Take A Chance (COMPLETE)

By B_jewel

946 90 2

Nasaktan ka ba ng taong mahal mo? Minahal mo ng sobra? Sa sobrang pagmamahal mo ba sa kanya kaya mo siyang I... More

Take a Chance
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15

Chapter 5

44 6 0
By B_jewel




Pareho silang nanahimik nang ilang saglit. Kasabay niyon narinig niyang napabuntunghinga ito, bago bumaling ito sa kanya.

"A-ah.." Sabay pa nilang sabi.

"Ikaw muna." sabi nito ngumiti pa sa kanya.

"Yeah thank you sa Carmona Village kami Chico St.blk. 12." Aniya dito tinutukoy niya ang kanilang address.

"Alright ... mind you if I ask nang medyo personal Ms. Esteves."

"Michelle na lang masyadong pormal ka naman, nagmumukha akong matanda niyan e." Putol niya dito.

"Yea you can call me with my first name also... pwede bang magtanong?"

"Yea basta kaya kong sagutin bakit hindi."

"Okay...How come na may baby kana are you married? Where's your husband? Okay lang kong ayaw mo sagutin." Medyo nagulat siya sa tanong nito. She sigh.

"Its okay... Nasa Manila....ang Daddy ni Dave." Sa narinig naikuyom niya nang mahigpit ang kanyang mga palad sa steering wheel.

"H-how come na nandito kayong mag-ina kong nasa Manila lang pala ang Mr. mo..." Muling sabi nito.

"I'm separated..." Matipid niyang sagot na nakatingin sa gawi nang anak niya.

Natahimik siya, pakiramdam niya may nag-aawitang mga anghel sa kanyang paligid sa narinig sa mga sandaling iyon.

"What happen? Nope don't bother to answer..." Hindi niya napipigilan tanongin ang dalaga. Parang may nag aawitang paru - paru s kanyang paligid dahil sa sinabi nito.

"Its okay... I'll answer that, siguro dala nang kabataan na rin... at maraming bagay kaming hindi napapagkasunduan."

"I see.. kaya pala bata ka pa." Muling sabi nito sa kanya.

"Hindi na ako bata I'm twenty six, benti-syete na ako sa august." Napangiti siya ng mga sandaling iyon.

"What! You looked so young" Nasa mukha nito ang pagkagulat, at hindi makapaniwala sa narinig mula sa kanya.

"Yea... that's true...sa maroon gate na lang po paki tabi na lang muna." Aniya dito nang matanaw ang bahay nila. Agad naman tinabi nito ang sasakyan.

"Okay paano next time na lang uli tayo mag kwentuhan, sayang hindi ko naka- usap ang baby mo." Baling nito sa kanya.

"Oo nga eh, napagod sa kalikutan, paano nice meeting you na lang." Baling niya rito. At nilingon ang pwesto ng kanyang anak.

  Nang muling pag baling niya, di niya napansin na nilingon din nito si Dave. Kaya halos isang inches lang ang layo nila sa isat-isa. Parang naengkanto rin naman ito kong tingnan siya. Hindi niya malaman kong sasalubongin ba niya ang mga mata nito. Dahil ga-hibla na lang ang agwat nila. Parang gusto niyang pumikit dahil pakiramdam niya Qpapalapit ang mukha nito sa kanya.

Naipikit niya ang kanyang mga mata at ilang saglit pa mabilis na lumapat ang mga labi nito sa kanya. She was trembling at the moment pakiramdam niya ngayon pa lang siya nahalikan.

Masuyo at malalim ang halik na ipinag kaloob nito sa kanya. Nang bumitaw ang mga labi nito sa kanya ibig pa niyang habulin. Nakangiting mukha ang nakatunghay sa kanya nang imulat niya ang kanyang mata. Nakakahiya, obvious bang sabik siya sa halik nito, it's so electrifying.

"Its okay sweetheart.." Muling sabi nito at muling nilapat nito ang mga labi nito sa mga labi niya. Mas malalim at mas marubdob ngayon. She gasps...pareho pa silang kinapos nang hininga sa mga sandaling iyon.

"That's enough sweetheart baka kong saan pa tayo humantong pag hindi ako nakapag pigil." Hinaplos nito ang kanyang mukha. At mabilis na lumabas sa sasakyan para pagbuksan siya. At nang maisara kinuha naman nito si Dave at pinangko.

