Between The Lines

By Mixcsjam

317K 11.7K 2.5K

At a very young age, Gino Romualdez suffered from a heart disease which caused him to be very careful for his... More

Prologue
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty - One
Chapter Twenty - Two
Chapter Twenty - Three
Chapter Twenty - Four
Chapter Twenty - Five
Chapter Twenty - Six
Chapter Twenty - Seven
Chapter Twenty - Eight
Chapter Twenty - Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty - One
Chapter Thirty - Two
Chapter Thirty - Three
Chapter Thirty - Five
Chapter Thirty - Six
Chapter Thirty - Seven
Chapter Thiry - Eight
Chapter Thirty-Nine
Chapter Forty
Chapter Forty-One
Chapter Forty-Two
Chapter Forty-Three

Chapter Thirty - Four

7.2K 250 74
By Mixcsjam



--

Chapter Thirty – Four :


Naka upo ako ngayon sa upuan sa may kainan namin habang naka halukipkip at matalim na tinitignan ang bawat kilos ng lalaking nakatalikod at nagluluto ngayon sa kusina namin. Kahit naka talikod siya, napaka lamig ng dating nito. Minsan iniisip ko kung zombie ba to o ano eh.


"So..." Bahagya siyang lumingon sakin pero nagpatuloy parin sa pagluluto. "Seryoso ka pala talaga na liligawan mo si Ate." Napatigil siya sa pagluluto at humarap sakin ng nakangisi. Aba!


"Of course. Does it look like I'm joking?" There was a hint of amusement in his cold voice. Medyo nainis ako sa tanong ng lalaking to. Ni wala nga sa mukha niyang nagjojoke siya at kung nagjojoke man siya aba! Hindi bagay sa kanya ano!


Nagkibit balikat ako, "Malay mo diba? Ako iniingatan ko lang Ate ko kaya hangga't maaari kung pwede kitang gisahin, gagawin ko para malaman ko kung malinis yung itensyon mo sakanya." Ngumisi ako saka tumingin sa kanya.


Ngumiti na parang may nakakatawa sa sinabi ko, "I love your sister more than a man should love her woman." Tumango ako, nagpatuloy naman siya sa pagluluto.


"Siguraduhin mo lang, Park. Ayokong makitang umuwi ate ko dito ng umiiyak siya dahil sayo."


"Edi wag pauwiin dito kapag umiyak siya." Napataas ako ng kilay sa sinabi niya. Tignan mo tong mokong na to!


"Subukan mo lang, hindi ka na sisikatan ng araw." Sinamaan ko siya ng tingin pero ngumisi lang siya na para bang hindi siya natatakot sa mga banta ko.


"Should I be scared now?" Lalong lumaki yung ngisi niya. Aba talaga naman!


"Hoy lalaking pinaglihi sa yelo! Baka nakakalimutan mo nandito ka sa pamamahay namin ah?! Atsaka! Bakit ka ba English ng English eh marunong ka naman pala magtagalog? Ginagago mo ba ko?"


Umiling siya na para bang hindi makapaniwala sa sinabi ko, "Damn, you really are his brother eh?" Lalo ko siyang sinamaan ng tingin. Hindi man lang pinansin yung sinabi ko! Nako! Wala na to sakin! Olats ka na, man! Magsasalita pa sana ako ng bigla niyang nilapag sa harap ko yung pastang ginawa niya, "Try it."


Magrereklamo sana ako pero naamoy ko na yung bango nung pagkain. Mas masarap kumain kaysa magreklamo kaya tinikman ko muna pero pagkatapos nito, saka ko siya gigisahin ulit tungkol sa panliligaw niya kay Ate. Nung medyo natauhan na ko mula sa pagkain agad ko siyang sinamaan ng tingin, "Akala mo tapos na ko sayo?! Ano tingin mo masusuhulan mo ko ng—"


"So, how's the food?" Aniya ng hindi ako pinapatapos.


