Heartless (Published under Si...

By jonaxx

117M 2.8M 1.5M

Elevators. Airplanes. Palaman ng Sandwich. Yung feeling na papunta ka pa lang at excited ka pa lang sa pupunt... More

Heartless
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Kabanata 56
Kabanata 57
Kabanata 58
Kabanata 59
Kabanata 60
Wakas
Heartless is Published Under Sizzle
Notes
Kabanata 39

Kabanata 31

1.4M 39.2K 13.2K
By jonaxx

Kabanata 31

Wala Akong Kasalanan

Ilang araw ang nakalipas na hindi ako makapag concentrate sa pag aaral. Imbes na finals ay walang pumapasok sa kokote ko. Mabuti na lang at may mga naaalala pa ako sa lessons namin. Iyon ang naging puhunan ko sa pagsagot ng mga tanong sa bawat exam.

Nang natapos ang finals at nag bakasyon na, buong akala ko makakapagpahinga ako sa emotional stress na natamo ko sa Sem na ito, pero nagkakamali ako.

Umalis si Noah patungong France at nalaman kong ngayon, nasa Alegria si Reina at iniiwan si Wade.

"Hello?" Sa wakas at sinagot ni Rozen ang tawag ko.

Ilang ulit ko na siyang tinawagan para dito pero hindi niya sinasagot.

"What?" Tamad niyang sagot.

"Kumusta na?"

Nanginig ang kalamnan ko nang narinig ko ang boses niya. Kahit isang salita lang at malamig pa ang pagkakasabi nun ay nag aalburuto na agad ako.

"I-I'm not... okay. Obviously."

DARN IT! Napangiti ako at naramdaman ko na namang pinipiga ang puso ko.

"Hindi ikaw. Si Reina ang tinatanong ko." Sabi ko.

Hindi siya agad sumagot. Pero nang sumagot na siya ay naging mas malamig ang boses niya.

"Ba't di siya ang tawagan mo?"

"Out of reach yung cellphone niya. Lowbat ata!"

"Whatever, Coreen. Magkasama kami ngayon. Pauwi na kaming Maynila. Sasama siya sa France."

"WHAT? Bakit? Ni-brainwash mo ba siya? Minanipula mo na naman sila ni Wade?"

Tumaas na naman ang dugo ko sa narinig ko kay Rozen.

"Hindi ko na kailangang manipulahin dahil iyon talaga ang totoo at nag desisyon na ang kapatid ko."

"LET ME TALK TO HER!" Sigaw ko.

"She's asleep. Pwedeng wa'g mo kong sigawan!?"

"K. Fine!" At agad kong pinutol ang linya.

Ang lakad ng kalabog ng puso ko.

"ARGHHH! ROZEN!"

Parang pinipiga at nag aalburuto ito. Galit at nanghihinayang.

"Reina, you can't just leave." Utas ko kay Reina nang sa wakas ay nakausap ko siya pagkarating niya ng Manila galing Alegria.

Nakahalukipkip si Rozen at nakasandal sa may pader habang si Reina ay abala sa pag iimpake.

"Coreen. I'm leaving for my dream. I'm gonna miss you so damn much!" Ngumisi siya at niyakap ako.

Ni hindi ko magawang iangat ang labi ko para ngumisi pabalik. This is just so wrong. Siguro ay ni-brainwash ito ni Rozen kaya ngayon ay iniwan si Wade para sa Paris.

Tinulak ko si Reina at hinarap. Narinig ko ang pagsinghap ni Rozen sa likod. Inirapan ko siya at humarap ako kay Reina.

"No... You're not leaving for your DREAM, Reina! Gusto mong tumakas kay Wade!"

"Hindi ako tumatakas. Tapos na ang paghaharap namin. Tapos na ang laro kaya aalis na ako sa stage." Nagpatuloy siya sa pagliligpit ng gamit.

"Ang hindi ko ma gets ay kung bakit mo sinabi sa kanyang nag kunwari ka lang! Warak na yung puso niya dahil sa nangyari-"

"Mas wasak ang puso ko dahil niloko niya ako-"

"Pero akala niya na loko siya, iiwan mo siya, at nagsisisi siya, hindi ba mas wasak yun?" Medyo tumaas ang tono ng boses ko.

Nakita kong gumalaw si Rozen sa kinatatayuan niya at nagsalita, "Kasalanan niya. In the first place, dapat di niya ginamit si Reina!"

Bumaling ako sa kanya. Ngayon, parehong nag aalab ang mga mata naming dalawa. Ni brainwash ng demonyong ito si Reina! Namanipula na naman ang mga tao!

"HINDI NIYA GINAMIT SI REINA, ROZEN."

"Kung hindi niya ginamit, bakit sila na ngayon?"

"Wala na kami, Rozen." Singit ni Reina.

"Kung ginamit niya si Reina, dapat nung una pa lang nagpaimpress na siya. Pero simula pa lang, sinungitan niya na si Reina."

"That's because he chickened out!" Pangangatwiran ni Rozen.

"No. That's because he knew it was wrong to use her!" Sigaw ko pabalik.

"Kahit na... naging close sila, nagtagumpay parin siya!"

Nag alab pa lalo ang galit ko. Nagkatitigan kaming dalawa. Nanliit ang mga mata ko. Hindi ko kaya ang bigat, ang intensity ng titig niya. Para bang siguradong-sigurado siya sa kanyang desisyon. Ibang klase talaga ang mga prinsipyo ng lalaking ito. Kahit mali, pinapanindigan niya.

