The Scorned Lover

By greatfairy

2.8M 70.6K 4.8K

Now a published book under Lifebooks. Available in bookstores nationwide! It takes a second to read the word... More

GOLD REIGN MIJARES
Overview
TSL 1: Jollibee
TSL 2: Viral
TSL 3: Dare
TSL 4: Serenade
TSL 5: Deposit
TSL 6: Date
TSL 7: Chase
TSL 8: Traditional
TSL 9: Surname
TSL 11: Tricked
TSL 12: Party
TSL 13: Amiss
TSL 14: Revenge
TSL 15: Coincidence
TSL 16: Distant
TSL 17: Vivid
TSL 18: Wrath
TSL 19: Done
TSL 20: No One Else
Ikalawang Yugto
TSL 21: The Truth
TSL 22: Remorse
TSL 23: Mijares
TSL 24: Gaze
TSL 25: Goodbye
TSL 26: Gone
TSL 27: Dream
TSL 28: Boyfriend
TSL 29: Condition
TSL 30: Finale
Epilogue
Special Chapter

TSL 10: Kiss

68.5K 2.1K 119
By greatfairy

 "AHH.. MAMAYA na lang po ako uuwi. Pakisabi na lang po kay Besh."

"Oh sige. Ikaw ang bahala anak. Panatag naman ang loob ko kasi magkakilala pala kayo ni Nonoy Bryce. Nagpaalam na rin ako sa kanya at ibinilin kita sa kanya."

"Okay po. Salamat po Tatay Berting. Ingat po kayo sa pag-uwi."

"Oh siya. Mag-iingat ka rin. Aalis na 'ko."

"Sige po."

Ngumiti ako at kumaway kay Tatay Berting bago ito tumalikod pauwi. Tapos na kasi silang magsibak ng kahoy na gagamitin sa pagluluto para sa gaganaping party dito bukas. Iyon daw kasi ang nakagawian dito sa tuwing umuuwi si Pangga. Nagpapaluto siya ng madaming pagkain at imbitado ang mga tauhan at buong sakop ng hacienda nila.

Katatapos lang namin kumain at ang sabi ni Pangga ipapasyal niya raw ako sa buong hacienda. Sobrang saya ko kasi parang biglang nagbago ang pakikitungo niya sa'kin. Pansin kong parang ayaw niya akong malayo sa kanya.

"Umalis na ba si Tatay Berting?" Napalingon ako nang marinig ko ang boses ni Pangga. May kasama siyang magandang babae na medyo may kahawig sa kanya.

"Yup. Kakaalis lang niya. Aalis na ba tayo?"

"Nope. Magpapalit ka muna ng damit," aniya.

"Hindi na kailangan, Pangga. Ayos lang talaga ako dito sa suot ko. Promise!" Itinaas ko ang kanang kamay ko pero umiling siya.

"Hindi ka makakasakay ng kabayo na ganyan ang suot mo. You need to change. Ate will help you."

"O-okay..."

"By the way, meet my sister, Bridgette" pagpapakilala niya sa babae. Mukhang mabait siya at mas kamukha ni Tito Joaquin.

"Hi po! Gold po pala..." I smiled and offered her a handshake. Tinanggap naman niya agad ito.

"Tama nga si Mama, napakaganda mo. Pasensya na hindi ako nakasabay sa inyo kaninang kumain. I was in our room kasi nagbi-breastfeed ako ng baby ko eh. And you have a nice name by the way."

"Salamat po. May baby po kayo?" Kunwari ay gulat kong tanong. Alam kong dalawa ang anak niya. Oh well, marami naman na talaga akong alam tungkol sa pamilya nila.

"Yes, a baby boy. He's just nine months old."

"Talaga po? Gusto ko po siyang makita."

"Mamaya pagkauwi n'yo galing sa pamamasyal ni Bryce. Natutulog pa siya ngayon eh. Tutulungan muna kitang magpalit ng damit. Come on."

"S-sige." Lumingon muna ako kay Pangga.

"Kukunin ko lang ang kabayo sa kuwadra while waiting for you okay?" Sabi niya at bahagya akong kinabig saka hinalikan sa noo. Napasinghap ako sa sobrang pagkabigla.

Did he just kiss me on the forehead?!

Holy crap!

Kahit sandali lang iyon ay pakiramdam ko nagising lahat ng mga uri ng cells ko sa katawan.

"I got to go." Napahawak ako sa sariling noo habang tinatanaw siya paalis. Shet! Nakakakilig! Titili na sana ako ngunit natigilan ako nang marinig ang mahinang hagikhik. Saka ko lang naalalang nandito pala ang ate niya. Oh shoot!

"Ang cute niyong tingnan. Ngayon ko lang nakitang nagkakaganyan ang kapatid ko. May romantic bones din pala siya sa katawan. Akala ko talaga pusong bato na ang isang 'yan." Pakiramdam ko uminit ang buong mukha ko sa kanyang sinabi.

