The Scorned Lover

By greatfairy

2.8M 70.6K 4.8K

Now a published book under Lifebooks. Available in bookstores nationwide! It takes a second to read the word... More

GOLD REIGN MIJARES
Overview
TSL 1: Jollibee
TSL 2: Viral
TSL 3: Dare
TSL 4: Serenade
TSL 5: Deposit
TSL 6: Date
TSL 7: Chase
TSL 9: Surname
TSL 10: Kiss
TSL 11: Tricked
TSL 12: Party
TSL 13: Amiss
TSL 14: Revenge
TSL 15: Coincidence
TSL 16: Distant
TSL 17: Vivid
TSL 18: Wrath
TSL 19: Done
TSL 20: No One Else
Ikalawang Yugto
TSL 21: The Truth
TSL 22: Remorse
TSL 23: Mijares
TSL 24: Gaze
TSL 25: Goodbye
TSL 26: Gone
TSL 27: Dream
TSL 28: Boyfriend
TSL 29: Condition
TSL 30: Finale
Epilogue
Special Chapter

TSL 8: Traditional

71K 2.1K 201
By greatfairy

"BECAUSE it's my job to woo you."

"Waah! Totoo ba 'yong narinig ko Pangga?!" 'di-makapaniwalang tanong ko at sinundan siya. Bigla na lang niya kasi akong iniwan na nakanganga na parang tanga.

"Pangga!" Niyakap ko siya mula sa likod nang maabutan ko siya. Naramdaman kong bahagya siyang nanigas pero bigla niya na lang din akong inihiwalay sa kanyang katawan. Humarap siya sa'kin na mukhang asar na asar.

"Puwede ba, ha?! Tigilan mo na ang pagbubuntot mo sa'kin?! Para kang linta!" gigil na wika niya at napahilamos ng kanyang mukha.

"Puwede ba?! Pansinin mo na ako?! Para kang bato na nagkatawang tao!" gigil kong sagot. Kainis. Ang manhid-manhid niya talaga kahit kailan.

"Damn!"

"Totoo ba 'yong sinabi mo, Pangga? Gusto mo akong ligawan?" tanong ko at hahawakan na sana siya sa kanyang braso pero tinabig niya agad ang kamay ko.

"Ligawan?" Aniya at ngumisi. "Nagpapatawa ka ba? You are hallucinating. I will never woo someone like you." Napasimangot ako sa kanyang sinabi.

"Huwag mo akong gawing bingi, Pangga! Dinig na dinig ko kaya ang sinabi mo!"

"Enough!" Napaatras ako nang makitang mukhang galit na galit na si Pangga. Nasagad ko na yata ang pasensya niya.

"Napupuno na ako sa'yo kaya puwede ba? Lubayan mo na ako? Wala kang mapapala sa'kin. I will never get interested with a random girl who loves to chase a fish in the sea," aniya at tuluyan akong iniwan. Infairness nakakawindang ang sinabi niya ha. Tumagos yata sa hypothalamus gland ko.

Pero... hindi ako susuko. It's too early for me to give up. Sooner or later he will realize my worth. He will realize that he needs me.

Wala akong balak na tigilan siya. Wala din akong pakialam kung stalker ang paningin niya sa'kin. Lahat ng relasyon ay nag-umpisa sa pangkaraniwan at di-pangkaraniwang pangyayari. Nagkataon lang na ako ang unang nakarealize na para kami sa isa't isa. Every love story is both cliché and unique. Cliché kasi darating ang araw na mamahalin niya ako at unique kasi sa hindi inaasahang pagkakataon kami nagkatagpo.

Maraming nagsasabi na ang panahon ngayon ay malayong-malayo sa sinaunang panahon. Ang mga babae raw ay dalagang Pilipina. I have nothing against it. Pero sa panahon ngayon hindi na uso ang pa-demure kasi maiiwan ka. Bakit mo pa hihintaying ligawan ka ng lalaking gusto mo kung kaya mo namang gawin? Paano kung naghihintay ka lang pala sa wala at sa huli ay magsisisi ka kasi nabingwit na siya ng iba?

Bakit kasi naimbento pa ang ideya na ang lalaki dapat ang nanliligaw sa babae? Ang mga lalaki lang ba ang may karapatang ipahayag ang nararamdaman? Paano naman kung hindi gusto ng babae ang nanliligaw sa kanya at binasted niya? Sa huli sisisihin ang babae kasi manhid.

