My Fiancé Since Birth(Complet...

By kagome_Annah

9M 136K 7.9K

Van o Vincent? Hindi malaman ni Alex kung sino sa dalawa ang kanyang pipiliin. Si Van na fiance nya mula nan... More

My Fiancé Since Birth<3
One
Two
Three
Four
Five
Six
Seven
Eight
Nine
Ten
Eleven
Twelve
Thirteen
Fourteen
Fifteen
Sixteen
Seventeen
Eighteen
Nineteen
Twenty
Twenty one
Twenty two
Twenty three
Twenty Four
Twenty five
Twenty Six
Twenty Seven
Twenty Eight
Twenty Nine
Thirty
Thirty One
Thirty Three
Thirty Four
Thirty Five
Thirty Six
Thirty Seven
Thirty Eight
Thirty Nine
Forty
Extra one: Confirm: Mamamatay na ako!
Extra Two: Maghiwalay na kayo!
Extra Three: Ang Parusa at Premyo
Extra Four: Average Girl
Extra Five: Tiwala
Extra Six: Game on
Extra Seven: Maghiwalay na tayo!
Extra Eight: VAN hindi excited maging daddy?
Extra Nine: Paglilihi
Pinakahuling Extra: Katapusan

Thirty Two

162K 2.5K 57
By kagome_Annah

×÷·.·'¯'·)» Thirty Two «(·'¯'·.·÷×

Day 8

Vincent POV

♬ ♩ ♭ ♪Dahil manhid ka , manhid ka.

Walang pakiramdam.

O kay manhid ka, manhid ka.

Puro deadma ka na lang .

Bet na bet pa naman kita.

Laman din ako ng tiyan.

Syoga kaba talaga o manhid ka.♬ ♩ ♭ ♪

I am watching Manhid ka music video in youtube.. Ang ringback tone ng cellphone ni Xandra na akala ng mga kaibigan ko ay sa akin..Nacurious ako sa kantang iyon. So hinanap ko sa youtube.

I smirked . So ito pala iyon? Masasabi ko na maganda .

Kaya lang kung isang lalaki na may badboy image ang gagamit ng ganitong ringback tone at maririnig ko pagtinawagan ko sya , magtatawa rin ako. Kagaya ng mga kaibigan ko.

Dingdong!

Tumayo ako para buksan ang pinto.

"Hey ! 'Pre , Musta na?" bati sa akin ni Matheo pagkabukas ko ng pinto. Magkakasama silang apat. Nasalikuran nya sina Tommy, Caden at Ian. Bahagya nya akong sinuntok sa braso.

"Ouch! " nakangiwing naibulalas ko.

Nagulat sila . Kita sa mga mukha nila ang pagtataka. Alam ko na alam nila na mahina lang naman ang ibinigay na suntok sa akin ni Matheo .

"Kung makareact wagas ah. Napano ka?" tanong ni Tommy. Nakaupo na sila sa sofa . Si Caden dumeretso sa kitchen. Paniguradong magkakalkal na naman sya ng makakain sa ref.

" Medyo masakit lang ang katawan ko" sagot ko sa tanong ni Tommy. Umupo ako sa sofa.

"Medyo lang? Sa tingin ko 'Pre malala ang nangyari sa iyon" komento ni Ian. Nakatingin sya ng mariin sa aking mga mata. Iniwas ko ang tingin ko sa kanya.

" Bakit ka nga pala absent ngayon? At anong nangyari sa date nyo ni Alex?" tanong naman ni Matheo. Hmnnn. Kaya siguro sila pumunta dito para tanungin ako sa nangyari kahapon? Tsismoso talaga itong mga lalaking ito.

Nakatingin sila sa akin. Hinihintay nila ang sasabihin ko. Sa tingin ko interesado silang malaman ang nangyari sa date namin. Bakit kaya?

"Bwahahahhahaha!" hindi ko napigilang tawa ko. Binato ako ng sapatos ni Ian. Buti na lang nakailag ako kaya lang sa biglaang galaw ko sumakit ng bahagya ang aking tagiliran.

"Magsasalita ka ba o madadagdagan iyang sakit ng katawan mo?" Banta ni Caden sa akin. Nakabalik na sya galing kitchen at hinakot nya lang naman ang mga chips at beer na nakita nya doon. Nilapag nya iyon sa center table.

