Something Spectacular

By april_avery

16.6M 719K 266K

Isabelle Dizon was perfect. A straight A business course student, a sensible lady, a responsible daughter any... More

Spectacular: One
Spectacular: Two
Spectacular: Three
Spectacular: Four
Spectacular: Five
Spectacular: Six
Spectacular: Seven
Spectacular: Eight
Spectacular: Nine
Spectacular: Ten
Spectacular: Eleven
Spectacular: Twelve
Spectacular: Thirteen
Spectacular: Fourteen
Spectacular: Fifteen
Spectacular: Sixteen
Spectacular: Seventeen
Spectacular: Eighteen
Spectacular: Nineteen
Spectacular: Twenty
Spectacular: Twenty One
Spectacular: Twenty Two
Spectacular: Twenty Three
Spectacular: Twenty Five
Spectacular: Twenty Six
Spectacular: Twenty Seven
Spectacular: Twenty Eight
Spectacular: Twenty Nine
Spectacular: Thirty
Spectacular: Thirty One
Spectacular: Thirty Two
Spectacular: Thirty Three
Spectacular: Thirty Four
Spectacular: Thirty Five
Spectacular: Thirty Six
Something Spectacular: Epilogue
Something Spectacular Book
SS: One Shot (1)
SS: One Shot (2)
Something Spectacular Book Reprint

Spectacular: Twenty Four

353K 16.9K 5.7K
By april_avery

24.

Pinagmasdan ko ang bag ko at ang mga dadalhing gamit na nakapatong sa kama. Huminga ako ng malalim. So this is it. Ilang lingo din namin itong pinaghandaan. Ang convention.

Sinilip ko ang orasan sa pader. Alas tres ng madaling araw. Napangiti ako. Kanina pa gising ang mga kasama ko. Nag uusap kami sa group chat. They all sound extremely excited. Hindi natulog si Pia dahil sa pag aasikaso ng iba pang bagay na kailangang naming dalhin o ayusin para sa convention. But she’s the most energetic on the group chat.

Lumabas ako sa aking kwarto at tahimik na sinara ang pintuan. Madilim sa hallway maliban sa ilaw na nagmumula sa sala. Last week ay natapos na ang lahat ng preparations namin para sa convention. Na-finalized na ang lahat sa huling meeting namin. Mula sa pagkain, tutuluyan, hangang sa byahe papunta sa La Union. We estimated the trip to be four hours long. Eight o’clock ang call time na nakalagay sa invitation. Pumayag ang adviser ng Arcadian na si Sir Ryan na samahan kami bilang guardian.

Nang makababa ako sa sala, nakita ko si Nana Lourdes sa kusina. Nakabukas ang maliwanag na ilaw dito at naghahanda siya ng pagkain. Tahimik ang buong bahay. Mukhang kami lang ang gising sa mga oras na ito. Nilapag ko ang gamit ko sa sofa. Napalingon si Nana mula sa kusina.

“Susunduin ka ba dito?” tanong niya.

Tumango ako. “Hindi ba gising si Mom?”

Natigilan siya. “Nasalubong ko siya kanina sa hallway. Hindi ko alam kung bumalik na siya sa kanyang kwarto.”

Pilit akong ngumiti. “I understand.”

Alam kong hangang ngayon ayaw parin ni Mom sa Arcadian. Kahit na sinabi ko na ang decision ko sa kanya. Sa kanyang paningin isa sila sa mga rason kung bakit ako nagkakaganito. Kung bakit ako nagmamatigas.

Fortunately, may business appointment si Dad sa Bacolod. Halos kasabay ito ng convention. Kahapon pa siya wala. Pagdating niya bukas ay nasa La Union parin ako. Mom promised she’ll cover up for me. Basta sundin ko lamang ang pinangako ko sa kanya.

Tiningnan ko ang phone ko nang umilaw ito. Sunod sunod ang pumasok na messages sa group chat.

“Babes, nasa labas na kami ng bahay niyo.”

