My Baby is a Gangster!

Por meiiixxi

72K 1.8K 327

Ano ang gagawin mo kung dahil sa bestfriend mong madaldal ay makakalat sa social media na isa kang girlfriend... Más

My Baby is a Gangster!
Chapter 1 - The Legend of the Lie
Chapter 2 - Hi Baby!
Chapter 3 - So, call me BABY.
Chapter 4 - Keep Calm And Stay
Chapter 5 - Yes or I do? :)
Chapter 6 - EL-OW-VI-E
Chapter 7 - Under The Rain [Part 1]
Chapter 7 - Under The Rain. [Part2]
Chapter 8 - Runaway.
Chapter 9 - Missing Piece
Chapter 10 - A Night.
Chapter 11 - Ehhhhh? xx
Chapter 12 - Smile
Chapter 13 - Go on.
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28

Chapter 29

475 15 4
Por meiiixxi


#MBIAGStealDate



"Anong kaartehan 'to? Black note tapos white ink? Ibang level na ngayon. Pinagkaka-gastusan talaga!"
kutya ni Kim nang ipinakita ko sakanya ang mga notes na natanggap ko.


"Sira!" natatawang angal ko.



Maaga siyang napadaan para daw kamustahin ako pero ang hula ko, gusto lang niyang mag-umagahan dito sa bahay nila Lola. At siyempre siya yung tipo nang tao na hindi naalisan nang reklamo sa katawan, kung sana daw huli na siyang hinatid nung nakaraang araw, edi sana naki-sleepover siya dito..


"Naalala ko tuloy nung first year palang tayo, may mga nagbibigay na ng mga love letter sa'yo. Lalo na't malapit naang Christmas ball.. At tignan mo ngayon, nagsisimula na.." aniya


Pagpasok pa lang ng pangalawang linggo ng klase noong first year may nahuhulogna isa o tatlong papel sa locker ko. Confession letters pero hindi ko pinagtutuunan ng pansin dahil bata pa ako noon, at wala pa akong alam sa mga ganung bagay.



Hindi ko alam kung ano ang dapat sabihin. Laging pasasalamat lang ang sagot kosakanila. 'Yun kasi ang turo ng kasama ko ngayon, 'kapag hindi kumalabog ang puso mo, say 'thank you. At kapag kumalabog,itanong mo kung makapaghihintay ba siya.'coz you know, we're still young.'




"Pero 'wag magfifeeler 'to na pwedekayong maging bff! Tama na yung may isang cute na medyo brown eyes na lalakiakong karibal sa bff spot na iyon." Taas kilay niyang binalibag ang dalawang notes na hawak niya kanina.


Natatawa akong pinulot ang mga iyon, muntik 'pang mahulog sa pool. 'Yun angmga first impressions niya kay Jak at sa pagkakasabi palang niya, halatanghindi nagbabago iyon kahit mukhang inis parin siya dito.


"Hindi ba nakapa-supportive mo sakaniya noon?"


"Oo.. Dati.. nakikita ko talaga sa mgabrown eyes niya noon, lalo na nung siya mismo ang nagbigay ng confession letterniya sayo na gusto ka talaga niya. Tapos cute pa siya! At dahil doon, iniinisna kita sakaniya.." sumubo muna ito nang isang tinapay bago pinagpatuloy ang sasabihin.



"Pero ang napansin ko ngayon.. What you had with him before is different. Ako at siya lang ang naging kaibigan mo noon. Siya lang ang sandalan mo kapag wala ako.Pinapayuhan ka niya na parang kuya at ikaw naman 'tong nakikita kong tatango-tango. Parang siya lang talaga yung inlove sa inyong dalawa at nadala ka lang noon sa mga pangungutya ko kaya, nag-end up kayo as ganon.. Well, napansin ko lang naman iyon pero you're the one naman na makaka-realize 'nun."



Alam ko.. In just a minimum of time with the help of someone, na-realizeko. Nalaman ko. Mismo sa sarili ko.



"Imbento ka na naman diyan. Nahahalata na kita, ha? Crush mo 'ba siya?" natatawa kong inaabot ang isang tinapay malapit sa kaniya.



