Akin Ka [Published under Sizz...

By asherinakenza

21.9M 253K 17.5K

Matagal nang pangarap ni Kyle ang pag-ibig ni Kei, ngunit mailap ang babaeng ilang taon na niyang sinusuyo. M... More

Akin Ka [Fin]
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Finale
Epilogue
Special Update #1
Special Update #3
Special Update #4
Special Update #5
Special Update #6
Special Update #7

Special Update #2

273K 3.5K 266
By asherinakenza





Special Update Chapter 2

"Mommy! I'm up here!" Sigaw ni Marcus Liam! Kanina ko pa kasi siya hinahanap dahil hindi pa niya tapos ang assignment niya, kinder na sila ngayon ni Ethan Luke, five years old na ang dalawa.

Umakyat ako sa kwarto nila ni Luke at nakita ko siyang nagpapalit ng damit, hindi niya malaman kung paano niya isusuot yung tshirt na napili niya. Nakabrief lang siya ngayon kaya napatawa ako.

"Aish..." Hay nako, ke bata bata pa nitong anak ko kung mag aasta akala mo binata. Madaming natutuwa sakanila dahil hindi bulol magsalita ang kambal kahit na ang bata bata pa, kung kausapin kasi sila ni Kyle akala mo matatanda na, lalong lalo na si Marcus.

Ang sabi naman ni Mama Sabrina, ganyang ganyan daw si Kyle nung bata pa, pero si Ethan Luke daw mukhang nagmana sa Tito ni Kyle na si Shane, dahil palagi lang tahimik.

"Hey," Tawag ko sakanya!

"Ah! No! Close your eyes Mom!" Sigaw niya sa akin!

"At bakit?" Tanong ko sa pasaway kong anak, "Mom, can't you see? Nagbibihis ako." Gusto kong matawa sa anak ko, lumapit ako sakanya at saka binuhat ko siya saka iniupo sa kama.

"Itong anak ko, feeling binata." Nakangiting sabi ko, kinuha ko ang tshirt niya at binihisan ko siya kasabay ng short.

Tumalon siya mula sa kama at sinilip sa salamin ang itsura niya.

"Spell gwapo Mom..." Ang liit liit ng boses niya.

"Gwapo? Hmm, g-w-a-p-o." Ngiting ngiting sabi ko!

"Haha! Gwapo na lang hindi mo pa alam ang spelling Mommy?!" Napatinging ako sa may pintuan, dumating na pala ang asawa ko, lumapit siya sa akin at sandali akong hinalikan sa labi.

"Remember Mommy, ang spelling ng gwapo ay... K-Y-L-E!" Sigaw niya!

Tinignan ko siya ng masama, napakayabang pa rin talaga nitong asawa ko!

"Hahaha! Mali ka rin Daddy, dahil M-A-R-C-U-S! Ang tamang spelling ng gwapo!" Sigaw ni Marcus, napahagalpak ang tawa ko! Maging si Kyle natawa sa kalokohan ng anak niya,

"O? Ano ka ngayon?" Pang aalaska ko. Magsasalita sana si Kyle pero biglang may sumigaw sa may pintuan.

"Ingay!!" Isang maliit na boses din, at kunot na kunot ang noo! "Hey man!" Sigaw ni Marcus sa kapatid at inakbayan ito, umupo sa tabi ko si Kyle at ipinulupot niya ang braso niya sa bewang ko. Humilig ako sa balikat niya at nakangiting pinanood ang dalawang anak namin... Naramdman kong hinalikan ng asawa ko ang buhok ko.

Bumaba na ulit ang dalawang kambal para sabay gumawa ng assignment, naituro ko nanaman sakanila kung paano ang gagawin sa assignment nila. Nakakatuwa lang dahil ang bilis nilang matuto.

"Kumusta ang araw ng misis ko?" Biglang bulong ni Kyle sa akin, yumakap ako sa bewang niya at tumingala ako para matitigan ko ang gwapo niyang mukha.

"Masaya. Sinundo ko sa school sila Luke, malaki na talaga sila Dad...si Marcus manang mana sayo." Sabi ko sakanya.

"Mukha ngang gustong higitan ang kagwapuhan ko." Aniya, kinurot ko naman ang tagiliran niya!

