In His Paradise (Completed)

By Sevenelle

17.5K 474 97

Empress Cabrerra, a typical Manilena who'll set foot on a muddy province. Little did she know that she won't... More

Paalala
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Wakas
Author's Note

Kabanata 18

368 11 0
By Sevenelle

Balang Araw

"Pack up! Pack up na ladies and gentlemen!" Sigaw ni Candy habang pumapalakpak ng mabilis.

Nagsi-ayos ng mga gamit na ginamit sa shoot sa isang magazine na ilalabas next month. Higit lima kaming modelo na kasama sa shoot para sa issue na iyon.

"Ihanda ang mga bank account niyo para sa sahod niyo!" Malanding humalakhak si Candy habang kami ay naghiyawan sa tuwa. Malaki kasi ang TF na makukuha namin sa shoot na ito dahil may kasikatan ang magazine na iyon. At isa pa, lumalago na din ang modeling agency na kinabibilangan ko.

"Ayos yan Candy! May pang date ako kay Empress!" Malakas na komento ni Crane kaya nagkatuksuhan na naman. Kami lagi ang bida sa tuksuhan nila kaya sanay na din ako.

Naramdaman ko ang pagkurot ni Amber sa akin kaya nilingon ko siya.

"Wagas makapagpalipad hangin ni Crane sayo ah?" Aniya. Nginisian ko lang siya at nagkibit balikat.

Palabas na kami ng building nang sumabay sa paglalakad ko si Crane.

"Sasama ka pa sa gimik?" Tanong niya. Umiling ako.

"Maaga ang pasok ko bukas sa office. Kayo kayo na lang muna," sagot ko at ngumiti sa kanya. Lumungkot ang mukha niya.

"Sige, hindi na lang din ako sasama," he said and pulled a pout. Natawa ako sa asal niya.

"Sira! Sumama ka nga! KJ nito," sabi ko at humalakhak.

"Eh hindi ka naman kasama," aniya at hindi naalis ang simangot nito. Pabiro akong umirap.

"Alam mo namang busy ako. Part time ko nga lang itong pagmomodelo para may dagdag kita 'no," sabi ko at sinulyapan siya. Diretso ang tingin niya sa labas ng building.

"Sinabi ko naman sayong tutulungan kita di ba? Ayaw mo tanggapin," seryosong wika niya at dinala ako sa kanyang Mazda 3.

Pumasok kami sa loob.

"Crane, your presence as a friend is enough help, okay? I still can pay my bills. May desente naman akong trabaho at sakto lang ang kita ko para sa sarili ko at padala sa probinsya," wika ko. I gave him a reassuring smile.

"Friend lang talaga?" Aniya sa nagtatampong boses. Tumawa ako. Napakaisip bata talaga nito, oo!

"Close friend, okay na?" Natatawang tanong ko. Nanulis ang mga labi nito at halatang pinipigilan ang ngiti.

"Wala bang more than friend?" Aniya bago iliko ang sasakyan niya patungo sa street ng apartment na tinutuluyan ko.

"Crane, we've already talked about this right?" Buntong hininga ko at may pakiusap na tumingin sa kanya.

He just smiled bago niya hininto ang sasakyan sa tapat ng pulang gate. Umikot siya at pinagbuksan ako. Nang makababa ay isinabit ko ang bag ko sa aking balikat.

"It's been years, Empress. Hindi mo ba bubuksan iyan para kanino, kahit na hindi sa akin?" Itinuro niya ang dibdib ko.

May kumirot sa parteng iyon ng katawan ko. Ang kirot na ilang taon nang namamalagi roon, ngunit bakit hindi pa rin ako sanay? Kailan ba ako masasanay? Saan ba nakakabili ng para sa immunity? May available bang ganoon sa drug store?

Nang hindi ako umimik ay humalik na siya sa noo ko at nagpaalam. Umugong ang sasakyan niya at umandar palayo.

