POSSESSIVE 12: Cali Sudalga

By CeCeLib

53.4M 1M 229K

Cali Sudalga got everything. Limited edition luxury cars. Wealth. Money. Yachts. And a very huge mansion that... More

SYNOPSIS
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
Please Read
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
EPILOGUE

CHAPTER 4

1.6M 34.9K 6K
By CeCeLib

CHAPTER 4

NAGISING si Annette sa isang estrangherong kuwarto. Kinakabahan siyang napabalikwas sa malambot na kama, saka inilibot ang tingin sa buong paligid.

Nasaan ako?

Umalis siya sa kama at muntik nang madapa nang masagi niya ang backpack na nasa sahig.

As she looked at the backpack, a memory came crashing back for the last few hours. Nakahinga siya nang maluwang nang maalala kung nasaan siya. Nasa penthouse pala siya ngayon ni Cali Sudalga at katulong siya nito.

Pero bakit siya nasa kama? Ang huli niyang naaalala ay nakatulog siya sa sofa.

Binuhat ba siya ni Cali at pinahiga sa kama? Her heart skipped a beat at that. Pero agad niyang sinaway ang sarili. No. Baka nakalimutan niya lang na pumasok pala siya sa kuwarto at doon nahiga.

Tumango-tango siya bilang pagsang-ayon sa sarili. Tama.

Pinulot niya ang backpack niya, saka inilagay iyon sa closet. Pagkatapos ay humarap muna siya sa salamin at sinuri kung disente ba siyang tingnan bago lumabas ng kuwarto.

Napakagat-labi si Annette nang makarating siya sa sala. The whole penthouse was very silent and very dark. Wala siyang marinig na kahit anong tunog at wala siyang makita. It was creeping her out! Kaya naman mabilis siyang pumihit pabalik sa direksiyon ng kuwarto niya at natatakot na tumakbo.

Pero bago pa siya makarating sa kuwarto, dahil sa kadiliman, bumunggo siya sa isang bulto at nakaramdam siya ng malamig na likido na kumalat sa dibdib niya.

"Fuck!"

Napakurap-kurap si Annette nang marinig ang pamilyar na baritonong boses na 'yon. Agad na nawala ang takot na kanina lang ay nararamdaman niya dahil lang narinig niya ang boses ni Cali.

"Sir Cali?" Hindi niya ito makita dahil madilim. Kumunot ang noo niya nang makarinig ng mga yabag habang sinusubukan pa ring makakita sa dilim. "Sir Cali—"

The light went on.

Nakahinga siya nang maluwang. Salamat naman maliwanag na!

"Why the hell are you awake?" sabi ng iritadong boses ng amo niya.

Mabilis siyang tumayo, saka humarap sa pinanggalingan ng boses. Nakatayo si Cali sa tabi ng light switch at may hawak na baso na halos wala nang laman.

Nagbaba siya ng tingin sa basa niyang dibdib. Ang laman ba niyon ang bumasa sa kanya?

"I'm asking you, Annette, bakit gising ka pa?" Halatang iritado ito.

"Ahm." Tumikhim siya. "Kasi... nagising ako."

"Obviously." May sarkasmo sa boses nito. "Kaya nga nakatayo ka diyan, 'di ba, kasi nagising ka? Ang tanong ko, bakit gising ka?"

"Ahm, kasi, nagising nga ako." Pasimple siyang napangiwi nang makitang pinukol siya nito ng masamang tingin. Mabilis naman niyang dinagdagan ang sinabi. "Ahm, lumabas ako sa kuwarto ko dahil..." Bakit nga ba lumabas siya? "Basta. Lumabas ako, 'tapos ang dilim sa sala kaya tumakbo ako dahil natakot ako, 'tapos nabunggo kita. Pasensiya na, Sir Cali."

Lumambot ang ekspresyon ng mukha nito. "You're still afraid of the dark," bulong nito kaya hindi siya sigurado kung tama ang pagkakarinig niya.

"Pasensiya na talaga, Sir Cali." Pinagsiklop niya ang mga kamay. "Kukunan ko na lang ho kayo ng tubig."

Bumaba ang tingin ng lalaki sa basong hawak at mukhang ngayon lang nito napansin na halos wala na iyong laman. Pagkatapos ay tumingin ito sa kanya. Kapagkuwan ay bumaba ang sa dibdib niyang basa.