"Asa ka pa. May boyfriend ako 'no! And I love Jiggie more than foods, more than cakes, more than my favorite kare-kare." Histerikal na sagot niya.



"Alam ba 'yan ng parents mo?" birong tanong ko sa kanya.



"Ah, basta!" 



Nagkibit-balikat nalang ako. Wala namang atraso sa'kin kung meron. Jak's charm is overflowing and he's really caring..like a real brother. Sino nga naman ang hindi siya magugustuhan..


"Anyway, alam na 'ba ni Zak 'to?" 



"Hindi.. Bakit naman niya kailangan malaman?"


"For your safety. Manliligaw mo siya pero sa loob ng school, boyfriend mo siya. Black note tapos white ink, sosyal pero creepy. Tapos lalaki pa sender niyan." Nag-roll eyes si Kim sakin na parang dapat alam ko iyon.


"Hindi na kailangan. Hindi ko naman alam kung saan ko sasagutin yung sender nito, 'tsaka parang nangtitrip lang kaya.."Kaya.. hahayaan ko na. Don't talk to strangers again sabi nga niya.


Nagkibit-balikat nalang siya sa sinabi ko.


Hindi nagtagal umalis din si Kim dahil muntikan na niyang makalimutan na mag-jajogging pala sila ni Jiggie. Sabi na eh, foods over boys talaga siya.



Hindi natuloy ang inaasam-asam ng trio na sembreak vacation dahil ang sabi daw ni Zak sakanila sa summer break nalang daw iyon. Nalungkot naman ang halos magpatayan na sa kakalaro na trio kaya nung minsan, nag-face time kaming lima kasama si Kim. Usap-usap para hindi sila mabaliw.


Medyo improving na talaga social media life ko. Bigla nalang kasi akong binigyan ni Lola ng bagong cellphone kagabi. Hindi pa alam ni Zak.. Dahil mukhang abala siya netong mga nakaraang araw. Puro 'goodnight' at 'goodmorning' lang ang natatanggap ko sa kanya, hindi pa siya tumatawag..


Kasi naman iba parin kung boses niya ang maririnig ko.. "Ano naman tinatampo ko? Eh,nililigawan lang naman ako?" aniko sa sarili.



Nabalik ako sa katinuan nang maramdaman ang lamig sa paanan ko. Tumaas ang tubig hanggang sa aking balikat. Niyaya ko naman si Yayan pero ayaw niya akong samahan. Si Lolo at Tatay naman maagang umalis kanina. Halos araw-araw ganon kaya dito muna kami titira sabi ni Tatay. Si Lola naman, sinundo nang kaibigan niya.



Wala naman tao banda sa swimming pool at mataas naman ang mga pader, walang makakakita sakin at sa tagong yaman ko. HAHA. Last day ng sembreak kaya lulubusin ko na.. kahit ako lang mag-isa.


Napadako ang tingin ko sa bagongcellphone na naka-lagay sa pool side. Inabot ko ito. Wala.. Wag ka nang mag-alala 'dun, Jenny! Di kainiisip 'nun. Busy iyon.


Para akong timang na pumipindot-pindot sa screen ng cellphone ko. Hindi ko makontrol dahil may parang may pinaghuhugutan talaga ako. Saglit ko itong tinitigan at natawa sa nabasa. 

Ano 'bang ginawa niya sa akin?



Nanlaki ang mga mata ko nang di sadya ay may napindot ako.



"Ay! Shhhhhh—!"
napakagat ako sa daliri sabay lagay ng cellphone sa pool side.


Kumalabog ang puso ko. Na-send ko! Nasend ko! Exit dapat ang pipindutin ko pero send ang napindot. Kung taga-bundok ka nga naman oh, sa kaka-isip ko sakanya natatype ko na pala ang mga sariling rant na dapat ay nasa isip ko lang.


Ako: Hindi ka nagpaparamdam.. Okay ka lang ba? May nangyari ba sayo? Paano pa kita makikilala ng maayos kung hindi ka nagpaparamdam? 



Nakalimutan ko na hindi pa pala expired ang load ko! Feel na feel ko pa naman ang pag-rarant. AHHHHHHHH! At ang nakakaloka, two messages iyon, may isa pa kong text!



