POSSESSIVE 12: Cali Sudalga

By CeCeLib

53.4M 1M 229K

Cali Sudalga got everything. Limited edition luxury cars. Wealth. Money. Yachts. And a very huge mansion that... More

SYNOPSIS
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
Please Read
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
EPILOGUE

CHAPTER 10

1.7M 33.4K 9.5K
By CeCeLib

CHAPTER 10

NAGISING si Annette sa amoy ng ospital. Alam na alam niya ang amoy na 'yon at hindi niya kailanman makakalimutan dahil ilang buwan din siyang nanatili sa ospital pagkatapos niyang magising galing sa aksidente.

"Oh, you're awake." A baritone voice chirped. "Good. That lunatic can finally live in peace."

Napakurap-kurap siya at tumuon ang paningin sa nagsalita. Kumunot ang noo niya nang makita ang lalaking nasa tabi ng hospital bed niya. First impression? He looked like a handsome gangster to her because of his tattoos that couldn't be hidden by his doctor's robe. There were tattoos all over his neck. It looked messy yet she have to admit that it made him look like a handsome bad ass.

"Done admiring me, beautiful?"

Nag-init ang mukha ni Annette, saka mabilis na nag-iwas ng tingin. "N-nasaan si Cali?" pag-iiba niya ng usapan dahil iyon agad ang pumasok sa isip niya.

"Ipinahila ko sa security team palabas para kumain. Hindi pa kasi nanananghalian at naghahapunan," parang walang pakialam na sabi ng lalaki, saka inilapat ang malamig na stethoscope sa dibdib niya kung nasaan ang puso niya. "Everything is normal. Ang utak mo lang ang hindi."

Matalim ang matang pinukol niya ito ng tingin. "Doktor ka ba talaga o nagde-dress up ka lang?"

Tumaas ang dalawang kilay nito kasabay ng pagtaas ng sulok ng mga labi. "Hmm... why is that?"

"You don't say that to your patient."

Mahina itong tumawa. "Oh. Sorry about that. Sometimes, my mouth doesn't have a filter. But for your peace of mind, yes, I am a surgeon that specializes in brain." Inilahad nito ang kamay sa kanya. "Blaze Vitale. I graduated in Harvard, a scholar and my license number is 2224311." Nang hindi niya tinanggap ang kamay nito, para itong batang sinimangutan siya. "Mean."

Hindi alam ni Annette kung matatawa siya o maiinis sa doktor na nasa harap niya.

"Anyway, sabi sa 'kin ni Cali may amnesia ka raw."

"S-sinabi niya sa 'yo?" And here she thought she could trust Cali.

"Yes. But don't get him wrong." Umupo ito sa gilid ng kama, paharap sa kanya. "Pinilit ko siyang sabihin at napilitan siya. Wala ka kasing malay at hindi ka magising kahit ano'ng gawin namin. So he told us about your medical condition."

Nagbaba siya ng tingin. "Ganoon ba?"

"Yep," he said popping the "p." "So huwag kang mag-emote diyan."

"Sorry," napahiyang sabi niya. "I didn't mean to..."

"That's okay. We do a lot of things we don't really mean." Huminga ito nang malalim. "Anyway again, how's your head?"

"Ayos lang." Sinapo niya ang gilid ng ulo. "Hindi na masakit."

"Nang mawalan ka nang malay kaninang umaga, did you felt like your head is about to split into two?"

Tumango si Annette. "Nilalabanan ko 'yong sakit, pero hindi ko kinaya."

"While you were in pain, did you see something in your head?"

Tumango siya. "Nitong mga nakaraang araw mula nang magtrabaho ako para kay Cali, bigla-bigla na lang may pumapasok na memorya sa isip ko at sumasakit ang ulo ko. Minsan naman may napapanaginipan ako. Hindi ko alam kung bakit nangyayari sa 'kin 'to. Why now? Bakit hindi 'yon nangyari sa akin sa isa't kalahating taon na pinipilit ko ang sarili ko na makaalala? Bakit ngayon pa kung kailan sumuko na akong maalala ang nakaraan ko?"