"Mommy! Daddy!" Napatingin kaming pareho sa pintuan ng makita namin si Princess at Prince, tatlong taon na sila, at silang dalawa ang nagkakalat sa bahay namin. Mabuti nga at medyo nabawasan ang kalat simula ng lumaki sila Luke, dahil napagsasabihan na sila, pero sila Princess, haaay, matutulog na nga lang kami ni Kyle mahihigaan pa namin yung mga laruan nila sa kama.

May mga katulong pa rin naman ako pag aalaga sakanila, pero syempre gusto ko rin na masanay sila na ako ang kasama nila. Binuhat ni Kyle ang nag iisang Prinsesa niya...

"Kumusta ang baby Princess Monique ko?!" Masiglang sabi niya, hirap na hirap naman sa pag akyat sa kama si Prince Troy para lang mayakap sa likod ang Daddy niya, tinulungan ko siya at ng makaakyat siya hinalikan niya muna ang pisngi ko bago tumalon sa likod ni Kyle.

Napangiti na lang ako ng marinig ko ang malakas na halakhak ng asawa ko dahil sa mga anak namin. Nakakatuwa lang makita na ganito kasaya ang pamilya namin.

Biglang may kumatok.

"Ma'am nakahanda na po ang pagkain sa baba..." Sabi ng isang katulong namin,

"O sige, bababa na kami. Salamat." Sabi ko... Tumayo na ako.

"Kakain na tayo, mamaya na kayo magharutan." Sabi ko, pero sobrang lakas tumawa ng dalawang kambal dahil sa pangingiliti ni Kyle. Hinampas ko naman ang asawa ko!

"Kyle! H'wag mong kilitiin mangangangayat sila, tara na kumain na tayo..." Suway ko sakanya, nginitian naman niya ako at kinindatan.

"Okay mga anak, magagalit na si Mommy, masyado na tayong magulo..." Sabi ni Kyle, tumayo siya at lumapit sa akin, hinapit niya ako sa bewang.

"Namiss kita baby..." Bulong niya, ganyan siya tuwing galing sa trabaho, namimiss niya daw ako, samantalang iisang building lang ang trabaho niya at bahay namin.

Napagawa na ni Kyle yung bahay na sinasabi niya noon, at kagaya ng napag usapan namin, ipinangalan namin sa anak namin ang bahay.

Hindi na rin ako masyadong pumupunta sa office niya, dahil pinalagyan ko ng cctv yung opisina niya! Oo! Possessive na rin ako! Bawal lapitan ng kahit sinong babae ang asawa ko dahil ginegera ko talaga itong asawa ko.

"Kumain na tayo Dad..." Suway ko sakanya, "Sure baby..." Sabi niya saka hinalikan ang tungki ng ilong ko.

Binuhat niya si Prince Troy pababa, si Princess naman ang binuhat ko.

Sabay sabay kaming nag dinner, ang gulo gulo ni Kyle at nung dalawang panganay namin, si Marcus puro kalokohan ang alam, si Luke naman may tinatago rin palang kalokohan at kayabangan kagaya nung dalawa. Napapailing na lang ako.

"Pero!Pinaka maganda sa lahat ng babae ang Mommy niyo!" Sigaw ni Kyle, sus nambobola nanaman ang asawa ko, paano ba naman mga model ang pinag uusapan nilang tatlo! Mabuti na nga lang at hindi pa masyadong tuwid magsalita si Prince Troy, naku baka sabayan niya rin sa kalokohan yung tatlo.

"Yeah man! Pinaka maganda talaga si Mom. Right mom?!" Sigaw ni Marcus at Luke, kinindatan pa nila akong dalawa. Haay, lahat na lang minana nila sa Daddy nila.

Pagkatapos naming kumain, narinig kong naglalaro ang lima sa sala habang kami ng mga katulong namin naglilinis dito kusina.

"Mommy!!" Sigaw ni Kyle mula sa sala.

"Bakit?!"

"Halika na dito! Hayaan mo na silang mag ayos diyan!" Sigaw niya.

