My Fiancé Since Birth(Complet...

By kagome_Annah

9M 136K 7.9K

Van o Vincent? Hindi malaman ni Alex kung sino sa dalawa ang kanyang pipiliin. Si Van na fiance nya mula nan... More

My Fiancé Since Birth<3
One
Two
Three
Four
Five
Six
Seven
Eight
Nine
Ten
Eleven
Twelve
Thirteen
Fourteen
Fifteen
Sixteen
Seventeen
Eighteen
Nineteen
Twenty
Twenty one
Twenty two
Twenty three
Twenty Four
Twenty five
Twenty Six
Twenty Seven
Twenty Eight
Twenty Nine
Thirty
Thirty One
Thirty Two
Thirty Three
Thirty Four
Thirty Six
Thirty Seven
Thirty Eight
Thirty Nine
Forty
Extra one: Confirm: Mamamatay na ako!
Extra Two: Maghiwalay na kayo!
Extra Three: Ang Parusa at Premyo
Extra Four: Average Girl
Extra Five: Tiwala
Extra Six: Game on
Extra Seven: Maghiwalay na tayo!
Extra Eight: VAN hindi excited maging daddy?
Extra Nine: Paglilihi
Pinakahuling Extra: Katapusan

Thirty Five

164K 2.4K 70
By kagome_Annah

Thirty Five

Day 11

Vincent POV

We're here sa tambayan namin sa loob ng university. Nanonood kami ng Thor 1 gusto kasi ng mga kaibigan ko na irefresh sa kanilang memory ang movie na ito , manonood kasi sila mamaya ng Thor sa IMax. Ako hindi ko pa alam kung sasama ako sa kanila.

" Hey Guys! " matinis na boses ni Sam 'yan. " Ito na ang pinabili nyong ice cream at junkfoods" sabi nya. Nilapitan naman sya kaagad ni Caden para kunin ang mga dala nya. Hindi ko alam kung dahil sa pagkain o dahil kay Sam kaya lumapit kaagad si Caden.

"Thank you Caden sweetie. You're a gentlemen unlike the others" malakas na parinig nya sa amin. Pero sorry na lang sya kasi busy ang mga pinariringan nya sa panonood ng Thor na parang first time but the truth almost twenty times na namin itong napanood. Hindi ako exaggerated , twenty times na talaga.

"Where's Xandra?" I asked her. Hindi ko pa kasi nakikita si Xandra mula kaninang umaga. Absent na naman sya. Masyadong busy. Nakapagtataka. Kung tutuusin wala naman syang gaanong preparation na ginagawa para sa birthday nya. Naasekaso na lahat ni Sandra.

Nagtext ako sa kanya kanina . Isang hi! lang ang reply nya then wala na. Tinawagan ko rin sya pero hindi sumasagot.

"Kasunod ko na. Kinausap lang sandali si Ken at Mary Kris." sagot ni Sam.

Ken na naman. Ano bang mayroon sa Ken na iyan? Napasimangot na naman ako.

" Bakit kinausap nya?" I asked her again.

"Don't know" nagkibit sya ng balikat na sagot nya.

Bago pa ako makapagtanong pa uli ay bumukas ang pinto.

"What's up madlang people" mala Anne Curtis na bati ni Xandra sa amin. There's a wide grin in her face. She looks so happy , dahil ba nakausap nya si Ken?

"Hey yo Alex! Muztah " balik na bati naman ni Tommy sa kanya. Tumayo pa sya at akmang yayakapin si Xandra.

Napakunot ang noo ko sa gagawin nya kaya bago pa sya makalapit kay Xandra ay pinatid ko sya. Hindi nya ineexpect na gagawin ko iyon kaya muntikan na syang sumubsob sa carpeted floor buti na lang napahawak sya kay Caden, kaya hindi natuloy . Anong akala nya hahayaan ko sya na yakapin si Xandra? No way! Over my dead body! Ano sila si Anne Curtis at Vhong Navarro? Showtime lang ang dating?