He shrugged. "Maybe because Cali is a big part of your life before. Seeing him and being with him every day is making your memories came back." Then he added, "You see, brain understands, brain adapts. And if something happen to your brain, it may forget thousand and millions of memories, pero nandiyan lang 'yan. It's just buried. Ang kailangan lang ay may mag-trigger para bumalik uli ang mga alaalang nakalimutan mo. And looks like Cali is your trigger."

"Babalik talaga ang alaala ko?" umaasa niyang tanong. She would do anything to remember. "Makakaalala uli ako?"

"Of course. You just need time." He smiled. "Sa kaso mo, unti-unti na siyang bumabalik. Maghintay ka lang at maging malakas. And stay with Cali. Being with him might help you."

"Puwede bang sa 'tin lang muna itong pinag-usapan natin?" pakiusap niya kay Dr. Blaze. "Huwag mo muna itong sabihin kay Cali. Ayokong malaman niya. Gusto kong ako ang magsabi sa kanya na nakakaalala na ako. 'Yon kasi ang gusto niya, eh."

"Sure," mabilis nitong sagot na hindi man lang nagdalawang-isip na pagbigyan ang hiling niya.

"Salamat," sabi niya kahit may pagdududa pa rin kung talagang hindi nito iyon sasabihin kay Cali.

He grinned and winked. "You're welcome, beautiful."

Sinuklian niya ang ngiti nito. Kahit paano ay nalinawan siya sa mga nangyayari ngayon sa kanya.

Naputol ang pag-iisip ni Annette nang bigla na lang bumukas ang pinto at pumasok doon si Cali.

"Annette."

"Cali, kumain ka na ba—" Parang napugto ang hininga niya at hindi siya nakapagsalita nang bigla siya nitong yakapin nang mahigpit. "C-Cali... h-hindi ako m-makahinga."

Agad naman siya nitong pinakawalan sa pagkakayakap, saka matiim siyang tinitigan. "Are you okay?"

Tumango siya.

"Good." He blew a loud breath. "Don't go unconscious on me again."

Tumango siya. "Hindi ko naman sinasadya. Sumakit lang talaga ang ulo ko."

"Mag-ingat ka kasi." Bumaling si Cali sa doktor. "Ayos lang ba siya?"

"Yeah," sagot ni Blake. "She's fine. Wala pa rin siyang maalala. Sabi ko nga sumuko na lang siya, eh."

Pupukulin sana niya ito ng masamang tingin nang kindatan siya nito at ngitian. Doon niya napagtanto na nagsinungaling lang ito kay Cali para sa kanya.

Thank you, she mouthed at Blaze.

He just winked in return.

Akmang kakausapin sana siya ni Cali nang may tatlong kalalakihan na humahangos na pumasok sa pinto. Doon tumuon ang tingin niya, lalong-lalo na sa pinsan ni Cali na si Thorn.

"Fuck!" hinihingal na mura ng lalaking naka-cap at naka-black shades. "Fuck you, Cali, pinahabol mo kami. Masasakal talaga kita!"

"Sakalin mo na, Lysander," sabi ni Thorn na hinahabol din ang hininga.

"Kasalanan mo rin naman, Ly," sabi ng lalaki na katabi ni Thorn na nakatingala sa kisame habang habol ang hininga. "Bakit kasi naka-shades ka, gabi na. Hindi mo tuloy nakita na sa kanan lumiko ang hayup na 'yan."

"So the security team failed to secure Sudalga," parang nang-uuyam na sabi ni Blaze.

Security team? Akala niya totoong security team ang humila kay Cali, hindi pala.

"Oh, shut up, Blaze." Masama ang tingin ni Lysander sa doktor. "Like you could have done better?"