Walang perpektong pag-iibigan sa mundo. Lahat ng magkaibigan, magjowa, at maging mag-asawa ay may kanya-kanyang istorya. Hindi lahat ng love story nagsisimula sa mala-cinderella o sa kung ano pa mang pantasya. In other words, walang perpektong relasyon.

Perfection is merely an idea. The problem is we all wish for it. We are wishing for an ideal and perfect man or woman. We are wishing for a perfect relationship that started from the most perfect time and place. Ironically, we get the total opposite.

Kaya bakit ko susukuan si Pangga? Opportunity knocks but once, sabi nga nila. Kaya hinding-hindi ko hahayaang mapunta siya sa iba.

"Ano na naman ang pumasok sa utak mo at naisipan mong sumama sa'kin sa Negros?" Natigilan ako sa pag-e-extempo ko sa aking utak nang magtanong si Lucicar. Kasalukuyang kaming lulan ng taxi papuntang airport.

"Konti na lang talaga iisipin kong ulyanin ka na Besh! Ilang beses ko ba dapat sabihin sa'yo na may misyon ako do'n?!"

"Ay! Pasensya ha? Hindi mo naman kasi sinabi kung anong misyon ang ibig mong sabihin" sarkastikong sagot niya. Kaya mahal na mahal ko 'tong bestfriend ko eh. Kasi palagi niyang binubuhay ang mga ugat ko sa katawan. Ang gulo niyang kausap at paulit-ulit! Tsk!

"Basta. Malalaman mo lang pagdating natin do'n. Tsaka di ba sabi mo Besh malapit lang kayo sa hacienda nila Pangga?"

"Huwag mong sabihing kaya ka sumama sa'kin para sundan si Bryce," aniya at pinanlakihan ako ng kanyang mga mata. Ginantihan ko lang siya ng ngiting aso na ikinasimangot niya.

Pagkalipas ng ilang minuto ay nakarating na kami ng airport. Talak pa rin ng talak si Lucicar kaya hinayaan ko na lang. Titigil din naman 'yan mamaya pag naubusan na siya ng laway.

"Huwag na huwag kang gagawa ng katangahan do'n. Isipin mong iba ang takbo ng isip ng mga tao doon."

"Okay."

"Huwag kang magpapasosyal."

"Okay."

"Huwag kang pilosopa lalo na sa harap ng mga matatanda---"

"Okay."

"Huwag kang--- Nakikinig ka ba talaga sa mga sinasabi ko, Ginto? Sinasabi ko sa'yo, ibang-iba ang probinsya sa Maynila kaya matuto kang mag-asal na mahinhing babae."

Inikutan ko lang ng mga mata ko si Lucicar. Ang hirap talaga pag nagkaroon ka ng bungangerang bestfriend. Ang sakit niya sa tenga. Tss.

Hindi nagtagal ay nakalapag kami sa Silay International Airport. Hindi masyadong madami ang tao sa arrival area. Ibang-iba nga talaga sa Maynila.

"Oh? Ano pa'ng tinutunganga mo diyan Besh? Tara na!" Natigilan ako sa pagmamasid sa paligid nang tawagin ako ni Lucicar.

"Andyan na ba sundo natin?"

"Huwag kang assuming 'te! Hindi ako mayaman kaya walang sundo!"

Napanganga na lamang ako nang hinatak niya ako papasok sa isang taxi.

"Sa diin ta, Ma'am?"

"Sa bangga Villaceran lang, nong."

Wala akong naiintindihan sa pag-uusap ng driver at ni Besh kaya nanahimik na lang ako. Naaaliw akong tingnan ang maaliwalas na paligid. Maraming nagtatayuang tubo. Siguro mura lang ang asukal dito.

Sana kasing-sweet ng mga tubo na 'yan si Pangga.

Speaking of Pangga, nami-miss ko na talaga siya. Paano kasi ilang araw ko na siyang hindi nakikita sa personal, maliban sa recorded video ng CCTV sa unit niya. Ilang araw na rin kasi siyang gabing-gabi na kung umuwi. Marami yata siyang ginagawa. At nitong huling araw nga ay nabalitaan kong umuwi siya dito sa Negros.

Maya-maya'y tumigil ang taxi sa isang kanto na maraming nakahimpil na pedicab.

