POSSESSIVE 12: Cali Sudalga

By CeCeLib

53.4M 1M 229K

Cali Sudalga got everything. Limited edition luxury cars. Wealth. Money. Yachts. And a very huge mansion that... More

SYNOPSIS
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
Please Read
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
EPILOGUE

CHAPTER 8

1.7M 34.2K 7.9K
By CeCeLib

CHAPTER 8

NAGISING si Annette na masakit ang ulo. Nang bumangon siya at umalis sa kama, mas sumakit ang ulo niya sa kakaisip kung bakit wala siyang saplot ni isa. Matiim niyang pinakatitigan ang kama hanggang sa unti-unting bumalik sa isipan niya ang memorya ng pagtatalik nila ni Cali kagabi.

Nag-init ang pisngi niya, saka napayakap sa hubad na katawan. "Oh, my God!" Napakagat-labi siya. "Shit. Nakakahiya!"

Gusto niyang kutusan ang sarili dahil sa pag-inom ng alak kagabi. Kung nasa tamang huwisyo lang siya, siguradong hindi niya magagawa 'yon. Siguradong mapipigilan niya ang sarili na gawin ang kagagahang pinaggagagawa niya kagabi.

And as she stood there, hugging her naked body, she remembered every detail of their love making.

"Oh, God..." Itinakip niya ang dalawang palad sa mukha dahil nag-iinit iyon pati tainga niya. "Ano ba itong ginawa ko?"

Bumaba ang tingin niya sa kanyang hubad na katawan at nagmamadaling tumakbo patungong banyo para maligo. It was weird and all but she could still feel Cali's touch, the way he caressed her. At kahit memorya lang 'yon, nararamdaman niyang may kakaibang hatid iyon na init sa katawan niya.

"Oh, God," sambit niya habang nasa ilalim ng malamig na shower. "Ano'ng mukhang ihaharap ko ngayon sa kanya?"

Hanggang sa matapos siyang maligo at makapagbihis, 'yon pa rin ang nasa isip niya. Kaya naman nang lumabas siya sa kanyang kuwarto, dahan-dahan ang ginawa niyang hakbang para hindi marinig ang mga yabag niya.

Nakahinga si Annette nang maluwang nang nasa sala na siya at walang Cali siyang makita. Baka pumasok na ito sa opisina. Tama! Mukhang lampas alas-otso na nang umaga. Salamat naman at—

"Why are you tip-toeing?"

Natulos siya sa kinatatayuan kasabay ng pagdagundong ng tibok ng puso niya. Oh, hell! He was still here! Itinikom niya ang nakaawang na mga labi dahil sa gulat, saka pilit na pinapakalma ang puso niyang ang bilis ng tibok.

"Annette, humarap ka sa 'kin? Bakit ba naestatwa ka diyan?"

Napalunok siya. "Ahm, ano kasi, ahm..." Hindi niya alam ang sasabihin. "Ahm, ano, ahm—"

"Humarap ka sa 'kin," ulit nito.

Kinakabahan at nahihiyang humarap siya sa lalaki. Ni hindi nga niya ito matingnan sa mga mata dahil sa hiyang nararamdaman. She could still remember how wild she was while he was licking— oh, God, Annette, don't go there!

"Look at me," utos nito.

Kagat-kagat ang labing pinilit niya ang sarili na mag-angat ng tingin kay Cali. Parang may pumana sa puso niya nang makita ang hitsura nito. He just finished bathing. He looked fresh and hot and so handsome. Medyo basa pa kasi ang buhok nito at naamoy niya ang panlalaki nitong sabon at shampoo.

Oh, God! Temptation! Stay away from me!

"Annette," tawag nito sa pangalan niya.

Napakurap-kurap siya, saka wala sa sariling napatitig sa mga mata nito. "Ha?"

Tumaas ang sulok ng labi ni Cali, saka humakbang palapit sa kanya. Tumigil lang ito nang ilang dangkal na lang ang layo sa kanya. "Pakiayos ang necktie ko," wika nito na ikinagulat niya.

She blinked again. "Ha?"

"Ayusin mo ang necktie ko," ulit nito.

Bumaba ang mga mata niya sa necktie ito na nakapalibot lang sa leeg nito pero hindi pa naayos.

"Go on. Fix my necktie," he urged.

Nanlalamig na umangat ang mga kamay ni Annette, saka hinawakan ang bawat dulo ng necktie at inayos yon. Her eyes were trained on his necktie. She couldn't look him in the eyes without remembering what happened to them on the sofa and on her bed.

"T-tapos na," nauutal niyang sabi, saka ibinaba ang kamay. "M-maghahanda na ba ako ng agahan mo?"

