Bestfriend -Slash- Bedmate (P...

By iloves14

18M 146K 13.3K

"Marunong ako mag-seryoso ng babae....... At yun ay pag nasa kama kami." -Bryan Cortez More

Bestfriend -Slash- Bedmate
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
AUTHOR'S NOTE
Chapter 25
Chapter 26
RESTRICTED!!!
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51 (THE WEDDING)
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
.....Ever After? (Epilogue)
Author's Final Message
"NEW STORY" Alert ni Ms. Author. ;D
Update: New Story (Red Room of Pain)

Chapter 45

156K 1.6K 190
By iloves14

~Chapter 45

**

Erika's POV

Nag-aayos na 'ko ng mga damit para iimpake na. Kailangan makadating ako dun on time.

Mali ang iniisip niyo.

Sasama ako kay Bryan.

Iiwan 'ko sina Daddy, bahala sila. Dito ako masaya eh. At hindi nila naiintindihan yun kaya wala silang pakielam.

Flashback...

"Gumawa tayo ng paraan. Sasama ako sa'yo.. A-ayokong umalis. A-ayokong iwan kayo lahat dito.." 

Humarap sa akin si Bryan at tumingin sa mga mata 'ko. "Aalis tayo bukas. Hayaan mo munang isipin nila na, oo, sasama ka sa kanila. Magkita uli tayo dito ng 4pm. 1 hour bago kayo umalis." sabi niya sa'kin.

Tumango-tango ako at niyakap siya. 

"Lalayo tayo, ilalayo kita dito. Mahal na mahal kita baby, hindi tayo magkakahiwalay.." malungkot ang tono ni Bryan.

Parehas kaming kinakabahan sa gagawin namin bukas pero..

Lakasan lang ng loob.

Parehas kaming lalaban. 

Para sa relasyon namin.. Para sa pagmamahalan namin..

End of Flashback.. 

Maayos na lahat ng gamit 'ko.. Buti na lang wala dito si Ate Bea kaya makakaalis ako ng maayos.

Saktong 3:30 nang umalis ako sa condo.

Tinatawagan 'ko si Bryan kaso hindi siya sumasagot, hindi rin siya nag re-reply sa mga messages 'ko.

Baka busy lang din yun mag-impake. 4pm pa naman ang usapan namin.

...

...

Dumating ako dito sa park ng 3:53. Wala pa si Bryan.

The number you are calling is not yet in service..

The number you are calling is not yet in service.. 

Paulit-ulit akong tumatawag sa kaniya pero yan ang sinasabi ng operator.

Dadating si Bryan. Hindi niya hahayaang magkalayo kami. 

Baka na-traffic lang yun. O kaya may inaasikaso pa.. Basta. DADATING SIYA..

...

...

4:28 na pero...

Wala parin si Bryan..

Hindi pa din siya dumadating.

"Hinihintay mo si Bryan?" 

O____O

Nagulat ako sa boses na yun at nang napalingon ako..

"O-oo.. A-ayokong sumama sa i-inyo.." uutal-utal at kabado 'kong sabi kay Phil..

Napa-buntong hininga siya.

"Umalis kana dito. Kay Bryan ako sasama at wala akong pakielam kahit mag-sumbong ka pa kay Daddy.." matapang 'kong sabi. Kailangan, hindi niya makita na kinakabahan ako.

Tiningnan niya ako ng diretso sa mata.

"Pwede naman yun Erika eh. Pero.. Sasama ka pa rin ba sa kaniya sa kabila nito?" dumukot siya sa bulsa at kinuha ang cellphone niya..

May pinindot siya saglit at ibinigay sa akin ang cellphone.

"Tingnan mo yan.." sabi niya.

Kinakabahan ako at parang ayokong tingnan yun kasi alam 'kong hindi ako matutuwa sa makikita 'ko..

(Sa video..

