A.K.A. Neerdy GIRLFRIEND (COM...

By adrian_blackx

415K 13K 1.3K

"Nerd man ako sa paningin nila, but they don't know me very well." -GLAIZA Maybe I judge her before, but then... More

Chapter 1: The Kiss
Chapter 3: Music Room
Chapter 4: New Prof
Chapter 5: Rooftop
Chapter 6: Tutor Mode
Chapter 7: Kathrina
Chapter 8: DATE?!!
Chapter 9: The Truth and The Hell
Chapter 10: Glaiza Galura
Chapter 11: Heaven and Hell
Chapter 12: Elevator
Chapter 13: Kumot
Chapter 14: Glaiza's New Girlfriend
Chapter 15: Wife material
Chapter 16: Hello Past
Author's note
Chapter 17: Over
Chapter 18: Love Guru
Chapter 19: Real
Chapter 20: Forgive and Forget
Chapter 21: Yes
Chapter 22: Tagaytay Adventure (1)
Chapter 23: Tagaytay Adventure (2)
Chapter 24: The Revelation
Chapter 25: Nasa'yo na ang lahat
Chapter 26: The Comeback
Chapter 27: Something New
Chapter 28: R vs. S
Chapter 29: Hurt
Chapter 30: Come back is real
Chapter 31: Birthday Surprise
Chapter 32: Closure
Chapter 33: Grow Old with You
Chapter 34: Where are you?
Chapter 35: Happy Ending
EPILOGUE
Mula Sa Author <\3
Hi guysss

Chapter 2: Rescue

14.9K 443 28
By adrian_blackx

GLAIZA's POV

Maaga akong nagising dahil excited na akong pumasok, gusto ko ng makita yung University namin. Hanep din kasi eh, never ko pa tong pinuntahan. Pagkababa ko, agad kong nakita sila Dad na nagbbreakfast.

"Iha! Gising ka na pla, halika na saluhan mo na kami ng mommy mo"

"Ok po dad" pagkaupo ko may inabot agad sa akin si dad.

" O ayan, anjan yung pangalan nung principal, puntahan mo agad, andiyan na din yung room at floor, para hindi ka na mahirapan mag hanap, ikaw na bahalang tanungin yung schedule mo." Sabi sa akin ni dad.

"Ok po, ako na po bahala" masaya kaming nagkkwentuhan at hindi ko namalayan ay tapos na pla ako.

"Sige po mom and dad, alis na po ako."

"Anak!" tawag sa akin ni mom..

"Ma, bakit po?"

"Sure ka ba na ganyan na talaga ayos mo?!"

"Yes ma, and this is final. Love you! Sige na alis na po ako"

Hindi na talaga ako magtataka kung bakit ganun mag react si mama, paano ba naman kasi, ang baduy ng suot ko, kinapalan ko yung kilay ko, tapos yung salamain kong fake, ayun makapal at ang laki. This is my way, para hindi ako masadong lapitan ng mga tao. Dahil sigurado akong pplastikin at gagamitin lang ako.

Nakarating na ako sa GGU, agad ko naman nahanap yung Deans office.

" Good morning po ma'am. I am Glaiza De Castro" bati ko sa medyo middle age na din,.

"Oh, so ikaw yung pinasok ng may ari na sila Mr. Glen and Gem Galura. Kaano ano mo ba sila?"

"Ahh.. Ehh.. Wala po, magkakilala po kasi sila ng mommy ko, kaya nakapasok ako dito." Sabay ngiti sa matanda, at mukha naman naniwala,.

"Ok, this is your room and schedule, you may go now, Ms. De Castro"

"Thank you po mam"

agad na akong lumabas, para hanapin yung classroom ko, at dahil malapit na din akong malate. Tsaka minamalas malas ka nga naman, may bumangga pa sa akin, at hindi man lang nag sorry.

"Hey! Mag ingat ka naman!" sabi ko dun sa lalaking nakabungo sa akin.

"Whatever loser!" aba, mayabang to, pero parang pamilyar yung mukha niya, kaso di ko alam kung saan ko nakita.

Buti na lang hindi pa ako nalate. Agad akong pumasok, at buti na lang nakita ako nung prof namin.

"Good Morning po mam" sabay ngiti ko sa kanya.

"Well, what do we have here? A nerd? Again? I think your Glaiza De Castro right?"

"Yes Ma'am, I am" sagot ko, grabe ang yayabang naman ng tao dito, tatanggalan ko to ng trabaho eh!

