Heartless (Published under Si...

Galing kay jonaxx

117M 2.8M 1.5M

Elevators. Airplanes. Palaman ng Sandwich. Yung feeling na papunta ka pa lang at excited ka pa lang sa pupunt... Higit pa

Heartless
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Kabanata 56
Kabanata 57
Kabanata 58
Kabanata 59
Kabanata 60
Wakas
Heartless is Published Under Sizzle
Notes
Kabanata 39

Kabanata 32

1.5M 38.8K 16.2K
Galing kay jonaxx

Kabanata 32

Wala Siya

Nagising ako hatinggabi nang biglang nag alarm ang cellphone ko.

"Happy Birthday Coreen Samantha Aquino Elizalde. I love you."

Napaupo ako sa kama ko. Ito ang huling alarm na ni-set ni Rozen sa cellphone ko. Oct. 28 at iyan ang caption. Tinakpan ko ng palad ang bibig ko para hindi tumakas ang sigaw ng panghihinayang.

Humiga ako at pinikit ang mga mata.

Inisip ko lahat ng kanyang ginawa. Ang mga maling desisyon niya noon para sa amin ni Noah.

Ilang taon kong minahal si Noah. At alam ni Rozen kung gaano ko ka mahal si Noah pero ni minsan ay hindi niya nasabi saking napapansin din ako ng kapatid niya. Imbes na tulungan niya ako kay Noah ay sinabotahe niya pa ang lahat. Alam ko. Oo. Mahal niya ako kaya niya iyon nagawa. But that was too selfish of him. Kung ako ang nasa kalagayan niya, magbibigay daan ako para sa lalaking mahal ko. Kung mag mamahal siya ng iba, hindi ko ipagkakait sa kanya ang atensyon ng babaeng iyon.

Sasaya ako kung masaya siya.

Hindi ako nagsisisi na hindi naging kami ni Noah. Dahil sa ngayon, parang isang punong balde na biglaang nilimas.

Maaring hindi ko magawang manghinayang samin ni Noah sa ngayon, pero hindi ko rin kayang isipin na nagawa iyon ni Rozen sakin.

Alas sais na nang dinilat ko ulit ang aking mga mata.

"Darn! Di ako nakatulog."

Bumangon ako para tignan ang mukha kong may malalaking eyebags na nakapaligid.

Tinignan ko ang cellphone ko. May iilang mensahe dito.

Reina: (Sa Kakaotalk)

Happy Birthday Coreen. I love you so much! Enjoy ka ah? May party?

Nireplyan ko agad:

Iimbitahan ko yung kagroupmates ko mamaya. Thank you Reina. I love you, too. I miss you. First birthday na wala ka?

May iilan pang nag text sakin.

Trina:

Happy Birthday Coreen!

Kristen:

Happy Birthday girl! We love you!

Hindi ko binasa ang lahat. Para bang nag mamadali akong iscroll lahat ng nagtext nang sa ganun ay makita ko kung nag text ba ang taong inaasahan ko. Pero wala.

Sa sobrang pagtitig ko sa screen ng cellphone ko ay napatalon ako nang may kumatok sa pintuan ko.

"Coreen?" Narinig ko ang boses ni Ate Julie sa labas.

"Ate." Sabi ko sabay tayo para buksan ang pintuan.

Unti-unti kong binuksan ang pintuan at bumungad sakin si Ate Julie na may nakalagay na party hat sa kanyang ulo. May dala pa siyang cake at nakasinding kandila.

Tumawa ako at umiling lalo na noong nakita ko si Kuya Luke na may dalang balloons.

"HAPPY BIRTHDAY!"

Pumutok ang mga confetti na dala ng asawa ni Kuya at nagtawanan sila.

"Thank you!" Sabi ko sabay yakap ko sa mga kapatid ko.

"Happy birthday, Coreen!" Nakabihis na si mommy at daddy nang pinasok ako sa kwarto at pinaulanan ng halik.

"Salamat po!"

Hindi mawala ang ngiti ko. Nawala lang ito nang sinabi ito ni Kuya Luke...

"Coreen, lagot ka! Naka pajama ka pa!" Humalakhak siya.

Tumaas ang kilay ko.

"Ano naman ngayon?"

"Hayaan mo na, Kuya! Sige na, Coreen. Blow the candles!"

Sinoot muna ni Kuya Luke sakin ang isang party hat bago ako pumikit. Nag wish ako ng masayang birthday bago dumilat para hipan ang kandila.