"Ang bad mo Vincent" sigaw ni Tommy sa akin.

I just smirked at him.

"Kainis ka Vincent! Ipagkakalat ko ang picture mo na nakahubad ka noong mga bata pa tayo" banta nya pa. I gave him a death glare.

"Joke lang!" bawi nya. Buti nakuha sya sa tingin. Akala ko kailangan ko pa syang saktan eh.

Nagtawanan naman silang lahat.

"Oh MY! May picture kang nakahubad noong bata ka pa Vincent?" namimilog ang matang tanong ni Xandra sa akin. Napailing lang ako. Humanda 'tong Tommy na ito pag kaalis ng Xandra at Sam.

"Alex bakit ngayon ka lang pumasok?" tanong sa kanya ni Matheo . Buti na lang nagtanong sya , sa kanya napabaling ang atensyon ni Xandra.

" Secret!" nakangiting sagot nya. " Guys ito na nga pala ang invitation para sa birthday namin ni Xander bukas" inilabas nya mula sa kanyang backpack ang mga invitation. Inabot nya isa-isa sa kanila ang kulay pink na sobre na naglalaman ng invitation. Hindi ako tumingin sa mga invitation. Nakatotok lang ang mata ko sa movie na Thor. Nakita ko na kasi iyon . Isa pa naiinis na naman ako sa kanya dahil sa secret secret na iyan. Bakit ba kasi hindi na lang nya sabihin?

"Wow! Ang cute nyo pala noong mga bata pa kayo ni Xander" nakatingin si Ian sa invitation habang sinasabi iyon. Bukod kasi sa present picture nila may nakalagay din doon na picture nila noong three years old palang sila. And I agreed to Ian ,ang cute nga doon ni Xandra.

"Salamat ! Hanggang ngayon naman diba?" proud naman na sabi ni Xandra. Tinaas-taas nya pa ang kilay nya.

"Gutom lang iyan Best. Try mo kayang kumain then tingin ka sa salamin para malaman mo ang totoo" pang-aasar naman ni Sam. Sinundan nya pa iyon ng tawa.

"Busog ako no! Baka ikaw ang gutom" sabi nya. " Tumataba ka na Best. Lakas nyo kasing kumain ni Caden" dagdag nya at nginisihan nya pa si Sam.

Napasimangot na lang si Sam. Talo sya sa asaran ni Xandra.

Naramdaman ko na tumabi si Xandra sa akin.

Hindi parin ako lumilingon sa kanya.

" Vincent , ito invitation mo" sabi nya sa akin. Itinapat nya pa ang envelope sa bandang mukha ko kaya naharangan niyon ang pinapanood ko.

"Vincent " ulit nyang tawag sa akin.

No choice kailangang magpanggap na interesado ako sa invitation

Kasi nga hindi alam ni Xandra na ako ang nag-ayos ng birthday party nya.

" Invited ako?" baling ko sa kanya kunwari'y suprise na tanong ko. Kinuha ko sa kanya ang invitation.

"Bwahahahahahahah!" sabay-sabay na tawa ng mga kaibigan ko. Tinapunan ko sila ng masamang tingin. Sarcastic kasi ang pagkakatawa nila. Alam nila na umaarte lang ako .

" Ang dami nyong tawa ah" I snapped and throw a meaningful stare at them..

Nakakakainis sila! Baka makahalata si Xandra. Ang hirap magtago ng secret sa taong mahal mo. Nakaka guilty. 'Di bale last na ngayong araw na ito. Bukas malalaman nya na. Dooms day ko na!

"Vincent punta ka ha" sabi nya pa sa akin. Tumango lang ako . Hindi ako nakatingin sa kanya. Ibinalik ko ang paningin ko sa movie na Thor. Huminga ako ng malalim. Sobrang nakakaguilty talaga.

"Guys kain na kayo ng ice cream" yaya ni Sam. Una nyang binigyan ng ice cream na nasa cone si Caden. Si Caden naman ay parang batang kinuha ang ice cream. Namimilog pa ang kanyang mga mata then dinumog na ng mga barako ang ice cream.