“Rich kid ka talaga, Isabelle HAHAHA!” It’s from Lawrence.

“Isabelleeee! Labas ka na.” said Rhea.

Napangiti ako nang mabasa ang mga message nila. Pero agad nabura ang ngiti ko pagharap ko kay Nana.

“I should go.”

Inabot niya sa akin ang isang malaking paper bag na puno ng pagkain. “Dalhin mo ito. Ihahatid na kita sa labas.”

Ngumiti ako. “Thanks, Nana.”

Lumabas kami mula sa kusina. Tiningnan kong muli ang staircase umaasa na ihahatid ako ni Mom. Pero wala siya. Baka nasa loob na ng kanyang kwarto. Huminga ako ng malalim. I shake my head and tried to smile. It’s okay. Everything is going to be fine. Maybe I need this. To clear my mind.

Lumabas kami sa bahay at pumunta sa gate. Sa driveway palang kita ko na ang headlights ng minivan nina Stephen. Madilim ang paligid at tahimik. Nakita ko ang silhouettes ng mga kasama ko na naghihintay.

Nasa harap ng sasakyan si Stephen na tila ba nagsasagawa ng huling check-up sa sasakyan bago ang mahabang byahe. Charlie is sitting on the sidewalk with his phone illuminating his face. Kausap ni Rhea si Gavin na nakasandal sa side ng sasakyan. Samantalang nasa harap ng gate si Lawrence at nakatingala sa bahay.

Siya ang unang nakakita sa akin. Agad siyang kumaway. Napangiti ako.

“Sila ba ang mga kaibigan mo?” tanong ni Nana na naglalakad sa tabi ko.

They are the people who save me.

“Sila ang Arcadian. Pero wala pa si Pia. Siya ang EIC namin.”

At baka nabatukan na niya si Lawrence sa ingay na ginagawa nito ngayon kung nandito siya.

“Masaya akong nakilala mo sila.”

Napalingon ako kay Nana. She was staring at me with a gentle smile on her wrinkled face. Nang tuluyan kaming nakalabas sa gate hinigpitan ko ang hawak sa jacket ko. Napansin ko din na pinagkiskis ni Stephen ang palad niya dahil sa lamig. It’s almost November after all.

Tumigil si Rhea at Gavin sa pag uusap at napatingin sa amin. Ngumisi si Gavin nang makita ako. He’s wearing a gray hoodie, it’s becoming my favorite outfit of him. Bahagyang magulo ang kanyang buhok na tila ba bagong gising. Nagmano ang mga kasama ko kay Nana.

Napakatahimik ng paligid. Ang tanging maririnig lang ay ang tunog ng naka neutral na sasakyan at ang halos pabulong na usapan namin. Napatingin ako sa bahay bago magpaalam kay Nana.

“Pakisabi nalang po kay Mom na umalis na kami.”

Tumango siya at ngumiti sa akin. “Mag iingat kayo.”

Pumasok ako kami sa sasakyan. Stephen positioned himself on the driver’s seat. Katabi niya sa harap si Lawrence. Rhea and Charlie are on the back seat samantalang nasa gitnang upuan kami ni Gavin.

“Last na dadaanan si Pia.” sinabi ni Stephen. “Saka tayo magkikita kita sa intersection nila Sir Ryan.”

Umandar ang sasakyan. Nakita ko si Nana na hinihintay na tuluyan kaming makaalis. Pinagmasdan ko ang bahay namin. It seems looming, empty and dark. Puno ng maliliit na ilaw sa garden at ang driveway. Pero sa gitna ng dilim tila hindi nito maitago ang katahimikan at lungkot ng lugar.

Pilit kong sinilip ang kwarto nina Mom. Nakapatay ang ilaw dito. Hindi ko magawang maging masaya ng tuluyan. Nakakalunod ang pakiramdam na ito. It seems I’m always torn. I’m torn between what I want and what people want to see from me. Malaya pero hindi naalis ang emotional restrain.

“Okay ka lang, babes?” tanong ni Gavin sa tabi ko.