"Andito na bahay n'yo, Besh?"

"Hindi. Sasakay tayo ng pedicab."

"Ha? Hindi ba puwedeng dumiretso na lang ang taxi sa harap ng bahay n'yo?"

"Hindi puwede kasi iyon ang kasunduan dito. Bawal pumasok ang mga taxi o jeep, liban na lang kung may private owned kang sasakyan. Para may kabuhayan ang mga pedicab drivers na sakop ng hacienda Villaceran."

Tumango-tango ako sa tinuran ni Besh. Astig pala dito ah. Pagkababa palang namin ng taxi ay may tumawag na agad sa kanya.

"Oy! Lucy, ikaw na ina? Nag-gwapa ka ah!" Masayang wika ng isang matandang pedicab driver na tila manghang-mangha na nakita ang bestfriend ko.

"Ay! Ikaw gali, Nong Nestor! Kumusta kamo di?" ani Besh. Wala naman akong naiintindihan sa sinasabi nila kaya kinuha ko na lang ang gamit ko sa hood ng taxi at nagpasalamat sa taxi driver.

"Mayad man ah, amo man gihapon. Sino ni ang upod mo nga gwapa?" Ani ng matanda at pagkuwa'y pareho nila akong binalingan ng tingin ni Besh.

"Bestfriend ko gali sa Maynila nong, si Gold." Sagot ni Besh at hinawakan ako sa braso. "Besh, si kuya Nestor, kaibigan ng tatay ko."

"Hello po!" Ngumiti ako sa kuya Nestor na sinasabi ni Besh. Ang babait naman ng mga tao dito. Sumakay kami ng pedicab at ang isinakay naman sa isa pang pedicab ang aming mga maleta kasi hindi magkasya sa isang pedicab lang. Patuloy naman sa pag-uusap si Kuya Nestor at Besh, wala naman akong naiintindihan. Napapanganga na lamang ako sa aking nakikita sa aming dinadaanan. Ang daming puno. Tanaw na tanaw din mula dito ang isang napakalaking mansyon sa di kalayuan.

"Timing gid ang pauli mo Lucy, may punsyon na naman sa mansyon." Magiliw na wika na Kuya Nestor habang nagpapapadyak.

"Besh, ano daw?" bulong ko kay Lucicar.

"Tamang-tama daw ang uwi natin kasi may party sa mansyon ng mga Villaceran." Nagningning ang aking mga mata sa sinabi ng bestfriend ko. Mukhang nakikiayon talaga sa akin ang tadhana. Ibig sabihin magkikita na kami ni Pangga in no time!

"Nay! Tay! Ari na 'ko!"

Napatakip ako ng sariling tenga nang sumigaw si Lucicar pagkahimpil ng pedicab sa harap ng isang maliit na bahay. Bungalow ito at maraming bulaklak sa paligid. May balcony rin na gawa sa pawid ang bubong.

"Anak! Wala ka man lang naghambal nga mapuli ka gali!" Lumabas ang isang medyo may edad na babae na may bitbit na sandok. Ito siguro ang nanay ni Besh. Tumawa naman ang bestfriend ko at niyakap ito.

"Surprise Nay! Sa diin si Tatay?"

"Didto sa hacienda, gabulig preparar para sa punsyon. Sin-o ni ang upod mo?"

"Ay siya nga pala Besh, si Nanay Corazon, ang napakaganda kong nanay. Wala rito si Tatay eh, nasa hacienda." "Nay, si Gold, ang kinu-kuwento ko sa'yong bestfriend ko."

"Hello po, Tita Corazon!"

"Naku iha, puwede mo akong tawaging nanay na rin. Palagi kang kinu-kuwento nitong anak ko na tinulungan daw ng pamilya mo ang pag-aaral niya."

"Gano'n ho ba? Salamat po Nay Corazon, hindi naman po ibang tao si Besh sa'kin eh. Kahit hindi niya suportado ang lovelife ko, mahal na mahal ko 'yan." Tumawa naman siya sa sinabi ko.

"Napakabait mo namang bata at napakaganda mo pa. Siguradong pag makita ka ng mga binata dito mahuhumaling sila sa'yo." Ngumiti na lamang ako at nagtulungan kaming ipinasok ang aming mga maleta. Maliit lamang ang bahay nila Lucicar pero presko sa loob kahit walang aircon.