Hay! Parang mga bata sila pero nakakaingit sila kasi wala silang itinatago na katulad ko.

"O ice cream para lumamig ang ulo mo" sabi sa akin ni Xandra. Iniaabot nya ang ice cream sa akin. Kinuha ko naman.

"Kainin mo iyan kasi parang ang bigat ng dinadala mo" sabi nya pa habang dinidilaan nya ang ice cream.

Natigilan ako. Masyado na bang halata na may itinatago ako sa kanya? Maybe I need to loosen up and forget it for a while.

"Ang kalat mong kumain ng ice cream" sabi ko sa kanya at pinunasan ko pa ng panyo ko ang gilid ng bibig nya.

"Vincent ! Ito Lays. Saluhin mo" sigaw ni Matheo at inihagis nya sa akin ang Lays. Hindi ko nasalo busy pa ako sa pagpupunas ng bibig ng katabi ko eh. Tinamaan sa ulo si Xandra. Buti na lang naka foil pack iyon kundi magkakaroon ng bukol si Xandra. Napahawak na lang sa kanyang ulo si Xandra.

FASTFORWARD...

Nagkwekwentuhan na lang kami kasi tapos na ang pinapanood naming Thor. It's almost five PM na. Naubos na rin naming kainin ang mga junkfoods at ice cream . Minsan iniisip ko kung ginugutom ba ng mga magulang nila itong mga kaibigan ko kasi parati silang gutom. O baka naman may mga sawa na sila sa tyan. Tsk!Tsk! Akala ko si Caden lang ang reregaluhan ko ng pangpurga ngayong Pasko , lahat pa la sila.

" Vincent may surprise ako sa iyo" mayamaya'y bulong sa akin ni Xandra.

Napatingin ako sa kanya. Ito na naman ang pakiramdam na parang hinipan ang aking tenga at kinilig ako dahil sa ginawa nyang pagbulong. Nakakakilite!

"A-ano iyon?" na uutal na tanong ko. Inaamin ko na kinakabahan ako. Surprise daw eh! Knowing Xandra may binabalak na naman syang kalokohan na gagawin sa akin. Tiningnan ko sya. Nababasa ko sa paraan ng pagkakatingin nya sa akin na tama nga ako.

"Sama ka sa akin. May pupuntahan tayo" mahinang bulong nya na naman. Ayaw nyang iparinig sa mga kasama namin ang sinasabi nya.

Nagdadalawang isip ako kung sasama ba ako o hindi. " Sa condo ko na lang tayo pumunta" safe pagsa condo ko. Kaya iyon ang sinabi ko sa kanya.

Nagpout sya. Ang cute! "Hindi pwede. Iniintay na tayo sa pupuntahan natin" mariing tanggi nya.

Napabugtong hininga na lang ako.

"Oy!Oy! Anong bulungan yan ha?" nakataas ang kilay na tanong ni Sam. Nakatingin sya sa amin. Itong mga kaibigan ko napatingin na rin sa amin. Mga nakangisi. Ano bang iniisip nila?

Naiinis na talaga ako sa sarili ko.... napapansin ko ang dami kong tanong lagi sa isip ko.

"Wala no!" mabilis na sagot ni Xandra.

"Tsk!Tsk! Kilala kita Best. May plano kayong gagawin no?" dudang sabi pa ni Sam. "Kayong dalawa anong gagawin nyo" turo nya sa amin.

I just shrugged. Kasi wala din akong idea sa plano ni Xandra.

"Okay! I give up. Sige isasama namin kayo" parang napipilitang sabi ni Xandra. Pero sa pagkakalilala ko na sa kanya. Alam kong hindi sya napipilitan. Ang tumatakbong kalokohan sa isip nya ay damay na ang lahat. "Pero sa isang kondisyon---" putol nya sa sasabihin nya. Tiningnan nya isa'isa kaming lahat. Lahat naman kami ay nag-aantay sa sasabihin nya. " Kailangan naka pangtakbo ang costume."