Tumango ako. Tuluyan kaming nakalayo sa bahay. It was always been my comfort zone, now I realized how small and suffocating it was. Mula sa rearview mirror ay napansin kong halos maidlip na si Charlie sa likod. Nag uusap naman si Stephen at Lawrence sa harap na magsasalitan sa pagda-drive. May sariling sasakyan si Sir na siyang makakasabay namin.

Naging tahimik ang unang sampong minuto ng byahe namin. Tuluyan ng nakadilip si Charlie at nilalamig naman si Rhea sa likod dahil sa aircon ng sasakyan. Masyadong madilim ang paligid. Hindi ko alam kung nasa bayan pa ba kami. Lumipas ang ilang minuto bago huminto ang sasakyan sa familiar na bahay nina Pia. Minsan na kaming napadalaw dito.

Nakita namin siyang naghihintay sa harap ng bahay habang nakalapag sa tabi niya ang mga gamit. Mula sa maliwanag na bahay, lumabas sa pintuan ang Mama niya at nagpaalam siya dito.

“Ako na ang bababa.” sabi ni Lawrence.

Bumaba siya para tulungan si Pia sa mga gamit niya. Bilang nanay ng grupo siya ang may pinakamadaming dala. Nakita kong nagmano si Lawrence sa Mama ni Pia. Napahawak siya sa batok at bahagyang natawa na tila may sinabi ito.

Humalik si Pia sa pisngi ng Mama niya bago nagpaalam. Nang makalapit sila sa sasakyan, binuksan ni Gavin ang pintuan para papasukin si Pia at tulungan sa dala niyang mga gamit.

“Grabe, ang lamig.” masiglang sabi niya nang muling isara ni Gavin ang pintuan sa likod niya.

Si Pia lamang ang alam kong kayang maging masigla kahit sa ganitong oras. Halos tahimik kami sa sasakyan dahil sa lamig. Even in the lowest air conditioning. Muling umandar ang aming sasakyan. Maya maya pa nagtanong si Stephen na nakaupo sa harapan.

“Nandoon na ba si Sir Ryan sa intersection?”

Natahimik si Pia na supposed to be ay sasagot sa tanong niya. Napangiti siya ng alanganin.

“Guys, may konti nga pala tayong problema.” She motioned her fingers on the word ‘konti’.

Biglang naalimpungatan ang halos naka idlip na na si Charlie at Rhea sa likod at napatingin sa amin.

“Mamayang hapon pa makakapunta si Sir Ryan.” she said. “Hindi siya makakasabay sa atin.”

Hinintay niya ang magiging reaction namin.

“The fuc—“

Halos abutin ni Pia si Lawrence para sapakin nang magsalita ito. “Ituloy mo, Lawrence.” Banta niya.

“The fudge. What the fudge, Boss.”

Despite the situation hindi ko mapigilan na mapangiti. Pero agad ding nabura ang ngiti ko nang marealize ang situation. Kasalukuyan na kaming palabas ng city pero nagkakagulo sa loob ng minivan.

“Nagkaroon ng emergency sa anak niya. Kaya kailangan niyang unahin yon. Sinabi niya naman na susunod siya.”

“Siya ang may alam ng daan. Hindi ko pinag aralan ang daan natin papunta doon.” halos nagpapanic na sabi ni Stephen.

“Madali lang yon. May mapa naman na binigay kasama ng invitation.” sagot ni Pia.

Binuksan niya ang bagpack sa tabi niya at nilabas ang map mula sa isang puting envelope.

“See? Ang sabi dito mula Angeles City dumaan tayo sa TPLEX—“

“Saan ang TPLEX?” tanong ni Lawrence. “Sa NLEX lang ako familiar.”

“Hindi ba pareho lang yon? Some extensions or something?” tanong ni Rhea mula sa likod.

Ngumiting muli si Pia. Ngiting alanganin. “Hindi ko din alam.”

Halos huminto ang sinasakyan namin. “Lagot na.” sambit ni Stephen.

