Superpower Village

By storyweaver85

55K 2.4K 380

Sabi nila dumadating sa buhay ang mga Mga di inaasahang pangyayari na babago sa buhay mo..pero iilan lang ang... More

Bago simulan ang simula
Chapter 1 - bagong kaibigan
Chapter 2 - ang superhero ko
Chapter 3 - ang aksidente
Chapter 4 - unbelievable
Chapter 5 - ang pag-iimbestiga
Chapter 6 - misteryo ng pagligtas
Chapter 7 - rebelasyon
Chapter 8 - kumpirmasyon
Chapter 9 - hello exousia
Chapter 10 - meet the supers
Chapter 11 - Ang bugtungan
Chapter 12 - secret message
Chapter 13 - ang silid aklatan
Chapter 14 - ang mga magos
Chapter 16 - bantay ng bundok
Chapter 17 - Ang Regalo
Chapter 18 - munting salu-salo
Chapter 19 - Ang Pagbabasbas
Chapter 20 - And we're back
Chapter 21 - Ang paghahanap
Chapter 22 - Di inaasahang bisita
Chapter 23 - Ang pagsasanay
Chapter 24 - bagong kami
Chapter 25 - Nilalang sa kailaliman
Chapter 26 - balik tanaw
Chapter 27 - Panlilinlang
Chapter 28 - nasirang samahan
Chapter 29 - Kasunduan
Chapter 30 - Si Thymós
Chapter 31 - sa piling ng mga patay
Chapter 32 - mahika negra
Chapter 33 - mapait na kahapon
Chapter 34 - ang kabayaran
Chapter 35 - katapusan ng masamang panaginip
Chapter 36 - Di inaasahang pagtatagpo
Chapter 37 - hadlang
Chapter 38 - katapusan ng paghahanap
Chapter 39: Ang Paghahanda
Chapter 40 - Ang Hinirang
Chapter 41 - pinag-isang tatlo
Chapter 42 - Laban para sa buhay
Chapter 43: Di patas na lakas
Chapter 44: Pagbabagong isip
Chapter 45 - family bonding
Chapter 46 - muling pagkikita
Chapter 47: tunay na kapangyarihan
chapter 48: bisperas ng kaguluhan
Chapter 49: Ang Digmaan
Chapter 50: katapusan ng dilim
Epilogue

Chapter 15 - paglalakbay

915 56 4
By storyweaver85


Nakapasok na kami sa pintuang puro baging na itinuro ng mga magos papuntang bundok sherikandra..naglakad lang kami ng ilang hakbang,,biglang nasa masukal na kagubatan na kami kaagad..

Carlo: nasan na ba tayo kulas?

Kulas: hindi ko rin alam...sabi ng mga magos papunta daw itong bundok ng sherikandra..

Carlo: sherikandra? Anong gagawin natin dun?

Pooogsh!! Toiinks!!

Carlo: aray naman kulas! Ansaket naman nun ah!!

Kulas: puro ka kasi lovelife! hindi ka nakikinig dun sa mga magos! magseryoso na nga tayo! Meron pa tayong dapat gawin...

Carlo: ano naman yun?

Kulas: hindi ko din alam! basta ang sabi mga magos dito natin haharapin ang pagsubok..pero hindi naman sinabi kung ano yung pagsubok..saka dito daw nila malalaman kung meron tayo ng hinahanap nila para maqualified tayo na mapasama sa misyon ni ulley..

Carlo: e ano ba yung hinahanap nila? kung goodlooks lang aba! Umaapaw tayo dyan..kung..ta-......

Kulas: kung taba umaapaw ka dyan hahahahahaha!


Carlo: grabe ka sakin kulas ah! cute naman! saka tingnan mo yung katawan ko may cuts! laki di ba..


Kulas: malaki talaga! cuts? Madami may porkloin..tenderloin..pwede nga ring giniling hahahaha!


tiningnan lang ako ni carlo ng masama sabay nguso..mas lalo pa akong natawa parang lili e.... Lilitchonin


Carlo: tara na nga kulas..maglakad lakad tayo baka may pagkain dito..gutom na gutom na ako simula pagdating natin dito hindi pa tayo kumakain..


tumango na lang ako at nagsimula na kaming maglakad lakad..medyo mabato yung dinadaanan namin, napakaraming puno at mga halaman aming nakakasalamuha..ang gandang pagmasdan ng luntiang kakahuyan..ang sarap sa pandinig ng huni ng mga ibon..tila umaawit kasabay ng malumanay na ihip ng hangin na kay presko sa pakiramdam..