Ako: Sumusuko ka na 'no? Wala ka pala eh! :P


Naramdaman ko ang init ng dugo na dumadaloy sa katawan ko habang naalala ang ginawa. Hindi 'yan ang unang beses nanabaliw ka, Jenny. Napaka-consistent mo talaga. Magaling!



Inilublob ko ang sarili ng dalawang beses saka pabalik-balik na lumangoy sa magka-bilang side ng pool. Huminto ako at hinilig ang sarili sa hagdan ng swimming pool. Napapikit ako.


Kapag dumating siya. Anong gagawin ko? Ano ang dapat kong sabihin? Papatagalin ko pa 'ba? Nangiti ako sa naiisip kong sagot sa sarili kong tanong. Bahala na,para namang kaya ko sabihin agad.


Pagkamulat ng mga mata ko ay nakita ko ang isang imahe na nagpa-ngiti sakin. Direktang napagmasdan ko ang labi nito, dahil 'yun ang bumungad sa mata ko. "Hindi ka naman totoo.." bulong ko rito.



Nawala ang ngiti ko nang napa-kurap ang imaginary Zak. Teka!


"Hindi ka naman...totoo, di 'ba? Imposible naman na makarating ka-" nangmahawakan ko ang pisngi niya ay siya naman pag-ngiti niya, "-agad.." napabalikwas ako at hinayaang tumaas ulit ang lebel ngtubig hanggang sa balikat ko. 



"Walang imposible kung kailangan talaga."



Hindi ako maka-react.


"Kailangan kita makita. Hindi lang basta gusto 'ko pero kailangan 'ko."



Tumagos nanaman ang mga titig niya hanggang sa buto ko. Kahit na anong lamig ng tubig hindi parin nakaligtas ang mga nag-iinit kong mga pisngi. Ibig sabihin ba nito, hindi dahil nagtext ako kaya siya nandito.. Kasi gusto niya talaga ako makita. 



Sinisimulan nanaman niya ang pakikipagtitigan contest sa'kin. Uupo nalang siya hindi parin niya hinihinto ang pagtitig. PLEASE NAMAN.


"Wag 'kang uupo diyan! Mababasa ka." Panimula ko.



"Umahon ka muna diyan,"
paghahamon niya at dinagdagan pa niya ng ngiti.Hinawakan niya ang laylayan ng damit niya. "O, bakapwede kitang samahan-" 



"Hoy! Itigil mo 'yan! Umalis ka diyan! Aahon na 'ko!"



Did I just saw a line and a little exposure of his bare skin again?!! 



Sumunod naman ito sakin at sa huli ay ngumisi siya habang halata na hinihintay niya akong umahon. Ugh. Tumabi pasiya malapit sa tuwalya na dala ko kanina. Magsasalita palang sana ako ulit nang kunin niya ito at naglakad ulit sa paving decking para lapitan ako.



Hinawakan niya ito sa posisyon na handa na talaga niya akong salubungin.Ibabalot niya sa akin?!



"Pumikit ka." Utos ko. Natural langang mag-inarte minsan, babae ako 'no. At tagong yaman ang usapan dito.



"Wala naman akong makikita kahit nakamulat ako-"

"Heh! Bilis na!"

"Halatang miss na miss ako."

"Anong sabi mo?!"


Hindi na ito nagsalita o bumulong pa. Ipinikit na niya agad ang mga mataniya. Umahon na ko't hinila ang tuwalya sa mga kamay niya pero hindi niya iyon binitawan. Imbes ay tumahak siya ng isang hakbang habang nakapikit at ibinalot agad sa akin. Sabay bulong niya nang..



"Ang sabi ko.. Miss na miss na po kita. Pwede 'ko po ba ikaw i-date?"



Umabot siguro ako ng trenta minutos sa pag-aayos. Hindi ko akalain na maraming bagong damit ang nakalagay sa aparador ng kwarto ko. Pinili ko nalang ang pinaka-simple 'dun, isang pull-up cherry white dress. Inilugay ko nalang din ang mahaba kong buhok na medyo wavy sa dulo.