“May google map naman.” sabi ulit ni Pia saka nilabas ang phone niya. “Sandali nga, nagpapanic kayo masyado.”

Nagpatuloy sila sa bangayan habang umaandar ang sasakyan. Nakalampas na kami sa intersection kung saan sana namin makakasabay si Sir Ryan.

“Saang gate ng expressway tayo?” tanong ni Lawrence.

“Sandali, tinitingnan ko pa.” answered Pia.

Si Rhea bumalik sa pagsandal sa may bintana at mukhang iniisip ang kahihinatnan ng byaheng ito. Si Charlie tulog mantika na ulit sa likod at mukhang hindi aware sa nangyayari.

Napatingin ako kay Gavin. Napailing nalang siya habang nakangiti at pinagmamasdan ang mga gising kong kasama. Napahikab ako. Napatingin naman siya sa akin. Hinawakan niya ang balikat ko para maglean sa kanya.

“Tulog ka muna, babes.” he said.

“Baka naligaw na tayo pag gising ko.” biro ko. Bahagya akong pumikit at sumandal sa balikat niya.

Nakita ko siyang ngumisi. “Not all those who wander are lost. J.R.R. Tolkien.” he murmured.

Napangiti ako sa sinabi niya. Dorky Gavin. A fan of loud music and anything with fantasy or adventure.

Naririnig ko ang pag uusap nila Pia sa harap habang napapikit ako. Pero habang tumatagal ang byahe, tila mas humihina ito. Hangang sa tanging ang tunog na lamang ng sasakyan at ang amoy ng pabango ni Gavin ang naging malinaw sa akin.

—-

Ilang beses akong naalimpungatan habang nasa byahe. Una ay noong makarating kami sa toll gate at nagtanong sina Pia ng magiging daan namin. Pangalawa ay noong maramdaman kong umakbay si Gavin sa akin para pareho kaming naka-sandal sa upuan.

Naging tahimik ang byahe namin. I assumed nalaman na nila ang daan. Bahagya ng nakasandal si Pia sa upuan at nakapikit. Stephen and Lawrence are having a quiet conversation in front.

It was almost four in the morning. Sinilip ko ang expressway kung nasaan kami. Madilim parin ang paligid at matatayog ang mga street lights na makikita sa maluwang na highway. Halos walang makikitang ibang sasakyan maliban sa makulay namin na minivan.

There’s nothing more peaceful than an empty highway at night, with its towering lights and empty lanes. It seems breathing in a sea of dreams, guiding lone travelers and wondering whether they are going home, or simply surviving, or escaping from a place they don’t belong.

—-

Hindi ko alam kung ilang oras ang lumipas nang muli akong maalimpungatan. Naramdaman ko ang paghinto ng sasakyan at ang pagbukas ng pintuan nito. Tuluyan akong nagising. Naaninag ko ang bahagya paring madilim na paligid.

“Good morning.” I heard Gavin say.

Umalis ako mula sa pagkakasandal sa kanya. Pinagmasdan ko ang paligid sa labas. There is a slit of light in the horizon. Six thirty na ng umaga at papasikat pa lamang ang araw.

“Where are we?” tanong ko. Gising ang lahat. Wala si Stephen, Lawrence, at Pia sa sasakyan.

“Pangasinan.” sagot ni Gavin.

“Hindi tayo naligaw?” tanong ko.

“Sa totoo lang babes, naliligaw tayo ngayon.”

Bumalik ang tingin ko sa kanya at napa awang ang mga labi ko. Naliligaw kami?

Ngumiti siya habang nakatitig sa akin. “Isara mo ang labi mo. Baka mahalikan ko.” biro niya.

Natigilan ako. Tahimik lamang siyang humalakhak nang makita ang mukha kong namumula.

He mess my already messy hair. “Lumabas yong tatlo para magtanong. Nasa stopover tayo.”

Stopover sa Pangasinan. Muli akong napatingin sa labas. Nakakasilaw ang liwanag mula sa malalaking ilaw ng gasolinahan na nasa tabi ng highway. Dalawang malalaking trailer truck ang nakaparada sa harap nito.

