Good To You

By winglessbee

165K 5.9K 692

She's full of angst, who wears baggy clothes and despised high heels and dresses. She's the kind of girl who... More

GOOD TO YOU
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56
CHAPTER 57
CHAPTER 58
CHAPTER 59
CHAPTER 60
CHAPTER 61
CHAPTER 62
CHAPTER 63
CHAPTER 64
CHAPTER 65
EPILOGUE

CHAPTER 36

1.6K 69 8
By winglessbee

Conela o Patrys? Tbh, personal choice ko yung patrys. haha

***★***

Deal?

Ako makikipagdeal? Tsk. Pagkatapos ng nangyari noon sa ocean park, ayoko ng makipagdeal. Lalong lalo na sa isang to. Wala akong tiwala dito, baka kung anong kalokohan na naman ang naiisip niya.

"So?"

"Deal your face" sagot ko at tumawa na naman siya.

Anong nakakatawa sa sinabi ko?

"Are you scared?" biglang tanong nito pagkatapos kumalma kakatawa.

Tinaasan ko siya ng kilay. "Bakit naman ako matatakot? May nakakatakot ba?" sabi ko sabay crossed arms.

Umangat ang gilid ng labi niya na ngayon ko lang nakita. Ibang iba kasi sa ngising aso niya. Ito yung klase ng ngisi na parang nang-aakit. Yuck! Kadiri! Ano ba tong iniisip ko? Tangina.

"Nothing. But I don't know if you're thinking something worst imaginable. That, I couldn't tell" sabi na ng hindi inaalis ang pagkakangisi.

Sinamaan ko siya ng tingin. "Ano namang mapapala ko kapag nakipagpustahan ako sayo?" tanong ko.

Pinatong niya ang siko niya sa mesa at nagpangalumbaba saka tumitig sakin. "I'll be your genie. I'll give you three wishes." sagot nito ng may nakakalokong ngiti.

Tinaasan ko siya ng kilay " Hindi ko kailangan ng genie sa buhay ko"

"So, what do you want?"

Ano nga bang magandang deal? Layuan ako? Kapag sinabi ko yun mawawalan ako ng cook! Tsk. Pero gusto ko ng mawala ang mga asungot sa buhay ko. Leche naman. Pahirap naman to. Ayoko na ngang mag-isip.

"Sige, magpakagenie ka. Pero ano bang kaya mong gawin?" tanong ko.

Lumapad ang ngiti niya na para bang tuwang tuwa siya sa sinabi ko.

"Everything" sumandal siya sa upuan at nagcrossed arms ulit. "But if you lose, You'll do my one wish. Only one."

"Pair akong tao. Bakit isa lang?" nagtatakang tanong ko.

Ngumisi na naman siya "Do you want me to get three wishes too? Baka hindi mo magustuhan ang hilingin ko?" naghahamon na tanong niya.

"Bakit? Ano bang hihilingin mo?" tinaasan ko siya ng kilay. Kala niya naman natatakot ako? Ha! Asa!

Umiling siya at matalim akong tinitigan "You don't want to know"

Sinamaan ko siya ng tingin dahilan ng pagtawa niya.

"Kidding! Isang wish lang Kikay. Isang bagay lang naman ang gusto ko" sabi niya saka ngumiti at tumayo na. "Pupunta akong supermarket, sama ka?"

*

"Anong bibilhin mo?" tanong ni Cone pagkapasok namin sa loob ng supermarket.

Hindi ako sumagot at tuluy tuloy lang sa paglalakad at kumuha ng cart pero bago ko pa matulak ang cart, naagaw na agad sakin to ni apa.

"Ako na" sabi niya saka nagsimulang maglakad papuntang food section.

Hindi ko na tiningnan kung anu ano yung mga kinuha niya. Busy ako sa pagreresearch sa cellphone ko ng ingredients ng eggpie. Ayun yung naisip kong ibigay kay Troy. Ako ang gagawa para may effort naman, marunong naman akong magbasa ng recipe at nakapagbake na 'ko ng cookies dati.