At sa unang pagkakataon, naglagay ako ng lipgloss sa labi. 'Yung kusa talaga.Strawberry flavor. Bilin kasi ng maganda kong bestfriend, maglagay ako parahindi ako mag-mukhang maputla 'tsaka para daw masarap. Baliw talaga 'yungbabaeng iyon!



Ito ang first ever real date namin. Take note, REAL DATE. Pagkababa ko aynaabutan kong may inaabot na kung ano si Yan kay Zak. Pero napatigil ang huling makita ako. Kinabahan ako.



"T-Tara..na?"
Ayan nanaman ang mga titig niya na parang bang unang beses palang niya akong nakita sa buong buhay niya.


Nakita ko ang paggalaw ng adam's apple niya, pati ako ay napalunok rin. Gusto kong sampalin ang sarili dahil... kinikilig ako sa titig niya. 



"Anong 'Tara na?' Hindi po pwede, Ate."
Biglang hirit ni Yan habang kinakain ang isa sa mga mansanas na dala ni Zak. Iniabot niya ang cellphone ni Zak at isinaksak ang charger. 


Cellphone ni Zak at may charger?! Lowbat ang phone niya kaya wala akong naririnig na pang-aasar niya!



"May.. May pinapapasa kasi siyang app sa'kin kaso battery empty na pala ang phone ko. Nasa kotse pa ang charger kaya,ayan."


Hindi pwede!



"Marami kaming gagawin kaya mamaya nalang, ah?" nilambingan ko pa ang pagkakasabi sa dulo para naman masuyo ko ang kapatid ko pero kung ganito ka nga naman kautak oh.


Nagtatakang sinulyapan ako ni Yan. "Ano'pong gagawin niyong dalawa? Ah! Basta, Ate, 'wag na wag kang sasama kung sa isang bahay ka niya dadalhin. Lalaki si Pare at... puti pa naman ang suot mo,"



Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. At sa harap pa talaga ni Zak niya sinabi iyan?! Narinig ko ang pagtawa ni Zak. My knees got weak. Kinuha ang cellphone niyang nag-chacharge.



"'Tsaka pre, magdala ka ng basket. Ang daming cherry ni Ate sa damit." Mahinang pahabol na bulong nito pero narinig ko!


"Ikaw!" humarurut ito ng takbo papunta sa hagdan tuloy sa kwarto niya. Mas lalo yata siyang naging pasaway ngayon. Anong masama naman kung puti ang damit ko at may cherry?! Na-starstruck nga siya kanina pagkababa ko. Na-concioustuloy ako.


"Sandali lang, 'ha?" sandali ko siyang tinignan at tinalikuran din pero agad din niya akong kinabig pabalik sakanya.


"No need to change. You look perfect already. I might die if you're going to drop a new bomb. " aniya sabay ayos sa bangs ko.



Ay. Shit. Jenny. Ang ganda mo, eh no?



Tahimik sa loob ng kotse. Buti nalang at hindi niya naaalala 'yung text ko sa kanya o ayaw niya lang akong asarin para hindi masira ang araw ko? Imposible. Lowbat ang phone niya, Jenny. Lakas mo talaga sa itaas!



Mamaya sa akin 'yun at hahanap ako ng paraan para mabura iyon. Sa pagkukunwari ko na busy-bisihan sa pouch ko ay napansin ko ang hindi pa pag-gana ng kotse. Sinulyapan ko siya. Nakahilig ito sa manibela at pinagmamasdan ako! 



"Bakit?"



Binigyan muna niya ako ng makahulugan na ngisi,"Handa ka na 'bang magpakasal sa akin?"



"Ha? Ano?!"
sinuntuk-suntok ko ang balikat niya dahil sa gulat. Natatawa ako na ewan. Ako ang mamatay dahil sa mga pasabog niya!



"Relax.. It's just you're white dress really gives me many thoughts and ideas."


"Sabi ko naman kasi magpapalit ako. May pa-perfect perfect ka pa 'diyan tapos ako naman etong..."


Katahimikan...


"Totoo naman kasi 'iyon.." panimula niya. At simulan na rin niyang paandarin ang makina. Nakita ko ang pag-ngiti niya sa pheriperal vision ko.