"Pero ngayon, ikaw naman ang nagtagumpay." Sambit ko bago bumaling kay Reina. "You are going to regret this, Reina." 

"I won't. Gagawin ko ang lahat para mag excel ako sa Paris, Coreen. I'll chase my dream, not my love."

"Ang problema sayo ay tinanggi mo ng nararamdaman mo sa kanya."

"Rozen's right, pride is the only thing that's left of me."Sabi ni Reina.

Umamba si Rozen na magsasalita na pero hindi ko siya pinagbigyan.

"You think may natitira pa kay Wade ngayon? Wala nang pride, wala ka na... tingin mo ba nasa kanya parin ang puso niya? Kasi tingin ko nasayo na. At aalis ka pa? Paano niya mababawi yan?"

"It's not tangible, Coreen. Pwede niyang bawiin anytime, yun ay kung nasa akin nga yun."

"At kung nasayo nga? At huli na nung nalaman mo... anong gagawin mo? Regret? Useless."

Hindi siya umimik. Nagpatuloy lang siya sa pag iimpake. Pare-pareho kayong mga Elizalde. Medyo naiirita ako sa padalos-dalos na desisyon ni Reina at sa presence ni Rozen.

"You better not regret this, Reina." Sabi ko saka umalis sa kwarto niya.

Makapagmuni-muni na nga lang muna sa kitchen nila. Baka sakaling pag nakainom ako ng tubig ay mahimasmasan ako at humupa ang nag aalab na galit sa puso ko.

Nasa bibig ko na ang bunganga ng baso at hihigupin na sana ang tubig nang biglang nagsalita si Rozen.

"Miss mo na ang halik ni Noah?"

Muntik ko ng maibuga ang tubig sa mesa. Bumaling ako sa kanya at umirap.

"Don't talk to me." Sabi ko.

Sumandal ako sa high table kitchen nila. Humilig naman siya doon.

"Masarap ba yung halik niya? Sinong mas masarap, ako o siya?"

"Shit!" Sigaw ko at sinabuyan na siya ng tubig.

Nakita ko ang matatalim niyang titig habang natitigilan dahil sa tubig na nasa kanyang mukha.

"Napakawalang hiya mo talaga, Rozen. Kung aalis ako, ang lakas ng loob mong magmakaawa pero pag nasa harap mo ako nakakaasar ka! Bakit? Ha!? Nung gabing iyon, nakipag halikan ka din naman sa babaeng iyon ah?"

Oo. Hindi ko na kailangang itanong. Sigurado akong nakita niya kami ni Noah nung hinalikan niya ako sa corridor.

Hindi siya sumagot. Tinitigan niya lang ako.

"Ano? Di ka makasagot? Wala kang maisagot!?"

"I kissed that girl out of nothing! Hindi ko siya mahal! Ikaw!? Hinalikan mo si Noah dahil mahal mo siya! Malaki ang pagkakaiba nyan!" Sigaw niya sakin.

Umiling ako. Kalagitnaan pa lang ng pagsasalita niya ay umiiling na ako.

"That's one hell of a wrong principle there, Rozen! Paghinahalikan, siguradong mahal na yan. Kiss from the heart. Not from your stupid reproductive organ!" Sigaw ko.

Aalis na sana ako pero mahigpit niyang hinawakan ang braso ko.

"You kissed me... Galing ba yun sa puso? Do you love me Coreen? Dalawa ba kami ni Noah na mahal mo?"

Pumungay ang kanyang mata. Isang ekspresyon na hindi ko kayang tignan ng matagal. Nakakasilaw, nakamamatay. Ang sakit.

"No." Pinilig ko ang braso ko nang sa ganun ay maalis ang kamay niyang nakahawak rito.

"You kissed me! You kissed me back, Coreen. Mahal mo ba ako?" Tanong niya ulit.

"Tingin mo kung mahal kita hahayaan kitang umalis?"

Hindi ko alam kung ilang piraso na ang puso ko ngayon. Wala ng mas maidudurog pa ito. Pinagsisihan ko agad iyon pero hindi ko parin siya magawang tanggapin. Nababastos parin ako sa ginawa niya samin ni Noah at sa lahat ng prinsipyo niyang baluktot.

"Pero hinalikan mo ako!" Aniya. "Pinaasa mo ako!"

Nakita kong pula ang kanyang mga mata. Yumuko ako para mag iwas ng tingin.

"Wala akong kasalanan, ikaw ang umasa" Saka iniwan siya doon.

Continue Reading

You'll Also Like

1.4K 60 5
Isang malaking pagdiriwang ng mga Pilipinong Wattpadder ang hatid sa inyo ng AmbassadorsPH, WattpadRomancePH, WattpadFanFicPH, at WattpadFantasyPH! ...
119K 6.7K 21
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
134M 2.9M 80
Ilang beses ba nating tinanong ang sarili natin kung mapapansin ba tayo ng mga taong mahal natin? Ilang beses ka ba magtatanong sa buong buhay mo? At...
95.9M 2.3M 64
Maria Georgianne Marfori loved Noah Elizalde more than anything in this world. Ganon din halos lahat ng mga babaeng kilala niya. Yes, he's probably t...