"Masarap!" Hindi ko na napigilan yung sarili ko at bakas din yung excitement sa boses ko. Tangina! Kinompliment ko si mokong! Napangisi siya at tumango tango saka nagpatuloy sa ginagawa niya. "Pucha!" Bulong ko sa sarili ko. Magaling to manlinlang ng tao!


"Oh, anong ginagawa nyong dalawa?" Biglang lumabas si Ate sa kwarto at nakabihis na ng pamasok. "Wow! Mukhang masarap to ah?" Excited na tanong ni Ate.


Agad namang lumingon yung mokong saka ngumiti kay Ate, "Well, yeah. Your brother already ate some and it seems like he likes it." Tinignan niya ko saka ngumisi pero agad din naman siyang lumingon sa Ate ko na tinikman yung luto niya. "Do you like it?" May lambing sa tono nito.


Napangiwi ako. Akalain mo nga namang pwede kang mawalan ng gana kahit masarap yung pagkain kapag may naghaharutan sa harap mo. Asar!




Pumunta ako sa bahay nila Dens, alam ko pauwi na siya galing school. Wala naman si Ate sa bahay kaya dito muna ako, tutal dito pwede akong maglaro sa xbox nila habang inaantay ko dumating si Denver tutal feel at home naman ako dito sa bahay nila.


"Tao po? Tita Lucy? Tao po!" Sigaw ko habang nagdo doorbell. Kung tatanungin, malaki naman bahay nila Denver syempre kumpara nyo sa bahay namin, kwarto lang nila yon o baka sala yung isang buong unit namin. Mayaman sila Denver kasi nangingibang bansa sila kapag bakasyon o minsan naga out of town, nadadamay din kami ni Ate kapag niyaya nila kami.


Mabait pamilya nila Denver, tutal para na nga din naming mga magulang sila Tita Lucy saka Tito Anton. Spoiled na spoiled din kami sa kanila, aba! Lalo na ako! Ako ang best friend ng unico hijo nila eh.


"Oh, Gino!" Binuksan ni Tita Lucy yung gate nila at pinapasok ako. Inabot ko naman yung kamay niya saka ako nag mano, "Kaawaan ka ng Diyos, Anak." Ngumiti si Tita saka ako inakbayan, "Mabuti naman at bumisita ka ulit dito. Pauwi na din naman si Denver, antayin mo na lang sa sala ano?"


Tumango ako at ngumiti, "Sige po, Tita. Wala din po kasi akong kasama sa bahay. Nakakalungkot lang." Natatawa kong sagot.


"Ay, buti naman at pumunta ka dito. Kamusta ka na nga pala? Okay ba pakiramdam mo, anak?" May bakas ng pag – aalala sa tono ni Tita pero nakangiti parin siya sa akin.


"Okay naman po ako, Tita. Mas okay pa bago ako ma ospital." Ngumiti ako saka umupo sa sofa, "Pwede po ba akong mag xbox, Tita?"


Ngumisi si Tita saka tumango, "Etong batang to talaga oo! Hindi mo na kailangang magpaalam at ika'y welcome na welcome naman dito sa bahay namin. Maglaro ka muna habang inaantay mo si Denver, maya maya lang darating na yon."


"Sige po, Tita!" Sabi ko habang sine set up na yung xbox nila. Maglalaro muna ako ng N4S habang inaantay ko si Kumag.


"Mag aayos lang muna ako ng meryenda nyo. Mamaya dadating din sila Kirk at panigurado gutom yong mga yon." Tumingin ako kay Tita saka ngumiti at tumango, ngumiti din naman si Tita saka dumeretso sa kusina, "Wala akong kasama ngayon dahil umalis ang Tito Anton mo, nagkaron ng business trip sa Ilocos at magtatagal ata don ng limang araw." Narinig kong sabi ni Tita mula sa kusina.


"Ganon po ba? Kailan po umalis si Tito?"


"Kahapon lang, anak. Nagbilin na nga ako ng pasalubong para sa inyo nila Denver." Napangiti ako at bahagyang natawa sa sinabi ni Tita, hindi niya talaga kami nakakalimutan pagdating sa mga ganyan.