"Kwento na " sabi naman ni Tommy. Inaabot nya sa akin ang isang beer na nasa can. Pero tinanggihan ko sya. Ayaw kong uminom ngayon. Walang dahilan para magpakalasing ako .

" Tumawag sya sa akin ng six ng umaga, sinundo ko sya ,ipinakilala niya ako kay Inday at sa parents nya at pinakain nila ako ng breakfast. Nagsalin sya ng pagkain sa plato ko ng marami . Sabi nga ni Xander na kasya na iyon sa limang construction workers. Pinilit kong ubusin iyon kasi ayaw ko syang mapahiya sa pamilya na. Pinigilan kasi sya ng Mommy nya nang maglagay sya ng marami sa pinggan ko. Halos pumutok na sa daming nakain ko ang aking tyan. Umalis kami after kumain. Pumunta kami sa Baclaran church para doon magsimba. Kahit malayo pumayag ako kasi masmalayo masmahaba ang biyahe. It means matagal ko syang makakasama" putol ko sa kwento ko. Nakatulala sila. Para silang mga batang nakikinig sa kwento ni Lola Basyang. Nakakatawa silang apat.

Tumayo ako para kumuha ng tubig sa kusina. Nauhaw ako sa kwento ko.

"Hoy 'Pre 'wag mo kaming bitinin!" sigaw ni Ian.

"Water break muna!" balik na sigaw ko naman. Tinagalan ko ang pagkuha ko ng tubig at pag-inom para mainis sila.

"O tuloy mo na" wika ni Matheo pagkaupong pagkaupo ko sa sofa.

"Ayon habang nagbyabyahe kami tinanong nya ako kung pwede syang magpatogtog ng music, pumayag ako. Nagpatogtog sya ng isang rap song---".

"Teka lang 'pre. Rap song ? Pumayag ka?" singit na tanong ni Tommy. Alam nilang hindi ako mahilig sa rap song.

Uminom muna ako ng tubig then tumango.

"Anong rap song iyon?" follow-up na tanong nya.

" Ah ito yung song" sabi ko tapos lumunok ako. Sinimulan kong kumanta.

♫♪Here comes the storm rushin' in,

Don't care what other people say

Livin' everyday the hiphop life,

WE DON'T DIE WE MULTIPLY...

You tryin' to quit cuz the love is gone,

Without music I'm feelin' all alone

Livin' everyday the hiphop life,

WE DON'T DIE WE MULTIPLY...♫♪

"Wow 'Pre kabisado mo agad?" sabi ni Matheo habang tumatawa. "Sabagay sa utak na mayroon ka talagang makakabisado mo iyon" napapailing na sagot nya sa sarili nyang tanong. . " Ayaw kong mapunta sa ganoong sitwasyon ng mga oras na iyon kahit na kasama ko pa ang taong mahal na mahal ko" palatak nya. Parang hindik na hindik sya sa nangyari sa akin habang naririnig ko ang rap song na iyon .

Tawa naman ng tawa sina Caden.

"Galing mo palang kumanta ng rap song" puri ni Ian pero alam ko na inaasar nya ako.

"Seriously 'Pre , anong pakiramdam?" tanong ni Caden.

Napahawak ako sa ulo ko. "Noong una nakakaasar parang gusto kong sirain yung cd. "

"Cd? Saan galing ?" tanong ni Tommy.

"CD. May dalang cd si Xandra. Buong cd yun lang ang lamang kanta. Ang haba. Ito pa nilakasan nya then sinabayan nya pa ang kanta. " napapangiting kwento ko. Naaaalala ko pa sya habang sinasabayan nya ang rap song na iyon. Nakakatuwa sya. " Kaya kahit ayaw ko ng rap song nagustuhan ko na rin kasi sinasabayan nya."

"Bwahahahaha!" sabay-sabay na tawa nila.

"Kwento pa" sabi ni Tommy habang kumakain sya ng chips.

"Teka lang magpapadeliver muna ako ng pizza. Mahaba-habang usapan ito" pigil naman ni Caden. Pagdating talaga sa pagkain parang may alagang sawa itong si Caden. Reregaluhan ko ito ng pangpurga sa Pasko.

"Okay tuloy ang kwento" si Caden uli. Tapos na syang tumawag sa Yellow Cab.