" oh? Anong tinatayo tayo mo jan? Introduce yourself. Huwag kang tatanga tanga" sabi nito sa akin, sinunod ko na lang.

"Uhmm. Good Morning, I am Glaiza De Castro, 23" sabi ko, pero parang wala namang pumansin, kaya umupo na lang ako banda sa likod.

Pagkaupo na pagkaupo ko, biglang may pumasok na babae, yung babaeng humalik sa akin dun sa bar.

"Ms. Howell, you're late, AGAIN!" wika nung mam namin,.

Ahh, Howell pala apelyido niya, pero parang pamilyar, pero nevermind.

Sa gitna ng lesson biglang may pumasok sa classroom namin na parang walang paki, at sa gulat ko si Chynns. Ano nanaman kaya ang balak nito.

" Good Morning Ma'am!" bati nito. Pero si mam, parang walang pakielam.

" Ms. Ortaleza, anong ginagawa mo dito? Diba sa kabilang department ka?" Sabi nito

" Ah, mam, gusto ko lang kasi batiin yung friend ko,"

"Oy tsong Glaiza! Kita tayo mamaya ah! Kapag hindi ka nagpakita lagot ka sa akin"

Halos lahat ng kaklase ko, tumingin sa akin ng masama, "what did I do" tanong ko sa sarili ko. Haizt, bahala na.

" Osige Mam, bye!" Labas nito.

Bigla naman ako tinignan ni Mam ng masama. Pero hindi ko na lang pinansin, nakakatakot naman kasi, kung makatingin parang kakainin ako.

"Psst! Kaano ano mo si Ms. Ortaleza?" tanong nung isang girl sa akin.

" Ah eh, friend ko" sabay ngiti.

" Buti na lang" bulong nito.

Hindi ko na lang sila inintindi, at mas inintindi ko yung tinuturo nung prof ko. Di ko namalayan break na pala. Agad na akong lumabas nung nabasa ko yung txt ni batchi (nickname ni Chynna), dahil gusto niyang magkita kami sa canteen.

"Hoy! Ortaleza! Ano bang problema mo ah?!" Sabay batok sa kanya.

"Aray naman Galura!" agad ko naman tinakpan yung bibig niya, gaga to.

" Ano ba? Lakas ng boses mo, hindi nila alam na Galura ako!" sambit ko sa kanya at sabay nag peace sign.

" Bakit ba?" Tanong ko.

"Wala lang, wala akong matinong kasama eh." Ayun naman pala eh, edi sana tinext na lang ako.

" Gago ka pla eh, edi sana tinext mo na lang ako, hindi yung bigla mo na lang papasukin yung classroom namin! Napahiya pa ako. Halos lahat sila nakatingin sa akin" sabi ko.

"Alam mo kung bakit? Sikat ako dito eh.. Hhaha"

" Ewan ko sayo, sige na alis na ako, may class pa ako. Bye paker!"

Hindi ko na siya hinintay na sumagot. Papunta na ako sa corridor ng biglang may humarang sa akin na dalawang babae.

" So, ikaw yung kasama ni Chynna kanina? Uh? Pangit!" Sabi nung isa na mukhang tilapia.

"Ah. Thank you, sige mga ms, alis na ako ah"

pero hindi talaga ako pinaalis, sinabunutan ba naman ako. Ay putcha naman! Gusto kong gantihan kaso hindi pwede.

" Itigil niyo nga yan!" Sigaw nung babae.

"Ms. Rhian! Sige po, aalis na kami" sabi nung dalawa.

" Ok ka lang?" tanong nito sa akin.

"Ah eh. Oo, salamat ah. Glaiza." Sabay ngiti at inabot ko yung kamay ko. Pero bigla na lang umalis. Haizt.





















RHIAN's POV.

Hindi ko alam kung bakit tinulungan ko yung nerd na yun dun sa dalawang babaeng nagkakagusto dun sa Ortaleza na yun.. Well I think naawa ako, first day pa naman niya today, pero sure ako, sa susunod na day, kawawa yan. Tsk.

"Babe!" sigaw ng boyfriend kong si Jason. Jason is captain ng football team and also campus king. Medyo bully to. Hindi ko nga alam kung bat ko sinagot to eh, palibhasa gwapo.

"Babe! Ano tara na?" Sabi ko, balak ko kasing pumunta ng mall, magpapalamig lang.

"Babe, pasensya na ah, may practice kami eh, so I can't, ask mo na lang si Bianca. Sorry talaga ah! I love you!" Sabay alis, hindi nanaman natuloy yung usapan namin. Sa sobrang inis ko, pumasok na lang akomsa next class ko.