"Ay nako, Tita! Gusto ko yan!" Narinig ko namang tumawa si Tita sa sinabi ko. Nakarinig na ko ng pagkalansik ng mga kaldero at iba pang gamit sa kusina kaya nagpatuloy na ko sa paglalaro. Kung makapal mukha ni Dens, makapal din naman mukha ko pagdating dito sa kanila.


Wala eh, ganun talaga.


"MA! NANDITO NA PO AKO!" Narinig ko yung sigaw ni Denver habang naglalakad siya papasok, nagtanggal muna siya ng sapatos bago tuluyang makapasok. "Gutom na ko, Ma. Anong merye—Tol!" Malaki ang ngiti ni Kumag ng lumapit sakin at nakipag apir. "Kanina ka pa?"


"Tagal mo, lanya ka. Gugutom na ko!" Sabi ko habang nakahawak sa tiyan kong kumukulo na sa gutom. Hawak ko na lang din yung controller ng xbox at naka pause na lang yung laro ko.


"Aba! Malay ko bang pupunta ka pala dito! Sana sinabi mo ng maaga para binilsan ko lakad ko diba. Wag ka na magreklamo, nandito na ko tol oh!" Inakbayan niya pa ko, "Tara na! Kain na tayo!" Aya niya saka tumayo. "MA!?"


Lumabas si Tita mula sa kusina habang nagpupunas ng kamay, "Oh, anak! Dumating ka na pala. May pagkain na dito, kumain na kayo!" Lumapit si Dens kay Tita saka ito hinalikan sa pisngi. "Sila Kirk pala? Akala ko kasama mo?"


"Wala pa, Ma. Umuwi muna sila, magpapaalam pa saka papalit daw ng mga damit pero dito daw sila kakain. Makakapal mukha non eh." Tawa niya pero kinurot siya sa tagiliran ni Tita, "Aray naman, Ma!" Daing niya habang hawak ang tagiliran.


"Makapag sabi ka ng makapal ang mukha! Akala mo naman ikaw pagdating sa bahay nila Gino, hindi ganon!" Sabi ni Tita kaya natawa kami.


"Ganyan nga yang anak nyo, Tita!" Natatawa kong sabi.




Nandito kami ngayon sa court matapos naming kumain ng meryenda kila Dens at kasama na din namin sila Kirk. Napagdesisyunan naming ibalandra yung kagwapuhan namin tutal matagal na kaming hindi nakakapaglaro ng basketball.


"Tol, easy ka lang ha!" Napangiwi naman ako sa pang labing apat na paalala sakin nila Denver. Nakakaumay eh!


"Ano ba kayo! Wag nga kayong OA dyan. Parang mga tanga to eh." Natatawa kong sabi habang nailing.


"Mabuti na yung maingat kasi!" Sabi ni Jako sabay agaw sa bola na kanina ko pa dini dribble. Siya naman ngayon yung nag dribble saka shinoot yung bola na dinamayan naman ni Sam at Matt.


Umiling na lang ako, "Hindi pa ko mamamatay. Relax lang kayo." Tinaas ko pa yung dalawang kamay ko para sign na wag silang OA kasi mukha silang bading.


"Ikaw lang naman iniisip namin tol, diba?" Sabi ni Kirk saka umupo don sa isa sa mga bench. Uminom siya ng tubig saka pinunasan yung pawisan niyang mukha gamit yung jersey na suot niya. Dugyot neto eh!


"Kalma lang kayo aba." Umupo na din ako, kanina pa kasi kami naglalaro at kanina pa sila nagpapa easy easy lang gawa ng kondisyon ko. Hindi yung katulad ng mga laro namin dati, parang nag agawang bola lang kami ngayon. Yamot nga eh, medyo nawalan tuloy ako ng gana.


"Eh, ikaw ba tol? Makakakalma ka kaya?" Natatawang tanong ni Dens habang nakatingin sa likod ko. Tinaasan ko naman siya ng kilay sa sinabi niya.