Carlo: meron ba tayong specific na lugar na pupuntahan?


Kulas: walang sinabi e..sabi lang dito malalaman ng mga magos kung karapat dapat tayo...

"baa...baa...wreeenggghhhh...."

Carlo: huh? Ano yun?

Kulas: wala yun..tunog lang yun ng tiyan mo

Carlo: Hindi e... Iba yung tunog.....

"wreeeennngggghhhh....baa..baa"

bigla akong napatingin kay Carlo..oo nga nu..ano kaya yung tunog na yun?

Carlo: parang tupa?

Kulas: tara hanapin natin..

pinakinggan naming mabuti kung saan nagmumula ang tunog...lumapit kami sa madawag na parte ng halamanang nasa aming kaliwa at hinawi ang mga dahong nakatakip sa aming harapan...tumambad sa amin ang mabatong bahagi ng gubat..doon namin nakita ang isang tupa na nakaipit ang binti sa napakalaking bato..iyak ito ng iyak at pinipilit na maalis ang paa sa nakaipit na bato..biglang tumakbo palapit si Carlo sa tupa..

Carlo: tara kulas tulungan natin yung tupa..kawawa naman sya..hello sheepy dito na si Carlo at kulas para tulungan ka..wag malikot ha relax ka lang....

Nakakatuwang panoorin si Carlo..napakamagiliw kasi nito sa mga hayop..hindi ako magtataka kung bakit napakaraming alagang hayop ni Carlo sa bahay..kulang na nga lang magmukhang zoo yung bahay nila...marunong din syang manggamot ng hayop..siguro dahil only son lang sya kaya nagiging magiliw sya sa mga hayop

Carlo: kulas tulungan mo nga akong tanggalin yung batong nakaipit sa paa ni sheepy..

Kulas: ang laki nyan oh! tulungan mo kaya ako..baka ako buhatin ng bato..

Lumapit sa akin si Carlo at sabay naming binuhat yung bato

Kulas: sabi sayo mabigat e..sige bibilang ako ng tatlo sabay tayong bubuhat ah...1..2..3.. Ummmmmppphh...ulit...1..2..3.. Ummmmmmppphh...arrrrgggghhh!! Hah! Hah! Hah! Hah!

Matagumpay naming naialis ang batong nakatabing sa paa ng tupa..pipilay pilay na lumakad ang tupa

Carlo: Ooops.. wag kang gagawalaw..lagyan natin ng benda yang sugat mo para hindi maimpeksyon


Pumunit si Carlo ng kapirasong tela sa kanyang damit at itinali sa paa ng tupa

Carlo: pasensya ka na ha..wala kasi akong gamot na dala pero ok na rin ito para maampat ang pagdurugo ng sugat mo..

Napatingin naman ang tupa kay Carlo na tila naiintindihan ang kanyang sinasabi..tumingin din si Carlo sa tupa

Carlo: Wow! ang ganda naman ng mata mo parang batong agate..pero alam mo may nakita na akong mata na ganyang ganyan din..kaso di ko matandaan kung saan ko nakita...ayan ok ka na...paano aalis na kami may misyon kasi kami na kailangang gawin..paalam sheepy..pagaling ka ha..

Nagpatuloy kami sa paglalakad..at natanaw namin ang napakalaking bundok na napapalibutan ng makapal na ulap sa tuktok nito..kulay rosas ang paligid ng tuktok ng bundok at luntian naman ang pababa...


Kulas: siguro iyan na yung bundok sherikandra...sa-........ saging?!


napatingin naman sakin si Carlo at tumingin sa direksyon na aking tinuturo...


Carlo: yes! Sa wakas makakakain na tayo...akyatin mo na kulas!


Kulas: bakit ako?! E ako nga nakakita sa puno ng saging ikaw na lang Carlo!


Carlo: paano?! e hindi nga ako makaakyat ng puno?!


Kulas: sabi ko nga ako yung payat at marunong umakyat ng puno..oh alalayan mo ko ha...umupo ka dito para tuntungan kita..

Carlo: kailangan talagang ganun?

Kulas: ayaw mo?! O sige tara nang umalis inaantay na tayo ng bundok..bigla kong hinila si Carlo


Carlo: eto naman nagtatanong lang naman ako.. napakamatampuhin mo..saka pag ganitong gutom na gutom na ako gagawin ko ang lahat makakain lang...

umupo na si Carlo malapit sa puno ng saging..tumapak ako sa kanyang balikat at kumapit sa katawan ng puno..nagsimula na akong umakyat at inaabot ang sangang nakakonekta sa buwig ng saging..matagumpay kong naputol ang sanga at inihagis kay carlo upang kanyang saluhin..bumaba na ako ng puno at nagpagpag ng katawan dahil may mga langgam na itim akong kajammin sa puno


Carlo: sa wakas makakain na tayo!!