Sana nga ganoon lang kadali Crane. Kasi kung ako ang tatanungin, sawang sawa na din ako sa nararamdaman ko. Pero hindi ko alam kung paano gagaling ito.

Araw araw sinisisi ko ang sarili ko. Iniisip ko kung saan ako nagkamali. Kung alin sa mga desisyon ko ang mali.

Higit apat na taon na ang lumipas. At wala ni isa sa mga araw na nagdaan na hindi ako nasaktan... Hanggang ngayon.

Minsan naiisip ko, ganoon ba kahirap kalimutan ang pitong buwan sa buhay ko? Ganito ba kalaki ang imamarka ng pitong buwan na iyon sa buhay ko?

Naglakbay ang isip ko sa nakaraan..

Tinapos ko ang unang semestre sa taong iyon. Walang araw na lumipas na hindi ako nabubully sa Arnedo College. Gayon pa man ay pinilit kong tapusin ang buwan na iyon.

Si Luke ay hindi na nagpakita noong mga sumunod na araw simula nang gabing iyon sa Carayan. Iyon ang huling beses na nakita ko siya. Ang balita ay nangibang bansa daw ito upang ipagpatuloy ang pag aaral roon.

Tuluyang lumubog ang negosyo ng tito Carlos. Nagpasya sila ni Tita Agnes na mamalagi sa US para sa ikabubuti. Kumalat sa buong probinsya ang pagbagsak ng negosyo ng pamilya namin.

Hindi iyon kinaya ni Papa at naatake siya sa puso na siyang ikinamatay niya. Hindi namin alam na may sakit siya sa puso. Gulat na gulat kami noong mga panahong iyon.

Patong patong ang naging problema namin. Halos ikabaliw namin ang mga pangyayari.

Kaunti lang ang savings nila Papa. Ibinenta namin ang bahay namin sa Maynila upang magamit sa pagpapalibing kay Papa at matustusan ang mga pangangailangan namin.

Kinailangan kong huminto sa pag aaral dahil kay Toffy na lamang ilalaan ang perang napagtindahan ng bahay. Ngunit hindi ako pumayag.

Sinabi kong magma-Maynila ako at doon mag aaral habang nagtatrabaho. Iginapang ko ang pag aaral ko sa dati kong eskwelahan sa pamamagitan ng pag papart time sa accounting firm ng mommy ni Molly at pag momodelo.

Umupa ako ng apartment at kalaunan ay nabili ko ito nang maka graduate ako at nakahanap ng trabaho sa mas malaking kompanya.

Itinuloy ko pa rin ang pagmomodelo upang pandagdag kita at para may maipadala ako sa probinsya kila Mama.

Nagbibigay ng tulong ang mga tito ko ngunit malimit naming tanggapin. At ngayon nga'y heto ako. Patuloy na nakikipaglaban sa buhay.

Masasabi ko namang mas maayos na ang kalagayan namin ngayon kumpara noon. May maganda akong trabaho at ganoon din si Toffy. Nanatili siya sa probinsya kasama si Mama at paminsan minsan ay lumuluwas ito upang gawin ang ilang proyekto bilang engineer.

Masaya ako dahil nalagpasan namin ang unos na iyon sa buhay namin. Ngunit ang unos sa puso ko ay patuloy ko pa ring nilalabanan.

Hanggang ngayon, umaasa ako na ang unos na ito ay matapos na.

*****

Sa mga sumunod na araw ay naging abala ako sa opisina bilang Finance Manager ng isang kompanya. Iyon ang kumukuha ng oras ko sa buong week days. Mahirap ngunit malaki ang pasahod kaya motibado akong nagtatrabaho.

Sa week ends naman ay nasa modeling agency ako upang kumuha ng racket kay Candy.

Nagligpit na ako ng gamit dahil off time ko na. It's already 5pm at dadaan pa ako sa bangko upang magpadala sa probinsya dahil katapusan ng buwan ngayon.