"No need." Isinuot nito ang jacket ng suit, saka inayos ang collar n'on. "You can kiss me good luck instead."

Namilog ang mga mata niya at napatingin dito. "Ha?"

Amusement was dancing in his green eyes. "Kiss me good luck for the day. May meeting ako ngayon, eh."

Nakatitig lang siya sa lalaki. "B-bakit ko naman gagawin 'yon?"

"Because I said so." Nagdilim ang mukha nito. "I'm your boss remember?"

"P-pero, 'di ba, h-hindi naman 'yon kasama sa pagiging PA ko?" Parang magwawala ang puso niya sa sobrang lakas ng tibok niyon. "Ahm, t-tulad ng nangyari k-kagabi. P-pasensiya na kasi lasing lang ako, 't-tapos hindi ko alam ang g-ginagawa ko, 'tapos—"

"Annette."

Napatigil siya sa pagsasalita at nagtatanong ang mga matang tumitig dito. "Ha?"

"Shut up and kiss me."

Muntik nang tumalon ang puso niya palabas. "Ha?"

Cali heaved a deep sigh, leaned in, and captured her lips in one fiery kiss. "There. Not that hard, eh?"

Umiling siya. "Hindi."

"Good." Maaliwalas na ang mukha nito. "So if I tell you to kiss me, you kiss me, okay?"

Tumango si Annette.

He smiled, his eyes sparkling in delight. "Very good."

Hinalikan uli siya nito sa mga labi, saka lumabas ng penthouse at iniwan siyang nakatulala sa hangin.

Cali seemed different. Ano ang nangyari do'n? Was it because of what happened last night? Kaya ba nagbago ito?

Kinapa ni Annette ang dibdib kung nasaan ang puso niya. Napakalakas at napakabilis ng tibok niyon nang dahil sa simpleng halik ni Cali. "Diyos ko..." mahina niyang sambit. "Huwag mo namang patibukin nang ganito ang puso ko. Baka masaktan lang ako."

Huminga siya nang malalim, saka nagtungo sa kusina para maghanda ng agahan niya.

She was about to put rice on the rice cooker when a phone rang loudly. Napalinga-linga siya, saka sinundan kong saan nanggagaling ang tunog. Nagulat siya nang makitang ang cell phone na ibinigay sa kanya ni Cali ang nag-iingay.

Pinulot niya 'yon, saka tiningnan kung sino ang tumatawag.

Cali's Calling...

Kumabog nang mabilis ang puso niya nang makita ang pangalan ng lalaki sa screen. Akmang sasagutin niya iyon nang biglang tumigil ang pag-ring.

Napalabi siya. "Hala, hindi ko nasagot."

Ibabalik na sana niya sa kung saan niya kinuha ang cell phone nang mag-ring uli iyon.

Cali's Calling...

This time, Annette quickly answered the call. "H-hello?" kinakabahan niyang sabi.

"Bakit hindi mo sinagot agad ang tawag ko?"

Napakagat-labi siya. "Sorry, nasa kusina ako."

"Ah, ganoon ba?" Nawala ang inis sa boses nito nang magsalita uli. "Nakapag-agahan ka na ba?"

"Hindi pa. Magsasaing pa lang ako, eh."

"Ganoon ba? Sige, after breakfast, come here."

Kumunot ang noo niya. "Ha? Saan?"

"Dito sa opisina ko. Bilisan mo, ha?"

Namilog ang mga mata niya "Ano?"

"Kailangan ko ng PA kaya bilisan mo, okay?"

"Sige. Sige. Bibilisan ko." Nagmamadali niyang tinapos tawag, saka nagmamadaling bumalik sa kusina para magluto ng agahan.



PANAY ANG HINGA nang malalim ni Annette habang nakasakay sa elevator na maghahatid sa kanya sa pinakamataas na palapag ng gusali kung saan naroon ang opisina ni Cali.

Nang huli siyang pumunta roon ay sinigawan siya ni Cali. sana hindi naman mangyari 'yon ngayon.

Nagpalawala siya ng buntong-hininga nang bumukas ang pinto ng elevator. Kinakabahan siyang lumabas ng elevator, saka naglakad patungo sa CEO's Office.

Nang pumasok siya sa pinto, sumalubong sa paningin niya ang sekretarya ni Cali. Ngumiti ito nang makita siya.

"It's nice to see you again," sabi ng sekretarya na malapad ang ngiti sa kanya.

Sinuklian niya ang ngiti nito ng isang tipid na ngiti. "Ahm, si Mr. Sudalga. Pinapapunta ako."

"Yes, he told me to tell you to wait for him inside his office. Nasa meeting pa kasi siya ngayon." Iminuwestra nito ang kamay sa pinto ng private office ni Cali. "Pumasok ka na lang at doon mo hintayin si Sir."