"A-a-ah... E-e-eh..."

"Ang cute mong magblush. Literal talagang sumusulong ang dugo sa pisngi mo. Halata ka masyadong kinikilig eh."

"A-ah... Hehe... Ganun ba talaga ka obvious ate?"

"Obvious na obvious dear. Maputi ka kasi. Manipis siguro 'yang balat mo sa pisngi kaya masyadong halata." Aniya na todo ngiti.

"Ganun ba. Ah... Hehe... Ate, puwede bang tumili muna? Gusto ko talagang ilabas 'to."

"Oo naman. Sabayan pa kita, eh."

Tumango ako at huminga ng malalim.

"One... two... three..."

"EEEEEEEEEHHHHHH!!!!!" Sabay naming tili ni Ate Bridgette at kasunod ay malutong naming tawanan.

"Ha-ha-ha... Tara na nga. Palitan natin 'yang costume mo." Aniya at umabresyete sa braso ko. Kay bait naman ng pamilya ni Pangga. Bigla tuloy akong nakosensya na nagsinungaling ako.

Paano na lang pag malaman nila na isa akong Mijares? Tatanggapin pa kaya nila ako? Malamang hindi. Siguro hangga't maaari kailangan ko munang itago sa kanila ang totoong pagkatao ko. Lalo na kay Pangga. Ayaw kong bitawan ang maliit na tsansang mamahalin niya rin ako. Ngayon pang may improvement na ang pakikitungo niya sa'kin.

I know it is definitely wrong to lie. Pero siguro maituturing naman white lie ang ginawa ko. He and his family deserves the truth. Malugod nila akong tinanggap sa tahanan nila. Maybe I just have to wait for the right time. I have to be sure that our relationship is guaranteed before I let the cat out of the bag.

Umakyat kami sa ikalawang palapag ng mansyon. Sa pinakaunang baitang gilid ng hagdan ay may nakasabit na frame na may embroidered na isang babae at lalaki na ikinakasal. May nakaburda ding Joaquin & Therese: United in Marriage.

Nakakamangha ding tingnan ang mga abstract paintings na nakasabit sa gilid ng hagdan paitaas.

Pumasok kami sa isang magarang kuwarto na mahogany ang pinto. Halatang antique ang disenyo ng buong mansyon na may halong Corinthian design.

"Ito ang kuwarto ko noong hindi pa ako nag-aasawa. Sa Maynila na kasi kami namamalagi. Pero madalas kaming nagbabakasyon dito sa probinsya lalo na pag may okasyon."

Inilibot ko ang paningin ko. Simple lamang ang loob. Beige ang pinta ng pader at edging na kulay brown.

"So kasama mo rin po ang asawa mo ate?"

"Nope. Nasa Singapore siya ngayon eh. Tatlong araw siya do'n. May dadaluhan siyang meeting at workshop para sa mga aspiring entrepreneurs. Isa siya sa magiging speaker doon. Kaya nga umuwi muna kami dito. Wala naman kaming gagawin sa bahay sa Maynila lalo na't wala namang pasok sa eskwela si Xanley." Tumango-tango ako at sinundan siya ng tingin habang binubuksan nito ang isang closet.

"Teka. Ano bang gusto mong isuot? Mangangabayo ba kayo?"

"Opo. Kahit ano na lang ate. Basta kasya sa'kin."

"Ito na lang. Mag-shorts ka na lang mas komportable ka at makakagalaw ng maayos. Hindi ko pa 'yan nagagamit."

"Sige po. Salamat."

"Dito ka na lang din magpalit. Huwag ka nang mahiya. Pareho naman tayong babae." Ngumiti ako at nagpatulong sa paghubad ng suot kong Filipiniana gown. Sa totoo lang wala namang malisya sa'kin ang mga ganitong pagkakataon. Kahit kami nga ni Ate Nisyel ay palaging sabay na nagbibihis lalo na pag may mga party kaming dinadaluhan at inaayusan ko siya.

Isinuot ko ang maong shorts na katamtaman lamang ang ikli. Malapit na sa kalahati ng hita ko ang haba nito.

"Ito ang i-pareha natin para maganda tingnan. Simple lang" ani Ate Bridgette at inabot sa'kin ang long sleeves kulay itim. Namangha ako dahil fit na fit ito sa katawan ko na parang sinukat talaga.

"Sabi ko sa'yo, eh. Lalo kang gumanda. Ang cute-cute mo! Siguradong malalaglag ang brief ng kapatid ko pag makita ka niya."

"He-he... Salamat po!"

"Gusto kong makita ang buhok mo pag naka-ponytail. Sandali!" Naupo na lamang ako at hinayaan siyang kumuha ng suklay.