"Ingat sa pag uwi Mam!" Wika ni Kuya Roger na guwardiya sa establisyementong pinapasukan ko.

"Kayo rin ho!" Sagot ko at nagpaalam na.

"Fren! Fren! Wait!"

Nilingon ko si Nancy na humahabol sa akin bitbit ang bag niya.

"Sabay ako! Magpapadala din ako sa amin," aniya nang makalapit.

Nagsabay kami papunta sa bangko. Naging kaibigan ko si Nancy nang pumasok ako rito. Hindi kasi kami magka department dahil nasa marketing siya. Ngunit madalas ay sabay kaming lumalabas basta may pagkakataon.

Matapos magpadala ng pera ay naghiwalay na kami. Diretso ang uwi ko sa bahay dahil pagod ako sa maghapon at kailangan kong magpahinga.

May naghihintay na shoot para sa akin bukas ani Candy. Kailangan ko talaga ng beauty rest.

Pagkatapos ko kumain ng hapunan ay humiga na ako sa kama at tumawag kay Mama.

Nagring ng ilang beses ang telepono bago nito sinagot.

"Hello, anak?"

Ang malambing at nangungulilang tinig ni Mama ang sumalubong sa pandinig ko.

"Hello, Ma? Kumusta kayo diyan?" Wika ko.

"Ayos naman. Mag isa lang ako dito sa bahay. Si Toffy ay nasa kabilang bayan dahil gumagawa sila ng tulay. Baka bukas na ang uwi niyon dahil gabi na," aniya.

"Ganon ba? Nagpadala na ako. Heto ang numero," sabi ko at idinikta ang code.

"Salamat anak. Tamang tama, bayaran na ng mga bills. Teka, kelan ka ba uuwi rito?" Tanong niya.

Natahimik ako saglit. Kelan nga ba? Ang totoo'y hindi pa ako handang bumalik sa lugar na iyon. Hindi ko pa kaya..

"Malapit na Ma.."

"Noon mo pa sinasabing malapit na. Higit apat na taon ka nang hindi bumabalik dito simula nang bumalik ka diyan sa Maynila. Don't you miss us?" Aniya sa nagtatampong tinig.

"Of course, I miss you. Medyo busy lang talaga ako Ma," sabi ko na lamang. Pinunasan ko ang umalpas na butil ng luha sa pisngi ko.

I hope I was courageous and strong enough to go back there. Pero iisipin ko pa lang na babalik ako sa lugar na iyon ay nilalamon na ako ng sakit at pagsisisi.

Kasalanan ko ang pagkamatay ni Papa. Kasalanan ko kung bakit kami naghirap ng ganoon. Kasalanan ko ang lahat..

Sabihin mo nga, paano ako babalik roon kung bawat sambit sa pangalan ng probinsyang iyon ay kinakain ako ng konsensya at pagsisisi? Paano ako tatapak sa lugar na iyon kung bawat sambit niyon ay dinudurog ako ng mga alaala?

Ang hirap patawarin ng sarili ko. Akala ko mahirap magpatawad ng ibang tao. Pero mas mahirap pala magpatawad ng sarili. Kasi alam mo kung saan ka nagkamali. Ang hirap tanggapin..

At ang hindi ko pa matanggap, pagkatapos ng mahabang panahon ay nasasaktan pa rin ako. Masakit na masakit pa rin na parang kahapon lang ang lahat.

Apat na taon.. Pero hanggang ngayon nakabaon pa rin ako sa hukay. Paulit ulit pa rin akong namamatay. Kailan ba ulit ako mabubuhay?

Natulog ako nang gabing iyon na may bahid ng luha sa mata.

Kinabukasan ay maaga ako sa agency para kitain si Candy.

Dumating ako sa agency bandang alas otso ng umaga. Naroon na si Candy at ang ilan pang modelo na may appointment sa kanya.