Lumabas kami nina Gavin at Rhea. Nakita namin sina Stephen, Lawrence, at Pia na kausap ang isa sa nagta-trabaho sa gasolinahan. May kalapit din itong convinient store. Sa likod na bahagi ng establishments ay makikita ang malawak na bukid sa tabi ng highway.

Sinamahan ko si Rhea na pumunta sa comfort room. Nang muli kaming lumabas, nadatnan namin ang mga kasama namin na nasa labas ng sasakyan at tinitingnan ang map at phone ni Pia.

“E’di nalampasan natin yong exit?” narinig kong tanong ni Pia.

“May susunod pa naman daw.” said Stephen. “Doon na tayo lalabas tapos lumiko sa intersection.”

Pia grunted. “Epic fail.”

Nang makita nila kami ay kumaway si Pia. “Hey guys, naliligaw tayo.” casual na announced niya nang makalapit kami. “Pero okay na. Hindi naman tayo gaanong nakalayo.”

“Hindi daw.” Bulong ni Lawrence. Tiningnan siya ni Pia nang masama bago nagpatuloy sa pagsalita.

“Medyo behind tayo sa schedule ng call time. So kung wala na kayong gagawin—“

“Ah, Boss.” Sinabi ni Lawrence na tila may naalala. “Naalala mo yong task na binigay mo sa akin?”

Automatic na kumunot ang noo ni Pia. “Yong mga pagkain?” tanong niya.

Si Lawrence ang naka-assign na magdala ng pagkain tulad ng chips, inumin, at sandwiches, since siya ang nagpart time job sa isang convenient store. Nag prisinta lamang akong magdala ng extra na pagkain kung sakaling mauubusan kami.

Napahawak si Lawrence sa batok niya. “Mukhang nakalimutan ko yatang dalhin…”

Napatunganga si Pia sa sinabi niya. “What?”

Lawrence faked a cough at tila nag isip ng malalim. “Maalala ko naman sana, Boss kaso nakatulog ako habang nag aayos ng gamit kagabi—“

“LAWRENCE!”

Lumayo si Lawrence kay Pia nang akmang sasaktan siya nito. Natatawa naman na pinigilan ni Charlie si Pia. He seemed guilty pero hindi maalis ang ngiti niya dahil sa reaction ni Pia.

“Seriously, Lawrence sa dami ng matutulugan mo—“

“Chill lang, Boss. May dala naman si Isabelle.” Napalingon si Lawrence sa akin. “Hindi ba, Isabelle?”

Napakurap ako. This time, ako ang tila alanganin na napangiti. “Mukhang hindi magkakasya sa atin ang dala ko.”

Nagkatinginan kaming magkakasama. This time tuluyang nawala ang ngiti namin. We don’t have enough food. Tila iisa ang nasa isip ng mga kasama ko. Eighty percent of being Arcadian is eating food. Hindi kami magtatagal nito.

“Five minutes.” Sinabi ni Pia. Napalingon kaming lahat sa kanya. Nakatingin siya sa kanyang wrist watch.

“It’s past six in the morning at nasa bungad palang tayo ng Pangasinan. I wll give you guys five minutes para bumili kailangan niyong bilhin sa convenient store.”

“Five minutes?” asked Rhea. “Pero—“

“Magbabantay ako dito sa sasakyan.” She continued. “Siguraduhin niyo lang guys na yong mga bibilhin niyo talagang makakain natin.”

Gavin snorted. Alam na alam niya ang ugali ng Arcadian.

“Pero Boss—“

Hinawakan ni Pia ang phone niya at tila may sinet dito. “Three seconds na ang lumipas.”

Narinig kong napamura ang isa sa mga kasama ko. Nabigla ako nang hilain ni Gavin ang kamay ko.

“What’s—“

Naputol ang sasabihin ko nang makitang nagtakbuhan na din ang mga kasama ko papunta sa convenient store.

“Bilisan mo, babes.” sinabi ni Gavin.