"Mabuti naman at naisipan mong sumama dito sa anak ko para naman makita mo ang pamumuhay namin dito. Masaya dito, anak lalo na at may piging sa mansyon ng mga Villaceran." Ani Nanay Corazon.

"Oo nga po eh, salamat po at tinanggap n'yo ako dito."

Marami pa kaming pinag-usapan ni Nanay Corazon. Kalimitan ay itinanong niya ang buhay namin ni Besh sa Maynila. Only child lang kasi ang bestfriend ko. Tauhan pala ng pamilya ni Pangga ang Tatay niya. Pagkakataon nga naman.

Pagkarating ni Tatay Berting, ang tatay ni Besh ay masaya kaming kumain ng hapunan. Ginataang puso ng saging na may sahog na hipon ang ulam. I really enjoyed it. Sobrang sarap ng timpla ni Nay Corazon.

***

"OH? BA'T ganyan ang suot mo, anak?" tanong ni Tatay Berting pagkalabas ko ng kuwarto namin ni Besh.

"Kailangan po eh, tsaka ito po halos lahat ng damit na dala ko," nakangiting sagot ko. Nakasuot kasi ako ng mint green na Filipiniana gown dahil sasama ako sa kanya sa hacienda ngayon.

"Eh, anak. Wala pa naman ang party eh. At hindi mo naman kailangang magsuot ng ganyan. Maglilibot ka lang naman do'n habang tumutulong ako sa pagsisibak ng kahoy" nag-aalangang wika niya.

"Naku Tay, hindi n'yo ho ako naiintindihan. Tsaka wala naman pong mali sa suot ko di po ba? Disenteng-disente nga eh." Ngumiti ako ngunit napakamot na lamang si Tatay Berting sa kanyang ulo. Hindi na lang din ulit ito nagsalita. Maaga pa kasing umalis sila Besh at Nay Corazon papuntang bayan daw para bumili ng mga preskang gulay.

Malawak na damuhan ang sumalubong sa amin pagkapasok ng hacienda. Ang yaman naman ni Pangga. Sa di kalayuan ay parang nakikita ko ang kuwadra ng mga kabayo kaya lalo akong naexcite.

"Dito ka lang muna, iha, may kukunin lang ako." Tumango ako kay Tatay Berting. "Sige po."

Merong maliit na papag dito na may nakapatong na maliit na palakol. Mukhang dito magsisibak ng kahoy si Kuya Berting na gagamitin para sa pagluluto ng pagkin bukas. Imbitado daw kasi ang buong sakop ng hacienda.

Kinuha ko ang palakol at hinarap ang isang malaking troso ng kahoy. Siguro kailangan ko na ring pag-aralan ang traditional na panliligaw. Baka sakaling ito pa ang paraan para mapasagot ko si Pangga.

Nakaisang sibak palang ako pero parang nawalan ako ng energy. Ang hirap pala nito. Masyadong mabigat ang palakol. Itinaas ko paibabaw ang palakol at akmang ihahampas ulit ng may nagsalita sa likod.

"What the hell are you doing here?!"

Nagulat ako kaya napatalon ako at naibagsak ang palakol, sapol ang hinlalaki ko.

"Aaaaaaaah!" Napasigaw ako sa sobrang sakit.

Yung pakiramdam na parang lalabas ang ihi ko sa sobrang sakit. Siguradong magkakasalingsing ang kuko ko nito.

Tumulo ang aking mga luha kasabay ng pagyakap sa'kin ng mahigpit ni Pangga.

"Shhh... Sorry, sorry, sorry..."

-GREATFAIRY

Continue Reading

You'll Also Like

1.1M 36K 31
(Trope Series # 3) Arielle was contented living her quiet life. She's got a job that pays well, a place to live, eats three times a day, and had frie...
3.6M 63.2K 48
Barkada Series #3: Marco Montello Marco values his privacy so much kaya nga target siya ng media. Pero paano siya iiwas lalo na't may isang tao na na...
1M 32.8K 56
Cyra Lim has been secretly in love with Eli Dasilva for as long as they've been best friends. One problem: Eli is a playboy, and Cyra has resigned he...
1.2M 18.7K 50
Sophia's a hopeless romantic. Ayaw niyang pumasok sa isang relasyon kung hindi naman ito pangmatagalan. At kung papasok man siya sa isang relasyon, d...