Heartless (Published under Si...

Autorstwa jonaxx

117M 2.8M 1.5M

Elevators. Airplanes. Palaman ng Sandwich. Yung feeling na papunta ka pa lang at excited ka pa lang sa pupunt... Więcej

Heartless
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Kabanata 56
Kabanata 57
Kabanata 58
Kabanata 59
Kabanata 60
Wakas
Heartless is Published Under Sizzle
Notes
Kabanata 39

Kabanata 41

1.5M 37.4K 8.3K
Autorstwa jonaxx

Kabanata 41

Not His Girlfriend

Sinakripisyo ko ang pakikipagkita ko sa mga kaibigan kong sina Kristen, Ivy at Trina. Alam ko, that's too selfish. Pero iyon lang ang naging tanging paraan ko para maiwasan si Elle at si Rozen. Kung ano man ang ginagawa nila, hindi ko na alam.

Iniwasan ko rin si Noah. Hindi mahirap iyon kasi busy siya at busy din ako. Alam kong selfish na naman ang desisyong ito, pero kasi hindi ko kayang nakikita si Noah na sinasalo ako tuwing nasasktan ako. Gusto ko mag isa lang ako dito. Ayokong mandamay ng ibang tao.

"Si Rozen ba yan?" Tanong ng isang kagrupo ko.

Isang dinig ko lang sa pangalan niya ay agad na akong nag wo-walk out. Ayaw ko na talaga. Gusto ko na lang mamuhay ng matiwasay at hindi na sumawsaw sa magkapatid na Elizalde. Ni ayaw ko ng makipag usap muna sa busy na si Reina dahil natatakot akong umiyak ulit.

Pagkatapos ng finals ay may tatlong linggong sembreak. Magmumukmok na lang ako sa bahay buong tatlong linggo. Wala naman akong gagawin. Mag pi-prepare na lang ako sa huling semester. At para sa birthday ko? Hindi ko alam kung anong gagawin. Mag ti-twenty two na ako. Hindi na naman siguro uso yung party? Ewan ko. Gusto ko sanang imbitahin sina Kristen pero natatakot akong isama nila si Elle. I know, I'm being a bitch again. Walang kasalanan si Elle, mahal niya lang talaga si Rozen. Ako ang may mali dito, kasi naiirita ako sa kanya dahil dun.

"Coreen!" Napatalon ako sa sigaw na narinig ko pagkalabas ng school.

Lumingon-lingon ako para tignan kung sino yung tumatawag.

Nagulantang ako nang naaninaw ko ang nakakunot-noo na si Noah sa loob ng sasakyan niya. Nipark niya iyon sa gilid ko.

"Hi, Noah!" Hilaw kong bati.

"Saan ka pupunta?" Tumaas ang kilay niya.

"Uuwi?" Patanong kong sagot.

"Hindi ba tapos na ang exams mo? Ngayon, pwede na ba tayong lumabas?" Tanong niya.

"Uhm... Eh kasi-"

"Coreen! Iniiwasan mo ba talaga ako?"

"Hindi ah!" Hindi ako makatingin sa kanya.

"Hindi ko na mabilang kung pang ilang beses ko na itong tinanong sayo at pang ilang beses mo na yang sinagot pero hindi parin ako matahimik. Coz I know, you really are avoiding me!"

Binuksan niya ang pinto. Agad naman akong umatras at napalunok. Marami akong naging excuse kay Noah noong may pasok pa. Pero ngayong kakatapos lang ng sem ay wala na akong magawang excuse.

Ting! May nag light bulb sa isipan ko.

"Noah, kasi maghahanda pa ako para sa next sem-"

"Tatlong subjects na lang yan." Aniya.

"P-Pero kasi baka kailanganin kong mag training sa opisina ni mommy-"

"Bakit pa eh lagi ka namang tanggap dun?" Tinaas niya ang kanyang kilay at humalukipkip. "Now, I really have this feeling na iniiwasan mo ako. Why, Coreen?" Matama niyang sinabi.

Ngumuso ako.

"I'm sorry, Noah. I'm just really busy."

Bigla niyang hinawakan ang kamay ko.

"Kung hindi mo ako iniiwasan, then prove it to me, Coreen. Come with me." Mariin niyang sinabi.

Wala akong nagawa. Hinigit niya ako papasok sa sasakyan niya at dinala niya ako sa kanilang bahay. Aniya'y may practice daw sila ngayon at pagkatapos ay ililibre niya ako.

"Damn, I miss you." Aniya nang nagkaroon ng traffic at tinitigan niya ako.

Uminit ang pisngi ko tsaka hinampas ko ang braso niya.