Sakto na sasabihin ko pa lang sana kay Cone na pumunta kami sa baking products ng pagliko namin nandito na kami at kumukuha na siya ng baking ingredients.

Kumunot ang noo niya ng magsimula akong kumuha rin ng katulad ng kinukuha niya.

"Magbebake ka?" nagtatakang tanong niya.

Hindi ko siya sinagot. Obvious naman kasi tinatanong pa. Tsk.
Tuluy tuloy lang ako sa pagkuha ng ingredients na nasa recipe, isa na lang ang kulang na wala dito. "Nasaan ang itlog?" tanong ko.

"Saglit lang" sagot niya.

Kumuha ako ng isang dosenang itlog. Mas mabuti na ang sobra kesa kulang. Hassle pa yun pag nagkataon.

"Marunong kang magbake? Anong ibebake mo? Pwede mo kong maging taster" sabi ni apa habang nakapila kami sa counter.

"Egg pie" sagot ko habang chinecheck ang cart kung kumpleto ang nakuha ko. Kumunot ang noo ko ng mapansin kong wala siyang kinuhang itlog. Sa pagkakatanda ko, itlog, harina, asin at tubig ang main ingredients sa pagbebake. "Bakit wala kang itlog?" tanong ko.

Napalingon agad siya sakin na parang gulat na gulat sa tanong ko bago ngumisi ng nakakaloko at medyo natatawa pa. "Meron kaya, sinabi ko na sayo yan di ba?" sagot nito.

Ano daw?

Nagloading pa ang utak ko bago magsink in ang sinabi niya. Kingina. Yung men doesn't have balls pa rin ba ang issue niya?

"Gago! Hindi yan ang tinatanong ko" naiinis na sabi ko. Siraulo to.

Tumawa na naman siya kaya napatingin samin ang ibang nakapila sa linya namin. Tsk. Bakit ba sumama pa ko sa isang to? Leche lang.

"Im just kidding. Pikon ka talaga" sabi nito na iiling iling pa "Eggless cake ang gagawin ko, hindi kasi pwede--"

"Next!" naputol ang sinasabi niya ng sumigaw ang cashier.

Si Cone ang nagbayad ng lahat. Nakipag-away pa nga ako kaya natagalan kami sa counter at nagalit pa samin yung ibang nakapila kaya sa huli, hinayaan ko na lang siya.

"Babayaran kita mamaya" sabi ko.

Umiling naman siya "Wag na. Bigyan mo na lang ako ng ibebake mo" sabi niya.

Nagkasundo kami for the first time. Ayoko na kasing makipagtalo, nasasayang ang energy ko, gagamitin ko na lang yun para sa pagbebake ko mamaya.

Nakarating kami sa bahay. Si apa na ang naglagay sa kusina ng pinamili namin. Naupo ako sa sofa katabi ng ngiting ngiti na si Yanna.

"Problema mo?" kunot noong tanong ko dito. "Para kang baliw" dagdag ko pero hindi naman natinag sa sinabi ko.

"Bakit kayo magkasama ni Trystan?" tanong nito.

Sinasabi ko na nga ba. Ang dumi talaga ng isip nito. Lahat na lang binibigyan ng malisya. Tsk.

"Bumili kami ng ingredients, ipagbebake ko na lang si Troy" sagot ko ng matahimik na siya.

"Really?" hindi makapaniwalang tanong nito "Anong ibebake mo?"

"Eggpie" sagot ko.

"Kakain na!" biglang sigaw ni Cone kaya tumayo na kami at pumunta sa dining.

"I can't believe na sumigaw ka ng ganyan couz. Second time na to" nang-aasar na sabi ni Yanna kay Cone.

Hindi naman siya pinansin ni Cone at nagpatuloy lang sa pagkain. Napailing na lang ako. Bakit ba lahat ng ginagawa ni apa big deal palagi kay Yanna? Tsk.

Umalis na si Cone pagkatapos namin magdinner, si Yanna naman nagpaalam na maagang matutulog para makapagbeauty rest at ako, heto sa kusina. Nagbebake. Dalawang pan ang ginawa ko. Isa kay Cone at isa kay Troy. Sana pala binayaran ko na lang si apa, parang lugi ako e. Tsk.

