Chasing Mr. Badboy |COMPLETED|

By omgannieee

711K 2.8K 94

#SAAVEDRASERIES2 Everything about Steven Ryle Saavedra screams danger. Palagi itong napapaaway kaya kinakatak... More

Anne's Note
PROLOGUE
CMB 1
CMB 2
CMB 3
CMB 4
HELLO

CMB 5

13.8K 345 12
By omgannieee

"Hi." Bati ko nang lumabas siya ng kanyang kotse. Natuto na ako kahapon kaya medyo malayo ako ngayon sa kanyang sasakyan.

Lumapit ako sa kanya kaso naglakad na siya papasok ng school kaya naman nakasunod lang ako sa likod niya. Nahirapan pa akong maghabol ang bilis kasi niyang maglakad.

"May dala pala akong coffee." Nilahad ko ang kapeng binili ko sa labas ng school. Simula ngayon magtitipid na ako ang mamahal pa naman ng mga pagkaing paborito ni Steven.

Hindi parin niya ako pinansin kaya naman minadali ko ang paglakad at hinarangan siya. Tapangan mo ang sarili ngayon, Jade. 

"A-ang sabi ni Newt paborito mo raw to kaya binilhan kita." Nakapoker face lang siya habang nakahawak sa strap ng bag niya.

Agad naman siyang napa-iling nang makitang nakatayo parin ako sa harap niya at nilampasan ulit ako. Ang ibang tao nakatingin na sa akin. Alam ko na nagmumukhang tanga na ako nagyon pero chance na to! Meron na akong rason para makalapit sa kanya kaya susulitin ko na to.

Sina Leah, Kisses at Joana ay mag de-date na sa sa sabado eh ako, nga-nga parin!

"Te-teka, kahit ang kape na lang ang tanggapin mo muna." Nilahad ko sa kanya ang kape at nakita ko kung paano siya huminga nang malalim. Alam ko naman na naiinis na siya sa presensya ko.

Napangiti naman ako nang kunin niya ang kape. Sayang hindi na mainit kanina ko pa kasi binili yun. 

Nanlaki ang mata ko nang mabilis niyang ininom ang kape. Nang maubos niya ito ay mabilis niyang nilagay sa kamay ko ang lalagyan ng kape at nilampasan na naman. Hindi agad ako naka kilos sa ginawa niyang pag-inom.

Grabe! Parang tubig lang sa kanya ang kape pero okay na yun kesa masayang ang effort at pera ko. Bilhan ko kaya siya ng blueberry cheesecake mamaya? Ang sabi ni Brent paborito niya raw yun kaso mauubos na ang allowance ko. Sa kape pa nga lang parang nanghihinayang na ako. 

Nagpaload ulit ako kagabi para ma add sa facebook ang mga kaibigan niya at mabuti na lang ay agad naman nilang inaccept ang friend request ko at sa kanila na ako nagtanong tungkol sa mga gusto ni Steven. Sobrang effort ko na ha! Nang mahimasmasan ako ay dali-dali ko siyang sinundan dahil malapit na siya sa kanilang building. Bilis ah.

"Wahh! Grabe, nilagok mo talaga yung kape. " Na-maze talaga ako dun.

"Aren't you tired of chasing me? Tsk." Inirapan niya ako bago pumasok ng building nila pero ako nakangisi pa rin. Yay, ininom niya ang kape'ng binili ko!



Maghapon akong nakangiti kaya naman inis na inis sina Joana dahil sa ngisi ko. Naiirita daw sila sa mukha ko na  nakangiti lang kahit pinagalitan na ng Prof.

Pagkatapos ng klase ay naunan akong lumabas sa kanila dahil aabangan ko pasi Steven sa tindahan. Baka doon sila ulit tumambay para magyosi. 

"Manang, pabili po ng candy." Wala pa sila pagdating ko kaya bumili muna ako at naupo sa gilid.

Tiyak na papagalitan na naman ako ni Mama mag gagabi na kasi hindi pa ako naka-uwi. Ang tagal naman kasi ni Steven pag ganitong araw kasi seven pm ang uwian nila. Bakit ko alam? Kasi nag send ng schedule nila si Brent sa akin kagabi. Hihihi. 