Ngumiti si Blaze. May ekspresyon sa mukha nito na parang nang-uuyam. "Callahan, I kill people for a living." Hinubad nito ang doctor's robe na suot, saka itinapon sa may sofa. "It means I can run the hell faster than you."

Napakurap-kurap si Annette habang nakatingin sa doktor. Sa ilalim pala ng puting roba nito ay nagtatago ang leather jacket at ripped jeans. He looked like a freaking bad ass gangster.

Doktor ba talaga ito?

"Down, boys," sabi ni Thorn, saka pumagitna kina Lysander at Blaze. "Stop it."

Blaze just smirked and walked past Lysander and out of her room.

"Doktor ba talaga siya?" pabulong niyang tanong kay Cali.

Pero si Thorn ang sumagot. Mukhang narinig nito ang tanong niya. "Yes. He is. Wala lang 'yan sa tamang daan ngayon."

"Yeah. He's a good doctor and a good friend too," segundo ni Cali. "'Buti nga pumayag na tingnan ka. Busy yata 'yon kanina, Pinilit ko lang. I don't trust the doctors here. Hindi ko naman nilalahat pero mga mukhang pera sila."

Tumango-tango siya at nawalan ng imik nang maghari ang katahimikan sa buong kuwarto. Everyone was silent until Thorn spoke.

"Aalis na kami," sabi nito, saka nauna nang lumabas. Sumunod sina Lysander at Andrius. Kahit hindi nagsasalita ang mga ito, nararamdaman niyang may galit ang mga ito sa kanya.

Pasimple niyang hinila ang manggas ng suot na T-shirt ni Cali para kunin ang atensiyon niyo. "Galit ba sila sa 'kin?"

"Don't mind them." Umalis sa pagkakaupo sa kama niya si Cali, saka namulsa. "Aasikasuhin ko na ang paglabas mo. Doon ka na lang sa bahay magpahinga."

Tumango siya. "Salamat at pasensiya na kung pinag-alala kita."

Tumango lang ito bilang tugon, saka lumabas ng kuwarto.

Napatitig si Annette sa nilabasang pinto ng lalaki. Si Cali? A big part of her life before? Tama ba talaga si Blaze? Parte nga ba ng buhay niya noon si Cali?

Kung oo, ano niya ito?



NASA MAY billing section na ng ospital si Cali at nagbabayad nang tumunog ang cell phone niya. Nang makitang si Shun ang tumawag, agad niyang sinagot iyon.

"Hey," sabi niya sa nasa kabilang linya.

"Hey," bati sa kanya ni Shun, saka huminga muna nang malalim bago nagpatuloy sa pagsasalita. "Inisa-isa ko ang ospital sa probinsiya ni Annette at nahanap ko nga. Sa isang provincial hospital siya dinala pagkatapos ng aksidente. Nakausap ko rin ang doktor na sumuri sa kanya. Isang himala raw na nabuhay pa si Annette. Ilang buto ang nabali sa kanya at natusok pa ang tagiliran niya ng isang mahaba at matalim na bagay. Hindi niya raw makakalimutan si Annette dahil ito ang pasyente niyang himala ngang nabuhay pa. I saw the X-rays and I have to bribe some people to see the whole record."

So she was telling the truth. "Ano pa'ng nalaman mo?"

"May lalaki siyang kasama nang maaksidente siya."

Anger boiled inside him. "Sino raw?"

"Fredd Hermano."

Gumalaw ang panga ni Cali sa galit. "'Yan ang lalaking kalaguyo niya noon. His name was on her letter."

"Dead on the spot daw ang lalaki at inilibing na lang kasi walang nag-claim ng bangkay niya," imporma sa kanya ni Shun.

"Serves him right for stealing my wife."

Napabuntong-hininga ang nasa kabilang linya. "Speaking of which, pumunta ako sa police station kung saan nangyari ang aksidente. I talked to the chief and I saw the records. Something is weird about that accident."

"What?"