"Lets go Sweetheart" anito sa kanya para naman siyang namatanda. Sa ilang minuto ang nakalipas may endearment na agad ito sa kanya. Napaka pabling naman nito, obviously ito ang tipo ng mga hinahabol ng mga babae.

Mabilis niyang binuksan ang kanilang munting gate habang sumusunod naman sa kanya si Bernard. Pakiramdam niya nawalan siya nang dila nang mga sandaling iyon. Maliwanag ang kanilang Living room nanood pa rin si Manang Nelda ng programa sa T.V. Batid niyang hinihintay sila nito. Hindi pa siya nakakapagkatok bumukas na kaagad ang pinto.

"Aay....ginabi kayo...ay kasama ninyo si Mayor....Magandang gabi Mayor." Baling nito sa kasama niya. Nagulat man sa narinig niya, hindi na niya ito nilingon.

"Paki na lang d'yan sa sofa." Nang balingan niya ito.

"Gandang gabi din sayo...." Sagot nito. "Nope.... where his room doon ko na lang siya ilalagay, at tuloy-tuloy na ang tulog niya." Sabi nito.

"Okay lets go, sumunod ka na lang... nasa taas." May dalawang silid sa taas ang inuupahan niya, tamang-tama lang tag-iisa sila nang silid na inuukupa. Sa ibaba naman ang silid ni Manang Nilda. Sinanay na niya si Dave mula nang sumapit ito nang four years old, hiniwalay na niya ito sa kanya.

Nang mailagay nito sa kama ang kanyang anak. Mabilis niyang binuksan ang aircon para maging maayos na ang pakiramdam nito.

"Lets go...si Manang Nelda na lang ang bahala dyan." Yaya niya rito.

"Okay...but before we go..." Mabilis siya nitong hinila papalapit at masuyong hinalikan muli sa kanyang mga labi. Saglit lang iyon pero pakiramdam niya she fell like a jelly ace na nanlalambot. Sabay hawak nito sa kanyang kamay at hinila na siya palabas.

"Paano hindi na ako mag tatagal." muling basag nito sa pananahimik niya habang pababa sila.

"O-okay salamat ha.. n-naabala ka tuloy.." Hindi niya alam kung saan nangaling ang boses niya.

"Manang ikaw na muna bahala kay Dave paki bihisan lang ihahaitid ko lang si B-Bernard sa labas." Baling niya kay Manang Nilda.

"Sige aakyat na ko, Ingat po kayo Mayor." Baling nito sa lalaki.

"Okay po, Salamat po." Nakangiti namang sagot nito. Habang papalabas na sila nang pinto

"Hey! Papano dito na lang ako." Inabot nito ang kanyang kamay at bahagyang pinisil. "I'm going pag hindi pa ako umalis baka hindi ko na kayang pigilin ang sarili ko." Tumango siya.

"Sige thank you again...Ingat ka.... H-uh... ikaw pa pala ang Mayor." Sabi niya dito.

"So it's a big deal." Kunot nong sabi nito.

"No...No hindi naman....nagtataka lang ako kanina pa tayo magkasama hindi rin nabangit nila Ate."

"Ah ganon talaga pag kasama ko sila, walang Mayor-mayor sa amin. Paano hindi na ko magtatagal, pahinga ka na din." Anito at mabilis siyang ginawaran ng halik sa mga labi.

"Night Sweetheart.." bulong nito sa kanya. Ilang saglit pa sakay na ito nang kanyang sasakyan at mabilis na lumisan. Para naman siyang namatanda nang mga sandaling iyon.

God what's happening to me? Bakit siya pumapayag na mahalikan nang lalaking iyon na mahigit tatlong oras pa lang niya ito nakilala at nakasama. Oh my god.... And the endearment that he use for her. ...Crazy... but she likes it.

Napabuntunghinga siya, at bakit tuwing hahalikan siya nito ay nawawala siya sa kanyang sarili. She must be crazy.... Agad niyang isinara ang munti nilang gate nang hindi na niya natanaw ang sasakyan nito at mabilis siyang pumasok sa loob. Pababa na nang hagdan si Manang Nelda.

"A-ah okay na po ba si Dave manang?" Tanong niya dito.

"Ah oo nabihisan ko 'nga hindi man lang nagising ang batang iyon, mukhang napagod ng husto." Sabi nito.