Nang namatay ang kandila ay naaninaw ko sa aking pintuan si Noah na may dalang gift tsaka roses.

"OH MY GOD!" Sabi ko sabay tingin kay Kuya Luke.

Nagtawanan sila. Kinurot ni Kuya Luke ang pisngi ko.

"Crush mo oh. Naka pajama ka pa. At di pa naliligo."

Sinapak ko siya. Tumawa si Noah at binigay ang flowers sakin.

"OMG!" Sabi ko at nilapag ang mga bulaklak sa kama ko.

Ang bilis at ang lakas ng pintig ng puso ko. Nag abang ako sa pintuan. Ilang segundo ko iyong tinitigan bago nagsalita si Noah.

"Happy birthday, Coreen." Sabay ngisi niya.

Nahulog ang panga ko nang narealize na siya lang. Wala si Rozen. Wala siya.

Pumikit ako at pinilit na ngumisi.

"Salamat!"

Pagkatapos ng surpresa nila ay lumabas na sila sa kwarto at hinayaan akong mag ayos para sa kaarawan ko. Nasa loob ako ng bathroom habang pinupukpok ng shower ang sarili kong ulo.

"Ikaw ang nagtaboy sa kanya kaya magdusa ka. Dapat siya yung nagdurusa, eh. Bakit ako itong nagsisisi ngayon? Tsss."

Pinagpatuloy ko ang pagligo kahit na para akong baliw at umaaliw-iw sa sarili ko.

"Coreen naman kasi. Rozen naman kasi..." Umiling ako. "Posible kayang ma-fall out si Rozen sakin? Eh ilang taon niya na akong mahal, ah?"

Nanlaki ang mata ko.

"OH MY GOD! Posible! Tulad ng pagkakafall out ko kay Noah!"

I swear mababaliw na ako sa kakaisip.

Nang natapos na ako ay bumababa na ako. Naabutan ko si Noah, Ate Julie, Kuya Luke, at asawa ni Kuya Luke sa dining room.

"Umalis na si mommy at daddy?" Tanong ko.

"Oo." Anila.

"Anong gagawin mo ngayon, Coreen? Mag di-date?" Ngumisi si Ate Julie at napatingin kay Noah.

Umiling ako.

"Hindi noh. Magpapaenrol ako. Noah!" Bumaling ako kay Noah. "Nabigla ako. Di ka man lang nagsabing nakabalik ka na."

Ngumisi siya, "Kahapon pa ako nakabalik. Sinorpresa lang kita."

Nag evil smile si Ate Julie. "Uyyy!" Aniya.

Inirapan ko na lang si Ate.

Syempre, di ko masisisi si Kuya at Ate kung bakit hanggang ngayon ay si Noah ang kinakantyaw nila sakin. Hindi naman kasi nila alam na si Rozen na ang gusto ko.

"Kahapon?" Umupo ako at sumali sa kainan nila.

"Oo." Nagkatitigan kami ni Noah.

Hindi ako makapagtanong. Pero parang may kung ano sa titig ko na nalaman agad ni Noah ang gusto kong itanong.

"Hindi siya sumama. Ang alam ko anim na buwan pa bago siya bumalik." Aniya.

"Sino? Si Reina?" Usisa ng kapatid ko.

"Si Rozen." Sagot ni Noah.

Napatingin si Ate Julie sakin. Nag iwas agad ako ng tingin. Hindi na ako masyadong naging mausisa kay Noah tungkol kay Rozen. Tama na siguro iyong kasama ko siya dito. Hindi naman siguro masama kung magkaibigan kaming dalawa.

"Your family... hindi nila alam na gusto mo si Rozen?" Biglaang tanong niya nang nasa linya kami sa finance.

Umiling ako at hindi siya tinignan.

Ayaw kong isipin niyang interesado ako sa usapang ito. Pero hindi siya bumitiw sa topic...

"Ang alam nila ay ako ang gusto mo?" Tanong niya.

Tinignan ko si Noah, "Oo. Mula kasi gradeschool, alam na nilang ikaw ang crush ko. Pero may something sa mga kapatid ko na pag nandyan si Rozen ay pinagkakanulo din ako."

"Kaya pala." Tumango si Noah. "Kaya pala nang binanggit ko ang pangalan ni Rozen ay iba ang tingin ng ate mo."

"Ewan ko ba sa kanya."