"According sa report, nakaupo si Annette sa likod ng sasakyan nang mangyari ang aksidente. Pagkatapos ay mayroong panyo na amoy-chloroform silang nakita sa loob ng sasakyan. Something is up, Sudalga, I'm telling you. As a former agent, I know a crime when I see one."

"Ano'ng gusto nong palabasin, na kinidnap ang asawa ko noong araw na iniwan niya ako?" Mapakla siyang natawa. "Huwag mo akong patawanin, Shun. I still have her letter. O baka naman gusto mong mabasa uli 'yon para isaksak mo diyan sa kukote mo na iniwan niya ako para sa lalaki niya?"

Shun sighed. "Cali, sinasabi ko lang sa 'yo kung ano ang nabasa ko."

"Wala akong pakialam." Tumalim ang mga mata niya. "She left me and that's it."

"Kung ganoon, bakit mo siya pinatira sa bahay mo?" Parang naghahamon ang boses nito. "Still planning your revenge?"

"Labas ka na do'n, Shun Kim." He took a deep breath. "Thanks." Pagkasabi niyon ay pinatay niya ang tawag.

Hinilot ni Cali ang sentido. So, Annette wasn't lying after all. Pero hindi pa rin sapat 'yon. Hindi sapat para mawala ang pagdududa niya rito.

What if she could really remember? And she was just fucking lying again? She was good at that. Madali rito ang magpanggap.

Malakas siyang napabuntong-hininga, saka inilabas ang pitaka para magbayad. Pagkatapos ay bumalik siya sa kuwarto na inoukupa ni Annette.

He found her sleeping again and he couldn't help but to stare at her beautiful face. The face of a woman whom he loved before. Ang babaeng bumaliw sa kanya, ang babaeng minahal niya noon at ang babaeng nagparamdam sa kanya ng impyerno.

Everything about her was a lie.

Her smile.

Her happiness.

Her love.

Everything.

She was a liar. A lying conniving bitch! At nag-uumpisa na naman itong lokohin siya. Nawala man ang memorya nito pero ang masamang ugali nito, tiyak na mananatili 'yon.

Cali took a deep breath, calmed himself, leaned in and shook Annette's shoulder. "Annette, gising. Uuwi na tayo."

She stirred on her sleep. Pagkatapos ay unti-unting nagmulat ang mga mata nito, saka tumingin sa kanya. Then a sweet smile appeared on her lips. "Hey."

His defenses stared to waiver. Tumikhim siya. "Bumangon ka na. Uuwi na tayo."

Nanatili ang ngiti sa mga labi nito hanggang sa makabangon at makaalis sa kama. Akmang aalis na siya at mauunang lumabas nang pigilan siya nito sa kamay.

"Cali."

Binalingan niya ito. "Yes?"

"Salamat."

Napatitig siya sa nakangiti nitong mga labi. She looked so genuinely sweet, so beautiful and... Pretentious."Welcome," sabi niya kapagkuwan.

Binitawan nito ang kamay niya, saka humawak sa braso niya. His defenses waivered again as he felt her soft hand against his skin. Fuck!


CECELIB | C.C.

Continue Reading

You'll Also Like

58.5M 1M 25
Train Wolkzbin eluded marriage for eight years. Hindi siya magpapakasal kahit pa mamatay lahat ng kaibigan niya. Kahit pa magunaw ang mundo, hinding...
2.2M 54.9K 34
Warning | R18 | Mature Content Synopsis: Hiyasmin Real sa edad na trenta ay hindi pa niya naranasan na ma-inlove. She's NBSB -No Boyfriend Since Bi...
128K 6K 74
"OH MY GOSH SINO KA?! Bakit mo ko ginagaya! Hoy!" Gulong gulo ang isip ko habang nakatingin sa lalakeng nasa harapan ko. Bawat buka ng bibig ko ay na...
2.7K 212 160
Another LGBT story and my very first girls love and sci-fi novel. :) 2030, Eleven years na ang lumipas mula nang maganap ang malagim na pandemya sa m...