"Matatapos na ako Dad!" Sigaw ko sakanya, sobrang lakas tumili ni Princess Monique, panigurado basang basa nanaman ang sala namin dahil sa paglalaro nila ng water gun.

Pagkatapos kong maghugas, pumunta na ako sa sala at nanlaki ang mata ko ng makita kong mukhang basang sisiw ang asawa ko!

"Hahahaha! Daddy mas gwapo na kami ni Luke sayo!!" Sigaw ni Marcus!

"Talaga? Mas gwapo na kayo?" Tumatawang sigaw ni Kyle, lumapit ako sakanilang lima! Hinagisan ko ng towel si Kyle na kaagad naman niyang nasalo.

"Tama na ang laro! Tignan niyo nga yang sahig natin basang basa na, baka mamaya madulas pa kayo diyan! Yaya! Pakimop naman dito!" Sigaw ko...

"Si Mommy talaga kj minsan..." Bulong ni Luke, tinignan ko siya.

"Gabi na anak, saka pag nadulas kayo diyan kayo rin ang masasaktan." Paliwanag ko sakanila.

"Makinig na lang kayo sa Mommy niyo." Sabi ni Kyle, hinampas ko ang braso niya. "Makinig? Eh ikaw nga itong pasimuno..." Naiinis na sabi ko, inagaw ko ang towel sakanya at pinunasan ko ang mukha at buhok niya...

"Pinagkaisahan ako ng apat na anak natin..." Natatawang sabi niya...

"Hindi nakakatuwa, hubarin mo na yan damit mo basang basa ka na." Sabi ko sakanya.

"Uyy, si Mommy gustong makita ang abs ko." Bulong niya sa tenga ko! Nanlaki ang mata ko! Hinampas ko siya sa dibdib niya at binato ko sa mukha niya ang towel!

"Tse! Punasan mo na nga sarili mo!" Sigaw ko sakanya!

"Yaya Sally! Punasan nanatin yung mga bata!" Sigaw ko.

"Sige po Ma'am andiyan na po!"

"Kayong apat, sumunod na kayo sa akin. Magwawash na, pagkatapos matulog na ha?" Sabi ko sakanila, binuhat ko si Princess, tinulungan naman ako ni Kyle kay Troy... Yung dalawa naman sumunod na saamin.

"Yaya! Kami na lang ang bahala dito!" Sigaw ni Kyle saka umakyat na kami sa taas.

At kagaya ng plano ni Kyle, tinulungan niya akong linisan ang apat na anak namin. Syempre hindi pa rin nawala ang harutan ni Marcus, Luke at ni Kyle, kaya puro sermon ang inabot nilang tatlo sa akin.

Pagkatapos naming bihisan ang kambal pinatulog na sila nila Yaya Sally...

Bumaba ulit ako para linisin yung mga kinalat nila, yung mga barbie ni Princess Monique kalat kalat sa hagdan... Yung mga kotse ni Prince Troy kung saan saan nakasaksak.

Inaayos ko yung mga unan sa couch ng biglang may yumakap sa likuran ko.

"Mommy...tama na yan, masyado mong pinapagod ang sarili mo..." Bulong ni Kyle sa akin at hinalikan ang leeg ko.

"Kyle, kita mong ang daming kalat."

"Araw araw naman nagkakalat yung mga anak natin eh..." Sabi niya, hinarap ko siya, nakahawak pa rin siya sa bewang ko, pinaliguan niya ng halik ang mukha ko bago ako titigan sa mata.

"Dapat kasi hindi mo ini-spoiled yung mga bata, panay ang bili mo ng laruan na gusto nila pagkatapos nakakalat lang." Suway ko sakanya.

"Hayaan mo na Mommy, mga bata eh." Sabi niya...

"Pero Kyle..."

"Mommy... Hayaan mong mag enjoy muna sila habang bata pa sila, dahil kapag nagbinata at nagdalaga na yang mga anak natin, dun nila mararanasan ang pagka strikto ni Daddy..." Nakangiting sabi niya, pinandilatan ko siya ng mata.

"Sus, sa itsura mong yan magiging strikto ka?" Pang aasar ko sakanya, tumawa naman siya ng bahagya.