"Akin na 'yang buhok mo at itatali ko." Napangiti ako. Ang sarap pala sa pakiramdam na may nag-aayos sa'yo na parang ate mo. Nasanay kasi ako na ako ang umaayos kay Ate Nisyel. Hindi kasi marunong mag-ayos ang isang 'yon. Hindi ko naman masisisi kasi kahit anong ayos niya ay maganda pa rin siya. Walang effort na kailangan. Life is unfair nga naman.

"Ayan! Perfect! Ang sexy mo palang tingnan pag kita ang leeg mo sis! Pag makita ka ni Bryce baka magbago ang isip niya at huwag na lang ituloy ang pamamasyal n'yo!" Nag-iinit ang pisngi ko nang marealize ang ibig sabihin ni Ate Bridgette. Shet na malagkit! Pag ako landiin ni Pangga hinding-hindi ako tatanggi!

"Ate naman, eh!"

"Ha-ha... Halika na nga. Sa baba na lang natin hintayin ang kapatid ko."

Bumaba kami na panay pa rin ang panunukso sa'kin ni Ate Bridgette. Pagkarating sa sala ay naabutan naming maingay. May mga bagong mukha din akong nakita na kausap nila Tito Joaquin at Tita Therese.

"Oh! Kas! Nakapamasyar man kamo di!" Ani Ate Bridgette at nilapitan ang lalaking halos kaedaran yata ni Pangga. Medyo tan ito at matangos ang ilong. May resemblance sila ngunit mas gwapo siyempre si Pangga.

"Kumusta? Balita namon nagpuli si Bryce. Oh? May bisita gali kamo?" Ani ng lalaki at tumingin sa gawi ko. Napangiwi ako nang tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa.

"Ay! Siya nga pala, sis" Marahan akong hinatak ni Ate Bridgette. "Si Clinton nga pala, pinsan namin." aniya.

"Kas, si Gold. Magtagalog ka. Indi na siya kaintindi hiligaynon."

"Nice to meet you Miss Gorgeous. Your name suits you" sabi nito at inilahad ang kanyang kamay. Bahagya akong ngumiti at tinanggap ito ngunit napasinghap ako nang marahan nitong pinisil ang kamay ko. Babawiin ko na sana ito ngunit lalo nitong hinigpitan ang pagkakahawak.

Namalayan ko na lang na nakakulong na ang katawan ko sa matitipunong bisig.

"Back off, Couz! She's mine!" Ramdam ko ang paghigpit ng yakap sa'kin ni Pangga and it feels heaven.

Nagtawanan silang lahat pati ang mga matatanda.

"Namana mo yata ang pagka-territorial ni Tito Joaquin bro!"

"Tss." Iyon lang at hinatak na niya ako palabas. Leaving everyone in laughters.

Sa labas ay may naghihintay na puting kabayo. Hindi siya nagsasalita at inalalayan lamang ako pasakay ng kabayo. Hindi naman ako natatakot although this is my first time to ride a horse. And maybe that is because Pangga is around.

Ramdam ko ang kanyang hininga sa ulo ko nang sumakay siya sa likod. Galit ba si Pangga? Bakit ang bilis ng tibok ng puso niya? Nagulat ako nang bigla nitong pinatakbo ng mabilis ang kabayo. Mabuti na lang at nakapulupot ang kaliwa niyang braso sa bewang ko kaya hindi ako nahulog.

"Aaaahhhh! Pangga naman!" tili ko. Halos hindi ko na nga makita ang dinadaanan namin sa sobrang bilis.

"Pangga naman! Dahan-dahan naman!" sigaw ko. Nakahinga ako ng maluwag nang unti-unting bumagal ang takbo ng kabayo hanggang sa tumigil na ito sa ilalim ng puno. Inalalayan niya akong bumaba at itinali sa puno ang tali ng kabayo.

"Grabe ka naman, Pangga! Balak mo ba akong patayin?" singhal ko. Humarap siya sa'kin at bigla akong kinabig.

"Damn it! I can't take it anymore, Reign!" he said before claiming my lips.

I was stunned for a while. But my eyes went wide when I realized what is happening.

O to the M to the Z!

He is kissing me!

-GREATFAIRY

Continue Reading

You'll Also Like

4.2M 82.7K 43
Barkada Babies Series #1 This is published under PHR. Visit their online store to get a copy of the ebook version. Price: 142php ------ Hanggang sa...
2.2M 56.6K 33
[COMPLETED] Gaano nga ba kasakit ang magmahal ng taong hindi naman buong-buo na sa 'yo? • • • Fina Tuazon is a plain college student whose only drea...
1.8M 50.5K 43
Barkada Babies Series #4 Is it wrong to give it all when you love? Or is it wrong to love a person so much? Did they just loved the wrong person? Or...
1.2M 18.5K 50
Sophia's a hopeless romantic. Ayaw niyang pumasok sa isang relasyon kung hindi naman ito pangmatagalan. At kung papasok man siya sa isang relasyon, d...