Halos wala akong maintindihan sa tinuturo ng prof namin, pero itong si Glaiza, grabe ang nerd talaga, siya lang ata ang nakikinig. Biglang lumapit si Mr. Felip sa kanya.

"Ms. DE CASTRO?! Hindi ito ang oras ng pagtulog?!" aba akala ko nakikinig, natutulog pala ang loko.

"Sir, I am not sleeping, I just want to close my eyes, and besides, I am listening." sabi nito habang nakatingin kay sir na cool na cool lang.

"Talaga? Ok, solve the problem on the board" galit na to, for sure.

"Ok sir" agad naman itong pumunta sa board para isolve yung problem, at walang kahirap hirap niya itong sinagutan.

Pero dahil mapride tong prof naming to, nagbigay ng mas mahirap at mas mahaba. At sabi dapat mental math ang gamitin,. Hindi naman na nagreklamo, tinignan lang niya yung problem within 20 seconds, and done, tapos na siya, hindi makapaniwala yung prof namin.

"Ok, Ms. De Castro, you may seat now" sabi ng prof namin na parang napahiya, at ito namang Glaiza na to, napasmirk lang.

After ng mahabang discussion, sa wakas tapos na din, and I saw Glaiza nag aayos ng gamit niya., naisipan kong lapitan siya.

"Hey! Glaiza right?" tanong ko.

"Yup, bakit?"

"Wala gusto ko lang icongrats ka, grabe ka ang galing mo ah. San school ka ba galing?"

"Sa EU. Europe University, sige Rhian, alis na ako, baka hinihintay na ako ni Chynss eh. Sige Bye ingat"

At umalis na to, talagang sa Europe University to galing, wow ah. Bakit kaya to nagtransfer,. Pero bakit ko ba iniisip, deym!

































GLAIZA's POV

Akala siguro nung Felip na yun , di ko kayang sagutan yun, tsk. Ako pa na. Galing lang naman ako sa Europe University, duh? Pero ang hindi ko inakala, bigla akong kinausap ni Rhian, wow, mabait naman pla kahit papano, kahit medyo may pagkabitch minsan, but maganda pa din.

I think crush ko na siya. Crush palang naman, hindi ko pa rin naman napapalitan si Solenn sa puso ko. Haysss. Naalala ko nanaman yung araw na iniwan niya ako.

[Flashback]

"Hey! Hon! Ano tara alis na tayo?" Yaya ko sa girlfriend ko, umalis na lang kami pero ang tahimik niya. Hiyaan ko na lang siya hanggang sa makasakay kami ng kotse.

"Sol? May problema ba?," tumingin lang siya sa akin at parang naiiyak.

" Glai, I am sorry, I'm breaking up with you"

" But why? What did I do? Kulang pa ba yung pagmamahal ko? Sabihin mo lang lahat gagawin ko!" Hindi ko na kaya, umiyak na ako, at hinawakan ko yung kamay niya.

" Yun na nga eh. Wala kang ginagawa, yung pagmamahal mo? Damn! Sobra sobra pa Glai, pero di ko na kaya, nappressure na ako, lagi na lang ikaw. Sa ngayon, palayain muna natin ang isa't isa. I can't love you kung ikaw lagi ang may ibinibigay. Its should be give and take, but in our case, you are the one who always give and I? I always receive. Hindi yun kaya ng pride ko. Kaya Glai, Im sorry"

umalis na to, iniwan akong mag isa sa kotse ko. Nakatulala, at hindi ko na alam ang gagawin ko kung nawala sa akin si Solenn, mahal ko siya eh. Siguro nga, hindi kami ang para sa isa't isa, siguro nga ginamit niya lang din ako, hindi niya talaga ako mahal. Kaya simula ngayon, hindi na ako basta basta magtitiwala when

it comes to love.

Iniwan niya ako para sa lang sa napakawalang kwentang dahilan, letcheng pride yan.

[End of Flashback]

Siguro tatanggapin ko na lang na love is not for me. Yun naman siguro ang binigay na tadhana sa akin. Yung may makikilala ako, pasasayahin ako, mamahalin ko, pagkatapos, iiwan din ako sa huli. But hindi pa din ako nawawalan ng pag-asa na balang araw, mahahanap ko siya, at mahahanap niya ako, mahahanap namin ang isa't isa.

Hindi ko na namalayan ang oras, tapos na ang class ko, kaya agad akong pumunta kay Chynns para may kasabay umuwi. Pero kapag sinuswerte ka nga naman, nakasalubong ko nanaman yung dalawang pangit na umaway sa akin kanina.