Tumango siya, saka pumasok sa opisina ni Cali at umupo sa visitor's chair.

Habang naghihintay, palingon-lingon si Annette, tinitingnan ang buong paligid. Cali's office shouted manliness. From the walls, floors and furniture. Nababagay sa opisina na ito ang isang Cali Sudalga. At nasisiguro niyang kung may makakita sa kanya, magmumukhang siyang out of place sa magarang opisina na iyon sa suot niyang simpleng denim jeans, saka blouse.

Napaigtad si Annette nang bumukas bigla ang pinto ng opisina at pumasok doon si Cali na hinuhubad ang suit at tanging ang polo lang ang iniwan.

"Oh, you're here," sabi nito nang makita siya. "Good. Tamang-tama ang dating mo."

Umayos siya ng upo. "Ano'ng kailangan kong gawin?" agad niyang tanong.

Umupo si Cali sa visitor's chair na nasa harap niya, saka inilapit ang mukha sa kanya. "Na-stress ako sa meeting. Kiss me."

Namilog ang mga mata ni Annette at napasinghap. "Ano? Nababaliw ka ba?"

"No, hindi ako nababaliw." Hinawakan nito ang kamay niya. "I really need your kisses. Badly." Inginuso nito ang mga labi sa kanya. "Come on, kiss me, then my stress will disappear."

Inungusan niya ito. "Ako ba pinagloloko mo, ha, Cali?" Inirapan niya ito. "Pinapunta mo ako para lang halikan ka. Baliw ka rin, 'no?"

Ngumiti lang ito, saka mas inilapit pa ang mukha sa mukha niya. "Kiss me."

Pinaikot ni Annette ang mga mata. "Ayoko. Aalis na ako."

Bago pa siya makatayo ay napigilan na siya ni Cali. "Stay still and let me kiss you instead."

Nahigit niya ang hininga nang bigla na lang ilapat ni Cali ang labi sa mga labi niya at hinalikan siya.

Her heart raced, it beat so fast and loud.

Nang hindi siya gumalaw sa kinauupuan, binigyang distansiya ni Cali ang mga labi nila, saka tinitigan siya. "Honestly," he whispered over her lips. "I want you where I can see you. Hindi kasi ako mapakali, eh."

Binasa niya ang nanunuyong labi, saka bumulong din. "H-hindi naman ako aalis sa penthouse mo. I'll be there when you went home."

Sadness fell on his handsome face. "Maybe I just don't want history to repeat itself."

Naguluhan siya sa sinabi nito. "Ha?"

Idinampi ni Cali ang mga labi sa mga labi niya. Kapagkuwan ay pinakawalan nito ang mga labi niya at pinisil ang kamay niya. "Just stay here." Tinapunan nito ng tingin ang sofa na nasa kanang bahagi ng opisina. Malapit lang iyon sa kinauupuan niya. "Just sit there. And I'll be okay."

She bit her lip, her heart pounding insanely. "You want me here?"

"Yes."

"Okay," pabulong niyang sabi. Inagaw niya ang kamay na hawak nito, tumayo, saka naglakad patungo sa sofa at umupo roon. "Magtrabaho ka na."

A small soft smile appeared on his lips as he stared at her. His elbow leaning on his knees. "By the way..." Sinadya nitong bitinin ang sasabihin. "You look pretty today."

Napangiti siya dahil kinilig ang puso niya. "Salamat."

Tumango ang lalaki, saka tumayo at umikot patungo sa swivel chair at doon umupo.

Umayos si Annette ng upo, saka inilabas ang cell phone niya at naglaro ng Color Switch. Ayaw niyang istorbohin si Cali kaya nanahimik lang siya para makapagtrabaho ito nang maiigi.

Kumunot ang noo niya nang tumunog ang message alert tone niya. Biglang tumigil ang nilalaro niya at nag-pop up ng mensaheng natanggap.

It was from Cali.

Magkasalubong ang mga kilay na nag-angat siya ng tingin kay Cali. Seryosong-seryoso ito habang nagbabasa ng papeles.

Ano naman ang drama ng lalaking 'to?

Nakakunot pa rin ang noong binasa niya ang mensahe nito.

Sa visitor's chair ka umupo. I want you near.

Tumalon-talon ang puso ni Annette sa kilig. This man really knew how to make her heart beat insanely fast.

Huminga siya nang malalim. Tumayo siya at naglakad patungo sa visitor's chair at walang imik na umupo. Mula sa sulok ng mga mata niya, nakita niyang may gumuhit na ngiti sa mga labi ni Cali. That made her smile too. He looked please and she felt happy at that.

Weird.