"Wa'g mo nga akong biruin."

"Bakit? Di mo ba ako namimiss?" Seryoso ang kanyang mukha.

"Syempre, miss din."

Ilang sandali ay nagtawanan kaming dalawa. Pakiramdam ko wala talaga akong ibang maramdaman sa kanya kundi ang friendship. Iyon na lang. Siguro ay naubos na ni Rozen ang pagmamahal ko. 

"Sorry." Binasag ko ang katahimikan namin nang papalapit na kami sa bahay nila.

"Bakit?"

"Iniwasan kita." Pag amin ko.

"Alam ko. Bakit?"

Ngumisi ako sa sagot niya.

"Kasi natatakot kang mag selos si Rozen?"

"Hindi no." Sumulyap ako sa kanya. "Ayaw ko lang na mas lalo tayong magkabuhol. I love Rozen. At ayokong pag masyado na tayong close ay masaktan pa kita."

Suminghap siya, "Madali naman akong kausap, Coreen. Years ago, nang sinabi mo saking na fall out ka na sakin at si Rozen na ang mahal mo, agad kong tinanggap iyon kahit masakit. Alam kong kasalanan ko kasi hinayaan ko kayong dalawa. Napatawad ko na ang sarili ko. Ngayong nakikita kong wala siyang pakealam sayo, hindi ko kayang hayaan kang ganyan."

"Noah, hindi ko rin kayang nandyan ka tuwing umiiyak ako at sumasaya lang ako pagkasama ko siya. Hindi ko kaya yun, Noah. I'm not like Rozen. Hindi ko kayang manggamit ng tao gaya ng ginawa niya noon satin."

"Hindi mo naman ako ginagamit, Coreen. I'm being a friend here." Ngumiti siya pero may lungkot akong nakikita sa kanyang mga mata.

Pinipiga na naman ang puso ko. Ilang beses ko na kayang pinagdasal na sana si Noah na lang ulit?

Nang pinasok niya na ang sasakyan niya sa kanilang bahay at nipark niya doon...

"Nga pala. This coming weekend, ikakasal ang kapatid ni Liam." Medyo kumunot ang noo ni Noah sa sinabi niyang iyon.

"Talaga? Whoa!"

"Kakanta kami sa kasal. Beach wedding. Tsaka sinabi ko sa kanyang sasama ka." Ngumisi siya.

"What?" Hinampas ko ang braso niya.

"Oo. At ni book niya na tayo sa hotel. Isang room lang tayong dalawa-"

Mas lalo kong hinampas ang braso niya.

Tumawa na lang si Noah.

"Ikaw talaga! Panu kung di ako payagan? Panu kung di ako sasama? At bakit isang room lang tayo?"

Mas lalo siyang humagalpak sa tawa, "Nahihiya naman akong mag demand kay Liam. Sasama din sina Warren. Two beds naman yung ni book niya para satin. Ang akala kasi niya ay girlfriend kita, kaya ayun."

"This weekend? My God! Seryoso ba ito?" Tanong kong di makapaniwala.

"Oo. So you have no choice but to be with me."

Lumabas siya ng sasakyan at pinagbuksan niya ako. So gentleman. Napangisi ako sa ginawa niya. Pumungay ang aking mga mata habang tinitignan siyang abot tenga ang ngiti.

"Sige na nga!" Umirap ako.

"Yes!" OA pa siyang sumigaw.

Nagtatawanan kaming dalawa papasok sa bahay nila. Binati kami ng mga katulong. Namiss ko itong bahay nila. Ilang buwan na rin akong di nakakapasok. Simula noong nagbalik si Rozen ay hindi na ako nangahas na pumasok. Ngayon lang...

Nang binuksan ni Noah ang music room ay bumungad sakin ang nakapikit na kumakantang si Elle.

"Shit." Bulong ko.

Dumiretso naman si Noah kay Warren na nakikipagtawanan kay Joey.

"Ba't siya nandito?" Narinig ko ang bulong niya.

Lumingon ako sa sofa na pupuntahan ko sana para maupo pero nakita ko ang nagbabasa ng magazine na si Rozen. Shit!

Pumihit ako para umalis. Talagang nawawala ako sa sarili tuwing nakikita siya pero narinig ko ang tawag ni Noah.

"Coreen!" Nilingon ko si Noah. "Stay."

Umiling ako at nakita kong tumayo si Rozen, nakakuyom ang kanyang panga at nagkatitigan kaming dalawa. "Mag practice kayo, okay lang naman na wala ako." Aniya.

"Huh? Rozen? Saan ka pupunta?" Nanghihinayang na utas ni Elle.

