!"Napaisip din ako, mahal ko pa ba? I think oo. And oo, nasasaktan pa din ako hanggang ngayon. Tangina talaga

"Paano kung sabihin kong OO?May magagawa ka ba? Kath, tapos na tayo. Di na kita gusto ok?" Ito ha lang lumabas sa bibig ko, dahil ayoko ng pahabain pa tong usapan na to. Ayokong mainvolve si Solenn dito, kasi masakit.

"My gosh Glaiza, wake up! Iniwan ka na niya. Tama na. Andito naman ako eh."

"Im sorry, I can't love you anymore" bigla na lang akong umalis. Nakita ko naman si Chynna na hinabol ako.

"Tsong! Hayaan mo na yun. Umuwi ka muna, bukas na lang tayo magkita" nag nod na lang ako at hindi ko na siya nilingon. Agad akong sumakay ng kotse.

Naisipan ko na tutal nacancel yung day namin nila Chyns, ituloy ko na lang ata yung pagttutor ko kay Rhian. I think it is wrong, pero kailangan mabaling yung isip ko sa iba.

So I grab my phone and text her.

RHIAN's POV

Pauwi na ako na biglang tumunog yung phone ko, may natxt, ang guess what, si Glaiza.

From: Nerdy Glaiza:

"Hey, hindi tuloy yung day namin ni Chyns, baka gusto mong ituloy yung tutor, kasi bukas for sure hindi talaga pwede. But its your choice."

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maiinis,. Hindi ko alam kung pupunta ba ako o hindi, kinakabahan ako eh. Feel ko masasaktan ako. But kailangan to talagang humabol, tsaka I think she needs a friend right now..

To: Nerdy Glaiza:

"Ok. 6pm ulit. See you later G."

~sent.

Agad na akong umuwi para naman makapag ayos na ako ng mabuti, maligo and so on and so for.

After 1hour of preparation, Im totally perfect. Simple dress lang naman.

Time runs....

Nakarating na ako sa condo ni Glaiza, kumatok muna ako.. Wala pang 3 katok, binuksan na niya.

"Good Evening G" i told her,. Hindi na ito nagsalita, pero nagsmile na lang siya. Halata pa rin sa kanya na hindi siya ok.

"Uhm, Glaiza, sure ka ba na kaya mong magtutor?" I ask her worriedly, paano kasi parang wala talaga siya sa sarili niya.

"Tatawagin ba kita dito kung hindi? Haizt. Halika na, kain muna tayo"

Ano daw, halikan na? Or halika na, gosh Rhian, yung halik talaga. Halik ah. Oo nagustuhan mo yung halik, pero may boyfriend ka, at straight ka. At hindi mo type si Glaiza, kasi nerd siya. Ewwww!

"Ah ok, sige."

Masarap nanaman tong niluto ni Glaiza, carbonara. Ang creamy. Lasap na lasap ko yung sarap. Habang kumakain kami, tinitignan ko si Glaiza, halos hindi niya ginagalaw yung pagkain niya,

"Are you alright?" Tanong ko sa kanya.

"Yeah." Tipid na sagot nito sa akin. Ang cold

"Glaiza, yung about kanina? Yung about kay Kath. Ano bang meron sa inyo?" Bago muna siya sumagot, huminga muna siya ng malalim.

"To be honest Rhian, she my ex pero iba siya, kasi siya bago ko siya naging girlfriend, eh magkakabarkada kaming tatlo nila Chynna. Hindi ko naman alam na ganun kalakas ng tama sa akin ng loko na yun" ex niya talaga yung Kath na yun, wow ah, kahit nerd siya nakabingwit ng magandang babae!

"Minahal mo ba siya?" Syempre naman Rhian, minahal niya yun, ex nga niya diba?

"Well, minahal lang, hindi totally, hindi umabot sa sobra. Mahal lang talaga" may level pala ng love, ngayon ko lang nalaman ah.

"Eh yung Solenn?" Biglang umasim yung tingin niya sa akin.

"Tapos ka na bang kumain? Para makapagstart na tayo. And please, huwag na nating pag-usapan, masado nang personalan eh" hindi na lang ako kumibo, at sinunod na lang yung gusto niya.

3 oras nga matapos niya akong itutor, marami akong natutunan sa kanya. Kaya for sure makakapasa ako this sem. Sana hanggang next sem, kaso I promised Jason na hanggang first sem lang ako magiging mabait kay Glaiza, kasi tapos ko na siyang gamitin. Haizt. I don't know what to do.

Iba yung Glaiza na nakikita ko ngayon, puno siya ng lungkot at sakit. Pero gagawa ako ng paraan para naman kahit papaano is sumaya naman siya.

Coz I like her...

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

TO BE MY FRIEND.

Continue Reading

You'll Also Like

7.6K 170 24
" Bakit ba ang sakit mong mahalin Miss Salvador" - Jizel Tam Cruz " I hate the fact that I'm deeply falling inlove with you Jizel.." - Professor A...
535K 14.2K 38
GxG Lovestory
38.1K 948 23
One of the hardest thing to deal with Is being secretly in love with your best friend. ᴊᴜsᴛ ʀᴇᴀᴅ ᴛʜɪs ɪғ ʏᴏᴜ'ʀᴇ ʙᴏʀᴇᴅ. (𝐆𝐗𝐆)ᴄᴏᴍᴘʟᴇᴛᴇᴅ✔
372K 6.4K 35
Mahal ko siya pero paano kung minahal lang niya ako dahil sa text? Titigil ba ako o gagawin ko lahat para mahalin niya ako kahit sino pa ako. This i...