Ipinagpatuloy niya ang paglalaro ng Color Switch habang ito naman ay nagtatrabaho. Ganoon sila sa ilang oras na nakalipas. Siya ay nakaupo sa visitor's chair, si Cali at ay nakaupo sa swivel's chair. Minsan nahihiya siya tuwing pumapasok ang sekretarya ni Cali para maghatid ng mga papeles. Pero agad na nawawala ang hiyang nararamdaman niya dahil palaging may ngiti sa mga labi ang sekretarya para sa kanya.

Mukhang mabait ang sekretarya ni Cali. Nakakatuwa naman.

Napatigil sa paglalaro si Annette nang marinig na bumuntong-hininga si Cali. Nagtatanong ang mga matang binalingan niya ito. "Okay ka lang?"

"Pagod na ako." Hinilot nito ang balikat. "But I have to finish these papers by noon."

Naawang napatitig siya kay Cali. Masakit na ang balikat nito at nasisiguro niyang pati ang likod pero nagtatrabaho pa rin. Kaya naman tumayo siya, saka umikot sa mesa nito patungo sa tabi nito.

"What?" Cali asked, frowning.

Inilapat niya ang mga kamay sa magkabilang balikat nito. "Mamasahehin kita."

"Talaga?" His whole face lit up. "Sige nga. Masahehin mo ako."

Umupo si Annette sa armchair ng swivel chair, saka inumpisahang masahehin ang balikat ng lalaki. Nakita niyang napapikit ito nang minamasahe na niya ang likod ito.

"Hmm, that's good," sabi ni Cali nang dumako ang kamay niyang nagmamasahe sa batok nito. "Sige, pisilin mo pa. Gumagaan ang pakiramdam ko."

Agad siyang tumalima at pinipisil-pisil niya ang batok nito habang ang isang kamay ay minamasahe ang likod ng ulo nito.

"That feels good, Annette," daing nito habang nakapikit ang nga mata. "Harder, Annette."

She massaged his neck harder as she massaged his head softly. Ilang minuto ring minasahe niya nang ganoon si Cali bago siya nito pinatigil dahil okay na raw ito.

"Thanks." Cali looked at her and smile.

"Welcome."

Hinawakan nito ang baba niya, saka hinalikan siya sa mga labi na agad naman niyang tinugon.

She felt Cali smile against her lips as he kissed her softly. This felt so good. Pakiramdam niya ay buo na ang araw niya dahil sa halik na pinagsasaluhan nila. Ilang minutong magkalapat ang mga labi nila bago nito pinakawalan ang mga labi niya.

He caressed her chin. "How about we eat outside for lunch?"

"Outside?" Parang nagka-phobia na siyang kumain sa labas. "Sa restaurant uli ng pinsan mo?"

Mukha nakita nito ang pag-aalala at kaba sa mukha niya dahil mabilis itong sumagot. "Nope. Sa ibang restaurant."

"Ah." Nakahinga siya nang maluwag. "Sige."

Hinawi nito ang buhok na nakatabing sa mukha niya, saka hinalikan ang tungki ng ilong niya. "Great. Tapusin ko lang ang ginagawa ko, 'tapos aalis na tayo."

"Okay." Akmang aalis na si Annette sa pagkakaupo sa armchair nang pigilan siya nito sa braso.

"Wait."

Nagtatanong ang mga matang binalingan niya si Cali. "Yes?"

"Where's my kiss?"

Kumunot ang noo niya. "Ano na naman 'yang kiss na 'yan?"

"Just kiss me." Inginuso nito ang mga labi. "Huwag ka nang magtanong."

Inirapan niya ito, saka dumukwang at hinalikan ito sa mga labi. She felt him smile as he deepened the kiss.

Siya ang unang kumawala at malalaki ang hakbang na lumayo rito. Bumalik siya sa pagkakaupo sa mahabang sofa. Hindi niya mapigilan ang kinikilig na ngiti na kumawala sa mga labi niya.

This new attitude of Cali was making her heart go frenzy. Kapag nagpatuloy ito, at tuluyan siyang nahulog, baka masaktan lang siya.

She sighed softly. Sana talaga hindi ako masaktan.


CECELIB | C.C.

Continue Reading

You'll Also Like

Mío By Yiling Laozu

General Fiction

84.6K 2.3K 42
In fact, you're already mine since day one, do you hear me? Eres mío, pumpkin. [Hans Gabriel stand-alone story.]
48.9M 806K 30
"You are invited to Temptation Island."
47.2M 1M 51
Iris Gonzaga-Racini had made peace with her unusual life. Married, but miserable and lonely, Iris vowed to live life to the fullest. When she is invi...
64M 1.2M 27
One word to describe Anniza Gonzales: voluptuous. And because of her voluptuous body, her fiancé cheated on her and the woman he cheated with called...