"Lalayuan mo ang anak 'ko sa ayaw at sa gusto mo! Sasama siya sa amin at matatapos ang relasyon niyo!" 

"H-hindi..! K-kahit..p-patayin niyo p-pa a-ako dito.. Hindi 'ko..Hindi 'ko iiwan si Erika.. H-hindi ako papayag na ilayo niyo siya s-sakin..!" 

..

Nakuyom 'ko ang palad 'ko at nag-simulang tumulo ang luha sa mga mata 'ko..

Pagkatapos na sabihin yun ni Bryan, may mga lalaking sumuntok at bumugbog sa kaniya ng sunod-sunod..

"Napaka-walanghiya niyo! B-bakit niyo ginawa 'to?! A-asan si Bryan?! Asan siya Phil?!?!" 

"Pasensiya ka na Erika.. Pero hindi 'ko masasabi sa'yo." 

"Pasensya ka na rin Phil pero hindi pa rin ako sasama sa inyo.. Hahanapin 'ko si Bryan at mananagot kayo sa ginawa niyo!" umiiyak akong tumalikod sa kaniya at nag-lakad..

"Buhay ni Bryan ang nakasalalay pag hindi ka sumama samin.. Papayag ka ba na may mangyaring masama sa kaniya? Mahal mo siya, diba? At kung mahal mo siya, iisipin mo ang kapakanan niya." alam 'ko ang gustong iparating ni Phil. Kinokonsensya nila ang gusto 'kong desisyon..

Gusto 'kong puntahan si Bryan, gusto 'kong ipatigil yung ginagawa sa kaniya.. Gusto 'ko siyang yakapin.. Gusto 'ko siyang isalba..

Pero alam 'ko, na sa isang kilos 'ko.. Maaaring mawala siya sa'kin.

Kilala 'ko si Daddy.. Gagawin niya ang lahat para sa gusto niya..

Napaupo na lang ako at napaiyak.

"Tumatakbo ang oras.. At mas lalong nahihirapan si Bryan.." sabi ni Phil.

Lalo na lang akong naiyak.

Mahal 'ko si Bryan, mahal na mahal.

At ayokong maging madamot na dahil lang sa akin, kaya siya nahihirapan ngayon.

 (Play and listen to the video at the multimedia.. Or you may search it on Youtube.. -->)

Tumayo ako.. "S-sasama na 'ko..sa..i-inyo.." 

\

/

\

/

Bryan's POV

"When someone loves you, they fight for you, because the thought of losing you breaks their heart." 

"Wala ka nang magagawa! Wala ka nang lakas para puntahan pa si Erika. Pag-alis 'ko dito, isasama 'ko na ang anak 'ko. May mga bagay siyang mas dapat intindihin kesa sa pag-ibig na yan! Sisirain mo lang ang buhay niya." sabi ni Tito. 

Ngumisi ako.. "I-ikaw.. Ikaw mismo ang sisira s-sa buhay niya.. P-pinag bibili mo a-ang anak mo.. H-hindi siya magiging masa..ya.." sabi 'ko nang parang hindi nahihirapan.

Kailangan 'kong maging malakas. Kailangan 'kong lumaban.. Kailangan 'kong kayanin 'to..

Hinihintay ako ni Erika. Kami ang magsasama. Hindi siya aalis. Hindi niya ako iiwan..

Biglang nag-ring yung phone ni Tito..

"Hello?" 

"Mabuti naman kung ganun. Sige, payagan mo. Pumunta kayo dito." 

Binaba ni Tito yung tawag at ngumisi sa akin.

"Papunta dito si Erika, para magpaalam sa'yo.." 

"H-hindi.. Hindi magagawa ni..ni E-Erika yun.. H-hindi.." 

Tumawa na lang at umalis si Tito. 

Hindi 'ko alam na magagawa niya 'to. Iba si Tito ngayon. Nang dahil sa pagkakalugi ng kompanya nila, nagiging desperado siya..