*

Maaga akong gumising para gumawa ng kahon para sa eggpie. Isa lang naman ang dadalhin ko kasi sabi ni Cone dadaanan niya na lang dito yung kanya. Mabuti naman naisip niya yun! Pabor sakin yun kaya hindi ako nagreklamo. Naligo agad ako at nagbihis ng oversized shirt at maong pants saka sneakers. Pinipilit ako ni Yanna na suotin ang pinapahiram niyang damit pero asa pa siya! Ha! Hinding hindi ako magsusuot ng maiksing palda. Nakakadiri.

"You're so KJ! You should atleast make an effort to dress properly" sabi ni Yanna habang nagdadrive ako papunta kila Troy.

"Maayos ang suot ko. Maarte ka lang" sagot niya.

Kitang kita ko sa gilid ng mata ko ang pag-irap niya.

"Whatever you say! Pahingi na lang ako ng eggpie mamaya pag-uwi natin"

"Kay Cone ka humingi. Bayad ko yun sa utang ko" sabi ko.

Kung anu ano pang sinabi niya pero hindi ko na pinakinggan. Maririndi lang ako, dalawang oras pa naman ang byahe papunta kila Troy. Tsk.

"Ate Pam!" sinalubong kami ni Troy pagkababa namin ng sasakyan.

Niyakap niya ang mga hita ko dahil hanggang bewang ko pa lang siya.

"Happy Birthday!" nakangiting bati ko saka tinapik ng mahina ang ibabaw ng ulo niya.

"Gift ko?" tanong niya habang ngiting ngiti.

Napangiti rin ako, ang kyut kasi niya ang taba taba ng pisngi na mamula mula pa. Pinakita ko sa kanya ang dala kong kahon na mas nagpalawak pa ng ngiti niya.

"Can I eat that now?"

Umiling ako. "Mamaya na, pagkatapos ng party mo" sagot ko.

Nagpout siya. Napangisi ako. Ang kyut talaga. Sarap lamutakin ng pisngi.

"Troy! You're friends are already here!" sigaw ni Tita Honey sabay lapit samin "Pam! Nandito na pala kayo. Pasok!" sabi nito sabay hila samin papasok ng bahay.

Hindi naman engrande ang handaan. Halos puro kamag-anak lang nila at mga kalaro ni Troy ang nandito. Maraming handa kaya busog na busog ako dahil lahat masarap. Isa na lang ang hindi ko pa natitikman. Yung cake. Ano kayang lasa ng eggless cake?

"Ready?" nakanging asong tanong ni Cone na hawak hawak ang platito na may slice na chocolate cake.

Tumango ako at ready ng ijudge ang cake niya. May pustahan to. Nakasalalay ang isang wish niya dito na kailangan kong tuparin kapag nagkataon. Pero asa naman! Hinding hindi ko ipagpapalit ang pinakamamahal kong blueberry cheesecake! Bah!

Titig na titig siya sakin at ngising ngisi habang pinapanood ang pagsubo ko.

"So?" nag-aabang na tanong niya.

Poker face lang ako bago ako huminga ng malalim. "I--"

Naputol ang sasabihin ko ng may biglang sumigaw at biglang tumayo si Cone at tumakbo papunta sa pinanggalingan ng boses.

Continue Reading

You'll Also Like

149K 3.3K 62
Love is a gamble and in a blink of an eye you could lose everything. Will Flynne de Leon be willing to risk it?
210K 4.2K 67
Pagkatapos ng napakatagal na pagbuhos ng ulan sa buhay mo, makakakita ka pa rin ng rainbow sa langit. ** Status: Completed Cover by: wp_mariawhyyy (T...
23.2K 701 53
Sabrina Verzonilla is a college student, an average girl who had a simple dream at yun ang ay makatapos sa pagaaral at matulungan ang kanyang pamilya...
460K 8.2K 44
Leigh Alegre chose to run away. Pinili niyang iwan ang taong nagbigay sa kanya ng pagkakataong sumaya't magmahal. Pinili niyang pakawalan ito dahil a...