"Bakit? Magjojogging tayo Best?" tanong ni Sam'

Sunod-sunod na tango naman nya.

"Bihis na! Malalate na tay!" sigaw na utos nya. Nagsipag pasukan naman sa kwarto ang apat na barako. May mga gamit kaming nakalagay sa kwarto. I'm sure na magbibihis na silang apat.

Binuksan naman ni Xandra ang bag nya at naglabas ng rubbershoes at pang jogging na damit .

"Sam dinalhan kita ng damit mo" ibinato nya kay Sam ang damit na hawak nya. "Bihis na tayo" yaya na pa dito.

"Ikaw Vincent hindi ka ba sasama?" pasweet na tanong nya sa akin.

"No choice sasama ako" expressionless na sagot ko.

Tinawanan nya lang ako."Bihis ka na" sabi nya pa.

Napapailing nalang na pumasok na rin ako sa kwarto para makisali sa kalokohan nya.

Fastforward....

Kakadating lang namin dito sa The Fort. Ayon kay Xandra dito kami magjojogging, Marami -rami na rin ang nandito. Kapareho namin naka pangjogging din sila damit. Mukhang excited ang lahat. Kita sa mga mukha nila .

Nakahinga ako ng maluwag. Parang mali naman ako ng iniisip na may kalokohang binabalak si Xandra kasi normal naman lahat . Simpleng pagjojogging lang pala. Parang fun run lang. Maybe this is a run for a cause.

"Tara guys register na tayo" yaya ni Xandra. Nagsipagsunuran kami sa kanya. Sya ang nagparegister sa amin.

May inabot sya sa amin na mga red na ribbons sabi nya itali namin sa baywang namin. Sinunod namin sya. Medyo marami-rami ang mga participants kaya hindi ko gaanong napagmasdan ang paligid isa pa madilin na rin.

Nagline na kami then takbuhan na.

Magkakasabay kaming pito. Sabi ni Xandra wag daw naming bilihan. Then kwento-kwento pa sya. Nalilibang kami sa kwento nya kasi animated pa ang face nya habang nagkwekwento.

Then suddenly may nag grabbed sa akin. Susuntukin ko sana , kaya lang pagharap ko parang nawala ang puso ko. Bakit nabuhay ang mga horror character? Napatakbo ako ng mabilis habang hawak ko si Xandra. Nakakatakot!

"LUmayo ka sa akin!" narinig ko na sigaw ni Tommy. May zombie kasing humawak sa red na ribbon nya. Zombie ? WTF!

Bakit ang daming zombie? Ano ba ito? Humihingal na huminto muna kami sandali.

Pakiramdam ko hinahabol ako ng mga multo.

"AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH!" parang sigaw naman ni Ian yun .

"Bwahahahhahahahha!" napatingin ako sa kasama ko na hawak-hawak ko ang kamay. Ang tawa ng tawang si Xandra. Enjoy na enjoy syang pinapanood nya ang mga kaibigan namin na hinahabol ng mga nakakatakot na nilalang.

Napailing na lang ako. Tama nga ako may binabalak nga syang kalokohan.

"Vincent tara na. Para manalo tayo" baling nya sa akin.

Niyakap ko sya ng mahigpit at hinalikan. Nabigla sya sa ginawa ko kaya napaawang ang kanyang mga labi . I kiss her full of passion. Lahat ng takot ko ay ibinuhos ko sa halik na iginawad ko sa kanya. I heard her heart like mine beating so fast. She responded to my kiss. Everything disappear , it's like we're on our own world.

After a minute we stopped. Humihingal kaming pareho daig pa namin ang mga hinahabol ng mga nakakatakot na creature dito sa fun run na ito.

Napatingin sya sa baywang nya. " Nakuha na ang mga red ribbons natin" nakasimangot na sabi nya.