Nagbasa na lang ako ng notes habang naghihintay para naman may isagot ako bukas sa quiz.

"Manang, the usual." Natigilan ako nang marinig ang boses ni Newt. Tinignan ko silang tatlo at nakitang nagsisindi ng yosi si Steven samantalang nagbabayad naman si Brent.

"Hello." Maligaya kong bati sa kanila at kumaway pa.

Biglang naubo si Newt nang makita ako. Siguro hindi nila ako napansin kanina at nabigla sila sa biglaang pagsulpot sa harap nila.

Pinigilan ko ang sarili kong wag matawa sa nangyari. Tinago ko sa bag ang libro at notes ko bago tumayo sa harap ni Steven na ngayon ay masama na ang tingin sa akin. If looks could kill eh kanina pa ako nasa morgue. 

"Woah, the HomGui girl." Ngumisi si Brent at tinapik niya si Steven.

"Hello." Bati ko ulit sa kanila na may malaking ngiti sa labi.

Marahas ang paghinga ni Steven at hindi nila tinigil ang pagyoyosi kahit na nasa harap nila ako.

"Steven, ano kasi... iyong mga kaibigan ko magsisimula na silang gumawa ng activity this Saturday. Uhmm... pwede bang sumama na lang tayo sa kanila?" Nag-aalinlangan kong tanong.

"Sinong nagsabi na gagawin ko ang activity na yun?" Nakataas na ang kilay niya habang nagsasalita.

"You can date Newt instead." Pahabol pa niya.

"What? No! May ka-date rin ako pare. Alam ko na feeling major ang HomGui pero kailangan ko ring pumasa para hindi ako ma irreg next sem no." Angil ni Newt.

"Me too, bro. I need to pass that fuckng subject." Sabi naman ni Brent na natatawa.

"See. Kung ayaw mo na ma-irreg next sem gawin na lang natin ang activity sa Saturday." Sana naman pumayag na siya.

"Bakit ba ang kulit mo?" Naiirita niyang tanong.

"Eh kasi nga po gusto kong makapasa sa subject na to dahil next sem meron na kaming observation kaya hindi pwedeng loaded ako." Pagdadahilan ko.

"No." Sabi niya at napa-ubo ako nang ibinuga niya ang usok sa mukha ko.

"Pag ako nagka lung cancer ikaw ang magpapagamot sa akin." Sigaw ko nang umalis sila sa harap ko at pumasok na sa kanyang kotse.

"Hoy!" Habol ko pero pinaharurot na niya palayo ang kanyang sasakyan.

Pakipot ka naman masyado, Steven! Date lang naman ang damot-damot pa.

Parang nawalan na ako ng pag-asa habang nag-aantay ng jeep. Bakit ba hirap na hirap kang makipag date sa akin, Steven ha? Hindi naman ako panget ah. Hindi ka mahihiyang i-date ako sa mall dahil may itsura naman ako.

Pagdating ko sa bahay ay amoy na amoy ko na ang ulam namin. Nakita ko na nakadungaw si Kyle sa bintana. Alam kong hinihintay niya ako kaya naman kumaway ako sa kanya.

"Magandang gabi po." Bati ko kay Nanay nang makapasok ako sa bahay.

"Oh, Jade bakit ginabi ka na naman?" Tanong ni Nanay na naka-upo sa sala.

"May project po kasi at malapit na ang prelim." Tumango si Nanay at binalingan ang tv.

"Sa susunod mag text ka para alam namin na gagabihin ka." Tumango ako at nilapitan ang kapatid para yakapin.

"Kanina kapa niya hinihintay alam mo namang nasanay yang maaga kang umuuwi." Sabi ni Nanay.

Lumuhod ako para mapantayan si Kyle.

"May project kasi si Ate, Kyle. Gagabihin na ako sa pag-uwi ha." Tumango siya at niyakap ulit ako.

"Jade!" Tawag ni Mama.

"Ma, magbibihis na muna po ako." Pumasok ako ng kwarto at nagbihis ng pambahay bago pumunta ng kusina.