"Hoy ikaw!" Tawag nung mukhang tilapia.

"What?!" Pasigaw na sagot ko, hindi ko kasi alam kung ano nanaman ba ang kailangan ng mga to sa akin eh. Nabbwisit na ako.

"Pwede ba lumayo ka kay Chynna!" Sumbat nung isang babae na mukhang sugpo,.

"Sorry, pero paano ko gagawin yun? Bestfriends kami? Tsaka don't worry, hindi ko siya type, hindi ako pumapatol sa posporo" Halata dun sa dalawa na naiinis na rin dahil sa sinabi ko at pang aasar sa bestfriend ko.

"Gago! Posporo pala ah?! Hahahaha!" Laking gulat ko na biglang may nagsalita sa likod ko. Sigurado akong si Chynns to.

" Chynna! Totoo ba ang sinasabi ng nerd na to na bestfriend ka niya?" Tanong nung mukhang tilapia.

" yan? Bestfriend?! Hindi. KASI PARA SA AKIN KAPATID KO NA YAN! Kaya kayong dalawa, tantanan niyo na yan, kung ayaw niyong mapaalis sa school na to ng maaga, baka nakakalimutan niyo, bestfriend ko ang may-ari ng school na to"pagbabanta ni Chynna dun sa dalawa. Hindi na lang sila umimik, at umalis na lang.

"Alam mo ikaw, gago ka ah. Hahaha. Kanina pa kita hinihintay!" Sumbat ko sa kanya, kung maaga siguro siya, edi sana hindi ako sinugod nung mga lamang dagat na yun.

" sorry naman, pinuntahan ko kasi si Kean eh." Ayun! Pinuntahan ang boyfriend.

Hindi na ako nakapalag sa kanya. Kaya umalis na lang kami para mag meryenda sa isang coffee shop., coz right now, I really need coffee, sumasakit ang ulo ko sa School na to.

" So tsong, kamusta naman ang pagiging nerd at kamusta naman ang first day mo?" Tanong ni Chynns sa akin. Bago ako magsalita, humigop muna ako ng kape.

" To be honest, it was worst, alam mo kung bakit? Nabully ako ng 2 beses dahil sayo."

" At ano naman ang kasalanan ko aber? Kasalanan ko ba kung crush ako ng mga babae dito?"Kahit straight to, ang hangin eh.

"Ewan ko sayo. Pero kahit papaano, naging ok din. Pinagtanggol ako ni Rhian eh."Sabay ngiti at kinikilig.

"Tsong? Si Rhian? Pinagtanggol ka? Aba, himala yun ah. Alam mo ba, Queen bee yan sa University, at lagi yang nangbubully lalo na sa mga nerd!"

" Eh anong tawag dun sa ginawa niya sa akin kanina?"

"May plano yan sayo tsong. Ingat ka. Matinik pa naman din yan, dalawa sila ng boyfriend niya na si Jason." Ah, so Jason pala pangalan ng boyfriend niya. Wow ah.

" hay naku Chynns, bahala na. Halika na nga!" Pagkalabas namin, nakita namin sila Rhian na may kasamang babae. Hindi ko maiwasang mapangiti sa ganda niya.

" hey! " tawag sa akin ni Rhian.

"H...hi!" Bati ko, medyo nauutal ako, ang ganda kasi.

" nice to see you again, De Castro"

"You too, Howell" at sabay na kaming nagpaalam sa isa't isa.

Habang nag ddrive ako, biglang nagtxt si Chynna, pero hindi ko muna pinansin. Binasa ko na lang nung nakarating na ako sa bahay.

"Tsong, ingat ka talaga kay Howell, binabalaan na kita" -Chynns

Continue Reading

You'll Also Like

359K 8.6K 91
Abbigail Alejo isang mayamang dalaga na makikilala ang isang babaeng simple at hindi kasing yaman nya, si Samantha Madrigal na syang magpapabago sa b...
528K 18.2K 78
I never imagined myself liking someone the same as me, let alone falling in love with them. // "Sinabi ko na sa'yo, hindi kita mahal." "No. You love...
461K 16.2K 73
Layunin kong makapag-aral ng mabuti upang magkaroon ng magabdang buhay ang aking pamilya. At para sa aking magandang kinabukasan. Ngunit nakilala ko...
180K 5.4K 97
Two opposite worlds come together. How will they establish harmony after their initial encounter was unfavorable? Would you be open to befriending so...