"Sinasabi mo?" Tanong ko dito.


Nginuso niya yung nasa likod ko kaya agad kaming napatingin ni Kirk, narinig ko yung pagtawa ni Kirk sa tabi ko. Bigla namang tumaas yung kilay ko sa nakita ko. Aba! Simula nung lumabas ako ng ospital, ngayon ko lang ulit nakita tong duwendeng to ah.


"Tagal nating di nakita si Vanilla ah?" Narinig kong sabi ni Kirk.


Sumipol naman si Dens, "At may kasama pa." Naramdaman ko namang tinapik niya ko sa balikat, "Easy, Gino. Para ka ng papatay sa tingin mo eh." Natatawa niyang sabi.


Agad naman akong lumingon sa kanya, "Gago to. Anong sinasabi mo dyan? Sus. Kahit magsama pa siya ng isang batalyong lalaki wala akong pake hoy." Sabi ko sa kanya.


"Ah! Kaya pala magkaslubong yang kilay mo? Kaya nakakunot yung noo mo at kaya naka kuyom yung kamay mo kasi wala kang pake? Wooo! Ibang klase!" Narinig ko pang nagtawanan sila ni Kirk saka nag apir. Mga loko loko talaga.


Umiling na lang ako at tinignan ulit yung direksyon nila Duwends, naglalakad siya kasama yung lalaking pamilyar sakin. Sino nga ba to? Mukhang hindi niya kami napapansin kasi busy siya sa pakikipag usap sa kasama niya. Ngumiti ngiti pa siya yung hindi na nakikita yung mata niya.


Ngumisi ako at umiling, hindi magpapakita sakin ng isang linggo tapos ngayon may kasama? Aba! Aba! Anong tingin niya sakin? Tsk!


"Sino nga pala yung lalaki?" Tanong ko kay Dens.


Ngumisi naman yung loko sa tanong ko at alam kong pinipigilan niyang tumawa, sinamaan ko siya ng tingin kaya umiling na lang siya. "Si Luis, pre. Ka batch natin yan at alam ko may gusto yank ay Vanilla eh." Nandon parin yung ngisi sa labi niya at hindi ko alam kung bakit ako naiirita.


"Bakit tol? Selos ka?" Napatingin ako sa naka ngiting si Kirk. Tumayo na lang ako hindi siya sinagot, nakatingin kaming tatlo ngayon sa busyng busy paring si Vanilla at yung mukhang tuod na si Luis.


"Uy! Si Vanilla pala yon oh!" Narinig kong sabi ni Matt ng makalapit sila samin. Tapos na atang maglaro tong tatlong to.


"Naks! Kasama si Luis! Improving!" Natatawang sabi ni Sam kaya agad akong napatingin sa kanya at sinamaan siya ng tingin, "Ay lagot! Selos pala si Pareng Gino! Tsk tsk!" Naka ngisi niyang sabi habang nakaakbay san aka ngisi ding si Matt.


"VANILLA!!" Sigaw ni Sam kaya agad na napatingin sa direksyon namin yung dalawa, kumaway si Sam sa kanila at nakita ko naman yung paglaki ng ngiti ni Duwends nung makita niya kami at kumaway din. Mabilis siyang lumapit samin at sumunod naman yung tuod sa kanya.


Ha. Mas malaki parin yung ngiti niya kapag nakikita niya ko. Wala paring tatalo sakin.


"LABS!!" Lumapit siya sakin atsaka ako hinalikan sa pisngi. "Hello guys!" Nakangiti niyang sambit kila Denver na binate din siya. "Naglaro kayo?" Tanong niya sakin kaya tumango ako. Tumango naman siya at tumingin sa likod niya, "Ay! Nakalimutan ko," lumapit siya sa kasama niya at hinila papunta samin.


Napataas yung kilay ko ng makita yung pagkakahawak ni Vanilla sa kamay nung tuod. Aba! Ang lakas mo, Duwends ha. Sa harap ko pa talaga?