Pumitas kami ng tig isang bunga ng saging at masayang kumain, habang nakaupo sa katawan ng patay na puno na natanaw namin ni Carlo para gawing upuan...pipitas pa sana ako ng isa ganun din si Carlo nang may biglang humawak sa aking braso..


Kulas: ay kabayong buntis! Sorry po lola ginulat nyo naman po ako...


Lola: hijo nais ko sanang humingi ng inyong pagkain sapagkat ilang araw na akong hindi kumakain..

Kulas: sure lola..pwedeng pwede po...

Inabutan ko si lola ng isang pirasong saging..saglit lang naubos na nya..tumingin sya sa amin na parang nagpapahiwatig na gusto nya pa..kaya binigay ko ang buwig ng saging kay lola

Kulas: ah lola wag po kayong mahiya kain lang po kayo ng kain...


pinagmasdan lang namin ni Carlo si lola habang kumakain..kawawa naman si lola...ilang saglit lang naubos na ni lola yung isang buwig ng saging..nanlaki yung mata namin ni Carlo at napatingin Kay lola


Carlo: ah e..lola mukang gutom na gutom po kayo ha..ahh sana po nabusog kayo.....

Lola: pasensya na kayo mga hijo naubos ko yung pagkain nyo sobrang gutom na kasi ako

Kulas: ah Ok lang po lola..wag nyo po kaming isipin..busog naman na po kami

Carlo: anong ok? Naubos nya yung isang buwig ng saging sa isang upuan lang! Mas malakas pa sa aking kumain!....bulong sakin ni Carlo..sabay siko sa kanya...


Lola: hindi ba nakakahiya sa iyong kaibigan...oo nga pala bakit ba kayo nandito sa loob ng kagubatan..ano ba ang inyong pakay?

Kulas: ehehehe Ok lang po sa kanya yun..di ba Carlo! pinandilatan ko si carlo..baka kung ano pa sabihin..ahh..papunta po kami ng bundok sherikandra..saan po ba iyon lola?

Lola: iyong bundok na iyon...sabay turo ni lola sa bundok na aming natanaw...."taga doon ako sa bundok sherikandra..doon ang aking tirahan"


Kulas: gusto nyo po ba ihatid na namin kayo.. Masyado pong delikado para sa inyo ang maglakad sa kagubatan nang nag iisa


Tumango lang si lola

Carlo: ahh lola hindi po ba kayo diwata? Baka po gusto nyo po kaming bigyan ng sports car na red para ihatid na namin kayo sa bahay nyo..

Tiningnan ko ng masama si Carlo

Carlo: ehehehe joke lang po yun lola..pinapatawa ko lang po kayo para mabilis po kayong matunawan.. ang dami nyo po kasing nakain..concern lang po ehehehe


Lola: nakakatuwa naman kayong mga bata kayo.. Halika at ituturo ko ang mabilis na daan patungong bundok sherikandra..masyadong delikado kung didiretsuhin nyo ang daan lalo na sa gabi..maraming mababangis na hayop sa bundok..

Napalunok kami ni Carlo..kung hindi pala namin nakilala si lola..malamang ginawa kaming hapunan ng mga mababangis na hayop...sinundan lang namin si lola sa mabilis na daang alam nya..
























Ano pa kaya ang makakaharap nila kulas at Carlo sa daan papuntang bundok sherikandra...saka sino kaya si lola..may part kaya sya sa paglalakbay ng dalawa....abangan..

Please don't forget to vote and comment.... Tenga un buen dia! ^_^

Continue Reading

You'll Also Like

764 97 22
Avalon University is a place where they train their students to become a hero. A hero who will do everything and anything to save the university and...
178K 6.9K 54
Kamatayan. Isa 'yon sa pinakakinakatakutan ng lahat. May mga iilang nagsasabi na hindi ito mapipigilan, at lahat tayo ay mamamatay rin kalaunan. Ngu...
134K 663 8
[COMPLETE] (UNDER EDITTING) An immortal girl who came from the Earth after she become a sacrifice to save human lives accidentally travel into the Wo...
298K 5.9K 29
[ Most Impressive Rank - #1 Power ] Hidden Name! Hidden Place! Everything is Hidden! Everything is nowhere to find! Lugar na hindi nakikita ng sino m...