"Nagsimba na kami sa Baclaran Church after doon nagtingin-itngin kami ng mga tinda sa bangketa" patuloy ko.

"Wait! Nagawa ka nyang sumama sa kanyang magtingin-tingin sa bangketa?" nagdududang tanong ni Ian. Hindi sya makapaniwala. " Sa tanang buhay mo na walang ibang pinupuntahan para magshopping kundi ang mga mall lang , nagawa nyang palakarin doon?" Bakit ba hindi sya makapaniwala? Ganoon ba ako kaarte at sa tingin nya hindi ko iyon magagawa?

Tumango ako " Yes! Bakit ba parang duda ka?" inis na tanong ko.

"Ikaw kasi ang kahuli-hulihang taong maiimagine ko na pupunta sa ganoong lugar. I wanted to congratulate Alex for that. Napagawa nya sa iyo ang isang bagay na hindi mo pa nagawa kahit kailan" palatak nya.

"Tuloy ang kwento" hirit ni Tommy. Mukhang nag-eenjoy silang masyado . Sarap ng buhay nila ah. May pakain at inom na tapos ginagawa pa nila akong taga kwento. Sarap ihagis nila sa bintana.

"Tanong kayo ng tanong. Makinig na lang kasi kayo para matapos akong magkwento kaagad" asar na sabi ko. Paano ako matatapos kung sisingit sila lagi?

"Sige na ipagpatuloy mo na 'Pre' sabi ni Caden.

"Ayun nga nagtingin-tingin kami tapos gutom na daw sya. Niyaya nya akong kumain.'

"Huhulaan ko sa fastfood kayo kumain no?" laking ngiti ni Tommy. Akala nya tama sya.

Umiling ako. Walang nagsasalita sa kanila . Parang nag-aantay sila na pumutok ang isang time bomb sa expression ng mga mukha nila.

"Kumain kami sa karenderia' sabi ko.

"Karenderia" gulat na gulat sila. Nakakatawa sila. Parang ang narinig nila ay pareho ng balitang mayroong isang lalaking na nganak ng triplets. Impossible bang kumain ako sa karenderia? Aaminin ko ayaw ko talagang kumain doon pero mapilit si Xandra so wala na akong nagawa.

"Malala ka na 'Pre. Kumain ka sa karenderia?" hindi makapaniwalang tanong ni Matheo.

"Alam nyo pagnagmahal kayo sa isang tao pagnagrequest ang taong iyon. Kahit ayaw nyo ,gagawin nyo parin para mapasaya sya" paliwanag ko. Gusto kong ipaintindi sa kanila na kaya ko nagawa ang mga bagay na sa akala nila ay hindi ko magagawa dahil si Xandra ang kasama ko ng mga oras na iyon at ayaw ko sayang madisappoint sa akin. Buong puso kong pinagbigyan sya kasi mahal ko sya. Korni pero iyon ang totoo.

" Ang korni mo! In love ka na nga!" nagpipigil ng tawang sabi ni Matheo.

" Ang saya ng date nyo ah!' sabi ni Ian.

"Anong sumunod na nangyari?" interesadong tanong ni Tommy.

Magsasalita na sana ako nang may magdoorbell. Tumayo si Caden para tingnan kong sino ang nagdoorbell. Pagbalik nya dala nya na ang tatlong box ng pizza.

Inilapag nya , nagkuhanan sila at nagsipagkainan. Kumuha din ako ng isang slice at kinain.

"Ituloy mo na" sabi naman ni Matheo habang kumakain.

"Sa karenderia habang inaantay namin ang pagkain ,hiniram nya ang iphone ko kasi maglalaro daw sya ng games. Pinahiram ko sa kanya tapos sabi nya sagutin ko daw ang tawag sa cellphone nya. Inabot nya sa akin ang kanyang 3210 na model ng cellphone . "

"3210 hahahahahah! Mayroon pa pala non?" hindi makapaniwalang tanong ni Ian.

Tumango ako. " Iyon ang time na nagsipagtawagan kayo. Kaya nililiwanag ko lang hindi ko cellphone iyon" tiningnan ko sila ng masama.

"Weh. Nagtext ka kaya na tawagan ka namin sa number na iyon" ang kulit nitong si Tommy. Sinabi ko nang kay Xandra iyong phone.