Kung 'di lang talaga ako kinikilig! Ay, nako. Jenny. Ganda mo lang.


Ngayon ko nga rin nahalata na naka-suot siya ng long sleeved top not fitted at kulay itim ito. Habang ako naka-puti with few cherry design sa dress at black doll shoes. Isama pa ang rose barrette na binigay niya na nasa gilid ngbuhok ko. Bouquet at Simbahan nalang nga ang kulang.


Tatanungin na 'ba niya ako bago matapos ang araw na 'to? Basta kahit ano pa man ang mangyari ngayon, iisa lang ang magiging sagot ko.


Huminto ang kotse sa harap ng isang convenient store. "May bibilhin lang ako." Tumango ako bilang sagot sa paalam niya.


Wala akong ideya kung saan kami pupunta, ang sabi kasi niya sekreto na daw iyon. Hindi ko na siya kinulit pa. Kahit saan pa iyan, sasama parin ako. Basta ba, nandyan siya.. sa tabi ko.


Habang nag-mamasid ako sa labas ay dalawang bata ang naka-agaw ng atensyon ko sa 'di kalayuan. Dahilan para mapababa ako sa kotse at lapitan ang mga ito.


Lumebel ako sa kanila nang makalapit ako,"A-Anong problema? Nawawala 'ba kayo?"


Umiiyak ang batang babae pero nagawa parin niyang tumango sa akin. Samantalang ang batang lalaki naman ay tumitig lang sa akin at mahigpit na hinawakan ang kamay ng kasama. Siguro ay magkapatid sila.


"W-Wawala si mama.. Huk- Di hanap.." dagdag pa ng batang babae.



"Ang sabi ni mama, 'wag na wag kami makikipag-usapsa hindi kilala." Sabi naman ng batang lalaki at bahagyang hinila ang kapatid para dumistansya ng kaunti sa akin. Kumirot nalang bigla ang puso ko. At sigurado akong hindi dahil sa binitawang salita ng batang lalaki.


Pinagmasdan ko ang paligid. Malapit ang convenient store sa isang pasyalan.Maraming tao ang namamasyal dahil Linggo.


Nginitian ko ang batang lalaki. "Akosi.. Ate J-Jenny. Sa totoo lang, napadaan lang kami dito pero nakita ko kayong umiiyak. Promise, mabait ako. Sasamahan ko kayo dito." tumuwid ang kunot nakilay ng batang lalaki nang nagbigay pangako ako.


Kung naligaw sila, siguradong hahanapin sila ng Mama nila kung saan malapit ang mga pinuntahan nila. Hindi kami pwedeng umalis basta-basta sa kinalalagyan namin.



May kung anong bara sa lalamunan ko ang hindi ko maintindihan. Tumayo ako't pumunta sa mamang nabebenta ng sorbetes. Ni hindi ko ini-alis ang mga mata ko sa dalawang bata. Natatakot na mawala sila. Bumalik agad ako sa kinalalagyan nila at inilagay ang binili sa gitna nila.


"Sige. Dito lang tayo. Hihintayin natin ang Mama niyo.. kasi babalik siya. Babalik siya." umupo ako malapit nang kaunti sa tabi ng batang babae.


Ipinagsalop ko ang dalawang kamay. Babalik siya. Hahanapin niya ang nagsisilbing mga munting ilaw ng buhay niya. Naniniwala ako.


Tumahan ang batang babae at nginitian ako. Ini-abot ko ang panyo ko, rumusing ang mukha niya dahil sa binili ko. Smiling after the rain, tama 'yan. Hinawakan niya ang isang kamay ko.


"Hintay natin Mama.." Puno ng pag-asang tono ng bata.



Nakita 'kong tumatakbo papunta sa'kin si Zak dala ang tubig na binili niya. Medyo nagulo ang buhok niya. Halata ang pag-aalala sa mukha niya. At klaro ang takot na nakapinta sa mga mata niya.



"Akala ko bigla mo nalang akong iniwan," hingal pa niyang sabi. Umiling ako.



"Nawawala sila. Hinahanap nila ang M-Mama nila. Tulungan natin, please?"



