Dusk To Dawn (Published Under...

由 whatyasey

1.2M 13.4K 474

(Mature Content Warning) Kristella Lindsey Samson gave up her lively and exciting adolescent life at such an... 更多

Story Note:
Prologue
Chapter 01
Chapter 02
Chapter 03
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Epilogue
Special Chapter (1)
Special Chapter (2)
Dusk to Dawn (Published under IMMAC)

Chapter 08

34.5K 421 9
由 whatyasey

"ALAM MO ang daya mo, Lindsey! Ayaw mong mag-share ng info!" nakasimangot na sabi niya sakin at tinawanan ko lang sya habang umiiling. Kanina pa niya ako pinipilit na sabihin sakaniya lahat ng nangyari samin ni Micko. And as if naman na sasabihin ko sakaniya. That's too much information.

"Uy sige na parang hindi mo 'ko best friend," pagpilit niya habang nakanguso.

I sighed.

"Sinabi ko naman sa'yo na natulog kami ng magkatabi at iyon na iyon,"

"Hindi ako naniniwalang natulog lang kayo ng gabing iyon," sabi niya sabay irap sakin. Napailing nalang ako ulit.

Ang kulit talaga ni Lara.

Binilisan ko nalang sa paglalakad at iniwan siya doon. Nasa mall kaming dalawa ngayon habang nagpapalipas ng oras dahil wala rin naman kaming pasok dahil may two-weeks break pa kami bago magsimula ang susunod na sem."

"Wait lang naman!" sigaw ni Lara, habang hinahabol ako.

Pumasok ako sa National Bookstore at dumiretso ako sa teen fiction section at doon nagtitingin ng pwedeng mabili. I love reading fictional stories dahil para akong nagkakaroon ng isa pang mundo.

I always imagine that I'm a fictional character in a book that I'm reading, where I can enjoy the teenage life that I never had in real life.

Minsan naiinggit ako sa iba na na-enjoy at nasulit nila iyong teenager life nila. Iyong wala silang iniintinding malaking problema. Iyong hindi nila kailangang magtrabaho para may maipakain sa pamilya nila. Iyong tipong gigising ka sa umaga ng walang iniisip kung saan ka kukuha ng pera para sa susunod na pampa-gamot ng may sakit mong tatay.

Iyong wala kang mabigat na pasanin na iniisip...

And that I can freely live the life that I want...

But as much as I want to have a normal life, I can't. I can't just leave my whole family to be able to enjoy my own life. They are my family, and I will always prioritize them no matter what. I will always choose them over myself...

"Uy, ayos ka lang? Tulala ka na naman," Lara said. Hindi ko napansin na nasa tabi ko na pala siya.

"A-Ahh... Wala. May iniisip lang ako," sagot ko.

She gave me a sly smile, "Sinong iniisip mo? Si Micko ba?" pang-aasar niya at sinamaan ko siya ng tingin.

"Tumigil ka nga r'yan! Mamaya may makarinig sa'yo na kakilala niya,"

"Bakit? Siya lang ba ang Micko sa buong mundo?" masungit na sabi niya habanag naka-pameywang pa sa harapan ko. Tapos bigla siyang ngumisi, "Kung sabagay.... baka siya lang ang Micko sa puso mo!" dagdag pa niya tapos nag-'Ayieee' pa siya na parang sya pa iyong kinilig sa sinabi niya.

"H'wag ka nga maingay! Baka palabasin tayo dito," saway ko sakaniya dahil may ibang customer na napatingin sa pwesto namin. Ang ingay kasi ni Lara, e! Napaka-kulit pa!

Mabuti naman at hindi na ako kinulit pa ni Lara pagkatapos non. Bumili ako ng isang libro na naka-sale para sa sarili ko. I rarely spoil myself kahit pa may sobra akong pera dahil hindi ko alam kung kailan biglang aatakihin si Papa at kailangan palagi akong may nakatabing pera para sa emergency.

"Sa Jollibee nalang tayo kumain?" Lara asked and I nodded.

"Ano na nga palang balita doon sa nabangga mong sasakyan? Ayaw ka talagang pagbigyan sa dalawang buwan?" tanong ni Lara after naming maka-order sa Jollibee. Nasa food court kami at medyo marami-rami na ring tao sa mall.

Napabuntong-hininga ako at malungkot na umiling. "Bakit kasi napaka-malas kong tao. Sumabay pa siya sa iniisip ko," sabi ko.

"Dapat kasi nagdahan-dahan ka sa pagmamaneho mo,"

"Natakot kasi ako na ma-late dahil ayaw ni Micko ng hindi ako on-time sa pagdating,"

"Pero anong nangyari? Na-late ka pa rin naman at may dumagdag pa sa problema mo," she said while shaking her head in disappointment. I just rolled my eyes and continued eating.