"Kulit mo kay Xandra nga iyon diba?" pinandilatan ko sya. Natameme naman sya.

"O anong nangyari pa?" naiinis na ako sa kanila . Gusto ko nang matapos ang kwento ko pero singit sila ng singit.

"Napagkalaman ng isang gay na cellphone ko iyon at binigyan nya ako ng number nya, sabi nya bibigyan nya daw ako ng iphone" pagnaalala ko ang baklang iyon parang gusto ko syang ipasalvage. Anong akala nya sa akin?

Kulang na lang gumulong sila sa tawa nila . Sobrang saya ng mga unggoy na ito ah. Ginagawa nila akong katatawana. Kung hindi ko lang talaga sila kaibigan.

"Pero sinabi ni Xandra na sa kanya daw ako kaya umalis na ang gay" pagnaiisip ko iyon nawawala lahat ng pagkainis ko. Xandra became possessive to me and I like it. Ang hot nya ng time na iyon.

"Ows di nga?" tanong na naman ni Matheo.

Tumango ako pinipigilan kong mapangiti.

"Then pumunta kami sa zoo. May sorpresa daw sya sa akin. Nilagyan nya ng takip ang mata ko. Then pinaupo nya ako. Naramdaman ko na may ipinatong sa balikat ko na medyo malamig at mabigat. Nang tinaggal nya ang piring ko ay napamura akong bigla" napainom ako ng tubig,. Ayaw ko sanang ikuwento ang part na ito kasi nakakahiya. kahit matagal na kaming magkakaibigan nakakahiya parin ikuwento. Kaya lang nandito na eh kaya sasabihin ko na rin.

"Go on" hikayat ni Caden.

" Nilagyan lang naman nila ng malaking sawa ang balikat ko" hindik na kwento ko. Worst kong kinatatakutan sa lahat ay ang ahas. Pakiramdam ko mahihimatay ako sa takot ng mga oras na iyon. " Ang laki 'Pre . Nakakatakot ang ahas. Pakiramdam ko nanigas ako sa takot. Nawala ang pagka badboy ko. After sa zoo nagpunta kami sa boxing gym ng auncle nya. Kasi nakaschedule daw syang magtraining ng araw na iyon. Sumama ako sa kanya. Kaya lang wala ang sparring partner nya kaya nagvolunteer ako. Nang nasa ring na kami hindi ko magawang saktan sya , kaya ang nangyari ako ang nabugbog." tapos ko sa kwento ko.

"Tsk!Tsk!' palatak ni Caden. "Di ba sinabihan na kitang mag-iingat ka" napatitig ako sa kanya. So may ibig sabihin pala ang sinabi nya? Pati ang mommy ni Xandra sinabihan din nya ako. Bakit kaya? May alam ba sila na hindi ko alam?

"So masakit ang katawan mo dahil nabugbog ka ni Alex? Kaya ba absent ka?" tanong ni Matheo.

Ayaw ko mang aminin pero iyon ang totoo. "Yap." sagot ko.

" 'Pre may dahilan si Alex" biglang naibulalas ni Tommy. Tiningnan sya ng masama nina Caden kaya bigla syang nanahimik.

Anong sinasabi ni Tommy na dahilan ni Xandra? Bakit parang may itinatago sila sa akin?

"Well ang importante naging masaya ka naman diba?" komento ni Ian.

Napangiti ako. Naisip ko ang paghalik ko kay Xandra. Sarap ng labi nya. Gusto kong ulitin iyon. Ilang days na lang malalaman nya na. Three more days birthday nya na. Magiging open na din sa kanya na ako si Van.

"Hoy 'Pre tama na iyang pagdadaydream mo'" buska ni Caden. Medyo natatawa pa sya.

" Seryoso 'Pre. Anong gagawin mo sa birthday ni Alex? Sa Friday na iyon diba?" seryoso ngang tanong ni Matheo.

" I will give her a fairy tale birthday party. Si Sandra ang nag-ayos ng party. Maayos na ang lahat.. Sana magustuhan nya." hopeful na sabi ko. I wanted that day to be a memorable day for her.

" Sana hindi sya magalit sa oras na ipagtapat mo kung sino ka talaga" malungkot na sabi ni Matheo. "If ever na magalit sya tatanggapin mo ba ng maluwag? Eh di ba ayaw na nyang maengaged sa iyo?