"Aalis lang." Malamig niyang sagot kay Elle at nilagpasan ako.

Sinubukan ni Elle na sundan si Rozen pero pinigilan siya ni Liam para makapagpractice sila. Umupo ako sa sofa na inuupuan ni Rozen kanina para makinig sa practice. Nilapitan ako ni Noah.

"I'm sorry. Inimbitahan siya ni Liam. Hindi ko alam." Aniya.

"Okay lang." Ngumiti ako.

"Sa kasal din kasi, sasama siya."

Hindi ako nagsalita. Parang gusto kong umurong sa alok ni Noah na sumama sa kasal ng kapatid ni Liam.

"O-Okay lang." Sabi ko kahit hindi pa ako sigurado.

Nang nag break at napaupo si Elle sa sofa na inuupuan ko ay narinig ko ang malakas niyang buntong hininga. Nag kunwari akong nagbabasa ng magazine dahil sa totoo lang hindi ko kayang kausapin siya kahit na wala naman siyang ginagawang masama sa akin.

"Hi, Coreen, I miss you!" Bigla niya akong niyakap kaya nadistract ako.

"Hello." Ngumisi ako.

Napangiwi siya, "Ang cold mo naman! Hmp!"

Napakamot ako sa ulo, "Sorry."

Damn it! I kinda feel like I'm a witch!

"Nasan kaya si Rozen." Humalukipkip siya at tumingin sa paligid. "Gusto ko siyang hanapin kaya lang first time ko dito at baka mawala ako."

"First time mo dito?" Tanong ko.

That was unexpected. Ilang buwan na silang magkasama o mag on, bakit first time niya dito? Nagkibit balikat ako para sa sarili kong mga katanungan.

"Oo." She sighed. "Asan ba ang kwarto niya?"

Kumunot ang noo ko. I won't freaking tell. Kahit na itorture niya pa ako.

"Hindi ko alam." I lied.

"Imposible. Hindi ba bestfriends kayo ni Reina? Matagal ka ng pumupunta dito. Dapat alam mo."

Medyo nabanas ako sa sinabi at pagpupumilit niya, "Hindi ko kasi alam. Ikaw dapat nakakaalam nun kasi girlfriend ka niya."

Natigilan siya. Tinitigan ko at unti-unti kong nakita ang ngiti niya at malungkot niyang mga mata. Para bang nahihirapan siya.

"I'm not his girlfriend." Simple niyang sinabi.

Halos ibalibag ko ang magazine na hawak ko.

"Then, ano kayo? Kung hindi kayo? Ano kayong dalawa? Friends with benefits? Ano?"

"ELLE!" Napatalon kaming dalawa sa biglaang pagsigaw ni Rozen sa likod niya.

Nilingon ko si Rozen at nakita kong mabilis ang paghinga niya.

"Rozen." Utas ni Elle.

"Let's go!" At hinigit niya si Elle palayo sa akin.

Honestly, I don't really care. Wala na akong pakealam kung anong ginagawa nila. Alam ko, nasasaktan parin ako pero tanggap ko ng wala na akong magagawa. Wala akong maramdaman kundi ang pagkainis kay Rozen. Damn him! Anong gusto niya? Tapos na akong magmakaawa! Nilunok ko na ang pride ko. Ayoko ng mag aksaya ng feelings para sa tulad niya.

Kaya naman ay matapang akong sumama kina Noah sa kasal ng ate ni Liam. Mamayang sunset iyon gaganapin kaya maaga kaming bumyahe. Bukas ang uwi namin.

"Are you really sure you're okay with this, Coreen?" Tanong niya.

"Yup, Noah. Okay lang talaga." Sabi ko nang bumaba na sa sasakyan niya at nakita ko ang naka aviators na si Rozen na bumababa sa sasakyan niyang kasama si Elle.

"O sige, edi tara na!" Aniya at kinuha ang bag ko.

"Okay." At sumunod na ako sa kanya.

Czytaj Dalej

To Też Polubisz

64.2M 1.3M 54
If you hate something, would you change it? And if you change it, will you like it? Hindi alam ni Charity kung bakit ayaw na ayaw sa kanya ni Jayden...
48.1M 1.3M 62
Rosenda crosses path with a hot stranger who's suffering from some sort of mental illness yet seems to understand her pain and longing. She decides t...
607K 10.1K 34
Escape Obsession series 1 ∅Matured Content | 18+ (openminded only) ©2018 by vixenoxxx
12.2M 283K 32
Hoping to work in Japan as a cultural dancer, Maria Victoria Ferrer gathers up her courage and goes to Manila for a training she didn't expect. There...