Alam naman ni Annette na ang basa ang tinitingnan ni Cali pero hindi niya maiwasang mamula ang pisngi dahil pakiramdam niya ay sa mayayaman niyang dibdib ito nakatingin. Hindi rin nakakatulong ang nakikita niyang emosyon sa mga mata nito na alam niyang guni-guni lang niya.

Why would Cali Sudalga look at her breasts with lust? Yep! Just her freaking imagination! Hindi mangyayari 'yon.

"Sir Cali?" pukaw niya sa lalaki na nakatitig pa rin sa dibdib niya.

Bigla itong tumikhim, saka nag-iwas ng tingin. "Magbihis ka na. Ako na lang ang kukuha ng tubig."

"Yes, Sir."

"May pagkain din sa fridge. Dala ko kaninang umuwi ako. Initin mo na lang kung nagugutom ka," dagdag nito.

Tumango siya, saka dali-daling bumalik sa kuwarto niya.

Pagkatapos magbihis, lumabas siya ng kanyang kuwarto at nagpasalamat na bukas pa ang mga ilaw. Mabilis siyang nagtungo sa kusina para kumain dahil naririnig niyang nag-aalburuto na ang tiyan niya.

Nang makapasok sa kusina, natigilan siya nang makita si Cali na nakapamaywang at nakaharap sa microwave na parang may hinihintay.

"Sir—"

"I told you to call me Cali, didn't I?" sansala nito sa iba pa niyang sasabihin.

Mariin niyang itinikom ang bibig, saka nagsalita. "Oo."

"So cut the Sir and just call me Cali." Bumaling ito sa kanya. "Mahirap bang gawin 'yon, Annette?"

Umiling siya at parang nahihipnotismong napatitig sa berde nitong mga mata. God. His eyes were beautiful. She could stare at his deep green eyes the whole day.

"Kumain ka na."

Biglang napakurap-kurap si Annette at nagbaba ng tingin. Baka napansin nitong nakatitig lang siya. Nakakahiya 'yon!

"Ininit ko na ang hapunan mo. Ang bagal mo kasing kumilos, eh."

Nakakahiya! "Salamat."

Tumango lang ito, saka inilapag sa mesa ang ininit na sinigang na baboy. Bigla siyang naglaway. It was her favorite!

"Salamat uli." Tipid niyang nginitian si Cali, saka kumuha ng pinggan at naglagay ng kanina do'n. Pagkatapos ay inilapag niya ang pinggang may kanin. Kumuha siya ng kutsara at tinidor, saka umupo at maganang kumain.

Sarap na sarap si Annette sa sinigang na baboy nang mapansin niyang hindi pa pala nakaalis si Cali. At nang mag-angat siya ng tingin, nahuli niyang titig na titig ito sa kanya.

Tumibok nang mabilis ang puso niya sa uri ng pagkakatitig ng lalaki.

"Ahm..." Nag-aalinlangan siya pero sinubukan pa rin niya. "Gusto mong kumain?"

Parang natauhan si Cali nang marinig ang boses at tanong niya dahil napakurap-kurap ito, saka umiling. "Kumain na ako."

"Sigurado ka, ayaw mong kumain?" Nginitian niya ito, saka iminuwestra ang kamay sa sinigang na baboy. "Marami pa naman ang ulam, eh. Kain ka na lang uli. Sabayan mo ako."

An emotion crossed his eyes. Hindi niya lang mapangalanan kung ano 'yon.

"Sige."

Lumapad ang ngiti niya. "Kakain ka? Talaga?"

Tumango ito, saka umupo sa kaharap niyang upuan.

Natutuwang tumayo si Anettte, saka kumuha ng pinggan at nilagyan iyon ng kanin. Maingat niya iyong inilapag sa harap ni Cali. "Hayan na." Hindi niya alam kung bakit nag-uumapaw ang kasiyahan niya sa isiping sabay silang kakain ni Cali. "Heto ang ulam, o."

Umupo na rin siya at itinuloy ang pagkain. Kung magana siya kaninang kumain, mas dumoble ang gana niya ngayong sabay silang kumakain ni Cali.