Nang natapos kaming mag-enrol ni Noah ay nakipagkita na ako sa iilang kaibigan ko. Ni-text ko kasi sila na i-titreat ko sila ng dinner at night out. Napagkasunduan nilang mag vi-videoke kami sa LED. Syempre, pumayag ako. Hindi naman masyadong estrikto sina mommy at daddy sakin ngayon dahil birthday ko at medyo malaki na ako. I'm nineteen, baby!

"Noah! Sama ka!" Anyaya ko sa kanya.

Walo kaming pupunta. Si Trina, Ivy, Kristen, Paolo, Chris, at Andre. Sana sumama si Noah. Nakadungaw siya sa cellphone niya. Papunta na kaming parking lot para sumakay sa sasakyan ng mga lalaki.

"Coreen," Bumaling si Noah sakin nang may malungkot na ekspresyon.

"Bakit?"

"Ihahatid na lang kita sa restaurant na sinasabi mo. Hindi ako makakasama kasi... ano.. Si Wade."

"Ha? Ano si Wade?" Natigilan ako.

"Anong nangyari kay Wade?" Usisa ni Ivy.

Kanina pa sila nawiwindang na kasama ko si Noah. Ngayon lang ata may naglakas loob na sumingit sa usapan namin ni Noah. Nakita ko ang matalim na tingin ni Noah kay Ivy. Ayaw niya talagang may nang uusisa. Ngumisi ako.

"Let's just go." Sabi ni Noah saka pinatunog ang car lock.

Tumango ako. Sumimangot si Ivy saka ngumuso kay Noah.

"Suplado."

Sinabi niya pa. Natawa na lang ako sa nangyari. Pero hindi parin matanggal sa isipan ko ang sinabi ni Noah. Kaya naman nang nakapasok na ako sa sasakyan niya at pinaandar niya na ito ay natanong ko ulit siya.

"Naglalasing siya." Aniya. "Pinipigilan nina Warren ngayon."

"Talaga? Bakit?" Lumipad ang palad ko sa noo ko. "Dahil kay Reina!" Ako ang sumagot sa sarili kong tanong.

"Ano? Puntahan natin..." Sabi ko.

"No. Ako na ang bahala. You enjoy your day..."

Nakipagtalo ako sa kanya. Kaibigan ko rin si Wade kahit paano at nakita ko kung gaano niya kamahal si Reina. Dahil sa isang salita lang ni Rozen, nagkahiwalay ang dalawa. I can't believe it!

"I'll text you, alright." Aniya saka nilapitan si Paolo nang nasa parking space na kami ng restaurant.

"Anong nangyari kay Wade?" Tanong ni Ivy sakin.

Nagkibit-balikat na lang ako.

Ayaw kong sabihin kahit kanino.

Bumaling ako kay Noah at nakita ko siyang tinapik ang balikat ni Paolo. Lumapit ulit siya sakin.

"Pag wala ako mamaya, ihahatid ka ni Paolo at Trina." Aniya.

Tumango ako. "No problem. Pwede naman akong mag taxi."

"Ihahatid ka na namin, Coreen." Ani Paolo.

"Magpahatid ka na." Pilit ni Noah.

Hindi na ako nakipagtalo. Pumayag na lang ako. Syempre, ayaw kong maantala pa ang pag alis ni Noah dahil lang sa mga kaechusan ko.

Kahit na anong gawin kong pag eenjoy sa pagkain sa restaurant ay wala akong maisip kundi si Wade na naglalasing. Tsk. Ano? Sasabihin ko ba kay Reina? Hindi. Chill, Coreen. Wa'g na nating gambalain pa si Reina. Desisyon niya yan at tutulungan ko siyang panindigan ito.

"Coreen, kita mo yung brit?" Umaagik-ik na tinuro ni Trina ang isang foreigner na kaedad namin.

Nakatingin siya samin at nitaas ang kanyang shotglass nang napatingin ako sa kanya.

"Kanina pa siya nakatingin sayo. UYYYY!" Tumawa sila.

"Adik kayo!" Sabi ko at nakita kong ngi-ngisi-ngisi iyong expat.

"Ang ganda mo talaga! Kahit si Noah ay nadale mo!" Sabi ni Ivy.

"Akala ko ba si Rozen? Diba si Rozen lagi sumusundo sayo sa school, tumutulong sayo sa reports, naghahatid ng pagkain sayo? Anong nangyari sa inyong dalawa?"