Isang malapad na ngiti ang sumilay sa labi ko. Gusto kong matawa. The morning air is nipping my skin. Pero maging ang lamig ng umaga ay nakalimutan ko dahil sa pagtakbong ginagawa namin. Bahagya akong lumingon para makita si Pia. Nakangiti siya, her arms crossed while leaning on the minivan, habang pinagmamasdan kaming nag uunahan na makapasok sa tindahan.

It was chaos. Nang makapasok kami sa store halos magulat ang tila inaantok pang staff sa amin. Agad kaming kumuha ng shopping cart at basket. Mas malaki ang store na ito kesa sa normal na convinient store kaya naman nagkanya kanya kami ng ailes na pupuntahan.

Pumunta si Lawrence at Stephen sa mga inumin. Si Charlie at Rhea sa chocolates and chips. Kami naman ni Gavin sa mga tinapay. Gusto kong matawa sa nakikita. Napatunganga nalang ang staff at pinanood kami.

“Guys! Hurry hurry!”

Bawat kuha ng pagkain ay derecho sa cart. Sumigaw si Lawrence sa gitna ng mga ailes, nagtatanong kung kailangan namin ng iced coffee. Ganoon din si Rhea, asking us what potato chips do we prefer. Halos boses at ingay namin ang maririnig sa loob ng store. Mabuti na lamang at kami lamang ang customer. Nang matapos kami ay halos hinihingal kaming pumunta sa counter. Napangiti ang staff sa amin, siguro ay iniisip kung ano ang trip naming magkakasama.

“Miss Beautiful, pakibilis.” Sinabi ni Lawrence. “May amazonang naghihintay sa amin sa labas.”

Mas lalong lumapad ang ngiti ng staff at binilisan ang pagpunch ng mga binili namin. Nagpahabol pa kami ni Gavin ng ilang pagkain. Si Lawrence at Stephen na mismo ang naglagay ng mga pinabili namin sa mga paperbag dahil mag isa lang sa counter ng babae. Natawa ito dahil sa dalawa.

Nang matapos ay agad kaming nagpasalamat at lumabas. Halos wala na kaming oras. Mula sa entrance ng store nakita namin si Pia na tinuro ang phone niya. Times up! Nakalagay sa magkahiwalay na shopping cart ang aming mga binili. Ang isa ay nasa amin ni Gavin at ang isa naman ay hawak ni Rhea, Charlie, at Stephen.

Maya maya pa sumampa si Rhea at umupo sa empty space ng cart para maitulak nina Charlie. Sinabi naman ni Gavin na umapak ako sa likod na bahagi ng cart at humawak sa tulakan para maitulak niya. Natatawa ako na sumunod na lamang. Mabilis niyang tinulak ang cart. Napasigaw ako.

Narinig ko ang tawa ni Rhea habang tinutulak ni Charlie at Stephen ang kanyang cart. We are in the middle of an almost empty parking lot, a stopover, running and grinning widely like idiots, while the first rays of sunrise illuminate our faces. Natawa si Pia sa nakikita.

I suddenly remember the lyrics of one of the songs I love.

Throw it away, forget yesterday
We'll make the great escape
We won't hear a word they say
They don't know us anyway
Watch it burn, let it die
Cause we are finally free tonight.

***

Author's Note:

It's been a while since I had an authors note. I just want to thank you guys for reading this story up to this chapter. This story is far from my usual genre and I have to muster a lot of courage to post this on Wattpad. But you made it all worth it. You have no idea how much your feedback means to me. And for all the Isabelles out there, I wish us to be brave.

Song: The Great Escape by Boys Like Girls.

@april_avery

Continue Reading

You'll Also Like

325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
736K 21.5K 67
▒Warning: This story is mind blowing. Read at your own risk.▒ Angel Fairchild is being friends with Death himself without even knowing it. Si Angel a...
Midnight By :>

Short Story

203K 14K 90
"you somehow look like my ex." [ california chat series #01. ]
235K 15.5K 76
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...