"Mukhang ginagabi kana sa pag-uwi ah." Sabi ni Mama habang naglalagay ako ng plato at baso sa mesa.

"Palapit na kasi ang Prelim kaya maraming activities ang kailangang tapusin." Tumango ito at tinawag si Kyle at Nanay para kumain.

Kinaumagahan ay bumili na naman ako ng kape sa paboritong cafe ni Steven. Marami ring estudyante ang bumibili kasi tag-ulan ngayon.

Paglabas ko ng cafe ay grabe ang buhos ng ulan at kahit na may payong at jacket ako ay ramdam na ramdam ko ang lamig. Pagpasok ko ng school ay napamura ako dahil nabasa ang sapatos ko .

Naghintay ako malapit sa parking lot at konti na lang ay magiging ice na ako. Merong bagyo and as usual mula pre-school hanggang elementary lang ang suspended. Kami kasing mga college mga isda, nakakahinga kami sa tubig! Ang unfair talaga.

Maya-maya pa ay nakita ko ang sasakyan ni Steven na pumasok sa gate at nagpark siya sa malapit. Lumabas siya ng walang payong kaya agad akong tumakbo sa kanya dala ang kulay berde kong payong.

Natigilan siya nang makita ako at muntikan nang matusok ang mata niya dahil hindi ko siya maabot kahit na konti na lang eh mapuputol na ang braso ko kaka-stretch.

Natigilan ako nang kunin niya ang payong sa kamay ko at dahil malaki siyang tao at maliit lang ang payong eh napalapit ko sa kanya. Nakadikit ang braso ko sa braso niya at parang gusto ko na lang magsuka ng rainbow. Malaki ang ngiti ko at naramdaman kong bumuntong hininga siya.

Nang nasa lobby na kami binigay niya ang basang payong sa akin. Nilahad ko sa kanya ang medyo mainit pang kape at kumunot ang noo niya.

"Seriously?" Tanong niya na nakataas ang kilay.

"Medyo mainit pa yan." Kinuha ko ang panyo sa bag at pinunasan ang nabasa kong legs habang siya naman ay ginugulo ang nabasa niyang buhok.

"Tsk." Tinalikuran na niya ako at binilisan ang paglakad pero tumakbo naman agad ako para sundan siya at nang nasa gilid na niya ako ay bigla akong nadulas at nahawakan ko ang dulo ng puting uniform niya.

"Ahh!" Naman! Mapapahiya na naman ako sa maraming tao.

"Shit!" Sigaw niya.

"Aray!" Ang sakit ng balakang ko. Naka-upo ako ngayon sa gilid niya habang hawak-hawak ang dulo ng kanyang uniform at siya naman ay nakabend ang tuhod para pigilan na mapa upo sa tabi ko.

"Ang tanga naman." Aniya habang nakakunot ang noo.

"Ang sakit." Reklamo ko.

"Y-yung ano mo... nakikita ko." Inis niyang sabi.

"Ang ano?" Naguguluhang tanong ko.

"Your underwear kaya tumayo kana diyan!" Singhal niya.

Parang binuhusan ako ng nalamig na tubig at ang dugo ko parang napunta lahat sa talampakan. Maraming tao sa lobby at lahat sila nakatingin sa amin. Ang iba parang concern, may nagulat din at ang iba naman ay pinipigilan ang pagtawa.

NAKAKAHIYA KA JADE!

Continue Reading

You'll Also Like

4.4K 593 18
Status: Completed Language: Taglish Genre: Mystery-Thriller Weeks after getting married, the wife woke up stuck inside a mirror. How will she survive...
9.7K 40 2
Kenshane Guieco feared trusting others, especially men, and considered staying single. But meeting Faller Coleman changed everything-he captured her...
4.5M 85.6K 40
Unpredictable, that's what love is. You'll never know who you'll fall in love with and when love will strike. You'll just find yourself in love. Gan...
3.3M 62.7K 13
[WARNING: Please be reminded that this story is NOT YET EDITED.] No one dares to mess with the PRINCESS because messing with her means messing with t...