"Byutipol! Lika dito!" Tawag niya sa akin nang makita ako. Umupo ako sa kinauupuan niya na malayo sa ibang models. Mukhang private ang pag uusapan namin. Nagtaas ako ng dalawang kilay.

"Alam mo iyong bagong tayong mall riyan sa Ortigas?" Aniya sa excited na tono. Tumango ako.

"Iyong Mighty-M ba?" Tanong ko. Eksaherada itong tumango.

Bagong mall lang iyon. Napaka unusual nga ng pangalan eh. Pero ang balita, big time raw ang may ari niyon na galing pang ibang bansa. Iyon ang unang Mighty-M na itatayo rito sa Pilipinas.

"Para sa mall na iyon ang gagawin mong shoot. Magbubukas na iyon sa katapusan ng buwan na ito. Actually, kasama mo si Crane sa shoot," aniya at ngumisi ng mapanukso.

"Sira," wika ko at bahagyang tinampal siya sa braso. "Tigil tigilan niyo nga kami ni Crane."

"So may 'kayo' nga?" Nang aasar niyang sabi.

"Wala!" Umirap ako at tumawa lang ito.

"Anyway, tumawag ang management ng Mighty-M. Cancelled ang shoot today dahil gusto daw ng may ari na naroon siya kapag ginawa ang shoot. Eh may pinuntahan daw ito at bukas pa ang balik. Kaya sa susunod na week end na lang," aniya.

Tumango ako at nagpaalam na. Tinawagan ko si Molly at tinanong kung busy ba siya. Sinabi niya namang rest day niya kaya nagtaxi ako papunta sa condo niya.

Pinindot ko ang door bell at malugod niya akong pinagbuksan.

"I miss you!" Aniya habang dinamba ako ng yakap.

"Wag kang OA!" Tumawa ako. "Nagkita lang tayo last Tuesday ano."

"Kahit na! Matagal pa rin iyon. Noong college nga halos araw araw kitang nakikita," aniya at ipinagtimpla ako ng juice. Naglabas din siya ng cake sa ref niya.

"Siyempre iba noon sa ngayon," sabi ko at sumimsim sa juice. Umupo siya sa tapat ko at nagtaas ng kilay.

"Gaano ba kaiba ang noon at ngayon?" Aniya habang pinaniningkitan ako ng mata.

Naisip ko ang apat na taon. Kung tutuusin, wala. Walang pinagkaiba ang noon at ngayon. It felt like I was stucked in that time.

"Woi! Tulala?"

Bumalik ako sa kasalukuyan nang pumitik si Molly sa harap ko. I didn't even knew I spaced out.

"Mas maarte ako noon kaysa ngayon," wika ko at ngumisi. Umismid siya.

"Kaya nga! Anong mahika ba ang sumanib sayo nang magprobinsya ka?" Aniya at umirap. Ngunit nang marealize ang sinabi niya ay natutop niya ang bibig.

Guilt flooded her image before taking apologies. Alam niya. Alam ng mga kaibigan ko ang nangyari sa akin at sa pamilya ko. Kinailangan kong ilabas iyon sa kanila dahil hindi ko na kinaya ang bigat sa loob ko.

"Okay lang 'no," I said and pulled a smile. She relaxed a bit because of my answer.

"Pero seriously, nanghihinayang ako dahil hindi kami nakapunta roon," wika niya at sumimangot.

Totoo iyon. Hindi natuloy ang trip nila sa probinsya dahil sa nangyari.

"Don't worry.. Balang araw," wika ko at ngumiti.

Balang araw kakayanin ko rin na tumapak muli roon. Lalakas muli ang puso ko. Tatapang ulit ako.

Mapapatawad ko rin ang sarili ko..

Balang araw.

*****

Kinabukasan ng hapon ay nagyaya si Crane ng early dinner sa isang sikat na restaurant. Pinaunlakan ko naman dahil birthday treat niya ito sa akin. Hindi kasi ako nakaattend sa birthday niya dahil week day iyon at busy ako.