Napabugtong hininga ako. Hindi ko yata kayang magalit sya sa akin. 'Yung ginawa nya na pagbalik ng mga ibinigay ko sa kanya ay parang sinaksak na ako sa puso sa sakit.

"Sana nga hindi sya magalit pagnalaman na nya ang totoo. Sa nakita kong reaksyon nya sa akin kahapon ramdam ko na may nararamdaman na sya sa akin kahit kunti. At pinanhahawakan ko iyon. If she got mad I'll do everything for her forgiveness." Inaamin ko natatakot ako sa oras na iyon kaya lang kailangan na nyang malaman. Ayaw ko na rin namang magtago ng sekreto sa kanya.

" BTW kamusta sya? Kasabay nyo ba syang kumain kanina?" tanong ko. Tama na muna ang tungkol sa pagrereveal ng pagkatao ko dahil ayaw ko munang makaramdam ng takot sa ngayon. Masaya ako sa nangyari kahapon at gusto ko ang pakiramdam na iyon.

"Absent din sya kanina" sagot ni Ian.

"Why?" nag-aalalang tanong ko.

Nagkibit balikat lang sila . Wala ba silang idea kung bakit?

I got my iphone then I dialed her number. I wanted to know why.

♬ ♩ ♭ ♪Dahil manhid ka , manhid ka.

Walang pakiramdam.

O kay manhid ka, manhid ka.

Puro deadma ka na lang .

Bet na bet pa naman kita.

Laman din ako ng tiyan.

Syoga kaba talaga o manhid ka.♬ ♩ ♭ ♪

So Manhid ka nga ang ringback nya? Napangiti ako.

"Hello!" her happy voice greeted me.

" Bakit absent ka ngayong araw?" I asked.

"Well hello to me too" sarcastic na sabi nya. Napangiti ako. " Ikaw din naman ah" sabi nya ,alam ko nakanguso sya. Oh God I wanted to kiss that sweet mouth of her. Nagiging pervert na ata ako.

"Tsk!Tsk!I asked you first" palatak ko.

Tumawa sya ng mahina " Busy eh" maikling sagot nya.

"Busy?" ulit ko. Gusto kong malaman kung saan sya busy.

"Hindi ko sasabihin sa iyo Mr. Nahm. It's a secret" aniya.

Fvck! Secret? Bakit ba nauso ang secret na iyan? May secret ako tapos may secret din sya. Anong laban ko don?

"But soon you will know. It's a promise. Bye Mr. Nahm" dagdag nyang sabi then she ended the call before I could say anything.

Pakiramdam ko lumundag ang puso ko nang makausap ko sya. Boses nya pa lang nagpasirkosirko na at gustong lumabas sa dibdib ko. Ganito rin kaya ang nararamdaman nya pagkasama at kausap nya ako? I hope talaga na mangibabaw ang pagmamahal nya kaysa sa galit. Pero nagawa ko bang mahalin nya na ako? Sabi ni Aria inlove daw si Xandra. Sa akin kaya? I am in a deep thought.

After kong magmuni-muni. Napatingin ako sa mga kaibigan ko.

Nakatingin din sila sa akin. Mariin ang pagkakatingin nila.Para akong isang abstract painting na inaalam nila ang meaning.

"Vincent ! You're effin in love and it really suck! I hate you man!" disgusted na bulalas ni Ian.

Tinaponan ko sila ng nakamamatay na tingin.Pero naiintindihan ko sila .Soon they would also feel this magical feelings na nararamdaman ko at iyon ang oras na pagtatawanan ko naman sila.

*****************

Salamat sa pagbasa mo.

vote and comment are I highly appreciated.

Annah

Continue Reading

You'll Also Like

1.1M 25.6K 37
Apple, a school journalist who is tasked to get an interview with with the tennis player who recently won a competition- August. She thought that it...
5M 78.1K 62
(COMPLETED) NO COMPILATIONS | NO SOFTCOPIES What will you do if you found out that you are soon to be engage? Engage with someone you don't know. Th...
3.6M 75.4K 76
Book 2 of CIMTAG! Before reading this please read book 1 as not to create confusion :) Thank You. Copyright. 2016
1.2M 13.1K 50
Losing the one she loves the most, Euphy Maniego agreed to marry someone her parent wants for her. But when she finally accepts the fact that she'll...