Narinig ko yung pag tikhim ng mga kumag kong kaibigan. Sa mga ganitong sitwasyon naaappreciate ko yung pag ganyan ganyan nila atleast alam kong kakampi ko sila. Pustahan talo tong tuod na to sakin, sa papogian pa lang wala na to eh.


Tsk.


"Si Luis nga pala, kasama ko siya sa Student Council." Nakangiti samin si Duwends, "Luis, sila Denver, Kirk, Sam, Jako saka si Matt." Nagtanguan naman sila, nalipat yung tingin nilang lahat sakin. Ngumiti ng matamis si Vanilla, "Tapos si Gino—" Bago pa niya matapos yung sasabihin niya, mabilis ako lumapit sa kanya kinabig siya papalapit sakin dahilan para mabitawan niya yung pagkakahawak niya dun sa tuod.


"Boyfriend niya." Naka ngisi kong sambit habang nakaakbay kay Duwends na naramdaman ko na naman yung paninigas ng katawan niya dahil sa ginawa ko.


Narinig ko din yung iilang tikhim, tawa at sipol ng mga walanghiyang kong mga kaibigan. Hilaw na ngumiti naman si Luis saka inabot yung kamay niya sakin, "Alam ko. Nice to meet you, Gino." Tinanggap ko naman yung kamay niya saka tumango,


"Ano palang ginagawa nyo ng girlfriend ko?" Binigyan ko ng diin yung salitang 'girlfriend' at napansin ko yung pag ngiwi niya.


Pero bago pa siya makapagsalita, nagsalita na si Vanilla. Mukhang nakarecover na to, "A-Ah Labs, nagpasama kasi ako sa kanya bumili ng libro na pinapabili ni Maam Cortez." Sabi ni Duwends.


Tumingin naman ako sa kanya at tinaasan siya ng kilay, "Nandito naman ako ah? Bakit di ka nagpasama sakin?"


Nakita ko yung pamumula niya, napakagat ako sa labi ko para iwasang ngumiti. "E-Eh kasi... kailangan mo pang magpahinga d-diba?" Mahina niyang sabi habang nakanguso. Cute nito eh!


"Vanilla," Malambing kong sabi, agad naman siyang napatingin sakin at bakas parin yung pamumula ng mukha niya.


Bahagya akong yumuko malapit sa may tenga niya, naramdaman ko yung pagsinghap niya sa ginawa ko. Napangiti ako, lakas ng epekto ko dito sa duwendeng to ano?


"Alam mo bang ikaw ang dahilan kung bakit gumising ako?" Sinampal mo kasi ako diba? Pero hindi ko na sinabi yon, baka magtaka pa tong isang to.


"H-Ha?"


"Ngayon, nakakainsulto naman kung yung babaeng dahilan kung bakit ako nandito ngayon eh may kasamang iba diba? Akala ko ba ako ang boyfriend mo?" Tinignan ko siya sa mga mata at napangisi ako ng makitang sobrang pula ng pisngi niya at ang pungay ng mag mata niya.


Hindi ko pinansin yung pag tikhim at pagtawa ng mga kumag. Hindi ko pinansin yung presensya ng tuod na nasa harap namin. Wala akong pakielam kung anong sabihin nila, gusto ko lang ipaalala dito sa duwendeng to kung ano ba ang role ko sa buhay niya.


"Gusto mo ba kong makitang kasama si Pearl?" Nakangisi kong tanong.


Agad niya kong sinamaan ng tingin, "Subukan mo lang, Labs! Kukurutin kita gamit ang nail cutter!" Mahina pero may diin yung pagkakasabi niya.


Napakagat ako sa labi ko at marahang tumango, "That's good. Our feelings are mutual." Bulong ko sa kanya.


And unconsciously, I kissed her on her temple.


--

Please, tell me kung nabanggit ba na may kapatid si Denver sa past chapters or wala? Nakalimutan ko kasi. Haha! Ang alam ko kasi unico hijo siya lol


Continue Reading

You'll Also Like

109K 4.6K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...