Tinignan niya ang dalawang batang nakamasid din sa aming dalawa. Nilapitan niya ang mga ito at may mga itinanong siya. Nagtama muna ang aming mga mata bago siya tuluyang umalis papunta sa mga itinuro ng mga bata.



"Siya si Kuya Zak.. Tutulungan niya tayong hanapin ang Mama niyo. Pagbalik niya dito, kasama na niya si Mama."


Humigpit ang pagkakahawak ng batang babae sa kamay ko. Mahigpit. Mas kumapit at parang ayaw niyang bitawan. Natatakot 'ba siya?



"Hintay natin Mama.."


Tumango nalang ako nang hindi siya tinitignan. Ako ang natatakot. Paano kung hindi siya bumalik? O lumipas ang araw na 'to at hindi namin siya makita? Hindi siya lumitaw.. Hindi magpakita.. Hindi sila hinanap. Hindi maaari.



Lumipas ang tatlompu't isang minuto. Nang may biglang isang medyo may edad na babae nangingilid ang luha na kumakarampas ang takbo papunta sa amin. May kasama silang isang guard. Lumapit ang dalawang bata sa kanya. Tanda na siya nga ang inaasahan namin, hinihintay namin at pinaniniwalaang babalik.



Tumayo ako. Nilapitan ako ni Zak. Sabay namin nakita ang pagtatagpo nila. Hindi ako nagsalita, alam kong mawawasak ako sa oras na simulan ko. Itinuturo kami ng batang babae, nabasa ko sa mga labi ng Mama niya ang salitang 'Salamat'.


Hinahanap niya nga ang mga anak niya.. Ngumiti ako't sinimulan nang maglakad papunta sa kotse. Ganun rin si Zak.



"Thank you so much, Zak." Basag ko sa katahimikan.


"You're the real Hero here."


Nangiti ako..


"Nakita mo 'ba 'yun? Ang higpit ng hawak nung bata sa kamay ko. Natatakot siya pero hindi niya pinapahalata." 



"Umabot nang tatlompu't isang minuto ang lahatpero ayos lang. Ayos lang kasi sigurado naman na hinding-hindi na mangyayari ulit 'yun. Mas babantayan niya sila. Mas hahawakan ng mahigpit. Mas pagtutuunan ng pansin." Dagdag ko pa.


Humarap ako kay Zak at ngumiti kasabay 'nun ang pagpatak ng isang luha sa pisngi ko. Natigilan ako. Tuluyan akong nawasak. 



Inialis niya ang luhang lumandas sa pisngi ko.


"Huwag! Sabi kasi nila kapag pinunasan ng isang tao ang luha mo, sila naman ang magpapaluha sa'yo." natatawang pag-saway ko sa kamay niya.


"I'm sorry.."


"No. I'm sorry. F-First ever real date natin pero nagdadrama ako-" 



Ganon na ba talaga ako kawasak? Salamat talaga, Zak. Salamat sa yakap mong pinagbabawal ko pero to the rescue naman kapag mukhang kailangan ko. 



"l'm so proud to say that I'm so inlove with you and I'll do anything,everything for you. Even it'll ruin my entire self."


Wala na akong maintindihan. Dahil ang alam ko lang, nasa comfort zone nanaman ako. Sa mga bisig niya. Nadadala nanaman ako sa mga emosyon ko sa puntong nakakaligtaan ko nanaman ang mga sinasabi niya.


"Let me steal this day. And after this, I'll man up. For your happiness. I really will." 




...to be continued.


Seguir leyendo

También te gustarán

35.2M 1.2M 37
Agatha suffers from a rare disorder that makes her sleep in a long period of time. But what happens when the modern-day sleeping beauty meets an idio...
Rebel Hearts Por HN🥀

Novela Juvenil

1.8M 76K 35
Peñablanca Series #2: Rebel Hearts "Go, rebel on me, love." Young, wild and rebellious, Revelia, entirely lived with the belief of celebrating her yo...
12.7K 164 23
Zariyah Krystelle Mariano, Is In love with his dad's personal driver. She confess her feelings to him but, Giovanni Salazar's rejected her. Date Star...
52.8M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...