Pareho sila walang imik habang kumakain. Pareho silang magana. Hanggang sa matapos silang kumain, wala silang imikang dalawa.

Mahina siyang natawa nang marinig niyang dumighay si Cali.

"God, I'm full," sabi nito, saka hinimas ang tiyan.

Sinalinan niya ito ng tubig sa baso. "Drink."

Agad naman itong uminom, saka napatingin sa kanya. "Thanks."

"Para saan?" nagtatakang tanong ni Annette.

"For the meal."

"Ikaw naman ang bumili, eh. Kaya ang sarili mo ang pasalamatan mo." Tumayo na siya para iligpit ang pinagkainan nila. Dinala niya iyon sa lababo. "Sige na, Sir Cali, ako na ang bahala rito."

"Hindi naman 'yong pagkain ang pinapasalamatan ko," wika ni Cali.

Natigilan siya, saka napabaling dito. "Eh, ano?"

"It been two years since I enjoyed a meal with someone." Matiim itong nakatitig sa kanya. "Thanks for that."

Her heart never stopped beating so darn fast. "Welcome."

Tumango si Cali, saka tumayo at umalis ng kusina. Siya naman ay napahawak sa lababo at sinapo ang dibdib kung nasaan ang puso niya na sobrang bilis ang tibok.

"Good God." Mariin niyang ipinikit ang mga mata. "Ano ba itong nararamdaman ko?" Minasahe niya ang dibdib na para bang sa pamamagitan niyon ay mawawala ang kakaibang mabilis na pagtibok ng puso niya. "Stop beating so fast. Masasaktan ka lang."

Huminga muna siya nang malalim bago bumalik sa paghuhugas ng pinggan.



PAGKATAPOS linisin ni Annette ang kusina, pumunta siya sa sala para doon maghintay ng antok. Kagigising pa lang niya kasi kaya siguradong mamaya pa siya aantukin uli.

Kaya naman binuksan na lang niya ang TV, saka kumportableng umupo sa mahabang sofa. Naghanap siya ng magandang channel hanggang sa tumigil siya sa Star Movies. Guwapo kasi ang bidang lalaki kaya pinanood niya.

Habang patagal nang patagal ang pelikulang pinapanood, naiintindihan niya ang tema ng buong kuwento. May amnesia ang babae at 'yong guwapong lalaki na nagki-claim na asawa nito ay ginagawa ang lahat para makuha uli ang pag-ibig ng asawa na nakalimutan na ito.

Malungkot siyang ngumiti. Ang suwerte naman ng babae sa pelikula, ang guwapo ng asawa at gagawin ang lahat maalala lang ang pag-iibigan ng mga ito. Pero nakakalungkot dahil sa pelikula lang nangyayari ang mga ganoon. Sa totong buhay, kapag nawala ang alaala mo, tiyak na iiwan ka ng asawa mo at maghahanap ng iba.

That's real life. Because reality sucks. Big time.

Naiinis na pinatay ni Annette ang TV, saka nakasimangot na niyakap ang throw pillow.

"Bakit mo pinatay?" sabi ng boses sa likuran niya.

Napaigtad siya sa gulat at nasapo ang dibdib. "Huwag ka ngang manggugulat!" inis niyang sabi kay Cali na walang imik palang nakatayo sa likuran niya.

"I was watching," sabi nito.

"Pangit naman 'yon," sabi niya, saka humalukipkip.

"Paanong pangit?" Umupo ito sa mahabang sofa, sa tabi niya, saka binuksan uli ang TV. "Let's finish the movie. Hindi pa rin naman ako inaantok."

Walang nagawa si Annette kundi ang hayaan si Cali. Pag-aari nito ang bahay at lahat ng kagamitan do'n kaya nanahimik na lang siya at napipilitang pinanood ang pelikula.

At dahil siguro hindi niya gusto ang pinapanood, agad siyang dinalaw ng antok. Pero sa halip na tumayo at pumunta sa kuwarto niya, parang may sariling isip ang kanyang ulo na humilig sa balikat ni Cali.

She fell asleep on Cali's shoulder while he was watching. She felt comfortable with him, na para bang normal na niyang ginagawa iyon araw-araw.