Napalunok ako sa sinabi ni Kristen.

Syempre, avid fan siya ni Rozen at natural na maging mausisa siya tungkol dito.

"Magkaibigan kami ni Noah, magkaibigan lang din kami ni Rozen." Pagtatama ko.

"WEEEH?" Nagtawanan sila.

"Kayo talaga. Wa'g niyo nga akong awayin! Birthday ko kaya!" Pinagsasapak ko na.

Lalo na ang mga lalaking puro kantyaw lang ang nalalaman.

Kinalimutan ko na lang muna ang mga issue tungkol kay Wade. Hinayaan ko itong mapunta sa likod ng pag iisip ko habang nag vi-videoke kami.

Umorder din ako ng beer dahil iyon ang request ng mga lalaki. Uminom din ang mga babae pero mas gusto nilang kumanta.

Nang medyo natatamaan na ay nagsi kantahan na rin ang mga lalaki. At mas lalong umingay ang babae. Tumawa na lang ako. Tatlong bote pa lang ang naiinom ko. Sila ang dami na. Hinayaan ko na lang dahil sembreak naman at birthday ko.

Tumunog ang cellphone ko at nakita ang text ni Noah.

Noah:

Nasa Club 777 kami. Andito si Wade, ayaw umalis. Kanina pa kami dito. Umiinom siya ng walang tigil.

Ako:

Wa'g niyong iwan. Wala pa naman yang sasakyan tsaka baka di na yan makauwi pag sobrang lasing na.

Sa sobrang gwapo ni Wade, baka pag may makakita sa kanyang patay na patay sa lasing ay pagsamantalahan na lang ito. Tsk. Nakakatakot naman.

Nagtawanan kami, nag inuman, nag tuksuhan, nagkantahan, nagsayawan. Masaya ako. Masayang masaya.

Alas dose nang nagpasya kaming umalis dahil umiiyak na si Ivy. Masyado na atang lasing kaya na aalala niya na ang mga nangyari sa kanila ng ex niya.

Tumatawa lang si Trina at Kristen habang tinatanong-tanong si Ivy para daw mailabas niya ang kanyang mga hinanakit. Si Ivy naman ay halos mamugto na ang mga mata sa kakaiyak.

"Tama na nga." Sabi ni Chris.

Nagtawanan ulit sila.

"Umuwi na tayo."

Doon ko lang sa parking lot na realize kung anong nawala ko. Umihip ang malakas na hangin. Dala ko ang bag ko saka pinapanood ang mga kaibigan kong pinagtutulungan si Ivy na isakay kay Chris nang di sumusuka.

Pinasadahan ko ng tingin ang paligid. Sa gitna ng dagat ng sasakyang ito, may isang sasakyan akong hinanap. Ang sasakyang parating nagsusundo sakin tuwing kailangan ko. Hinanap ko siya at sa isang saglit ay nakita ko na may nakasandal sa isang BMW convertible car. Nakasandal siya doon at nakapamulsa. Pinasadahan niya ng kanyang palad ang kanyang buhok at tinitigan ako gamit ang mabibigat niyang tingin. Isang tinging tatagos sa buto ko. Nakakalusaw ng puso, nakakapamanhid ng paa at nakakahimatay sa kaba...

"Coreen."

Napatalon ako sa tawag ni Trina sakin. Nasa loob na siya ng sasakyan ni Paolo.

"Tayo na! Hatid ka na namin!" Aniya.

Tumango ako at pinasadahan pa ulit ng tingin ang mga sasakyang nakapark at mga taong nasa paligid.

Wala siya.

Ipagpatuloy ang Pagbabasa

Magugustuhan mo rin

64.2M 1.3M 54
If you hate something, would you change it? And if you change it, will you like it? Hindi alam ni Charity kung bakit ayaw na ayaw sa kanya ni Jayden...
26.2M 1.2M 43
Josefa Hanabella Valiente is the ugly girl of Altagracia. She is often bullied because of her ugly looks. Binansagan siyang ng maraming pangit na pan...
96M 2.3M 64
Maria Georgianne Marfori loved Noah Elizalde more than anything in this world. Ganon din halos lahat ng mga babaeng kilala niya. Yes, he's probably t...
134M 2.9M 80
Ilang beses ba nating tinanong ang sarili natin kung mapapansin ba tayo ng mga taong mahal natin? Ilang beses ka ba magtatanong sa buong buhay mo? At...