Kung sabagay, may point naman si Lara. Kasalanan ko rin naman dahil hindi ako nagdahan-dahan sa pagmamaneho pero hindi ko naman ginusto iyon...

"Bakit hindi mo nalang kausapin si Micko? Malay mo pumayag siya na ibigay ng advance iyong sahod mo. Mukha namang mas mabait si Micko kaysa sa Jayden na iyon," Lara suggested.

"Hindi ba nakakahiya?"

"Try mo lang makiusap baka pag-bigyan ka niya,"

I sighed.

Paano kung hindi siya pumayag? Baka mapilitan nalang talaga akong pumayag sa isang option na binigay ni Jayden. Pero ang tanong... kakayanin ko ba?

***

Ilang beses kong sinubukang i-text si Micko pero agad ko ring binura iyong text ko sakaniya bago ko pa ito ma-isend. Nahihiya talaga ako kasi baka isipin niya ang kapal naman ng mukha ko porket mabait iyong pakikitungo niya sakin. Baka isipin niya inaabuso ko naman siya masyado.

Hindi na rin kasi ako kinontak ulit ni Micko kahit pa sinabi niyang 'I'll call you later' sakin noong hinatid niya ako last 2 days ago.

Hindi naman ako naghihintay nang tawag niya. Ang sakin lang sana hindi nalang sya nagsabi na tatawagan niya ako kung hindi naman pala niya magagawa...

"Bakit lukot na naman iyang mukha mo Ate?" tanong ni Jella pagpasok niya ng kwarto namin. Tinago ko muna iyong hawak kong cellphone bago siya hinarap.

"Okay lang ako... Tapos na kayong kumain?" tanong ko at agad naman siyang tumango. "Nainom na ba ni Papa iyong mga gamot niya?"

"Oo, Ate... Ako pa mismo nagpainom kay Papa at alam mo naman iyon medyo may pagka-matigas ang ulo," natatawang sagot ni Jella. "Kain ka na Ate. May itinabi kaming ulam para sayo,"

I nodded my head before I went to the kitchen. I was eating my lunch when my phone vibrated.

From: Micko

Hi, :)

I pursed my lips together to stop myself from smiling.

Ewan ko ba.

Alam ko namang trabaho ko lang iyong nangyari saming dalawa pero pagkatapos kasi may mangyari samin, parati ko na siyang naiisip. Alam ko namang parte iyong ng trabaho ko at babayaran niya ako para sa serbisyong binibigay ko pero alam mo iyon? Kahit na alam kong mali, hindi ko maiwasang sumaya kahit papano, dahil ngayon ko lang naramdaman iyong ganitong pakiramdam.

Pakiramdam ko nasa isang fictional book ako, tapos ako naman iyong bida sa storyang iyon kung saan pwede akong maging masaya.

I waited for a minute before I replied to him. Kahit na na-excite ako sa simpleng 'Hi' niya na may smiley emoji e ayaw kong ipahalata na atat na atat akong makatanggap ng text o tawag sakaniya.

To: Micko

Hello, :)

Iyon lang ang reply ko dahil hindi ko naman alam kung ano bang dapat kong sabihin. Ang lakas ng tibok ng puso ko habang tina-type ko iyong simpleng 'Hello' na reply ko.

Halos hindi ko na mabitiwan iyong cellphone ko kahit na kumakain pa ako. Mabuti nalang at hindi ko kasabay sila Mama at Papa kumain dahil paniguradong papagalitan nila ako dahil nagte-text ako habang kumakain.

Maya-maya pa, nag-vibrate ulit iyong cellphone ko.

From: Micko

Are you free today?

Parang dumoble iyong bilis ng pagtibok ng puso ko. A smile dawned on my lips. Inabot ko muna iyong baso ng tubig bago ako nagsimulang magreply sakaniya.

To: Micko

Oo. Wala naman akong gagawin ngayon. Bakit? :)

Kaka-send ko palang nang reply ko ng matanggap ko agad iyong reply niya.

From: Micko

Great! I'll pick you up at 4 PM. See you later! :)

Normal pa ba 'tong pag tibok ng puso ko? Para akong nalulunod sa sayang nararamdaman ko...

***

"Saan punta mo, Ate? May pasok ka ba ngayon?" Jella asked when she saw me getting dressed and putting a little bit of makeup on – blush on and pink lipstick – para magkakulay lang nang kaunti iyong maputla kong mukha.

Tipid akong ngumiti sakaniya. "A-Ahh... Oo may pupuntahan lang ako."

She gave me a meaningful look, "Makikipag-date ka ba, Ate?"