Ilang minuto pa ang nakalipas..

"Bryan?!?!" 

Napatunghay ako.. Napangiti ako nang makita 'ko si Erika sa harap 'ko.

"B-baby.." sabi 'ko nang nakangiti.

Umiyak siya at niyakap ako.. "A-anong ginawa nila sa'yo.. Baby.. I'm sorry.." sabi niya habang iyak ng iyak.

"A-ano ka b-ba.. H-hindi mo kailangan mag s-sorry.. L-lalaban tayo d-diba? L-lumalaban a-ako para sa..atin.. U-umalis na t-tayo dito.. I-Ilalayo na kita.." sabi 'ko kahit hirap na hirap na akong mag-salita.

"I'm sorry baby.. P-pero...." naputol ang sasabihin niya nang hilahin siya ni Phil.

"B-bitawan m-mo siya..!" sabi 'ko.

"Halika na Erika. Male-late tayo sa flight natin. Magpaalam ka na." sabi ni Phil kay Erika.

Tumingin ako kay Erika.. "B-baby.." 

Niyakap uli niya ako nang mahigpit.. "H-hindi ka s-sasama s-sa kanila, d-diba?" paninigurado 'ko.

"I'm sorry Bryan pero.. Hindi 'ko kayang makita kang ganito. Nasasaktan ako, mas nasasaktan ako. Ngayon, ayokong maging madamot. Ayokong pati ikaw, mahirapan.. Mahal na mahal kita kaya 'ko gagawin 'to.. I'm sorry kung wala na akong ibang magawa para ipaglaban tayo.. Ayoko lang talagang mas mawala ka nang tuluyan sa akin pag nagmatigas pa ako.. I'm sorry.. M-mahal na mahal k-kita.." 

Halos madurog ang puso 'ko sa sinabi ni Erika..

Ayokong isipin at intindihin ang gusto niyang sabihin kasi hindi 'ko kaya.. Hindi 'ko kayang paniwalaan na aalis siya at magkakahiwalay na kami..

"A-aalis na k-kami Bry.. M-mag iingat ka lagi. N-nagpapasalamat ako kasi, nakilala kita. Kahit papaano, marami akong babalikan na masasayang araw nating dalawa.. Ayokong sabihin na hintayin mo 'ko kasi ayokong umasa ka sa pagbabalik 'ko.. Pero Bry, tandaan mo aalis ako nang ikaw ang mahal 'ko, at hindi magbabago yun kahit kelan.. Maraming salamat kasi pinaramdam mo sa'kin ang mahalin ng iba ng buong-buo at tunay.. Mahal na mahal kita Bryan.. Mahal na mahal k-kita.." 

Inalis na ni Erika ang pagkakayakap niya sa'kin..

"H-huwag ka nang u-umalis.. P-please.. H-hindi 'ko k-kakayanin.." sabi 'ko habang umiiyak..

Tumungo na lang si Erika habang umiiyak.

"Tara na, umalis na tayo. Dalhin niyo na yan sa ospital.." sabi ni Tito.

Mayamaya pa, tumalikod na silang lahat.. Kasama si Erika.

Sa huling sulyap at sandali..

 "Mahal na mahal kita Erika.. H-hihintayin k-kita.." 

Continue Reading

You'll Also Like

410K 1.3K 6
He's a joyful mysteries. She's a confused lil girl.
30.6K 613 53
Raffy Eya Rheinford is a woman who is not easy to be with. A girl with a barrier on herself. She like pushing people away because she is scared to b...
344K 1.9K 11
Nang magpacheck up si Ranna sa Doctor dahil may nararamdaman siyang kakaiba sa katawan ay may natuklasan siya. May sakit siya sa matres, she needs to...
3.2M 74.9K 51
Have you ever craved someone, so much that you literally ache? In my case... I really did. Nagmahal ako kahit walang kasiguraduhan. Nagmahal ako kahi...