Nagising ang natutulog na diwa ni Annette nang maramdamang parang may mainit at malambot na bagay na lumapat sa mga labi niya. Nang imulat niya ang mga mata, nakahiga na siya sa kama at nahuli niyang nakatitig sa kanya si Cali. Gahibla na lang ang pagitan ng mga labi nila, maghahalikan na sila.

"Matulog ka na uli," pabulong na sabi ni Cali. Tumatama sa mukha niya ang mabango nitong hininga habang nagsasalita. "Binuhat na kita at inilipat dito sa kuwarto mo."

Siguro dahil inaantok pa, hindi siya makaramdam ng hiya sa mga sandaling 'yon kahit pa napakalapit ng mga labi nito sa mga labi niya. "Binuhat mo ba ako kanina?" she asked, her eyes half-open.

Tumango si Cali. At dahil sa pagtango nito, nasagi ng mg labi nito ang mga labi niya at naghatid iyon ng kakaibang kuryente sa kanyang katawan. At hindi niya alam kung epekto iyon ng antok pero gusto niyang masagi uli ng mga labi niya ang mga labi nito. Kaya naman masuyo niyang inialapat ang mga labi sa mga labi ng lalaki.

Annette sighed in contentment as her lips and Cali's met. Dahil sa simpleng halik na 'yon, parang nabuo ang pira-piraso niyang nakaraan. She felt complete because of the simple meeting of their lips.

Then she heard Cali groaned like he was in pain. Bibigyang distansiya na sana niya ang kanilang mga labi nang mariin siya nitong hinalikan na parang uhaw na manlalakbay sa disyerto. At nasa mga labi niya ang makakapawi sa uhaw na nararamdaman nito.

Cali kissed her fervently, senselessly, and roughly. Para itong sabik sa halik na buong-puso naman niyang tinugon. She kissed her back with equal ferocity. Hindi niya mapigilan ang daing na kumakawala sa bibig niya tuwing kakagatin nito ang pang-ibaba niyang labi at sisipsipin.

Annette's body was burning. She could feel her body came alive because of that kiss. Nakayakap na siya sa leeg ni Cali habang mapusok at mainit pa rin silang naghahalikan.

She was about to slip her hand inside his shirt when everything faded, and she woke up gasping for air. Mabilis na dumapo ang kamay niya sa kanyang mga labi kung saan nararamdaman pa niya ang halik na pinagsaluhan nila ni Cali.

It felt so real. But it was just a dream.

Marahas niyang pinilig ang ulo. Bakit ba ganoon ang panaginip niya? Isang araw pa lang siya sa penthouse ni Cali pero pati sa panaginip, pinagnanasaan niya ito.

My God!

Mabilis siyang umalis sa kama at pumasok sa banyo, saka naghilamos. Her dream was so very vivid dream that still lingered on her mind. Kumakapit iyon sa memorya niya at hindi mawala-wala.

Marahas siyang napailing, saka lumabas ng kuwarto. Natigilan siya nang makitang bukas ang pinto patungong balkonahe at naroon si Cali, nakatayo, sumisimsim ng kape habang nakatingin sa bukang-liwayway.

"G-good m-morning." Parang nanginginig ang boses niya kaya naman mabilis siyang tumikhim at binati uli ang lalaki. "Good morning."

Agad naman itong humarap sa kanya at tinitigan siya. Kapagkuwan ay bumaba ang mga mata sa bahagya niyang nakaawang na mga labi. An unknown emotion crossed his eyes and slowly, a smile appeared on his sexy lips. "Good morning, Annette."


CECELIB | C.C.

Continue Reading

You'll Also Like

168K 7.6K 75
A college girl who jumped on the rooftop of a high-rise building suddenly transmigrated to a world where war and power are twins of survival. There s...
21.7M 1.1M 47
World-renowned chef Thorn Calderon is already prepared to be single for the rest of his life. But plans change when his parents set him up through an...
47.2M 1M 51
Iris Gonzaga-Racini had made peace with her unusual life. Married, but miserable and lonely, Iris vowed to live life to the fullest. When she is invi...
128K 6K 74
"OH MY GOSH SINO KA?! Bakit mo ko ginagaya! Hoy!" Gulong gulo ang isip ko habang nakatingin sa lalakeng nasa harapan ko. Bawat buka ng bibig ko ay na...