"Jella!" saway ko sakaniya tapos tinawanan lang niya ako habang tinititigan ko siya ng masama. Hindi naman malaki ang age gap namin ni Jella kaya nagkakasundo kaming dalawa.

Sinamaan ko siya ng tingin. Tawa pa rin siya ng tawa habang naglakad palapit sakin at saka ako niyakap.

"Okay lang naman Ate kung makikipag-date ka... Wala namang masama roon. May sarili ka rin namang buhay at hindi naman masama kung i-enjoy mo rin iyong pagiging dalaga mo." she said, and my eyes start getting watery, "Sobrang dami mo nang sinakripisyo para samin Ate at sobrang thankful kami sa lahat ng ginawa mo para samin." dagdag pa niya at tuluyan na akong naiyak dahil sa sinabi niya.

Humiwalay ng yakap si Jella sakin at saka ako tinignan ng diretso sa mata. "Basta palagi mong tatandaan Ate na mahal na mahal ka namin nila Mama at Papa."

Hindi na tumigil iyong pagtulo ng mga luha sa mata ko pagkatapos kong marinig lahat ng sinabi ni Jella. Hindi naman sila nagkulang sa pagpapasalamat sakin. Halos araw-araw nga silang nagpapasalamat sakin kahit hindi naman kailangan dahil gusto ko rin naman iyong ginagawa ko para sa pamilya ko. Bukal sa kalooban ko lahat ng paghihirapan ko dahil mahal na mahal ko sila.

"Masisira iyang makeup mo, Ate! H'wag ka nang umiyak." natatawang sabi ni Jella at agad akong tumango. Niyakap ko siya ng isa pang beses bago niya ako tinulungang mag ayos ng buhok.

***

Naghabilin ako kay Jella bago ako umalis. Sinabi ko na h'wag kakalimutang painumin ng gamot si Papa kung late na ako makakauwi. Nagpapahinga si Papa ng umalis ako at si Mama naman ay nag-iikot sa barangay namin para humanap ng magpapalaba sakaniya. Ilang beses ko nang sinabihan si Mama na huwag nang maglabada pero ayaw niyang magpapigil.

Nagtext si Micko na nasa kanto na raw siya at naghahantay kaya mabilis akong naglakad papunta roon. Hindi ko pa rin kasi sinasabi sakaniya kung saan iyong bahay namin.

Pagdating ko sa kanto ay tama nga ang hinala ko na pinagpe-pyestahan agad si Micko. Nakasandal siya sa pintuan ng sasakyan niya habang kinakalikot ang cellphone niya. He's just wearing a light blue long sleeve shirt, dark blue cargo shorts, and loafers, but he looks like a model that came out of a magazine. Tapos idagdag mo pa na naka sunglasses siya.

Para siyang artista na naligaw sa barangay namin!

Agad akong na-conscious sa suot kong yellow skater dress at white sneakers. Hiniram ko pa ito kay Jella dahil wala naman akong maysadong magagandang damit. Kadalasan pa sa ukay-ukay lang ako namimili ng damit.

"Hi," bati ni Micko ng mapansin niya ako.

Nagdadalawang isip pa sana ako kung magpapalit ba ako ng suot dahil nakakahiyang tumabi sakaniya.

"Hi," sabi ko nang nakangiti.

He looked at me from head to toe. Hindi ko makita iyong reaction niya sa suot ko dahil sa suot niyang sunglasses pero nakita kong tumaas iyong sulok ng labi niya. Mas lumakas rin iyong bulungan ng mga tao habang pinapanood kaming dalawa.

"Wow. You look different today," sabi niya. Napakagat ako sa ibabang labi ko.

Hindi ko alam kung compliment ba iyong sinabi niya na I look different. Ngayon lang kasi ako nag-ayos talaga at nagsuot ng dress. Madalas naka-jeans at plain t-shirt lang ako tuwing pumapasok sa school at kapag may trabaho naman ako halos wala na akong saplot. Ngayon lang ako nag-mukhang disente tignan.

Mukhang napansin yata ni Micko iyong reaction ko dahil sa sinabi niya.

"You look different in a positive way, not in a bad way." I apologise... I should have been clearer." natatarantang paliwanag niya kaya agad akong napangiti "But... you look incredibly lovely, Lindsey," he said, making me smile even bigger despite the fact that my heart was racing in my chest.

WHATYASEY

继续阅读

You'll Also Like

118K 2.1K 53
Boundless Series Book 1 [Completed] An only child Sophia Montallana run away from home and lived from country to country to escape her father. She th...
7.6M 217K 49
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
30.2K 597 55
Shailyne Silvera grew up in pain and hatred. Lumaking magulo ang buhay at lumaking isang magaling na manunulat. Her family was broken because of the...
868K 29.8K 74
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.