Oo nga wala na ang mga ribbons namin. Nasalisihan kami ng mga zombies. Kinuha nila habang busy kami.

Nakasimangot parin si Xandra. " Sayang ang prize!" nanlulumong sabi nya.

Nginitian ko sya. " Mayroon ka namang prize sa akin ah" sabi ko.

"Ano?" tanong nya.

"Ito" then I kiss her again.

Fastforward

Tapos na ang fun run.

Nasa finish line na kami.

Nanalo si Sam at Caden. Hindi kasi nakuha ang mga ribbons nila at sila ang nauna. Siguro sa takot ni Caden kaya napabilis ang takbo nila ni Sam. Kapareho ko rin kasi sya na takot sa mga horror characters.

Ang sama ng tingin ng mga kaibingan namin kay Xandra. Parang gusto syang sakalin ng mga iyon. Hindi kasi nila expected na ganito pala itong fun run na ito. First time lang naming makasali sa ganito.

Si Xandra tawa ng tawa sa amin. Masaya sya kasi successful ang kanyang prank.

FASTFORWARD.

Naghiwa-hiwalay na kaming magkakaibigan . Alas diyes na ng gabi at hinatid ko na si Xandra. Nandito kami sa park ng subdivision nila. Malapit lang ito sa bahay nila.

Nakaupo kami sa bench. Kakatapos lang naming kainin ang inorder naming pagkain sa Burger King. Nakakagutom ang ginawa namin. Pakiramdam ko naubos ang energy ko sa takot, pagtakbo at sa kiss.

Magkatabi kami at nakapatong ang ulo nya sa balikat ko . Ako din nakapatong ang ulo ko sa ulo nya. Nakakapagod pero masaya.

" Vincent" mahinang sabi nya.

"Hmmmm".

"Birthday ko na bukas" sabi nya. "Ano kayang mangyayari?" tanong nya.

Hindi ako sumagot. Kasi suprise nga eh.

"Vincent mahal mo ba ako?" mabilis na tanong nya.

Natahimik ako.

After five minutes hindi parin ako sumasagot. Kunwari ay hindi ko narinig ang tanong nya. Kasi nga bukas pa ang revelation kahit gustong-gusto ko nang ipagsigawan na mahal namahal ko sya. Tikom lang ang bibig ko.

"Narinig mo ba ako?" inis na tanong nya.

"Ha?" tanging nasabi ko.

"Kainis ka!" sigaw nya sa akin. Tumungo sya then kinuha nya ang isa kong sapatos pilit nyang hinubad sa paa ko.

Natigilan ako sa ginawa nya. Bakit nya kinuha ang sapatos ko?

Tapos umalis syang dala ang sapatos ko.

"Xandra wait" sigaw ko sa kanya. Medyo malayo na sya.

"Umuwi kang isa ang sapatos mo!Kainis ka! Ang simple ng tanong ko, hindi mo masagot! Dyan ka na!" galit na sigaw nya at nawala na sya sa paningin ko.

Napailing na lang ako na natatawa. "Hay Xandra!"

*********************************************

Pasensya na sa pag-aantay.

Pag may maling spelling at grammar wag na lang pansinin kasi hindi ko pa ito naeedit.

Salamat sa pagbasa.

Vote and comment.

Sa next update birthday party na.

Annah

.

Continue Reading

You'll Also Like

62.7K 1.2K 35
Break the casanova's Heart. Madaling mafall sa mga playboy pero pag napamahal ka na talaga sa kanila di mo maiiwasan na masasaktan ka. Pero paano kun...
1.9M 32.5K 49
Charlotte Tamayo believes in love and wanted to settle down before she reaches the age limit at the calendar. Ngayon na thirty na siya, kailangan na...
3.5M 51.5K 44
Sa loob ng limang taon, madami bang nagbago? O nakakulong ka pa rin sa nakaraang di mo matakasan? What happens when the past taps you on your back? W...
2.5M 50.4K 59
Accidentally In Love with the Bad Boy written by: ohangelyna