"Basta Mommy, palalakihin nating matino yang mga anak natin. Lalo na si yung dalawang panganay natin, mukhang sakit sa ulo kapag nagbinata." Natatawang sabi niya.

"Kanino pa nga ba magmamana?!" Sabi ko sakanya!

Ngumisi naman siya, umupo siya sa couch, hinila niya ang kamay ko at pinaupo ako sa lap niya saka yumakap siya sa akin, pinagsalubong namin ang kamay naming dalawa. Napapikit ako ng halikan niya ang pisngi ko.

"Lumalaki na ang mga bata Dad, hindi ka ba natatakot para sakanila? Lalo na kay Monique." Bulong ko... Sunod niyang hinalikan ang leeg ko bago nagsalita.

"Wala ka namang dapat ikatakot Mommy, dahil alam kong magiging mabuting magulang tayo sakanila... Si Monique? Tatlo ang Kuya niya, sa tingin mo ba papayag yung tatlo na yon na paligawan ang kaisa isang kapatid nilang babae? Isama mo pa ako, edi apat na kami..." Paliwanag niya...

"Dad...ano ka ba, hayaan mo namang maligawan si Monique kapag nagdalaga." Sabi ko sakanya.

"Ayoko Mommy, kailangan niya munang magtapos ng pag aaral bago magpaligaw." Sabi niya saka hinalikan ang kamay ko.

"Dad!Ang tagal pa nun!!" Sigaw ko sakanya!

"Okay lang na matagal Mommy, ang importante naman yung future nilang magkakapatid..." Sabi niya.

"Eh paano naman yung tatlo? Hahayaan mo lang manligaw ng manligaw?!" Suway ko sakanya.

"Oo, hayaan mo lang sila Mommy... Para kapag naranasan nilang masaktan, hindi sila mang-gagago ng babae." Aniya, saka mas lalong hinigpitan ang yakap sa akin.

"Saka isa pa baby...lalaki naman silang tatlo, yun nga lang siguraduhin lang nilang nag iingat sila sa mga pinag gagagawa nila, kung hindi papalayasin ko talaga sila." Grabe, ngayon palang nakikinita kinita ko na ang pagiging strikto ng asawa ko kapag nagbinata at nagdalaga na ang mga anak namin.

"Nakakatakot ka naman Dad." Natatawang sabi ko sakanya, ngumisi naman siya.

"Para sakanila din naman yun baby...gusto ko lang ituro sakanila yung mga itinuro sa akin nila Love." Sabi niya, tumayo ako at paharap akong naupo sa lap niya, hinalikan ko siya sa labi niya, isang malalim at punong puno ng pagmamahal na halik ang ibinigay ko sakanya na kaagad naman niyang tinugon. Napakaswerte ko sa asawa ko, hindi lang siya mabuting asawa, mabuti rin siyang ama para sa mga anak namin... Pagkatapos nun nginitian ko siya, nagniningning ang mata ng asawa ko sa sobrang saya. Napapikit siya ng halikan ko ulit ang labi niya sandali, bago ko ipinatong ang ulo ko sa dibdib niya, sobrang sarap pakinggan ng pintig ng puso niya... Yumakap ako sakanya at naramdaman kong hinigpitan din niya ang yakap sa akin.

"Ang swerte ko sayo Dad, kaya mahal na mahal kita eh." Bulong ko... Naramdaman kong hinalikan niya ang ulo ko.

"Basta para sayo baby ibibigay ko ang best ko sa lahat... Mahal na mahal din kita."

Continue Reading

You'll Also Like

116K 5.7K 73
"OH MY GOSH SINO KA?! Bakit mo ko ginagaya! Hoy!" Gulong gulo ang isip ko habang nakatingin sa lalakeng nasa harapan ko. Bawat buka ng bibig ko ay na...
12M 338K 35
One of the richest man in Asia, Brooke Montero is clearly needed only one thing... A woman who will marry him. They will get married and he will get...
1.7M 81.3K 83
Tired of endlessly messaging his famous vlogger crush in hopes of getting noticed, Cholo Cervantes finally gives in and installs a dating app to find...
117K 5.9K 42
You don't have all the time in the world. Iyon ang totoo. Blessed to have survived her fatal illness and learning more to live with it, Polka tries t...