"Hindi ko na po iyan naabutan gising mukhang nag-enjoy talaga siya sa buong maghapon niya kina Ate."

"Hay nagtaka ka d'yan sa anak mo eh, hindi matatawaran ang enerhiya niyan, para bang walang kapaguran."

"Oo nga po, sige po maiwan ko na kayo dito, ibig ko na rin pong magpahinga." Paalam niya.

"Sige Eneng mauna ka na susunod na rin ako, abay tatapusin ko lang itong inaantabayan kong telenovela." Naghihikab na ring sabi nito.

PABILING- biling siya sa kanyang higaan may isang oras na siyang nakahiga, ngunit ni kisap ng kanyang mata ay hindi pa niya nagagawa. Hindi rin siya makapag concentrate kong haharap siya sa kanyang computer para mag trabaho. Dahil halos sakupin na ni Bernard ang kanyang buong imahinasyon ng mga sandaling iyon. Sa apat na taon niyang hiwalay, ngayon lang siya nakaramdam ng ganon.

Ni minsan hindi nakuha ng isang lalaki ang kanyang atensyon, pero sa isang ito mula noong nagtagpo ang kanilang paningin sa loob ng Florencia hindi na naalis sa kanyang isip ang binata.

At sa sandaling nagtagpo sila kanina sa bahay ng pinsan niya, may kakaibang spark siyang nararamdaman at ganon rin ang binata. Sinalat niya ang kanyang labi, parang nandon pa rin ang mga labi nito, medyo nangapal nga ang mga iyon. Ganap na alas tres ng madaling araw bago siya hinila ng antok.

Alas sais pa lang ng umaga ng magising siya, halos tatlong oras lang ang itinulog niya. Nais pa sana niyang matulog ngunit hindi na niya mapilit ipikit muli ang kanyang mata, minabuti niyang bumangon, naghilamos at nag toothbrush siya. Dahil nakapaghanda na si Manang Nelda ng almusal minabuti niyang magdilig muna ng kanyang halaman.

Kahit medyo maliit ang space ng kanyang apartment minabuti niyang magtanim kahit papano ng mga halaman, inilagay niya ang mga ito sa isang paso, sa mahigit dalawang buwan pa lang nila rito, naging maganda at malusog na agad ang mga ito, pasaan ba't hindi rin tatagal mamumulaklak rin ang mga iyon.

Nakagawian na niya ang mag-alaga ng halaman, ito ang nagbibigay sa kanya ng therapy, nagiging panatag ang isip niya, pag masyado siyang naka focus sa kanyang computer. Dito siya nakaka pag relax.

Buong mag hapon silang nagbonding mag-ina, ipinagluto niya ito ng pasta, naglaro sila ng online game sa kanyang computer, nag-nap silang mag ina na magkatabi at magkayakap, kahit hindi sila lumabas ng araw na iyon, nag enjoy naman ng husto ang anak niya sa buong mag hapon.

Nangungulit lang naman ng husto ito sa kanya kaya, Pinangakuan niya itong ibibili ng PSP sa darating na mga araw basta, ipinangako nitong mag aaral ng mabuti. Halos hindi nila namalayan gabi na pala, kahit nasa bahay lang sila maghapon, nag-enjoy naman ito, pagkatapos nilang maghaponan ilang saglit pa naghihikab na ito sa tabi niya, nasa silid niya ito, naglalaro uli ng online game. Ilang saglit pa nagpaalam na itong matutulog na, na agad naman niyang hinatid sa sarili nitong silid.

Continue Reading

You'll Also Like

66.8K 1K 33
Isang sayaw! Sayaw ng mapangahas! Sayaw ng walang pag alinlangan! Isang gabing sayaw! Sayaw na makapagpabago ng iyong buhay! In one strip? In one cl...
13.1K 803 90
[A STAND-ALONE NOVEL] "Marami ang nai-in love sa mga doctor, engineer, pulis, at kung ano-ano pa. Lahat ng mga mayroong propesyunal na estado sa buha...
1.8K 92 63
R18 Mature Content Scenes and conversation may not be sitable for young readers. Si Marabell Cordonova ay may kakambal. Magkamukha man sila ay may p...
3.1K 174 41
Pano pag na hulog kana sa matalik mong kaibigan? Pero natatakot ka umamin dahil iniisip mo na baka masira ang inyong pag-kakaibigan na matagal ninyon...