Sinundo niya ako sa apartment ko. Malaki ang ngiti niya nang lumapit ako sa sasakyan niya.

"You look beautiful as ever," aniya at pinamulahan ako ng mukha.

"Bolero," tawa ko at pasimpleng hinaplos ang suot kong midnight blue body hugging dress. Half halter iyon at sleeveless. Ang sapin ko naman sa paa ay simpleng silver stiletto. Ang tanging dala ko ay silver na pouch kung nasaan ang cellphone, pabango at ilang make ups ko at ang paper bag na naglalaman ng regalo ko para sa kanya.

Si Crane ay nakasuot ng simpleng black slacks at light blue long sleeves. The sleeves were rolled up his elbows. His hair was neatly combed. And he actually looks amazing.

Nagdrive siya patungo sa restaurant. Nang bumaba kami ay pinagbuksan niya ako ng pinto. I smiled and thanked him.

Umupo kami sa reserved seat na nasa gilid. Tanaw ang pintuan ng entrance at ang bar ng resto.

Si Crane ang umorder para sa aming dalawa maging sa wine na inumin.

"This is my gift," wika ko nang nakangiti. Inabot ko ang asul na paper bag sa kanya.

"Wow. Thanks! But honestly, you don't have to give me this. Your being here is more than enough," aniya at sinipat ang loob ng bag na naglalaman ng necktie. Gustong gusto ni Crane ng necktie kaya iyon ang niregalo ko.

"No, I insist. Pambawi man lang," sabi ko.

"If pambawi rin naman pala, you don't have to give me this. Just give me a kiss," aniya at ngumisi ng pilyo.

"Sana sinabi mo ng maaga para hindi na ako gumastos," biro ko pabalik at natawa siya habang nangingislap ang mga mata.

Well, hindi naman masamang sumakay sa biro di ba? But why do I feel like I was leading him on?

Kaibigan ko si Crane. Iyon lang iyon. But two years ago, he confessed. He wanted a chance to court me. But I didn't give him that.

I wasn't ready. Even until now. Hindi ko kayang maging unfair sa kanya. I treasure him as a true friend. And I can't risk our friendship for my uncertain feelings.

Mabait siya. Matalino, masipag, maalaga, mayaman, gwapo.. He's almost perfect and every girl's dream. Pero hindi ko siya hinahangad sa paraang ganon. I want him to be my friend. Ayokong i-take for granted siya. Ayokong paasahin siya sa wala.

Sabi nga, sometimes we better leave thing just the way they are. Dahil pag ginalaw mo ang bagay na iyon, mahirap nang ibalik sa dati.

I have lost a lot in the past. Ayoko nang mawalan pa ulit dahil sa mga maling desisyon ko. I've learned things the hard way.

Nasa kalagitnaan na kami ng pagkain nang bumukas ang pintuan papasok. Naagaw ang atensyon ko ng lalaking pumasok.

I was shock to even utter a word. I just stared at the bulk with wide eyes. I felt my soul left my body.

He was towering in his height. His complexion was lighter than before but still brown. His manly shoulders were proud and broad. His chest was toner than before. His biceps perplexed as he brushed his hair with his big hands. His jaw was more defined. His lips were wet and a shade of dark pink. The mix of his brown and black hair was soft just by staring at it.

And finally, his deep brown eyes that awakened hundreds of memories in my head.

Luke...

He is back.

Continue Reading

You'll Also Like

11.3K 1.6K 54
She was the woman who wanted peace, peace that she could hardly achieve because she came from a family where she was hated. She received insults and...
4.6K 224 47
The goddess of hunt meets her Arrow. And they both conquer the sky. Their love turns, spin and reach rock bottom. But the sky shelter them with color...
7.8M 233K 56
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
222K 4K 87
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...